Forum : Laptops

Logsbet

  • Logsbet
  • Jan 13, 2021

Im planning to invest on a well rounded laptop. well not actually for games pero for multimedia work lang photo and video edtiing. and i find this laptop match the specs that i want. advice ng mga friend ko e mag mac daw ako pero nung cnompare ko ung specs parang mas ok to e,

Elson Martin

  • Elson Martin
  • Jan 16, 2021

Available siya pero problema laging walang stock kasi konti lang naman mag stock yung mga computer stores dito, yung mga mumurahing parts lang nila yung madalas madaming stocks kasi siyempre ayun lang yung kaya bilhin ng karamihan, naturang mamahal talaga ng mga high end na accessory lalo na laptops, hindi pa naman pwede mastock ng matagal mga computer

Good Answer

Reply

Lynnel R

  • Lynnel R
  • Jan 12, 2021

Has anybody tried changing battery for model 14-cd1037TX?

Where have you bought the battery?
How long was it until you needed to change the batt?

Reply

Naidine Marteja Llaguno

  • Naidine Marteja Llaguno
  • Jan 11, 2021

how to use camera on this unit/ please help

Reply

Leiry Montefalco

  • Leiry Montefalco
  • Jan 6, 2021

Suggest naman po if anong magandang ram ang idagdag sa ganitong model. Sobrang bagal kasi magprocess kasi 2gb lang ram ng nabili ko.

Reply

Lorie Garces

  • Lorie Garces
  • Dec 15, 2020

I want to change yung SSD to a larger one pero pwede ba? Or HDD lang?

Nicko Verba

  • Nicko Verba
  • Dec 16, 2020

Ewan ko lang kung totoo yung specs na bigay ng Huawei kasi yung sa Matebook D14 ko may kasamang HDD yun, parang 250GB lang yung SSD tapos 1TB HDD ata, normal lang yung ganyan kasi mahal nga SSD saka hindi naman lahat ng software kelangan ng mabilis na processing speed. Ngayon ang hindi ko alam kung pwede palitan yung SSD at kung may HDD man tingin ko ayun lang pwede

Good Answer

Sam Torrenueva

  • Sam Torrenueva
  • Dec 16, 2020

May mga laptop actually na hindi din pwede palitan yung HDD pero hindi naman literal na non-removable kagaya ng sa mga smartphone kasi wala pa naman ganun computer, pwede palitan pero mas mahirap at mas madami lang tatanggalin, kung ganyan dito sa Matebook D14 baka pati yung SSD pwede mo palitan din, kung ako lang mas maganda nga taasan yung memory ng SSD kesa HDD

Good Answer

Reply

Mac Espiritu

  • Mac Espiritu
  • Dec 14, 2020

ano po ang quality ng webcam ng laptop na ito?

Raul Aldana

  • Raul Aldana
  • Dec 15, 2020

kapag mga Acer alam ko mababa lang specs ng webcam nila, its either VGA or mga 1mp lang yan tapos yung screen quality nila hindi pa FHD din, since lumang klase din kasing itong Acer 5 na ito kaya yung specs niya hindi sobrang ganda unless for basic use mo lang din naman gagamitin okay na din siguro yun at bilhan mo nalang ng external camera.

Good Answer

Heidi Voyer

  • Heidi Voyer
  • Dec 16, 2020

usually nga po ay mababa lang ang specs ng webcams, bihira sa laptop na mura ang may maganda an webcam kaya marami ang gumagamit ng external na webcam instead which I think is mas okay nga ito, Kaya kung hanap mo ay magandang webcam bumili kanalang ng external na webcam to use para mas malinaw ito na gamitin.

Good Answer

Angela Kamille

  • Angela Kamille
  • Dec 17, 2020

halos lahat talaga ng laptop hindi maganda ang quality ng webcam kaya halos lahat ay nag opt to buy an external camera at mas maganda kasi you can choose where to place the camera kung saan maganda ang anggulo mo at view ng background. mahal kasi yung may maganda na internal na webcamera sa laptop din kasi.

Good Answer

Aaron V Potestas

  • Aaron V Potestas
  • Dec 18, 2020

eversince talaga external na ang gamit ko na webcam kasi mas malinaw

Good Answer

Mercules

  • Mercules
  • Jan 13, 2021

Wag ka umasa sa webcam quality ng laptop. nde ko alam bkit mas advance pa ang smartphone cameras compared sa laptop e mas mahal sila. with that said. if you want a high resolution camera i suggest bumili ka ng seperate unit kaso panget tlga mga stock camera ng laptops.

Good Answer

Blue cross

  • Blue cross
  • Jan 13, 2021

Just like what Mercules said, its much better to get an external camera if you want to have a good quality imaging. i suggest you go with logicool kasi subok na, marami din silang type ng webcam meron din nung may motion tracking na susunod sa bawat galaw mo.

Good Answer

Reply

Mark Raphael Park

  • Mark Raphael Park
  • Nov 23, 2020

Saka ilang slot yung RAM nito?

Ako pala si Eric

  • Ako pala si Eric
  • Nov 24, 2020

Hanggang 12GB RAM hindi ko alam kung optional upgrade o variant saka hindi nakalagay kung ilan yung slot ng RAM pero tingin ko 2 slots, tingin ko lang. Check mo yung page ng seller baka mas madami info tungkol sa laptop, click mo lang yung green na button tapos mapupunta ka sa page ng seller, check mo description kung nandoon yung specs

Good Answer

Reply

??

Sophia Tejerero

  • Sophia Tejerero
  • Nov 10, 2020

pwede na po ba to for onlime class purposes? or may iba pong suggestions na mas okay?

Espie Puljanan

  • Espie Puljanan
  • Nov 11, 2020 / Good Answers : 1

kung basic lang po at online school sa bata ay pwede na po ang mga ganyang klase, kung hindi naman kayo mapili masyado sa specs, meron po kasi mahal na klase pero hindi maganda ang quality ng screen, usually din pag mura na masyado ang bibilhin niyo ay hindi na din maganda ang quality pero kung ang gusto niyo po ay makapag video at online lang naman po ay okay na ito.

Good Answer1

Annie Antonio

  • Annie Antonio
  • Nov 12, 2020 / Good Answers : 1

mas marami pa po talagang mas okay dito pero kung pang online class lang naman po ang pag gamitan niyo okay naman po ito need mo din ng MS office kasi ang alam ko kailangan sa school yung ganun pero siguro okay na din gamitin ang Google docs etc. Luma na din ito pero okay panaman na gamitin ito. Pang basic usage lang naman kaya okay din.

Good Answer1

Sophia Tejerero

  • Sophia Tejerero
  • Dec 14, 2020

okay po. pero may iba pa po ba kayong marerecommend na acer laptop? for onlime class purposes lang din po. ung magagamit ung chrome ng mabilisan.

Apple Mos

  • Apple Mos
  • Jan 13, 2021 / Good Answers : 1

Madaming model ang aspire 3 pero advise ko if youre looking for a laptop for online class e kuha ka ng SSD na storage type at least core-i3 na processor and 4GB RAM or higher na spec.

Good Answer1

Walay Laway

  • Walay Laway
  • Jan 13, 2021

I bought 2 laptops for my cousins din, Both SSD model, kaso ung isa intel n series lang ang processor. kaya naman for distance learning pero sabi nya nag llog pag nag ggames sya,

Good Answer

Reply

Stephenray Frigillano

  • Stephenray Frigillano
  • Oct 23, 2020

Hello po.. pede po ba pa help baka may solution kayu sa desktop problem ko.. kasi kapag e turn on ko yung desktop ko hanggang windows 7 logo lng sia yung nag blink2 na windows 7 pano to?

Reply

Gayle

  • Gayle
  • Oct 18, 2020

Hi, just wanted to ask if Huawei Matebook D14 Ryzen 7 is in 16gb RAM. Thanks!

Gayle

  • Gayle
  • Oct 19, 2020

Nvm. Got it! Sorry. :))

Espie Puljanan

  • Espie Puljanan
  • Nov 11, 2020 / Good Answers : 1

all specs can be found in the website naman po about Huawei D14 so there is nothing to worry about it, then sa store pwede niyo din idouble check para makasigurado kayo sa specs nito wala namang problema sa specs na ito maganda nga at Huawei kaya malinaw ang quality, 16GB is more than enough to use kaya medyo mahal siya na klase na laptop

Good Answer

Manny Guinto

  • Manny Guinto
  • Nov 14, 2020

Hindi 8GB lang siya at sabi sa store hindi na daw siya upgradable lagpas doon, so either 4GB o 8GB lang itong Matebook D14, sabi nila okay din naman kasi dalawang 4GB RAM yung gamit nito so dalawang RAM yung gumagana kaya walang bottle neck pag dating sa processing, pero kung ako lang mas okay pa din na isang RAM pero 16GB kasi future proof yun

Good Answer

Choox TV

  • Choox TV
  • Dec 16, 2020

It says 16GB RAM pero yung nakuha ko 8GB lang daw meron kaya ewan ko lang

Good Answer

Reply

Dlonra Elahom Onitnatsnoc

  • Dlonra Elahom Onitnatsnoc
  • Oct 18, 2020

When will the price appear? Im interested on this model.thank you

Reply

Jr Kamiguin

  • Jr Kamiguin
  • Oct 14, 2020

Okay kaya yung video card nito? Pang edit ko kasi ng pictures saka pang laro na din, kakayanin na kaya nito?

Vic Ferrer

  • Vic Ferrer
  • Oct 15, 2020

Saktohan lang, 30 fps lang ata to at hindi maganda yung sa ibang games ngayon at lalo na sa editing apps pero tingin ko palag pa din naman, kung gusto mo yung talaga mga pang editing pwede na yata yung may Gefore 1080 Ti pero may mga mas bago na kasi ngayon so hindi ko alam kung nag update din yung mga softwares ngayon

Good Answer

Tim Salinas

  • Tim Salinas
  • Oct 15, 2020

Wag ito kasi for sure obsolete na din ito next year or next next year, dami na naglalabasan na bagong video card ngayon at nagtataasan na din yung resolution ng mga video at pictures, baka hindi na siya magamit sa mga susunod na taon, kung gagamitin mo lang din na pang matagalan suggestion ko itodo mo na yung budget mo kesa masayang pera mo

Good Answer

Norman Hassam

  • Norman Hassam
  • Oct 15, 2020

Okay lang yan, kung basics lang naman gagawin mo or pictures pwede na din yang graphics card nito, hindi naman magiging requirements yung 4k resolution or any higher jan sa ngayon, baka matagal pa kasi malaki kinakain niyan sa memory and hindi rin lahat ng gadgets ay compatible sa 4k, mahal pa yung hardware para jan sa ngayon

Good Answer

Owen Castro

  • Owen Castro
  • Oct 15, 2020

Ang masasabi ko lang na opinion ko, wag Acer. Hindi sila kilala na magaling mag assemble ng laptop at desktop

Good Answer

Jaime Asuncion

  • Jaime Asuncion
  • Nov 23, 2020 / Good Answers : 1

Mas maganda pa mag Lenovo kasi mas matibay mga laptops nila kesa Acer, though mas mura yung Acer kesa Asus at Lenovo kaya maganda lang siya if basic documents lang gagawin walang video o music editing kasi hindi naman kelangan ng magandang specs sa MS Word, Excel at Powerpoint, parang ayun lang ata maganda sa Acer

Good Answer

Ned Olivar

  • Ned Olivar
  • Nov 23, 2020

Meron naman silang mga laptops na maganda, actually pwede naman maghanap ka na lang ng Acer laptop na may magandang video card at processor, ayun talaga isa sa mga importante tapos upgradable yung RAM para palitan na lang ng mas mataas at maganda yung RAM, pag dating sa sound card pwede naman bumili na lang ng wireless o ibang speaker para ayusin

Good Answer

Reply

Angelica Rosel Leaño

  • Angelica Rosel Leaño
  • Oct 4, 2020

Pde pu ba tong pang online class? Or Yung camera b nito malinaw??nag hahanap kase aq NG laptop bibili pla aq..

Espie Puljanan

  • Espie Puljanan
  • Nov 11, 2020 / Good Answers : 1

Pwede naman sya pang online class pero I dont think na malinaw ang camera ng laptop na ito, yung screen nga nya ay HD lang so hindi din sobrang linaw ito sakto lang naman po. Pwede kananman bumili ng webcam na 1080 na ang quality para malinaw ang camera mo, subukan mo sa store tumingin para magka idea ka sa quality nito medyo mahal lang siguro yun.

Good Answer

Annie Antonio

  • Annie Antonio
  • Nov 12, 2020 / Good Answers : 1

kung linaw ang paguusapan hindi siya sobrang linaw talaga, screen resolution niya HD nga lang tama si sis Espie dito ngayon sa camera baka VGA pa yan so ibig sabihin malabo talaga pero kung ganun man pwede ka bumili nalang ng FHD na webcamera para maging malinaw ang camera mo, kung may budget ka pwede ka din bumili ng 1080 na quality kasi mas malinaw talaga yun.

Good Answer

Reply

Mala16

  • Mala16
  • Sep 15, 2020

saya memiliki laptop latitude d630 yang sepertinya tidak mempunyai fitur kamera bawaan. Pertanyaan saya apakah laptop yang tidak memiliki kamera bawaan bisa diatasi dengan webcam agar laptop saya bisa menggunakan aplikasi zoom ?

Reply

Kenneth Gamboa

  • Kenneth Gamboa
  • Sep 12, 2020

Bakit mas mura yung i7 kesa sa i5 na processor?

Dex Ilagan

  • Dex Ilagan
  • Sep 14, 2020

Ayang ang seller lang talaga magkakapag sabi kung bakit, kahit same lang most parts dapat mas mahal ng onti yung may i7 kesa i5 hindi mas mura, tutal mas mahal yung former, unless mas mataas na generation yung i5 at first gen yunr i7, pero hindi pa din justified yung difference ng presyo kahit ganun, mas maganda talaga kung seller sumagot

Good Answer

Kenneth Gamboa

  • Kenneth Gamboa
  • Sep 14, 2020

Ang tanong kung nasagot ba sila sa forums? Sa mga nababasa ko dito hindi sila sumasagot at kung meron man seller na sumasagot madalas ibang tao hindi yung mismong seller na hinihingian ng response, yung iba imbis sagutin pa ng maayos bebentahan ka pa mas masama pa ibang product madalas binebenta, walang kinalaman sa tanong

Lester Restua

  • Lester Restua
  • Sep 14, 2020

Kasi nga dapat kung mag rereply ka o magtatanong ka sa seller dapat at least doon sa page nila, yung mga online shops naman may comment o review section palagi, kung may issue ka o tanong pwede doon ka mag post pero madalas sa review section nag rereklamo mga tao para mas pansinin ng seller, pwede din na mismong seller tanongin mo kung may makita kang contact info nila sa page nila

Good Answer

Kenneth Gamboa

  • Kenneth Gamboa
  • Sep 14, 2020

Ganun nga nung una gagawin ko dapat kaso yung iba kelangan mo pa mag register bago ka makapag comment at yung iba wala naman contact info, meron mga email address minsan binibgay mga seller pero hindi naman din sila madalas sumasagot ata, kahapon pa ko nag email wala pa din reply yung seller sakin, maganda sana kung mabilis sila sumagot or at least within the day

Reply

Darlene Estrada

  • Darlene Estrada
  • Sep 7, 2020

Tama po ba ang pirce indicated dito? brand new po ba ito? bakit masyado pong mura ito mukhang okay naman po ang specs niya. TIA

Marie Gernaldo

  • Marie Gernaldo
  • Sep 12, 2020

mas maganda siguro to clarify sa seller ang mga prices na nakikita natin sa mga website baka error lang sa side nila after nila mag post. Sa nakikita ko hindi naman mura ang price posted so baka nabago na po ng nag post ang price nial dito. Pero para makasigurado sa mga naka post dito always ask the seller nalang po.

Good Answer

Gladys Gonzales

  • Gladys Gonzales
  • Sep 12, 2020

basta mataas ang specs ng laptop mahal ang price niya

Good Answer

Grace Israel

  • Grace Israel
  • Sep 12, 2020

tama yun kapag mataas ang specs ng laptop mas mahal talaga ito kaya kung balak niyo bumili ng bagong computer or laptop icheck niyo lagi ang specs nito then saka kayo mag decide kung worth it ba na bilhin ang mataas na specs at kung sakto ba naman ito sa budget niyo kung hindi siguro okay na yung middle range na specs.

Good Answer

Rainer Bernardo

  • Rainer Bernardo
  • Sep 12, 2020

pag HP mahal yan at maganda ang specs kaya hindi yan cheap type na laptop

Good Answer

Reply

Karl Reeve

  • Karl Reeve
  • Aug 23, 2020

Yung nasa specs ba o yung updated na OS version? Kasi alam ko nagkaaroon this year ng bagong update

Raven Magat

  • Raven Magat
  • Aug 26, 2020

Walang nakalagay naman sa specs na current version ng operating system nito pero tingin ko naman updated ito tutal nung last November lang huling update sa OS Catalina nito, kung hindi man libre lang naman update kaya madali lang kung balak mo bumili nito, pero ngayon ko lang narealize kaya pala wala pala masyadong nabili nito kasi sobrang bulok ng specs, sobrang hindi worth it yung price

Good Answer

Karl Reeve

  • Karl Reeve
  • Aug 26, 2020

Bakit naman hindi worth it? Madami din naman naka Macbook at Mac computer, sa office namin puro Mac kami except lang talaga yung server kasi gets ko din na kelangan mas may freedom sa system kelangan gamitin, saka kung specs lang pag uusapan iba naman din kasi yung system requirements ng mga software sa Mac kaya siguro ganyan yung hardware na gamit

Reply

Page 1 of 79