vivo Y20i Reviews

Overall Rating

Design 3.4
Portability 3.5
Operability 3.2
Response 3.2
Display 3.2
Listenability 3.2
Battery 3.2
Total 3.3

Please feel free to post your review on this product.

Write a Review

Steffanie Guevarra

  • Review by Steffanie Guevarra
  • Dec 29, 2020
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 1.0
Response 1.0
Display 1.0
Listenability 1.0
Battery 4.0
Total 2.3

Palaging nagfe-freeze!

Nawala ang phone ko nang accidentally kaya nakabili ako nang madalian ng phone na ito. Kaya lang, nung unang araw kaagad eh nag-freeze ito. Kung sakali na nag-oopen ka ng malaking file, hindi mo maoopen yon at mapupunta ka automatic sa home screen. Okay lang ang phone na ito doon sa mga hindi nagse-save ng mga malalaking files, apps, o kaya eh games at ginagamit lang ang phone para sa calls ang text messaging. Hindi ka rin makakapaglaro ng games dito. Kapag nag-install ka ng kahit anong game, hindi maganda ang magiging experience mo. Kapag nag-open ka naman ng camera, palaging nagfe-freese ito. Wala din itong fast charging support. Ang maganda lang sa phone na ito ay ang design nito at ang battery backup. Overall, masasabi kong hindi worth bilhin ang phone na ito kaya mas mabuti pang maghanap na lang kayo ng ibang option.

Good Review

Kelvin James

  • Review by Kelvin James
  • Dec 29, 2020
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 4.0

Unique design

One thing that I like the most about this phone is its unique design. Very nice to touch and one of a kind. The screen has a nice color and just the right amount of brightness. Very easy to navigate even for folks who is not that techy. I'm impressed with the camera and the lightning.

Good Review

Marie Lyn Limbao

  • Review by Marie Lyn Limbao
  • Dec 23, 2020
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 4.0

I don't like the design

Maganda yung white version nito kaso lahat ng store na chineck ko puro white lang sya. Sayang talaga kase black na lang yung binili ko for my mom. Okay naman para kay mama pero yung design is hindi ganun kaayos. Dumihin at madulas sya.

Good Review

Erwin Ramos

  • Review by Erwin Ramos
  • Dec 22, 2020
Design 3.0
Portability 4.0
Operability 3.0
Response 3.0
Display 3.0
Listenability 3.0
Battery 3.0
Total 3.1

May mas better pang iba

Hindi ko inirerecommend ang phone na ito. Yung resolution ng display nito ay 720p lang. Mas maigi pang bumili ng phone na merong resolution na 1080p. Hindi rin okay ang camera nito. Mas maganda pa ang camera ng Redmi Note 9 kesa dito. Ang isang maganda lag dito ay ang 4GB nito na RAM eh merong 64GB na ROM. Maliban dito eh wala na akong makitang magugustuhan ko. Meron pang mga phone na sa parehong price lang eh mas maganda na dito.

Good Review

Marky Constantino

  • Review by Marky Constantino
  • Dec 16, 2020
Design 3.0
Portability 3.0
Operability 3.0
Response 3.0
Display 3.0
Listenability 3.0
Battery 1.0
Total 2.7

Battery sucks!

Okay naman sana ang brand na Vivo noon pero bakit biglang nabago ngayon kasi parang mas pinagtuunan na lang nila ng pansin ang camera at hindi na ang ibang mga features ng phone. Oo nga at maganda ang camera ang phone pero pagdating sa battery ay sobrang worst nito. Palagi akong nag-cha-charge nito kaya hindi talaga maganda ang performance ng battery, Sana ay ma-iimprove din ng Vivo ang battery at ang gaming capabilities ng mga phone nila.

Good Review

Rose Gumnad

  • Review by Rose Gumnad
  • Dec 15, 2020
Design 2.0
Portability 2.0
Operability 2.0
Response 2.0
Display 2.0
Listenability 2.0
Battery 2.0
Total 2.0

Samsung Phones are better

Kung ako ang tatanungin e masyadong mababa ang quality ng phone na to. Mataas ang specs pero sa totoo lang e hindi naman talaga kinakaya ng phone. Mabagal at panget ang resolution. Camera ay hindi din ganun kapulido. Ibang iba pa din talaga sa Samsung.

Good Review

ПΣM

  • Review by ПΣM
  • Dec 13, 2020
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 5.0
Listenability 5.0
Battery 4.0
Total 4.3

really great and very affordable

I find it amazing for having VivoY20i as my next phone choice. Since I really love Vivo the overall specs of this device is all worth it. I'm okay with ita design and performance. The battery is good but sad to say it is a micro USB type port. I love the side fingerprint scanner and also the camera. You better get this guys!

Good Review

Ianee Lee

  • Review by Ianee Lee
  • Nov 27, 2020
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 4.0

Worth naman sa price nya

Ang presyo ng phone na ito ay tama lang sa quality ng phone pero inoobserbahan ko pa rin kung hanggang kelan tatagal ang phone na ito. Dalawang buwan ko nang gamit ito pero wala namang issue so far at nakakapaglaro naman ako ng mga heavy games dito tulad ng pubg at the usual na ML at Call of Duty. Nagagamit ko rin sa mga tasks ko at work. Sana eh talagang tumagal ito sa akin since okay naman ito at nagustuhan ko naman.

Good Review

Frances Saavedra

  • Review by Frances Saavedra
  • Nov 21, 2020
Design 3.0
Portability 3.0
Operability 3.0
Response 3.0
Display 3.0
Listenability 3.0
Battery 3.0
Total 3.0

Pricey naman ito

Dahil sa naglalabas na ang ibang smartphone brand ng mga quad-rear na camera setup sa price na mas affordable kesa dito, hindi ko masasabing marami pa ang magkakagusto sa ganitong phone na dual camera lang at mas mahal pa ang presyo. Kahit na sa battery eh parang hindi ka magiging interesado dahil yung iba eh 6000mAh na ang capacity ng battery. I think mas okay kung magbababa sila ng price ng phone na ito considering na merong iba na mas magaganda pa ang features sa mas mababang halaga.

Good Review

Kirsten Branzuela

  • Review by Kirsten Branzuela
  • Nov 11, 2020
Design 1.0
Portability 1.0
Operability 1.0
Response 1.0
Display 1.0
Listenability 1.0
Battery 1.0
Total 1.0

Trash talaga!

Hindi ba nakakapagtaka na nakikita natin na halos lahat ng mga brands ay binibigay ang the best nila para sa features ng mga phone nila kahit na nasa budget segment lang. Kaso itong Vivo ay parang paurong dahil nagmamahal sila ng presyo tapos hindi naman naglalagay ng mga added features. Isang halimbawa na ay itong Vivo Y201 na meron lang na processor na Snapdragon 400. Sa palagay ko ay hindi naman natin deserve ang ganitong trash na Snapdragon na mabagal na nga eh ang mahal pa. Kahit nga yung mga Infinix at Techno na phone ay naka MediaTek na gaming processor na eh at mas mura lang ang phone nila.

Good Review

Ysabelle Dizon

  • Review by Ysabelle Dizon
  • Oct 28, 2020
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 3.0
Total 3.9

Nice battery life but slow in charging

Tulad ng Y11, plastic din ang build ng phone na ito pero yung frame naman nito ay non-slippery ang finish at glossy ang finish sa likurang panel ng phone. Pero mas solid ang likod nito na aakalain mo ring glass kung hindi mo titingnan mabuti pero polycarbonate lang talaga ito. Sa unang tingin, mukha itong V19 Neo kung hindi mo pa napapansin ang rectangle-shaped na camera module na merong dual camera at LED flash. Kaparehas lang din ng sa Y11 ang dalawang camera nito at saka this is excellent pagdating sa battery life nito dahil sa huge 5000mAh na battery nito at saka power-efficient na processor na nakatulong sa Y201 na makatagal nang 20 hours mahigit na maganda na para sa isang budget phone. Kaya lang, okay man ang battery life nito ay ambagal naman ng charging nito ganon din ang pagkakaroon nito ng outdated na MicroUSB port na limitado lang sa 10w charging.

Good Review

Paul Reyes

  • Review by Paul Reyes
  • Oct 23, 2020
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 4.0

It's nice!

Kahit na ang Vivo Y201 ay parang naging upgrade ng Y11 na inilabas nung isang taon, gumamit ito ng bagong Snapdragon processor kaya naman mas naging okay na option ito sa mga gusto ng magandang phone at affordable din at the same time. Hindi man nawala ang paggamit ng MicroUSB port dito at medyo pangit gamitin sa mga low-light environment ang camera, okay na rin naman ito dahil sa mas okay ang battery life nito.

Pros:
- Mas okay ang battery life ng phone na ito.
- Mas nag-improve ang Snapdragon nito kesa sa dati.
- Solid talaga ang back panel nito na madalas mapagkamalan din na glass.

Cons:
- Naka-microUSB pa rin at 10w charging ang phone na ito.
- Pangit ang performance ng camera kapag madilim.

Good Review

Jeorge Ornales

  • Review by Jeorge Ornales
  • Oct 9, 2020
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 5.0
Total 4.1

Pretty decent

Head-turner din itong phone na ito na Y20i ng Vivo. Kahit na nga yung build nito ay polycarbonate ang body, kung titingnan ay mukha naman itong premium. Glossy ang likod nito at parang may ray-design kapag ginalaw mo ang phone sa ibang direksyon. Meron itong Qualcomm Snapdragon 460 at RAM na 4GB at built-in storage na 64GB. Pretty decent naman ito so far at yung battery nito ay 5000mAh na at meron pang 18W na fast charging support.

Good Review

Page 1 of 1

  • 1

Latest Reviews for Mobile Phones

Mabagal Mag Respond yung Lock Screen. Minsan Sobrang Bagal. Minsan Mabilis. Pagdating sa mga App napakabagal. 3GB RAM dati maganda. Outdated na ito. Pero ngayon lang nagcomment. Ito ang Real ...Read more

  • Rating : 3.7
  • Review by Teddy Martin
  • Date : Jan 6, 2021

The Best Phone for me. 48MP Camera is good. But different to this is has 4 Cameras, that has its special purposes. 32MP Front Camera is so beautiful. 8GB RAM makes the device fast. This CPU makes it ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Teddy Martin
  • Date : Jan 6, 2021

Nabili ko ang phone na ito nung pasko ng 2020 after a week of use and slight gaming okey naman sya for the price pero ang downside nito 2gb lang ang ram kaya kung maglalaro ka ng mga games tulad ng ...Read more

  • Rating : 3.7
  • Review by Rhey Jhon Jabadan
  • Date : Jan 3, 2021
View Mode: PC | Mobile