Forum : Mobile Phones

Adnan Adil

  • Adnan Adil
  • Aug 5, 2020

Lowest Price po sa Expansys, Pero how much naman po ang Charges ng Customs? At VAT? Pag dating nito sa bansa? & Legit po ba ang Expansys?

Reply

jpits11

  • jpits11
  • Aug 5, 2020

Hello,
I have a vivo Y11 and every time I disconnect from WIFI, an annoying message pops up saying that Google Play is using data to download. I have tried everything to disable it without any success. this is making me crazy.
Any help I would appreciate so much

Thanks

Reply

Jae Seo Hae

  • Jae Seo Hae
  • Aug 2, 2020

Pwede mag ask .bat ganun.15,300 8/128 nalang ang Samsung Galaxy A51
This month. Pero nung bumili ako neto samsung a51 .june 19 ang price pa nya ay17,999 8/128
Sa Star Mall alabang . Ang layo ng presyo sa nakitk dito..binalikan ko yun .kinabukasan .0ag bili ko pag kakita ko dto .sa price philiipines. Na ang a51 8/128 ayy . 14,999 lang. Wala silang sagot.sabi bagong labas dw kc to. Kaya ang mahal.pinapalitan ko ng ng Samsung a71 .kase kaseng price ng binili ko na 17,999 . Lang sya. Ayaw na palitan.nabili kona dw ang itim nato..wala ako nagawa kaya hindi na naka balik pa ang pers saken..

Reply

Rishel Solon

  • Rishel Solon
  • Jul 31, 2020

hello.. Please give me price of this phone so much interested..

Reply

Jestoni Ramos

  • Jestoni Ramos
  • Jul 30, 2020

Original po ba to na realme c2 ?
Brand new po ba ?
Pwede po ba to pang ml lang ?

Tulungan nio ako pls

Reply

Jomar Valerio

  • Jomar Valerio
  • Jul 29, 2020

Upgradable po b ito to android 10?

Reply

Elmer Interno

  • Elmer Interno
  • Jul 29, 2020

How much kaya ung Samsung a60 na 6gbram kapag sa sm?
Sana po my sumagot

Reply

Vic Vic

  • Vic Vic
  • Jul 27, 2020

maoopen pb ang phone na nagkaroon ng kalawang sa board...? ano ang best naparaan para magamet ulit.

Reply

Randolph Hitler

  • Randolph Hitler
  • Jul 26, 2020

May spot sa touch screen ko na hindi nagrerespond, napansin ko lang nung naglalaro ako ng game, tapos sa tuwing mag tap ako sa spot na yun napansin ko doon lang walang response, paano ayusin yung ganito?

Troy Lazaro

  • Troy Lazaro
  • Jul 29, 2020

Either papalitan yung LCD screen o reset yung phone kasi baka software problem, pero malamang sa malamang hardware problema yan at kelangan ng replacement, mahal yan kasi LCD yung papalitan pero hindi naman hihigit sa presyo ng phone yan. Kung in warranty pa pwede mo naman paayos ng libre kung hindi bayad ka talaga

Good Answer

Reply

Jenny Misa

  • Jenny Misa
  • Jul 26, 2020

Pwede ba ko mag download ng ibang emoticons for V17? Parang may mga emoticons kasi na hindi narerecognized ng phone ko like square lang siya lumalabas sa messages ko

Dennis Ghosn

  • Dennis Ghosn
  • Jul 28, 2020

Yung sa pre-installed na messaging app hindi ko alam pero para sa mga ibang chat at messaging apps pwede, at yung iba magaantay ka na lang talaga ng updates. Yung ibang download ng emoticons sa kinasamaang palad binibili pero konting apps lang naman yung may ganun, sa messenger app libre naman ata lahat hahanapin mo nga lang

Good Answer

Rj Inoue

  • Rj Inoue
  • Jul 28, 2020

Hindi, kung ano lang meron na emoticons ayun lang magagamit mo, kung iroot mo yung phone pwede kasi mas customizable ang mga rooted na android phones pero problema doon hindi ka na makakakuha ng updates sa Vivo mismo kasi bawal talaga yung rooting, pwedeng masira yung phone mo kapag nag update ka gamit yung original files ng Vivo

Good Answer

Reply

Robert Baltazar

  • Robert Baltazar
  • Jul 26, 2020

Lagi kasing blurred yung object sa viewfinder, ayaw din maayos sa focus at ang hirap niyang palabasin, meron bang mas madaling way?

Reply

Kevin Hernandez

  • Kevin Hernandez
  • Jul 26, 2020

Mabilis ba siya malowbat? Tumatagal ba to ng half a day?

Nomer Kahambing

  • Nomer Kahambing
  • Jul 28, 2020

Okay naman yung battery niya at mahigit kalahating araw tinatagal nito pero kung tuloy tuloy yung pag gamit tulad ng paglalaro o pag video at tawag hindi, sa ngayon wala pa naman ganun klaseng phone na kaya tumagal ng mahigit 5 hours na pag gamit, siguro kung isang app lang yung nakainstall sa phone possible kasi nakakaubos ng battery din yung ibang apps

Good Answer

Reply

Mario De Guzman

  • Mario De Guzman
  • Jul 26, 2020

Balak ko sana mag reseller ng mga ganito, mura kasi sa online tapos bebenta ko sa amin ng may tubo

Nomer Kahambing

  • Nomer Kahambing
  • Jul 28, 2020

Hindi sa standards ng mga mainstream brand pero mabenta din itong Oneplus 8, okay naman kasi yung specs nito at maganda din ang camera problema dito yung operating system saka software ng phone, maganda naman pero hindi lang talaga kasing ganda ng sa Samsung, Huawei o iPhone kaya kahit maganda yung specs, hindi siya kasing benta ng iba

Good Answer

Reply

Ray Jovenir

  • Ray Jovenir
  • Jul 26, 2020

Maganda ba talaga mga phone ng Realme? Parang di naman sikat

Mario De Guzman

  • Mario De Guzman
  • Jul 28, 2020

Okay naman mga smartphones nila kung hindi nga lang ako nakabili ng Samsung Galaxy S10 eto din siguro bibilhin ko kasi hindi naman ako naghahanap ng high end talaga. Sa mga balak bumili ng mid range na phones okay din ito pang mid range din yung specs mas mura pa, pagdating sa camera mukhang maganda din pero hindi ko pa kasi nakita yung quality ng pics

Good Answer

Reply

Wes Barrientos

  • Wes Barrientos
  • Jul 26, 2020

Sa mga store ngayon ng Realme sa Pinas meron din kaya ito ngayon?

Mario De Guzman

  • Mario De Guzman
  • Jul 28, 2020

Tingin ko naman meron na, 1 year na tong released at may presyo pang Pinas na kaya siguro naman. Wala pa ata sila tindahan talaga dito sa Pilipinas pero may mga nakikita na akong kiosk nila, pwede mo naman tignan yung page ng seller, baka makita mo yung supplier nila, pero kung local naman yung shipping for sure sa Pinas din galing yung supplier o may store na nag bebenta niyan dito

Good Answer

Reply

Emma Toledo

  • Emma Toledo
  • Jul 26, 2020

Sa may camera, ayaw gumana ng filters like kapag nilalagay ko siya walang lumalabas sa background

Jenny Misa

  • Jenny Misa
  • Jul 27, 2020

Try mo muna patayin yung camera tapos buksan mo na lang ulit baka makuha sa restart tapos kapag ayaw pa din, subukan mo na lang check lahat ng settings na may kinalaman sa o hindi kaya reset mo na mismo yung phone kapag ganyan. May ginagamit ka bang application o yung pre-installed na camera app yung gamit mo? May Huawei na may issue sa camera app pero hindi ko alam kung ano

Good Answer

Limuel Castro

  • Limuel Castro
  • Jul 28, 2020

Magtry ka muna ng ibang camera app baka sa app yan may problema, saka anong filter ba sinusubukan mo? Pang video o picture? Saka video call ba yan? Baka kasi kung video call yan yung app na ginagamit mo pang video call yung may problema, pagka ganun baka ang problema kasi yung video call ng app kaya kelangan mo din siguro idelete tapos install ulit

Good Answer

Reply

Chris Wong

  • Chris Wong
  • Jul 26, 2020 / Good Answers : 1

Kakadownload ko lang nung fb app tapos lagi siya nag crash, hindi naman agad pero minsan wala pang 2mins crash agad

Mario De Guzman

  • Mario De Guzman
  • Jul 27, 2020

Uninstall mo yung application tapos install mo ulit, ganun ginagawa ko kapag may palaging nagcacrash na application sa phone ko at gumagana naman, minsan bumabalik ulit yung topak pero matagal tagal naman saka pag nagkakaroon ng update naayos din minsan. Kung ayan lang yung may problema sayo for sure yung application lang talaga may kasalanan jan

Good Answer

Helen Poe

  • Helen Poe
  • Jul 27, 2020

Kapag hindi maayos yung pagkakadownload or installation ganyan talaga yan, it happens when the internet is too slow or may sudden drop sa internet speed and cuts off some files, kung bakit po siya nag iinstall even if kulang yung download is because nadownload na yung mga essential files for installation pero hindi ibig sabihn lahat ng files are good at nasave

Good Answer

Chris Wong

  • Chris Wong
  • Jul 27, 2020 / Good Answers : 1

So tanggalin ko muna tapos download ulit? Madali lang pala kasi tagal ko ng problema to akala ko yung phone na yung sira, nanyari na sa ibang apps yung ganito pero kapag tinutulog ko naman o hinahayaan lang, naayos din mag isa kapag nagtagal. Paano kapag nagcrash ulit? Ulitin ko lang yung pag install saka delete?

Reply

Rj Inoue

  • Rj Inoue
  • Jul 25, 2020

Kasi yung sa friend ko nakita kong medyo bent na yung kanya, hindi pa nga niya malalaman kung hindi ko napansin kasi sobrang slight lang yung pagka bend niya

Dennis Ghosn

  • Dennis Ghosn
  • Jul 27, 2020

Sa pagkakaalam ko pumasa naman sa durability test itong Reno3 kaya hindi dapat basta basta nababali yan o nabebend sa bulsa, depende siguro kung saan niya lagi nilalagay yan saka yung pressure nung sa phone, gaano na ba katagal yan sa kanya? Hindi ako magtaka kung sadya niya yan pero sino nga naman sisira ng phone nila hindi ba?

Good Answer

Rj Inoue

  • Rj Inoue
  • Jul 27, 2020

Ewan ko, alam ko pasko niya ata nakuha yung phone o nung new year, kasi iba pa naman yung phone niya nung mga November. Baka siguro sa bulsa niya kasi masikip sa kanya yung pantalon niya, parang sakto lang sa kanya, baka doon nabatak yung phone siyempre araw araw din nasa hita niya yun lalo na lagi nakaupo sa trabaho

Dennis Ghosn

  • Dennis Ghosn
  • Jul 27, 2020

Grabe naman yung laki ng hita niya kung ganun, pero pwede din kasi na ganun na yun nung nakuha niya, sabi mo nga hindi niya napansin, baka hindi lang siya ganun kausisa nung nakuha niya yung phone sa sobrang excited, nauso din kasi nung mga nakaraan na may damage karamihan ng mga nadeliver na items, may mishandling sa mga couriers, kaya possible doon din

Good Answer

Reply

Rommie Cadag

  • Rommie Cadag
  • Jul 25, 2020 / Good Answers : 1

Pwede ko ba malaman kung sino couriers niyo? Yung item ko kasi 1 month ng delay sa 1 month na estimated shipping

Mario De Guzman

  • Mario De Guzman
  • Jul 27, 2020

Doon mo tanong sa seller mismo, kung wala ka contact info niya check mo yung page niya basta natatandaan mo pa kung sino, hanapin mo contact info niya doon at kung wala kahit email, pwede ka naman mag comment sa page niya for sure, kahit sa review page doon ka na lang mag reklamo, mapipilitan sila mag respond kasi makikita ng ibang buyers yun

Good Answer

Helen Poe

  • Helen Poe
  • Jul 27, 2020

How about looking at your e-receipt? I assume na online shop ka bumili kaya delivery yung inaantay mo at sa tuwing bibili ka sa online shops mag send naman sila ng online receipt pati link sa page ng buyer or kung saan ka bumili ng item, saka tracking order at number, pwede mo gamitin mga yun para malaman mo kung sino courier

Good Answer

Reply

Page 1 of 591