Notice of service termination

Priceprice.com will discontinue all services as of June 30, 2021 (scheduled).
Thank you for using our services.

About review/forum posts

Termination of new review and forum posts
As of May 17, 2021 (scheduled), all new posts to reviews and forums will be stopped.
About existing review and forum posts
Review and forum posts will no longer be available as of June 30, 2021.
If necessary, it is recommended that you save any posted content that you may need before the above date.
Click here for details

Forum : Motorcycle

Iji Godoy

  • Iji Godoy
  • Mar 25, 2021

Magkano final price? Cash bayad isang bagsak

Wally Borero

  • Wally Borero
  • Mar 26, 2021

May contact information mga seller, nasa page nila, kung gusto mo magtanong at mapansin agad tawagan mo na lang sila o baka kung pwede mag iwan ng comment sa page nila try mo doon, piliin mo lang yung seller sa listahan na gusto mo bilhan ng motor, tapos click mo go to shop para mapunta ka sa page nila then doon mo hanapin yung contact info

Good Answer

Jake Diaz

  • Jake Diaz
  • Mar 26, 2021

Wala ng final price yan, palugi na yung benta ng seller pero try mo na lang din kausapin baka babaan pa

Good Answer

Reply

Charry Jao Vergara

  • Charry Jao Vergara
  • Mar 24, 2021

details po sana, if possible for installment

Reply

Charry Jao Vergara

  • Charry Jao Vergara
  • Mar 24, 2021

need details po sana, if possible for instalment po sana.

Reply

Arthur Santiago

  • Arthur Santiago
  • Mar 23, 2021

Kapag iniistart ko tumutunog naman tapos parang nagiistart saglit, tapos nun unti unti namamatay yung makina, may madali bang ayos sa ganito?

Khalex Aring

  • Khalex Aring
  • Mar 25, 2021

Nagkaroon ng ganyan problema din sa kotse ko pero nakalimutan ko na kung ano yung problema niyan, tagal na din kasi nun pero may papalitan na parts jan kasi hindi na gumagana. Walang madali na ayos jan, kahit part replacement ang solution jan madami naman babaklasin kaya mas maganda pa din ipaayos mo na lang sa mekaniko

Good Answer

Nick Samuel

  • Nick Samuel
  • Mar 25, 2021

Sigurado ka bang hindi battery ang problema ng motor mo? Ganyan talaga mangyayari kung sobrang onti na lang battery ng motor mo, magiistart siya kasi may battery pa naman pero mamatay unti unti kapag hindi mo pinapaandar, iba yung kaso na ginagamitan ng jump start kasi yung ganun may onti pa talaga na battery yung sayo baka sobrang sagad na

Good Answer

Reply

Ferdie Garbo

  • Ferdie Garbo
  • Mar 23, 2021

Kasi kapag nagstart na siya, pag pinipihit ko yung gas namamatay imbis umandar, paano ayusin yung ganito?

Alex Sicat

  • Alex Sicat
  • Mar 25, 2021

Problema siguro sa fuel injector yan, hindi ako sure kasi hindi ko naman makikita ng personal yan, pero ayun lang yung unang naiisip ko, kahit anong sasakyan mamatay kapag hindi gumagana yung fuel injector, kung starter o spark plug problema niyan simula pa lang hindi na talaga gagana yan, pwede ka naman mag pa home service ng ganyan problema

Good Answer

Ferdie Garbo

  • Ferdie Garbo
  • Mar 25, 2021

Baka dalhin ko na lang sa mekaniko kesa pahome service mas mahal ata, gumagana pa naman kasi siya pero kelangan hindi ko itodo yung pag pihit sa gas, pag talagang tinodo ko lang bigla na lang mamatay yung makina, kung mag magsasabi sakin na spark plug o battery yung problema kaya ko na ayusin mag isa to kasi papalitan lang naman

Reply

Anthony  Rowen

  • Anthony Rowen
  • Mar 22, 2021

Aling sa dalawa ang mas ok?

JT miers

  • JT miers
  • Mar 30, 2021

Mag vvespa nalang ako. mas kilala ang brand na vespa kaysa LML nde ko sinasabi na cheap ang brand na to o anu pero dun nlng ako sa may brand recoginition kung pareho ang din nmn ok ang motor,

Good Answer

Xyno farm

  • Xyno farm
  • Mar 30, 2021

ako rin, dun nalang ako sa mas sikat na brand kung pareho din lang nmn kilala ang dalaw brand ng motor. nothing to loose kasi parehas silang ok sir.

Good Answer

Reply

Danny the Great

  • Danny the Great
  • Mar 19, 2021

Wala nakalagay, importante malaman yang cc, basic info yan eh

Benji Sotto

  • Benji Sotto
  • Mar 28, 2021

Sinubukan ko hanapin yung displacement nito pero hindi ko din talaga makita, hindi ko alam bakit walang nagpapakita ng cc nito, may nabasa akong 175cc ito pero hindi ako sure kasi owner yun hindi naman official na statement ng Motorstar wala din official website yung Motorstar, maliit na company lang ba sila? Meron naman ata sila Facebook page at least

Good Answer

Wally Borero

  • Wally Borero
  • Mar 28, 2021

Hindi ayata 175 cc nito kasi masyadong mura yung presyo ng seller, baka 150 below lang yan

Good Answer

Nick Samuel

  • Nick Samuel
  • Mar 28, 2021

Hindi rin ako sigurado kung 175cc yan kasi masyadong maliit yung tingin ko sa picture ng scooter, meron ako na nasa 190 pataas na CC motor, malaki yung akin

Good Answer

Reply

Clark Armosol

  • Clark Armosol
  • Mar 19, 2021

Electric hanap ko, may nakita akong mukhang electric bike sa mga picture pero hindi ako sure kung electric talaga

Khalex Aring

  • Khalex Aring
  • Mar 26, 2021

Hindi yata electric yung nakita mo, tinignan ko yung mga picture ng mga motor lahat may makina, meron isa nasa baba yung makina, hindi ko alam kung ayun yung sinasabi mong mukhang electric bike pero baka meron sila na hindi lang kasama dito sa mga picture, tignan mo yung website ng LIFAN baka kita doon lahat ng available nilang motor

Good Answer

Nick Samuel

  • Nick Samuel
  • Mar 26, 2021

Hindi naman lahat pinapakita din doon, madalas kung ano lang yung gusto nila ibida, ganun din sa ibang brand

Good Answer

Walter Tenorio

  • Walter Tenorio
  • Mar 26, 2021

Mas maganda pa din yung mga normal na motor kesa electric kasi kapag naubusan ka ng battery wala kang mapagchachargan sa kalsada at hindi rin pwede makicharge basta basta sa mga building dahil matagal mag charge ng ganyan, plus kapag nasira yung isang battery niyan, lahat kelangan palitan kaya masakit din sa bulsa

Good Answer

Reply

Janperson Jeff

  • Janperson Jeff
  • Mar 19, 2021

Hindi ko kasi gusto yung stock na muffler, sabi ng iba okay na daw to pero napapangitan ako

Benji Sotto

  • Benji Sotto
  • Mar 26, 2021

Wala naman magandang stock na muffler, yung mga high end na motor lalo na big bike okay pero yung sa mga ganitong motor hindi, madami ka naman pwede ipalit jan saka pwede mo naman ipatest yung muffler nito sa tindahan lalo na kapag sila yung nagrecommend, madali naman kasi palit palitan yan, kung gusto mo suggestion doon sa tindahan ng motor para makapili ka

Good Answer

Charles Merejilla

  • Charles Merejilla
  • Mar 26, 2021

Okay naman yung muffler nito pero kanya kanyang taste talaga yan pagdating sa mga motor, kung gusto mo gumastos palitan mo na lang, mura lang din naman yung mga ganyan lalo na surplus. Maganda kung makahanap ka ng mas maliit para hindi masyado maingay, may mga ganun pero kung papalitan mo din yung makina hindi pwede maliit

Good Answer

Reply

Walter Tenorio

  • Walter Tenorio
  • Mar 17, 2021

Ewan ko lang kung mahal to, sa standards ko lang parang mahal kasi may nakikita ako na ganitong specs ng motor, mga nasa 50k lang

Marvin Verba

  • Marvin Verba
  • Mar 20, 2021

Baka yung mga bagong model mas mahal na o dahil may mga bagong batas na kelangan ng additional na bayad kaya nag taasan, yung XRM mas maganda pa dito pero mas mura kaya hindi ko alam kung anong basehan ng mga motor pag dating sa presyo ng mga, wala din naman ata ceiling sa pag pepresyo ng mga item depende sa seller kaya siguro ganyan

Good Answer

Walter Tenorio

  • Walter Tenorio
  • Mar 20, 2021

Yun nga din nasa isip ko nung nakita ko to, pwedeng pwede gawin itong motor na to sa mga nag aayos ng motor at mekaniko na mas mura pa yung halaga

Reply

Zack Garcia

  • Zack Garcia
  • Mar 13, 2021

Eto sure akong pang pasadang motor to, eto yung madami ako nakikita ngayon, magkano ba brand new nito?

Khalex Aring

  • Khalex Aring
  • Mar 16, 2021

Wala naman nakapost na brand new price kaya hindi ko din alam, dito lang ako natingin ng presyo kaya hindi ko alam kung ano presyo nito sa market, kung personal at pangpasada lang naman kelangan mo pwede na naman yang mga second hand, tutal sa loob lang naman ng mga village yang pang pampasada na motor hindi ba?

Good Answer

Zack Garcia

  • Zack Garcia
  • Mar 16, 2021

Mas maganda pa din yung brand new, mas mura nga yang mga second hand pero hindi mo din naman kasi malalaman kung ano na naging sira niyan, madali lang palitan yung ibang parts jan at hindi din naman kaya icheck yung buong motor ng isang araw, wala din naman seller na papayag sa ganun siyempre sayang oras niyo pareho

Reply

Walter Tenorio

  • Walter Tenorio
  • Mar 8, 2021

Kasi 17k final price? Kahit 110cc lang parang sobrang baba pa din para sa ganitong motor, hindi ba maganda yung brand na to?

Harold De Guzman

  • Harold De Guzman
  • Mar 14, 2021

Kapag pagbabasehan natin yung klase ng mga motor, oo pangit to parang budget phone ba, pero kung sasakyan lang paguusapan okay naman to, tatakbo pa din yan ng maayos at madadala ka sa pupuntahan mo, kung bakit ganyan yung presyo eh dapat sa seller mo tanongin yan kasi second hand yung motor, ibig sabihin yung may ari din nag decide ng presyo niyan

Good Answer

Charles Merejilla

  • Charles Merejilla
  • Mar 14, 2021

Baka downpayment lang kaya ganyan kababa yung presyo, sa presyohan din naman ng motor hindi naman ganun kamahal tulad ng mga kotse yan, kung halimbawa yung vios ayun na yung pinakamurang kotse sa sedan, mga ganitong klaseng motor yung na yung mura sa mga motor, depende kasi sa brand at makina yan, sa 50k nga makakabili ka na ng brand new

Good Answer

Reply

Benji Sotto

  • Benji Sotto
  • Mar 8, 2021

Location po sana saka kung saan pwede meet-up? Sana pwede halfway sa area ko

Jake Diaz

  • Jake Diaz
  • Mar 14, 2021

Tignan mo yung mga seller muna, dasal ka na sana meron nasa area mo o malapit sa area mo para pumayag sa meet-up mo, pag nataon kung medyo malayo layo yung yung location ng seller depende na sa kanya yun pero madami din kasi maarte na seller kaya ingat. Para malaman mo yung exact location ng seller tignan mo yung page nila, makikita mo doon, kung wala for sure yung contact info nandoon

Good Answer

Benji Sotto

  • Benji Sotto
  • Mar 14, 2021

Isa lang yung nakikita kong seller Antipolo pa, taga Batangas ako, sinubukan ko itext hindi pa nagrereply, sure bang legit yung number ng seller doon sa page niya? Sana kasi kahit sa Pasay yung meet up, ang layo kasi masyado nung Antipolo kung doon yung meet up, siya na lang ba yung seller ng Honda Dream 110i dito?

Reply

Don Canuto

  • Don Canuto
  • Mar 8, 2021

Ang alam ko kasi Japan pero Bajaj, hindi ba indian yun?

Arthur Santiago

  • Arthur Santiago
  • Mar 11, 2021

Yang Bajaj brand talaga yan, hindi ko alam kung totoo, may partnership yung Kawasaki at Bajaj kaya siguro ganyan, ewan ko kung nag merge o nabili ng Bajaj yung Kawasaki kasi partnership at alliance yung tawag nila sa relationship ng dalawang company. Anyway pareho naman matibay yung motor na gawa ng Kawasaki at Bajaj kaya wala naman siguro magiging problema sa quality ng motor nila

Good Answer

Don Canuto

  • Don Canuto
  • Mar 11, 2021

May ganun? So pag sa Pilipinas, Kawasaki CT100B yung make and model at sa ibang bansa, Bajaj? O Bajaj yung model ng Kawasaki na motor na to? Hindi naman importante yung tanong ko pero nakaka curious at gulo lang talaga ng kwento ng pangalan nito. Kung sakaling may bumili nito, paano yung warranty nito? Sa Kawasaki o Bajaj?

Reply

Raymart Rabeje

  • Raymart Rabeje
  • Mar 5, 2021

Tanong ko lang po about rusi kung may kuha ka date ng rusi at matagal na pero binalik mo ng rusi. Tapos mag aapply ka ngayun sa rusi makkita ba dun kung may previous kuha ka? Marerejct ba pag nag pa CI? Salamat po

Reply

Saikhie Paloma

  • Saikhie Paloma
  • Mar 1, 2021

Buy po ako ng use Na fino nio ung gold sana

Reply

Jane Basanez

  • Jane Basanez
  • Feb 27, 2021

I am looking for a scoopy motorcycle budget 20k

Reply

Page 1 of 138