Forum : Microwave Ovens
- Uroh Cellano
- Sep 25, 2020
hi .may i know the price of whirlpool microwave X2-20EG
- Uroh Cellano
- Sep 25, 2020
how much the price
- Robert Almario
- Mar 18, 2020
How much the price
- Robert Almario
- Mar 18, 2020
How mucg the price of whirpool jt359
- Cristine SantosLumanlan
- Mar 13, 2020
hi. may i know if it's normal for the surface/outer part to be so hot after just about 3 mins of usage? thank you.
- Cristine SantosLumanlan
- Mar 13, 2020
hi. may i know if it's normal for the surface/outer part to be so hot after just about 3 mins of usage? thank you.
- Kossi Tomas
- Mar 7, 2020
matibay po ba ang ganitong brand ng microwave?
- Bear Dizon
- Mar 13, 2020
Oo matibay yung mga appliances ng American Home at kung tibay lang paguusapan mas matibay yung mga lumang model nila na microwave, yung mga latest kasi masyadong maselan pero mas effective saka automated. Pipili ka na lang kung mas gusto mo yung pang matagalan pero medyo manual o yung automated pero madali masira at mahirap din mag paayos ng microwave kasi hindi lahat ng technician marunong mag ayos talaga
- gelo koys
- Nov 13, 2019
Di ko masisiguro kong makakabili ba ako nito, kasi hanap ako ng hanap sa ganitong model pero wala ee pwedi po bang makitanong sa inyo?.. saan po ba ang best na pagbilhan ko rito? needed ko talaga ng over sa bahay. medyo nakakatamad kasi magluto ee gusto ko lang naman chill chill lang yon lang talaga. baka naman may kakilala kayo na kahit sa private seller lang or second hand seller lang ay ok ako makabili lang ng ganito. baka naman may alam po kayo?.. yon lang naman po ang tanong ko po kasi needed ko talaga magkaroon ng over sa bahay.
- Lianna Rose Perez
- Nov 17, 2019
baka mahirap hanapin kasi phase out na ang ganitong appliance kaya hindi kana makakita, since nandito naman online try mo nalang kontakin seller para makabili o kaya check mo ibang brand, kasi marami namang ibang microwavee na pwede mong bilhin bukod dito sa brand na ito kaya kung gusto mo tingin ka din muna sa mall
- Andrew A.
- Nov 22, 2019 / Good Answers : 1
Baka kasi lumang model na ito talaga kaya wala ka ng mahanapin nito sa mga appliances store? Hindi ko naman sinasabing pangit na ito dahil lumang model, microwave lang naman kaya hindi kelangan updated or latest model basta nakakapag init ng pagkain, pero mahihirapan ka na talaga maghanap nito kapag luma, best chances mo mag try sa mga second hand stores, meron naman sa mga mall na nagbebenta ng ganun
- lansoy
- Sep 23, 2019
hi magandang hapon po sa inyong lahat, may alam po ba kayo or kakilala po ba kayong taga-repair ng mga appliances and electronics? may ipapayos kasi akong isa sa mga appliances nami dito at ito ay ang american home amw-25 ., isa po itong microwave oven and nasira po kasi ayaw ng magheat ng food baka kasi may problem sa machine nito kaya gusto ko sanang ipaayos to.. napakalaking halaga po ito ng microwave oven namin bukod sa nakakapag luto ito ng food namin eh ang mahal din nang mga microwave ngayun . and ayaw ko munang magbili kasi wala pang pera ba..need lang talaga ng repair assistant baka kasi maayos pa ito. baka may kakilala kayo pleas just tell me.. thank you po!
- John Karlo Magbanua
- Oct 7, 2019
sa kahit saan na repair ng appliances pwede yan, halos bawat lugar naman merong repair shop
- chainsaw
- Oct 15, 2019
exactly! kahit pa saan ka magpunta mayroon naman talagang taga repair ng appliances eh, anong gamit ng electronics engineer if walang taga repair diba?.. kaya that is why may electronic engineering na course para amy taga ayos sa mga sira-sirang appliances. mas mahal nga lang pag magparepair ka pero okay lang naman din yon kesa naman wala kanang microwave, masyadong gamit yan para sa akin.. Wala nga lang akong mairecommend sayo na taga repair kasi wala akong kilala ee, atapos pa wala naman kaming damage na mga appliances sa bahay kasi napakacareful talaga at strict yong mommy ko sa bahay halos lahat maingat siya kasi nga mahal ang mga gamit ngayon tapos sisirain lang ng basta-basta. kaa dapat tayong matutong magpahalaga sa mga bagay na nasasatin kasi di lahat nabibili.
- Leonard Manait
- Oct 16, 2019
Alam at nakikita namin na microwave oven ito wag ka magaalala, kaya nga may pictures at description yung item, ayaw niyo bumili ng microwave oven pero alam niyo bang mapapamahal din kayo sa pag papaayos ng ganito? Ganito din yung gamit namin sa bahay pero depende sa sira, yung halaga ng ibabayad niyo sa electrician pwede din kasing mahal ng bagong microwave
- bridge
- Aug 19, 2019
ehh puro nalang kayo american home brand. eh pwedi naman yang palitan ng other brand,,, huwag kayo ditong bumili ang mahal mahal ng price wala na ba kayong other brand models na ipapakita or ipopromote sa customers? Kasi kung ito lang ? ayy wala na talagang bibili nito kasi paulit-ulit lang na nasa listahan ng product list niyo kailangan ko namang ng ibang brand models.. anyway, gusto ko lang talaga ng bago can you just give us of something new para okay tayo>?..medyo nakakaswa nakasi para sa akin ehh ang mahal pa tapos wala pang other ipromote so mejo boring lang.
- goinghardwares
- Aug 19, 2019
French fries, mozzarella sticks, or funnel cakes all the yummy mouthwatering items are cooked using the fry basket manufacturer. It is necessary to invest in the best quality fry basket in order to have the best taste, and this is not an issue because we have the top class fry baskets available.
- goinghardwares
- Aug 19, 2019
goinghardware is a best site to purchase a good fry basket product material
- Harry Tomas
- Aug 20, 2019
isa ng sa murang brand ang american home eh at matibay din naman ang quality niya kaya okay din na choice talaga ito kaya halos lahat ng appliances naminngayon american home talaga, para sa akin sulit naman na bumili nito kesa iba pang brand ang bilhin ko na product tapos hindi namna ako sigurado dito
- amira san
- Sep 14, 2019
maganda at matibay ang brand na ito, ito ang brand ng arcon namin at sobrangtagal namin na gamit ang aircon na yun at wala pang issue malamig pa din, kaya halos lahat ng appliances namin from american home na kasi nasubukan na namin ang brand na ito and we love using it. Kung bibili ako ibang appliances baka hindi lang namin ma appreciate ito
- Chalsie
- Jul 24, 2019
guys tanong ko lang sana kung mga ilang minuto ba ang meron sa microwave oven nato? gusto ko lang magtanong tongkol rito kasi gusto ko na luto agad i mean clear yong pagkaluto sa food na lulutuin ko. its just a breakfast or snack time or even midnight snack ok na ako doon basta tell me lang kung gaano ba katagal ang oras nito, aabot ba sa hours or just a minutes only? my purpose kasi is to buy and at least naman may alam ako kahit konti rito para naman di ako magsisisi sa huli baka kasi di to gaano nakakaluto ng ulam e at least klaro sakin yon diba...
- Tobi Baslon
- Aug 19, 2019
Kung gusto mo maluto agad yung imamicrowave mo, hindi ilang minuto yung dapat inaalam mo kung hindi gaano kainit yung kaya nito, anyway malamang hindi ka din marunong mag luto kaya pagkabili mo nitong microwave mag aral ka din muna paano mag luto. Kapag nagluluto ka wala sa bilis ng luto yan dahil malamang luto nga yung labas, hilaw pa yung loob ng kakainin mo kapag tinaasan mo yung temperature ng microwave
- Bryan Bondoc
- Sep 22, 2019
Kung gusto mo maluto agad yung ilalagaw mo dito sa oven hindi mo na kelangan malaman kung ilang minutes meron dito dahil dapat mas onti minutes lang yung kelangan mo. Tingin ko naman hindi aabutin ng 30mins yung maximum timer nito tutal wala naman atang niluluto na ganun katagal, actually kung gusto mo maluto agad yung pagkain dapat alamin mo kung gaano kainit yung kaya nito
- MELISA PADO
- Apr 17, 2019
ano bang klasi na meron ang gantong chiller food na oven? Gaano ba katibay ang brand ng American home? Ito ba ay galing sa America na product tapos naging imported na dito sa pilipinas? Kasi if that so so maganda nga talaga ang qualifications nito, diba? Ano sa tingin niyo? Sino ba rito ang nakaexperience ng gumamit nito ngaun?
- Julia Sanchez
- Apr 21, 2019
Microwave oven ayan ang tawag sa klase ng home appliance na yan, siguro american brand ang American Home pwede din hindi, hindi naman importante sakin yung brand basta maayos at gumagana, hindi rin dahil imported ang product maganda ang quality dahil bakit natin nilalait ang mga gawang China kung ganun? Kung home appliance lang mas tiwala ako sa Korean at Japan products
- Mr. CARL
- May 8, 2019
sa amin galing payong america , , sobrang ganda ron ang mga appliances nila mga high tech masyado tapod dinala ko rito sa pilipinas para gamitin daily need sa bahay. and of course maganda siya kasi nga sa america ko to binili kaya naman mas nagiigng good ako sa mga american products kasi sulit pack nga anh kanilang mga gamitn don promise ko yan sa inyo.
- Donna Mari Anne
- May 16, 2019
useful talaga magkaroon ng microwave kasi mas madali mo mainit food na leftovers lalo na tayong mag pinoy ang daming tira tira lagi kaya para sa akin ito ay isa sa pinaka importanteng gamit sa bahay kapag lilipat na kami bibili ako nito at american home okay sa akin yung brand na ito kasi matibay naman sila.
- Jake Capuno
- May 19, 2019
Chiller food na over? Ang alam ko sa chiller yung nasa loob ng refrigerator sa pinakailalim pero hindi ko alam na may oven na pwede ng mag chill ng pagkain, may ganito ako pero defrost lang meron sakin walang chiller. Tungkol sa tibay, matibay naman kasi 5 years na sakin yung oven ko, wala pa naman ako naging problema, tamang maintain lang
- Stacey Marianne
- Jun 18, 2019
ang microwave pang reheat lang talaga ng food yan, hndi advisable for cooking or longer usage.
- Rebekah09
- Jul 11, 2019
pang init lang ang microwave wala ng ibang gamit ito at hindi ito pang luto, iba pa yung oven sa microwave oven mga guys
- Nathaniel's
- Jan 29, 2019
Saan pwede mag paayos ng microwave na ganito? Ayaw kasi gumana, umiilaw lang pero hindi umiinit
- liam jhon
- Jan 24, 2019
Ano bang pwedi ichill dito? Pwedi ko rin batong gawing lutuan for soup or yong mga sopas? Kasi mahilig ako sa mga ganun para naman efficient para sakin? Aside pa dito ee? Exclusive for chilling lang bato or pwedi rin pangcook? And kung pangcook naman ano naman yong pwedi icook dito guys? Kasi feel ko parang magnda to for me..
- foxyladymeh
- Feb 7, 2019
ang microwave naman talaga ay pang init lang ng food, hindi talaga siya lutuan, pero kung mabilisan lang naman like 5 minutes kaya din naman makaluto ito ng maliit na food like itlog, ingat lang kasi kapag boiled egg niluto mo pwede ito pumutok kapag sobrang init na.makalat lang at masakit sa mukha kapag tumama sayo.
- manding
- Feb 22, 2019
chilling machine lang naman ito yong talaga lutuan is iba yon sa ganitong machine kungbaga chilling food and mas efficient lang ng kunti ito. Sa lutuan kasi is masastigin niyo and gamit tlaag yong for cooking food na mga raw foods. And kasi ito nagagamit lang ito kapag nagchichill ng pagkain na parang cold na and gagawin ulit or ialalgay sa oven para maging hot ulit and masarao paring kainin. Sample jan is yong sA 7/11 na convenient store kasi dun makikita niyo may microwave oven dun chinichill nila yong poagkai nmula sa naifreeze na foods
- Miss Jackie
- Mar 4, 2019
Kung balak mo gamitin for defrost pwede din naman pero matagal lang ito, makikita mo naman sa microwave ang mag functions niya kaya walang problema na gawing pang defrost ito ng meat, ingat lang at need mo din bantayan sa window nito, partly maluluto na din ito after mo ma defrost ang pagkain kaya mas madali na ito lutuin.
- Nicolette Puntalan
- Mar 22, 2019
Anong chill? Palamigin? Microwave oven ito pwede ba talaga mag palamig dito? Kung pwede man hindi ako aware na may microwave oven na ganyan, pero tungkol sa pagluluto kahit kelan hindi pwede gawin sa microwave yun dahil hindi maganda nagiging result, depende kung may alam kang technique sa pagluluto na gumagamit ng microwave oven pero kung tinatamad ka lang magluto wag mo na subukan
- Mylene Hagibu
- Apr 11, 2019
pwede ito pang defrost at reheat ng pagkain. Kung gusto mo na pangluto siguro hidni talaga yung meal like egg and ham mga ganun okay na siguro.never ko din nasubukan magluto kasi hindi naman normal yun talagang pang reheat lang naman ang microwave na machine yun lang ang purpose talaga niya at wala ng iba pa.
- Dianne Paula
- Jan 9, 2019
mas okay ba yung microwave na umiikot ang loob o yung steady lang at walang turning table sa loob? may differnce ba ito sa pag iinit?
- Den-0
- Dec 28, 2018
Ano ano yung mga pwede ko gamitin na lalagyanan pang microwave?
- Abel Nosce
- Feb 17, 2019
Basta nakalagay microwavable o may icon na microwavable yung gamit mo pwede yun, may mga plato kasi na microwavable may mga plastic na baonan na ganun din kaya marami kang choices, pero mas mahal yung mga yun kesa sa mga normal kasi mas matibay na materiales yun. Yung brand na lock and lock halos lahat ng binebenta nila na baonan microwavable
- thrisia
- Mar 25, 2019
may ganyan palang lalagyan ngay9on ang microwave?! di ko alam yon ahh.. at least naopen yon itong usapan kasi nga out knowing ako sa mga makabagong technolohiya. bakit ba kasi nauso pa yong mga ignorance people oyy! na ignorant na noon si ako nito... mejo wala talaga akong ideya niyan pero mayroon naman kaming microwave no. wala lang munang lalagyan baka bibigyan ako ni ante bukas or baka magpapabili nalang ako para di rin ako mahiya na naghihiram ng mga gamit. ang pangit nun
- greg M.
- Jun 24, 2019
yong mga plastic container ang pwedi mong ilagay jan, yon bang mga microwaveable container lang basta huwag lang yong mga madaling matunaw na plastic kasi may ganun eh baka kasi magkaroon ng damage yong microwave oven niyo sayang lang din naman po. And of course pwedi niyo ring gamitin ang freeze food container. basta po yan yong advice ko sa inyo any kinds of plastic container can actually okay to your oven .. if may ganyan kayong container ok lang yong di naman yon makakasira kasi for chillin' the food lang nman ito or good for the breakfast or snack time if meron kayong lulutuin na foods.
- Al Krisano
- Jul 21, 2019
Mismong materiales na pwede sa microwave hindi ko alam, pasabugin yung microwave gamit materiales alam ko, kung aaralin mo yung mga bagay na nakakasira ng microwave madali mo malalaman yun ng hindi natingin sa description ng mga tableware, pero siyempre tulad ng karamihan hindi naman natin alam kung ano ba talaga yung pwede imicrowave o hindi kaya icheck mo na lang yung mga indicator sa mga plato at baunan na bibilhin mo, nakalagay naman sa ilalim kung pwede o hindi
- Joshua Lopez Cinco
- Dec 6, 2018
first time namin bibili ng microwave? safe ba sa pagkain ito? o mas okay pa din yung mag init nalang sa kalan?
- Masyas
- Nov 12, 2018
Talagang mapapawow! kanaman oo, tingnan monaman kasi yung specs nito sobrang ganda. kaya nga napaisip at talagang sumagi sa isip ko na bibili ako ng ganito. At binili ko naman din ng walang pagdadalawang isip. Sa sobrang namangha ako dito kasi unique sa mata ko ee. Yun pala may bahid ng kasinungaling ang capacity nito. BAkit ganito po yung range ng heat niya?! BAkit kapag pinapalakasan mo yung init, pahina naman ng pahina, ano pong nagyari? bakit po ganun? sayang lang po yung expectation ko dito, maganda pa naman sana yung design. Design lang pala yung maganda.
- lanzi
- Dec 10, 2018
Talaga ba? sa pagakakalam ko most common model to ng samsung microwave oven baka behind ka lang sa systema nila ngayon sa mga bago nilang release na technology. Siguro naman tama ka kasi opinion mo rin naman yan and I cannot argue with that because dahil na rin siguro sa exprience mo sa paggamit ng ganyang technology. kasi para sakin ordinary lang to ngayon, may mas magandang oven oa ang darating anatayin molang.
- Lucho
- Nov 7, 2018
Samsung ba talaga ito na original? meron din pala silang microwave? ngayon ko lang aksi nakita ito at parang mukhang luma na unless mali ako at bagong model lang talaga ito?
- Atreus
- Nov 12, 2018
Yung totoo, home appliances naman talaga yung main business ng Samsung, wala pa silang binebentang phones meron na silang mga washing machine saka refrigerator, late na yung phones nila pero nagsimula din sila sa mga feature phones, yung may keypad pa, nataon lang na sumikat yung smartphones nila kaya naging mas kilala sila ngayon ng mga tao
- sarah meme
- Jun 3, 2018
I was wondering if its safe to defrost using the microwave para mas mabilis ang pagluto.
- DS4
- Sep 15, 2018
Kung may option to defrost yung microwave, safe yan kasi hindi naman siguro sila maglalagay ng ganun kung hindi pwede di ba? Kung iniisip mo masisira yung microwave dahil sa tubig, isipin mo na lang yung ulam nga na may sabaw, namamicrowave yun, liquid din yun pero hindi nasisira, ano pa yung tubig? Basta lagay mo lang sa tamang lalagyanan yung idedefrost mo para hindi tumulo or magkalat sa loob ng microwave yung tubig at talagang delikado yun
- myra lapid
- Sep 21, 2018
Oo nga tama ka girl. Nakapagdefrost naman yung mga liquid yun nga lang dapat careful ka lalo na kung soup na nilagay mo sa microwave nato kasi baka magmamalfunction yung oven nato pero anyway minsan lang naman yang nangyayari. Prevention is better than cure haha ano to? Sakit lang? Anyway, totoo yung sinabi ko basta the more aware ka sa lahat ng bagay the more namas secured or safety ka. Actually, nakapagpachill naman to ng maayos tapos efficient din to for cooking.
- Judith Saremo
- Oct 3, 2018
its possible but not advisable, Kasi hindi naman yan ang function ng microwave talaga pang reheat ito. kapag nag defrost ka sa microwave pwede na ma semi cook yun dinedefrost mo at matagal din ito hndi basta basta so just do the traditional defrosting ng meat. mas safe at easy din naman yun, wla naman kasi problema ung maliit lang ang dedefrost mo.
- Ren Ashbell
- Oct 7, 2018
Wala kasing details tungkol sa features ng microwave na to pero tulad nga ng nasabi nila, kung may option na mag defrost, halos lahat ng microwave ngayon may ganun na feature edi pwede, pero hindi ibig sabihin nun waterproof yung microwave so dapat may lalagyanan pa din yung idedefrost mo para hindi tumulo sa loob, mas maganda siguro kung lock and lock na lalagyanan
- sosmiento ana
- Oct 25, 2018
Okay naman siguro kung may wet sa loob ng microwave just in case kung accidentally mababasa ang nasa loob nito. But, considering na yung microwave nato is nakakapag chill ng sinabawang manok let say for example lang. Syempre accurate yung heat niya to have efficient meal or soup. I guess hindi naman issue yun e as long as functional to okay lang. Waterproof o hindi waterproof okay lang naman na matapunan to ng sabi if accidentally happen siya but not all the time na ganun palagi yung mangyari kasi hindi nadin yon better sa microwave. Be careful nalang din po sa mga gamit or gumagamit ng ganito.
- Leonne Arf
- May 19, 2018
Meron kasing mga microwave na kapag ginamit mo, medyo naglalasang goma or something yung pagkain, ganito din ba ito?
- Serah
- May 23, 2019
Hello, nakakapagbake ba sa model na to?ty in advance
- Lalalopsy
- May 14, 2018 / Good Answers : 1
saan po kaya pwede magpaayos ng touchpad nitong microwave ko? nasira na yung palstic niya at matigas na pindutin eh sayang kais gumagana pa.
- Terra
- May 16, 2018 / Good Answers : 12
Sa microwave technician din pinapaayos yan, try mo sa mga malls baka meron doon, hindi ko alam kung taga saan ka pero dito sa Las Pinas marami nag aayos ng microwave saka oven. Kung sa bandang Manila ka, madami sa Recto saka Taft