vivo V19 Forum

Please feel free to post your questions on this product.

Start a new topic

Aisa  Quijano

  • Aisa Quijano
  • Jan 15, 2021

Like yung loob ng phone dapat nililinis din ba? Dami ko kasi nakitang videos ng Vivo phones na sobrang dumi ng loob kapag binubuksan, alam ko hindi naman dapat pero since madami nag popost ng vids na naglilinis sila ng phone, I'm wondering na if its necessary?

Jerry Nagat

  • Jerry Nagat
  • Jan 17, 2021

Hindi naman kelangan linisin talagang hindi naman kasi dapat binubuksan yan ng mga tao, yung mga nakikita mo sa internet mga sobrang pinaglumaan at pinabayaan na yun, mga marunong din sa pagkakaalas at ayos ng phone yung mga yun, may mga security na nilalagay yung mga phone companies para hindi buksan yung phones, alam nila paano iwasan yun

Good Answer

Cjay Maguad

  • Cjay Maguad
  • Jan 17, 2021

Hindi, hindi talaga dapat binubuksan yan kaya yung itsura ng phone halos wala ng opening, mapansin mo naman matagal ng non-removable yung mga battery, para mas mahirapan at madiscourage din yung mga tao buksan yung phone, special screws din yung ginagamit para talaga hindi basta basta mabuksan yung mga phone, kaya okay lang yan

Good Answer

Ben Dayao

  • Ben Dayao
  • Jan 17, 2021

Teka para malinaw lang, hindi mo din kelangan palinis yan sa mga technician, hindi talaga sila naglilinis ng phone kaya saka dagdag gastos lang yan, hindi naman sila tatanggi kapag nagpalinis ka, pera din yun pero hindi talaga kelangan. Yung mga nasa video na nakita mo pabaya lang talaga mga dating may ari nun kaya nadumihan ng sobra

Good Answer

Reply

Jaynalyn Bien

  • Jaynalyn Bien
  • Aug 8, 2020

First time buyer ng Vivo ano kaya ang pros and cons ng mga phones nila, battery kaya?

Katyrine Almonte

  • Katyrine Almonte
  • Aug 9, 2020

isang beses lang ako nakagami ng Vivo phone ang pros lang niya para sa akin ay yung price niya then yung cons siguro ay yung battery nga since mura lang kasi yung Vivo phone na nabili hindi ganun kaganda ang specs na nabili ko. Kung bibili ka ng Vivo na phone alamin mo muna ang specs niya at compare sa ibang mga phone din.

Good Answer

April Rose Dolorico

  • April Rose Dolorico
  • Aug 9, 2020

camera ng Vivo maganda din pero tama ka battery ang fail na spec nito

Good Answer

Claire Solis

  • Claire Solis
  • Aug 9, 2020

pinaka pro ng Vivo is its price then quality ng camera nila tapos sa battery okay naman ito sa akin, ang cons na masabi ko ay hindi siya ganun katibay kasi madali agad ito masira at hindi updated ang style at design ng mga phones pero minimal lang naman yun, para sa akin okay na choice pa din ang phones nila.

Good Answer

Nick Torillo

  • Nick Torillo
  • Sep 7, 2020

hindi pa ako nakakabili ng Vivo phones kaya hindi ko alam kung maganda nga ang quality nito. Pero sabi ng mga kakilala ko okay naman din ito gamitin, kahit papaano naman daw matagal naman nila nagamit ang battery ng phone na ito. Hindi pa ako nakakita ng magandang Vivo kaya hindi pa ako nakakabili nito, Oppo palang at Xiaomi phones.

Good Answer

Catrina Balbuena

  • Catrina Balbuena
  • Sep 8, 2020

ang alam ko po ay maganda ang camera ng Vivo phones lalo na sa mga high end na phones nila, pero yung mga budget phones hindi ko gusto yung quality ng mga phones nila. Well hindi lang naman Vivo pati ibang budget phone kaya mas maganda pa rin bumili ng medyo mamahalin na phone kasi alam mong maganda ang quality ng phone na ito

Good Answer

Rose B Gonzales

  • Rose B Gonzales
  • Sep 9, 2020

noong first time ko nagamit ang Vivo noon nagustuhan ko naman siya. Malinaw naman ang camera niya at matagal naman din ma lowbatt ang battery niya, medyo mahal lang ang cellphone na iyun pero it was a good phone naman, checking the specs of the phone mukhang okay naman ito. pros and cons siguro same lang din sa ibang mga smartphones.

Good Answer

Brianna Althea

  • Brianna Althea
  • Sep 10, 2020

i love using Vivo phones para sa akin complete package na naman ang kanilang phone for me. Siguro na disappoint lang ako sa battery kasi hindi panaman uso ang malaki ang battery specs noon kaya okay na din para sa akin after ko bumili ng mas maganda na Vivo phone at happy naman ako dito sa phone ko ngayon.

Good Answer

‎Don G. Crisostomo‎

  • ‎Don G. Crisostomo‎
  • Sep 11, 2020

battery at camera din lagi ang tinitingnan ko na specs sa isang phone and so far pasado naman sa akin ang Vivo phones kaya bago kayo bumili ng isang phone icheck niyo ng maige ang specs nito para makasigurado kayo kung worth buying ba ang phone na ito o hindi. Hindi niyo na kailangan magtanong kung okay ba ito o hindi na phone.

Good Answer

Ben Dayao

  • Ben Dayao
  • Jan 17, 2021

Karamihan ng Vivo phones variant ng Android operating system yung gamit

Good Answer

Reply

Olivia Lingo

  • Olivia Lingo
  • May 9, 2020

bagong OS po ba ito or for Vivo phones lang itong ganito na OS?

‎Aaron Maderazo‎

  • ‎Aaron Maderazo‎
  • May 13, 2020

sa Vivo nga ata yung ganyan klase na OS, not really sure

Good Answer

Emma Ilustrisimo

  • Emma Ilustrisimo
  • May 14, 2020

I think sa Huawei ganyan din ang OS nila eh pati mga Oneplus na phones so hindi lang siguro sa Vivo phones. I dont think may malaking difference ito sa ordinary na OS, hindi pa ako familiar sa ibang OS siguro need ko muna icheck din ito pero yan kasi ang pagkaka alam ko sa Android 10 na version sa ibang mga phones

Good Answer

Ryan Susih

  • Ryan Susih
  • May 17, 2020

Sa Vivo lang talaga yan operating system na yan, pero kaya Android phone pa din siya dahil base sa original Android OS ito, parang variant lang siya

Good Answer

Nicollo Abutal

  • Nicollo Abutal
  • May 17, 2020

Binili lang din ata yang Funtouch OS, bago pa kasi maglabasan yung mga variant at nauso yung rooting, may mga custom firmware na at lahat yun variant ng Android OS, ginawa sila para matanggal yung limitation ng Android OS, yung iba sa mga sumikat na custom OS binili ng ibang company, yung Color OS ng Oppo bili lang din ata nila yun kasi dati ko pa nakita yung Color OS hindi pa sikat Oppo

Good Answer

Ralph Legaspi

  • Ralph Legaspi
  • May 17, 2020

Ganun pala, kaya pala dami kong nakikitang ibang operating system sa mga specs, kala ko mga bagong version lang ng Android OS na hindi ko alam. So ano ba pinagkaiba ng mga yan? Kasi kung binili na sila ng company hindi ba magkakaroon na din yan ng limitation base sa gusto ng company na bumili? Meaning hindi na pareho yung feature niya tulad ng dati

Good Answer

Denmark Centino

  • Denmark Centino
  • Jun 29, 2020

Magkano Price nito?

Good Answer

Laput Villazorda

  • Laput Villazorda
  • Jul 7, 2020

hindi pa nga updated ang website sa mga prices wala pa kasing seller na nagpopost talaga kaya wala tayong idea kung ano ang price nito unless puntahan natin mismo sa phone, hindi ako impress sa mga Vivo phones kaya hindi ko chinecheck ang mag bagong phones nila pati prices, deadma lang din ako dito. Kaya wala akong idea masyado.

Good Answer

Andricel Barramedas

  • Andricel Barramedas
  • Jul 8, 2020

nalilito din ako sa mga bagong OS na yan iba pa din yung normal na OS na alam ko sa Android, hindi din ako nakakagamit ng Vivo phone kaya hindi ko alam kung okay yung sarili nilang OS at kung same lang din ba ito sa Android phones na OS, kahit Samsung kasi alam mo may UI na din na technology na kasama eh.

Good Answer

Darlyn Ramos‎

  • Darlyn Ramos‎
  • Jul 9, 2020

hindi din ako familiar sa mga ganyan, pero basta makita ko na Android pa din ito okay na sa akin yun, hindi ko kasi gusto ang ios at hindi din naman ako makakabili ng Apple phones kaya okay na ako sa Android na phones para sa akin mas simple at mas madali na gamitin ito kumpara sa mga iPhones kaya hindi ko na masyado sine search ito.

Good Answer

Walter Abisamis

  • Walter Abisamis
  • Jul 10, 2020

paano niyo nalalaman yung Android version ng mha phones niyo? hindi kasi ako ganun ka techy kaya wala akong idea sa mga ganyan, paano mo nga malaman kung maganda ang phone na yun o hindi? hindi kasi ako expert pero gusto ko malaman para pag bibili ako ng bagong phone may idea din ako hindi ko na kailangan magtanong sa nagbebenta.

Good Answer

Hannah Lapis

  • Hannah Lapis
  • Jan 17, 2021

Android v10, as in Android version 10, yung version ng operating system yan at bilang kung ilan beses na update yung operating system, obviously mas mataas na version mas latest, may mga version name din yung sa Android pero hindi ko na alam what comes after Android version Oreo, yung Funtouch hindi siya Android version, pangalan ng variant ng Android OS

Good Answer

Reply

Page 1 of 1

  • 1

Latest Topics for Mobile Phones

Lineth Frias

refresh rate ng Vivo

ito naba ang best rate na provided ng Vivo since bago lang naman itong phone na ito.

  • Last updated : Feb 26, 2021
  • Posted by Lineth Frias
  • Replies of This topic : 6 Replies

Paul Isidro

Official price?

Ayan na talaga official price niyan o online price? Saka may warranty?

  • Last updated : Feb 26, 2021
  • Posted by Paul Isidro
  • Replies of This topic : 3 Replies

Princess Solis

Pwede manuod 4k dito?

Wondering kung pwede na manuod ng 4k dito sa Y30, I notice lang na tumaas na yung standards ng specs sa mga phones ngayon

  • Last updated : Feb 26, 2021
  • Posted by Princess Solis
  • Replies of This topic : 2 Replies
View Mode: PC | Mobile