Forum : Mobile Phone Accessories

Riz Za

  • Riz Za
  • Feb 10, 2021

Meron bang ganito or phone case na may chain para sa stylus, madalas ko kasi mawala yung akin saka mahulog

Lloyd Buraga

  • Lloyd Buraga
  • Feb 11, 2021

Tingin ko naman meron, tutal may mga mobile devices na may hiwalay na purchase na stylus, mga ganun walang lalagyanan ng stylus tulad ng sa mga Samsung Galaxy Note, so may mga cases siguro na may lalagyanan ng stylus or chain para sa stylus para sa parehong concern mo, for sure naman may ibang naghahanap din ng ganyan

Good Answer

Reply

Victoria Ferrer

  • Victoria Ferrer
  • Feb 10, 2021

Like kahit makeshift lang? Nawawala kasi stylus ng Samsung Galaxy S Note ko

Ijay MIrasol

  • Ijay MIrasol
  • Feb 11, 2021

Tingin ko hindi, may mga materials na maganda para sa touchscreen pero baka hindi rin madali makahanap sa bahay ng ganun, nag try na ko ng ganyan pero kahit smooth yung nagawa kong makeshift stylus hindi maganda yung response ng display, iwas mo din gumamit ng ibang matulis o kahit pen-like na gamit baka makagasgas kasi ng screen

Good Answer

Paul Remedios

  • Paul Remedios
  • Feb 11, 2021

Kung meron ka siguro yung smooth na rubber material baka pwede mo ibalot sa parang ballpen na bagay o stick, kasi kung simpleng rubber lang magaspang yun hindi maganda pang slide sa screen pero pwede pindot pindot, iba pa din yung pag stylus talaga gagamitin, hindi naman siguro ganun ka grabe yung process ng pag gawa ng ganun pero mas safe lang kasi gamitin kaya mas mabuti bumili ka na lang

Good Answer

Reply

Dr.K

  • Dr.K
  • Jan 18, 2021

Maliban sa ring light, may ibang accessory ba na pang front camera flash? or merong bang ring light na adjustable ang light settings?

Van Michael

  • Van Michael
  • Jan 25, 2021

Meron pa naman siguro ibang accessory pero so far wala pa din ako nakikitang accessory para sa front camera lalo na yung flash, may mga apps ako ginagamit para magkaroon ng front flash yung phone ko pero ginagawa lang naman nun finaflash ng todo brightness yung screen para maging flash, wala ka ba nakikita ditong accessory para sa front flash? Dito sa website?

Good Answer

Rick Grenggo

  • Rick Grenggo
  • Jan 25, 2021

May mga ganyan accessory pala? Hindi rin kasi ako maarte sa mga camera ng phone pero baka magustuhan ng ibang tropa babae, mukhang maganda pang regalo din, iisa lang ba yung klase ng mga ganyan? Saka malakas din ba yung flash? Saka pwede nga ba din iadjust kasi masakit naman sa mata kapag malapit yung phone tapos mag flash ng malakas

Good Answer

Russel myer

  • Russel myer
  • Jan 28, 2021

so far, ring lights ang pinaka sikat na accessory in terms of front camera flash, madaming klaseng ring light ang available sa lazada at shopee na mostly china model. nde nmn to kamahalan kaya walang problema. meron ding mga ring lights na adjustable ang settings, pero din na ring light na pde mo e connect sa smartphone mo para dun kukuha ng power.

Good Answer

Reply

Manny T

  • Manny T
  • Jan 18, 2021

May phone camera lens ba na nakakapag produce ng bokeh effect?

Mathew s

  • Mathew s
  • Jan 28, 2021

Wala pakong narining na phone camera lens na nakakpag produce ng bokeh effect, i dont think na possible un kasi nde nmn interchangeable ang lens ng smartphone. ang phone camera lens na accessories e top on lang nmn ang alam ko lang is either pa magnify or pang fish eye effect ang meron na phone camera lens.

Good Answer

Raymond Conception

  • Raymond Conception
  • Feb 16, 2021

Camera technique naman ata yan, dahil yang bokeh effect technically blur effect lang dahil sa out of focus na camera, kaya pwede gawin yan sa lahat ng camera kahit sa mga camera phone basta marunong lang mag timing, ewan ko lang kung meron talagang camera na kaya mag sadya ng bokeh effect sa mga pictures pero tingin ko wala pa

Good Answer

Princess Solis

  • Princess Solis
  • Feb 16, 2021

Madali lang siya gawin actually problem ko lang sa ganyan mag hanap ng magandang shot since madali mawala yung perfect na bokeh effect

Good Answer

Oliver  Maximilian

  • Oliver Maximilian
  • Feb 21, 2021

Ganito lang ka simple yan, walang camera mod na pdeng mag gumawa ng bokeh effect. ung mga single camera phone na meron bokeh effect e mostly due to the software image processing ng phone. the rest e para sa mga dual camera setup na phone na para magka bokeh effect.

Good Answer

Noah  Braylen

  • Noah Braylen
  • Feb 21, 2021

Tama si oliver, walang kahit anong camera mods ang pde mag bigay ng bokeh effect para sa isang single cam na phone at best e fish eye effect lang ang mbibili mo na phone camera lens na accessories or ung magnigfication pero bokeh effect e wala.

Good Answer

Reply

Gabe Dimaandal

  • Gabe Dimaandal
  • Dec 10, 2020

Hindi ba madali masira yung mga ganito? Kung paglalagyan ng pera at credit card kasi baka mawala lang kung madali masira

Nicko Verba

  • Nicko Verba
  • Dec 13, 2020

Yung leather bilhin mo para hindi masira kaso ang pangit lang doon yung feeling kapag gamit mo yung phone, ang magandang balita lang doon hindi rin madaling dudulas sa bulsa mo yung phone kaso ang isa pang problema doon mahirap din minsan bunutin mula sa bulsa kasi makapit. Isipin mo na lang kung mas gusto mo convenience kesa sa functionality, wag leather

Good Answer

Arlene Pimentel

  • Arlene Pimentel
  • Dec 13, 2020

I think this is one of those invention na good idea sana but risky iapply, like if you lose your phone which is mas madalas din nawawala kesa sa wallet, yung card na ilalagay mo doon mawawala, siyempre hindi ka maglalagay ng i.d's doon, probably some spare change din but anything na ilalagay mo sa wallet case possible mawala kasama ng phone

Good Answer

Nicko Verba

  • Nicko Verba
  • Dec 13, 2020

May point si ate, kahit may mga apps na ngayon na may phone locator features hindi mo din masasabing nasa case wallet pa din yung laman niya, kahit sabihin mong credit cards lang laman ng phone case hassle pa din itawag yun sa banko baka nga bago pa macancel yung cards nakapag shopping spree na yung nakakuha, hindi pa naman secured mga credit cards sa Pinas

Good Answer

Gabe Dimaandal

  • Gabe Dimaandal
  • Dec 13, 2020

Sabagay, pero iniisip ko din kasi yung other use niya like receipts na kelangan itago or mga tickes sa parking lot kasi madalas pinapakita yun pag labas hindi ba? Mga ganun, pero yung mga important cards tulad ng sa Beep, hindi ko na siguro lalagay doon o yung mga bagay na pwede magamit ng ibang tao para hindi naman sobra mawawala sakin kapag sakali

Reply

Sam Torrenueva

  • Sam Torrenueva
  • Dec 8, 2020

Hindi kasi gumagana ng maayos yung Stylus ko, may parts na hindi sumusulat tulad ng halimbawa kapag gumagawa ako ng straight line, may parts na broken, nasisira ba talaga stylus?

Choox TV

  • Choox TV
  • Dec 12, 2020

Kung device na ba yung Stylus meron pero sa ngayon touch screen lang pwede mo itroubleshoot, hindi ko alam kung meron ng advance na stylus pen na kelangan na ng wifi o bluetooth connection or electronical na stylus pen na binebenta, kasi hanggat wala pa at hindi gumagana Stylus pen mo, hindi ayun ang may problema kung hindi yung phone kapag hindi gumagana

Good Answer

Arlene Pimentel

  • Arlene Pimentel
  • Dec 12, 2020

Designed ang stylus pen para magkaroon ng parehong "feel" ng daliri tao sa phone, kaya nga kapag ibang bagay ginagamit pang pindot ng screen halimbawa libro o ballpen, madalas hindi nagrerespond ang touchscreen, walang electronics sa loob ng stylus, materials lang kaya kapag hindi gumagana stylus edi try mo ng daliri mo kung pareho magiging problema, yun lang troubleshooting doon

Good Answer

Sam Torrenueva

  • Sam Torrenueva
  • Dec 12, 2020

Ayan ang sagot na ayoko marinig kasi ibig sabihin gastos, pag minalas palit ng display, mas malaking gastos

Arlene Pimentel

  • Arlene Pimentel
  • Dec 12, 2020

Hopefully may budget ka kasi you are in luck today, 12.12 sa mga online shops hindi ko alam if lahat pero may mga online shops mag bibigay discounts pwede ka maghanap ng mga smartphones dahil kasama sa mga discounted items yun, kung may budget ka na 12k, I know malaking budget but if meron ka recommend ko yung Poco X3 ng Xiaomi, sulit yun and for long usage na yun

Good Answer

Paul Remedios

  • Paul Remedios
  • Feb 11, 2021

Wala, ano itotroubleshoot mo sa stylus pen? Hindi naman nabubuksan yun saka isang makapal na rubber pen lang yun, o bagay na mukhang rubber pen. Kung hindi gumagana yung stylus mo sa mobile device mo baka magaspang na masyado yung point ng stylus or napudpod na, pero hindi naman ata madali masira yan kasi yung akin 5 years na hindi pa nagkakaproblema

Good Answer

Reply

Enrico Calderon

  • Enrico Calderon
  • Nov 24, 2020

Ano po ba nag matibay na ring holder na pwede ko gamitin?

Mhay Dizon

  • Mhay Dizon
  • Nov 24, 2020

naalala ko may na purchase ako na ring holder sa Amazon noon, string type at magnet type siya kaya mas matibay kumpara sa 3M lang na sticker lang ang gamit mas okay yung medyo mahal alam mong matibay na klase ito kaysa mga 100 pesos lang na ring holder tapos natatanggal din naman ito kaagad, hindi ko lang maalala brand name nun

Good Answer

Annie Antonio

  • Annie Antonio
  • Nov 24, 2020 / Good Answers : 1

alam ko yung tinutukoy mo nukeez ata yun, baka mali lang ang spelling ko pero kung gusto mo local lang meron din namang mahal na klase na ring holder sa mall at matibay din naman yun pag yun ang bibilhin mo, subukan niyo nalang icheck ito alam ko po sa Ayala malls meron ito at wala sa mga SM malls eh

Good Answer

Ben Dayao

  • Ben Dayao
  • Jan 26, 2021

Matibay naman lahat ng ring holder, so far mas nahihirapan pa ko maghanap ng sirain na ring holder, lahat ng nakikita ko ngayon makapal yung ring kaya hindi madali masira, yung pagkakadikit din talagang sa casing, saka puro leather pa yung nakikita ko na may ring or matibay na jelly, siguro yung mga talagang low quality lang yung hindi matibay

Good Answer

Kate Ñerbes

  • Kate Ñerbes
  • Jan 26, 2021

Sa totoo lang ako din, wala pa nakitang pangit na ring holder, kahit yung mga tig 100 pesos lang matibay pa din yung nabibili ko

Good Answer

Van Michael

  • Van Michael
  • Jan 26, 2021

Meron pa ba ibang klaseng ring holder? So far wala naman ako ibang nakikita kung hindi yung bakal

Good Answer

Camille Tabillos

  • Camille Tabillos
  • Jan 26, 2021

Yung mga magnetic na holder ba, does it count as another class ng ring holder? Ring holder saka magnetic lang naman yung nakikita kong nabibili, other holders hindi na siya masasabing ring holder or totally different holder na, but between magnetic and ring holder, mas matibay for me ring holder kesa magnetic, for obvious reasons

Good Answer

Cjay Maguad

  • Cjay Maguad
  • Jan 26, 2021

Siyempre mas okay yung ring holder, kahit class A o Z pa kasi yan, madali lang naman gawin yung ring holder, ayan na ata yung pagnagkamali pa ng pag gaya yung iba, sobrang tamad na lang talaga o scam nila pero yung magnetic holder, delikado kapag peke o pangit yung quality, pwede makasira ng phone kasi nakakadisrupt nga naman ng kuryente yung magnet

Good Answer

Reply

Jaime Asuncion

  • Jaime Asuncion
  • Nov 21, 2020 / Good Answers : 1

Yung mga magnetic na phone holder para sa kotse, safe ba yun?

Drei Manlapit

  • Drei Manlapit
  • Nov 23, 2020

Dapat mamili ka ng brand kung gagamit ka ng magnetic na cellphone holder, safe naman yung mga ganyan pero hindi lahat kasi yung iba low quality, pangit yung pagkakagawwa kaya baka makasira ng phone, pero everything else okay naman kasi mahinang magnet naman madalas gamit sa mga yan para hindi maapektohan yung phone

Good Answer

Manny Guinto

  • Manny Guinto
  • Nov 23, 2020

Okay yan kasi dalawang mahinang magnet gamit niyan para hindi masira yung phone pero mapalakas yung dikit, ewan ko lang kung lahat ng klase ng magnetic na phone holder ganun, pero mas maganda ata yung dalawang magnet para sure na hindi nakakasira ng phone, hindi ko alam kung nakakatulong yung case pero mas maganda ata kung pwede sa case mo ilagay yung magnet na para sa phone

Good Answer

Reply

Sonny Dela Cruz

  • Sonny Dela Cruz
  • Nov 20, 2020

Ano ba difference ng sleeves sa mga normal na cases? Mas durable ba to?

Drei Manlapit

  • Drei Manlapit
  • Nov 23, 2020

Mga phone cases lang na may bulsa yung sleeves, minsan mukang medyas o maliit na bag lang para sa mga phones, pagdating sa protection depende sa sleeves yung pagkakaiba sa case kasi meron yung parang bag lang for phones na manipis lang at meron yung leather na may bulsa, siyempre yung manipis na sleeves walang protection yun at lalagyan lang ata talaga yung purpose

Good Answer

Ako pala si Eric

  • Ako pala si Eric
  • Nov 23, 2020

Hindi kahit yung leather hindi naman siya durable talagang for style lang, pwede mo paglagyan ng onting pera at cards pero ingat ka kasi kapag nawala yung phone pati credit card at pera na nilagay mo doon mawawala, kaya iwasan dapat paglalagay ng mga i.d sa sleeves kasi yung credit card pwede agad itawag at pasuspend yun. Kung durability hanap mo, cases pa din talaga

Good Answer

Reply

April Gene

  • April Gene
  • Oct 28, 2020

hanap ko kasi yung may strap tapos may case na din, sa online lang ba yun available?

Melody Villarama

  • Melody Villarama
  • Jan 25, 2021

Hindi naman sa online lang available yung ganyan cases, meron din naman sa mga malls, meron nga din sa mga tiangge pero mahirap lang siguro mag hanap para sa ibang make and model, pili lang kasi mga meron saka kadalasan leather yung meron, kung okay sayo yun then better at least mas matibay but yung iba kasi ayaw ng leather

Good Answer

Rick Grenggo

  • Rick Grenggo
  • Jan 25, 2021

Yang mga cases na may wallet nakikita ko palagi yan pero yung may strap ang hindi, yung mga may ring sa likod nakikita ko din, pero yung mga phablet na laki lang yung nakikitaan ko, baka yung mga ganun meron ewan ko lang yung mga phone mismo. Kapag wala ka dito makita nagbebenta try mo na lang sa ibang online shop baka meron

Good Answer

Reply

Mey Cheyenee

  • Mey Cheyenee
  • Oct 17, 2020

saan po ba makakabili ng mag wallet phones cases? wala kasi sa mall, Oppo phone at Xiaomi po sana

Kylie Chase

  • Kylie Chase
  • Oct 22, 2020

kapag wala akong makita sa mall sa online talaga ako naghahanap. natuto din talaga ako mag online shopping simula nagka pandemic eh kaya medyo naging addict ako dito at nakita ko naman na mas safe ito ngayon kasi hindi naman kami pwedeng lumabas basta basta kaya online shopping talaga ang parang trend ngayon para sa akin at makikita mo din lahat sa online shops.

Good Answer

George Ngo

  • George Ngo
  • Oct 24, 2020

marami nga pong choices online like Lazada and Shopee, try niyo po

Good Answer

Jack Bautista

  • Jack Bautista
  • Oct 25, 2020

halos lahat naman talaga ngayon available na sa online

Good Answer

Rick Grenggo

  • Rick Grenggo
  • Jan 25, 2021

Mas madali lang maghanap sa online shops pero meron din naman sa mga malls saka ibang tindahan, siyempre physical store talagang pupuntahan mo pa kaya mahirap, search mo na lang madali na mag search ngayon, kahit nga sa mga social media meron na, yung Facebook may marketplace na din, pero mas maganda kung dito ka muna sa website mag tingin kasi mas madali mag hanap dito

Good Answer

Reply

Felix Nabor

  • Felix Nabor
  • Oct 15, 2020

Hindi lang replacement, as in mas mataas na megapixel, pwede ba?

Paul Escobar

  • Paul Escobar
  • Oct 16, 2020

Hindi ata nauupgrade ng ganyan yung mga phone cameras, siguro kung kasing talino ka nung mga technician o engineering nagawa ng mga smartphones? Pero so far nakita ko lang mga accessories pang palinaw ng mga lens tulad ng lens extender o kung ano ano para sa lens, meron nga din atang lens protector, check mo na lang yung mga listahan ng camera lens accessories

Good Answer

Jake Lemura

  • Jake Lemura
  • Oct 16, 2020

So bakit kelangan pa ng accessory para sa mga camera ng smartphones? Hindi ba mas mabuti kung bumili na lang ng mga dslr?

Good Answer

Hansel Nakamura

  • Hansel Nakamura
  • Oct 16, 2020

Para makatipid of course kasi kung bibili pa nga ng mga dslr camera, think about how expensive that is? Its like buying iPhone na camera lang ang feature, so rather than buying a new camera might as well just make the phone camera better hindi ba?

Good Answer

Morris Cabayao

  • Morris Cabayao
  • Oct 16, 2020

Wag niyo na bilhan ng camera accessory yung phones, wala din naman masyadong magiging improvement kung ayaw niyo ng bagong camera lang edi bagong phone na lang na may mas magandang camera, kung low end lang naman kasi yung phone tapos lalagyan ng mga ganitong accessory, kung effective man hindi rin masyado mag improve yun

Good Answer

Mhay Dizon

  • Mhay Dizon
  • Nov 23, 2020

meron kasing nabibili na camera lens para mas better ang zoom ng camera, pero hindi na kailangan ngayon kasi may mga camera na 10x ang zoom capability. Hindi siya accesory para sa dagdag megapixels para lang sa zoom capacity ng phone at maging parang dslr din ito, kasi dati isang camera lang naman ngayon may dual, triple at quadruple na camera na kaya hindi na kailangan bumili niyan

Good Answer

Annie Antonio

  • Annie Antonio
  • Nov 24, 2020 / Good Answers : 1

hindi pa ako nakakagamit ng ganyan kaya wala akong idea na meron palang ganyan dati, hindi siguro sumikat yan kaya hindi ko ito napansin. Mas okay talaga ang mga camera ngayon kasi halos parang dslr na ang dating at quality niya kaya kung hanap mo ay magandang camera pumili kanalang ng high end na camera phone.

Good Answer

Bong Aquino

  • Bong Aquino
  • Dec 25, 2020

wala naman pong accessory na ganun, yung mga external na camera lens foe zooming capability lang yun na klase wala naman po akong nakikita na nakakadagdag ng megapixels sa isang camera, Kung mababa ang specs ng camera ng phone niyo ang pinaka option niyo talaga ay to buy a new phone po at yung mga quad camera type na po ang bilhin niyo.

Good Answer

Raul Aldana

  • Raul Aldana
  • Dec 26, 2020

nauso lang yan camera lenses nung wala pang dual, triple at quad camera na phone pero since meron na hindi mo na kailangan bumili ng camera lens pa. Unless nasa single camera ka padin, I suggest mag upgrade ka na kahit sa dual camera man lang kung gusto mo ma experience yung magandang klase na picture at video quality talaga, worth it naman din.

Good Answer

Mac Espiritu

  • Mac Espiritu
  • Dec 26, 2020

May mga camera kasi dati nga nilalagyan ng additional camera lens para mas ma enhance ang kuha ng pictures at video nila, para makuha yung dslr na kuha which nauso din naman talaga dati, pero ngayon hindi na ito kailangan kasi magaganda na ang mga camera quality ngayon kaya hindi na kailangan yan ngayon.

Good Answer

Cymee Custodio

  • Cymee Custodio
  • Dec 26, 2020

Wala na po atang gumagamit ng ganyan na accessories sa phonr sobrang luma na accessories na po kasi ysn, nauso talaga siya datikasi mga single camera pa halos lahat ng mga cellphone noon pero ngayon may mga quad camera na kaya hindi na talaga kailangan ng ganyan na accessories sa smartphone ngayon wala kana makita na ganyan

Good Answer

Reigan Sequite

  • Reigan Sequite
  • Dec 26, 2020

Wala pong acesoru na nagpapataad ng megapixel ng phone, kung gusto niyo po ng high specs na megapixel ng camera kailangan niyo po bumili ng bagong phone or need niyo na talaga mag upgrade ng phone niyo kung yun po ang hanap niyo sa isang phone. Wala naman problema na gumamit ng camera lens or kung anong accessory pero sa mga bagong phone ngayon hindi na po ito necessary

Good Answer

Zion G

  • Zion G
  • Jan 28, 2021

Not possible sri, complicated ang camera ng smartphone, nde lang to tanggal tas palit, naka coonect to sa chipset at processor ng phone kasi may software enhancement na nangyayarre. just like sa mga dslr na cameras. you can change their lenses pero not the camera sensor itself kasi connected sya sa imaging processor.

Good Answer

Reply

Tim Salinas

  • Tim Salinas
  • Oct 15, 2020

Meron na din bang cases para sa mga flip phones ngayon tulad ng Samsung Galaxy Flip?

Jessie Ranban

  • Jessie Ranban
  • Oct 16, 2020

Yes! Meron siyempre pero dapat careful kayo sa pag lagay kung meron kayong Galaxy Z flip at mag lalagay kayo ng case, kasi meron pang film sa loob ng casing na kelangan niyo tanggalin, dudulas kasi yung phone kapag hindi, baka mahulog yung phone kapag bigla niyo inangat yung phone, may instructions din naman na kasama yung ibang case paano maglagay sa phone

Good Answer

Morris Cabayao

  • Morris Cabayao
  • Oct 16, 2020

Kung may casing yung Samsung Galaxy Z flip, meron din ba yun screen protector? Saka naflip din kaya yun? For sure walang fiber glass screen protector to kasi hindi naman nabebend yun, hindi din naman pwede na tulad sa casing na magkahiwalay yung bottom at top part ng screen protector kasi hindi tulad ng sa likod, screen din yung gitna nung phone

Good Answer

Jessie Ranban

  • Jessie Ranban
  • Oct 16, 2020

Ayan ang problem, hindi ko alam for sure pero they probably have kasi mababa durability pa ng Galaxy Z flip screens

Good Answer

Karen Marasigan

  • Karen Marasigan
  • Oct 16, 2020

There is pero parang sa ngayon its kind of a service sa mga owners ng Galaxy Z flip, hindi ko alam kung meron pang ibang flip smartphone tulad ng Motorazr at kung binebenta na yun pero sa nasaba ko about Samsung, either may kasama siyang screen protector with instruction kung paano iapply or service center mismo mag lalagay nun

Good Answer

Reply

Cecile Gamboa

  • Cecile Gamboa
  • Sep 18, 2020

may ibang phone paba na may front camera flash? same lang ba sila ng quality ringlight?

Darlene Estrada

  • Darlene Estrada
  • Sep 21, 2020

Yes, noong nauso yung flash na camera sa harap hindi lang naman Samsung ang meron meron din sa ibang brand ng phone. Pero hindi siya naging sikat na feature na phone kasi hindi na gumawa o dinagdag ang feature na ito sa mga phone ngayon diba. Para sa akin mas okay yung may ringlight nalang kasi mas maliwanag at pwede mo tanggalin kung ayaw mo gamitin.

Good Answer

Edmar Guisando

  • Edmar Guisando
  • Sep 23, 2020

oo nga merong ibang phone brand na may front flash pero hindi siya sumikat kaya siguro hindi na gumawa ng bagong phone na may ganitong feature. Para sa akin okay din naman para hindi na kailangan mag lagay ng ringlight sa phone, pero since hindi nga lahat ng phone may ganitong feature yung iba bumibili ng ringlight na lang which I think its more okay na din atleast pwede mo ma remove.

Good Answer

‎Don G. Crisostomo‎

  • ‎Don G. Crisostomo‎
  • Sep 25, 2020

Hindi naman maganda na may front flash ang phone, parang waste lang para sa akin. Mas okay pa din kung lagyan nalang ng ringlight na nauuso ngayon para kung gusto niyo ilagay pwede at kung ayaw niyo na tanggalin niyo na iyo. Para sa akin hindi siya importante I think for girls lang siya bagay din pang selfie.

Good Answer

Charlotte Nicolas

  • Charlotte Nicolas
  • Sep 25, 2020

madali naman masira ang phone na ganyan

Good Answer

Reply

Mary Joy Lunday

  • Mary Joy Lunday
  • Aug 20, 2020

How can I get a protective case for my camera lens?

Allan Lazaro

  • Allan Lazaro
  • Aug 24, 2020

meron na bang case para sa lens? wala pa din akong nakikita eh, last time nagtanong ako sa mall wala pa daw ganung klase, ewan ko ngayon sa online kung meron hindi ko panaman din na check at nasubukan mag search ulit tungkol dito, baka dito sa website may makita ka let me know din sis, thanks sa info in advance

Good Answer

Ako pala si Eric

  • Ako pala si Eric
  • Nov 15, 2020

Ang alam ko meron naman nabibiling protective accessory para sa mga phone camera lens pero halos hindi mo din naman kelangan nun kasi kapag nakacase yung phone lagi paloob yung pwesto ng lens, hindi ko na alam paano pa idedescribe yung position ng lens pero basta hindi naman basta nakalabas yung lens sa case, pero yung mga bagong phone na mas bulk yung main camera, hindi ako sure kung natatakpan pa din ng casing pero mas matibay yung mga yun at hindi na kelangan ng kahit ano

Good Answer

Joanne Diaz

  • Joanne Diaz
  • Feb 16, 2021

Wala naman protective cases ang lens ng mga camera, kahit gumawa din ng ganun yung mga manufacturer, mas makakasira lang ng shot yung mga protective cases or kahit mga protective glass lens para jan, mas madali kasi magkaroon ng scratch mga ganyan, at pagnagka scratch na siyempre makikita na yun sa lens or viewfinder

Good Answer

Ethan  Asa

  • Ethan Asa
  • Feb 21, 2021

May nabibili nmn na protective film para sa camera lens, depende nalng sa unit mo kung may available o nde, kung 2 to 3 years ago ang model mo e baka pahirapan na maghanap. pero kung bago pa ang unit mo e marami kang makikita ng protective film lens para jan

Good Answer

Mason  Dorian

  • Mason Dorian
  • Feb 21, 2021

Para sakin wala nmn silbi ang ang camera film to protect your camera lens. at best e from scratch lang ma pprotect nyan. iba tlga ang tempered glass pero wala pakong narinig na may tempered glass para sa phone camera lens.

Good Answer

Lucas  Deacon

  • Lucas Deacon
  • Feb 21, 2021

Pde ka rin bumili ng phone case na may cover ung camera. sa redmi note9 pro ko un ang gamit ko e. kaya depende lang sa unit mo kung may available kasi nde lahat e meron. ang hassle nga lang e tuwing mag ppicture ka e need mong e open lagi ung camera cover nya,

Good Answer

Reply

Katyrine Almonte

  • Katyrine Almonte
  • Aug 19, 2020

malakas ba yung mga attachable na ring light sa phone?

Allan Lazaro

  • Allan Lazaro
  • Aug 24, 2020

Yes makakadagdag ito sa gand ang kuha sa pictures, pero the bigger the better, so so lang yung attachable na ringlight kasi mura lang naman yun pero kung gusto mo maginvest sa better pictures and videos bibili ka talaga ng may stand na ringling, mahal din kasi yun kaya need mo talaga ito pag ipunan din kung gusto mo bumili.

Good Answer

Jun Roxas

  • Jun Roxas
  • Aug 25, 2020

ang weird lang ng ganun bakit hindi nalang kayo gumamit ng ilaw talaga para mas lumiwanag ang kuha niyo. Nagtataka ako bakit may naibento na ganyang gadget wala lang sense para sa akin, siguro pang babae lang talaga yang ganyang mga ring light na yan. Wala panaman akong nakita na lalake na gumamit ng ringlight sa mga phone nila

Good Answer

Reply

‎Yumi Sugiyama‎

  • ‎Yumi Sugiyama‎
  • May 23, 2020

lahat po ba ng selfie sticks same lang po ang mga haba niya?

Darlene Cabilangan‎

  • Darlene Cabilangan‎
  • May 24, 2020

alam ko po hindi may mag selfie sticks na nagoffer ng mas malayo ang range kaya kung interesado po kayo sa mas mahaba need niyo lang sabhin sa seller ito, para sa akin nahirapan ako maghanp nito sa mall dati sa online ako nakabili ng selfie stick ko na may mahaba at multifunction ang purpose niya kaya try niyo lang din sa online magsearch.

Good Answer

Tanya Ludovice‎s

  • Tanya Ludovice‎s
  • May 25, 2020

wala pa akong nakita na ibang length na stick halos same lang lahat

Good Answer

‎Yumi Sugiyama‎

  • ‎Yumi Sugiyama‎
  • May 26, 2020

wala kasi akong nakitang ibang mahaba na selfie sticks, mahirap naman icheck online kung mahaba nga ba ito o hindi so hindi ko alam saan ako pwede bumili, since limited din lumabas diba so sa online lang ako naghahanap sa ngayon kaso ang hirap hanapin, may ma suggest ba kayo na shop? para ma check ko yung mga selfie sticks nila?

Tanya Ludovice‎s

  • Tanya Ludovice‎s
  • May 27, 2020

baka mahirapa na hanapin yung mas mahaba na selfie stick

Good Answer

Reply

Jenny Rosal

  • Jenny Rosal
  • May 20, 2020

Parang wala na nagamit saka in the first place, I never saw the real purpose of it, but still I am curious kung may bago sa mga selfie sticks

Hiiro Pacia

  • Hiiro Pacia
  • May 23, 2020

Konti na lang ata nagamit talaga niyan, kaya siguro parang hindi mo na masyado nakikita mga tao may selfie stick pero for sure meron pa din gumagamit, bago nagkaroon ng quarantine sa Pilipinas, may nakikita pa ko nag lalabas ng selfie stick sa mga malls pero mostly mga grupo palagi nagamit, hassle din naman kasi mag dala ng ganyan

Good Answer

Chino Tuling

  • Chino Tuling
  • May 23, 2020

Sa nakita ko may onting purpose din naman ang selfie stick, kapag mas malayo yung camera mas madali mag groupie, problema lang hindi naman lagi kelangan ng ganun pics

Good Answer

Jenny Rosal

  • Jenny Rosal
  • May 23, 2020

Ang that's why I never actually saw the purpose of it, sure sumikat mga selfie stick saglit pero after a while kumonti na din yung mga nagamit, its like it took advantage lang yung trend na groupie at selfie then after that wala na. Well, I do admit na it is fun to take pictures using the sticks kasi natry ko din naman siya sa friend ko like before

Hiiro Pacia

  • Hiiro Pacia
  • May 23, 2020

Uso na kasi mga drone ngayon kahit mas mahal, kung picture lang naman gusto mo para sa group mas maganda yun and hindi na din masyado mahiyaan mga tao mag papicture sa ibang tao, pansin ko abala din minsan mga selfie stick pero ang isang magandang purpose nila ay pamalo sa mga loko loko. Namimiss ko din in a way gumamit ng selfie stick

Good Answer

Reply

Carlos Vargas

  • Carlos Vargas
  • Apr 28, 2020

Ano ba mas mabilis mag charge sa dalawa? Yung phone ko kasi pwede wireless charging pero hindi ko pa natry

Richmond Alejandrino

  • Richmond Alejandrino
  • Apr 28, 2020

Yung wires siyempre, mas stable yung daloy ng kuryente nun dahil may current na sinusundan. Okay din naman ata yung mga wireless charger pero ang pinakamalaking disadvantage ata ng mga yun ay hindi mo pwedeng galawin yung phone habang nagchacharge, pero pwede ka pa din naman magpipindot

Good Answer

Reply

Jerson N. Taban

  • Jerson N. Taban
  • Apr 6, 2020

San po may open na cdrking bukas?

Reply

Page 1 of 6