Forum : Game Consoles

Alexander  Moses

  • Alexander Moses
  • Feb 26, 2021

Where can I get this in the Philippines? Yun legit.. super interested pero ang hirap maghanap o hndi pa out sa market?

Reply

Paul Remedios

  • Paul Remedios
  • Feb 6, 2021

Wala kasi magawa yung mga bata dito sa bahay, bibili sana ako nito pero baka wala na ko mabili na laro para dito

Riz Za

  • Riz Za
  • Feb 8, 2021

Yes maganda pa din siya bilhin for kids, hindi naman lahat ng kids ay updated at mapili sa mga games, basta bigyan mo lang sila ng game na matutuwa sila or pagkakabusyhan okay na sila jan. I suggest mga sport games para gumalaw galaw katawan nila, ayan kasi yung kinaganda talaga ng mga Wii games, meron jan boxing at yung madalas na tennis game

Good Answer

Genmark Buraga

  • Genmark Buraga
  • Feb 8, 2021

May mabibili ka pa din naman mga laro ng Wii pero mas onti na lang siguro, yung ibang laro lalo na yung mga hindi talaga sumikat baka kelangan mo pa mag order online, pero kung willing ka matuto mag modify at mag install ng game sa Wii mas maganda, hindi mo na kelangan bumili ng laro at madami ka pang pagpipilian na mga laro sa internet

Good Answer

Reply

Clark Armosol

  • Clark Armosol
  • Jan 15, 2021

Like slim or Xbox series X pro tulad ng sa Playstation? Baka kasi mas stable na yung mga yun

JJ yosh

  • JJ yosh
  • Jan 15, 2021

2 model ang ilalabas ng xbox, xbox x ung higher trim tas ung lower trim e ung s. wala pa nmn nabanggit so far about sa slim o pro na type. pero kung e ccompare mo silang pareho e ung xbox series x and unit to get kasi mas ok specs nito compared dun sa series s. wag ka rin kukuha ng digital model kasi mahirap e benta un. sayang mga games mo kasi nde mo rin mabebenta.

Good Answer

Elson Martin

  • Elson Martin
  • Jan 16, 2021

Meron ito parang slim version, pero hindi talaga slim yun kasi mataba pa din pero mas maliit lang kesa sa Xbox Series X, wala pa yung mga Pro at Neo version baka next year o after 2 years pa kapag naayos na nila yung mga magiging problema ng mga base model, kung bibili ka agad ngayon dapat yung base model na wag slim kasi pareho lang naman magkakaproblema, malulugi ka lang sa specs ng slim

Good Answer

Van Michael

  • Van Michael
  • Jan 16, 2021

Naglalabas din sila ng mga ganyan pero hindi pa lang ngayon, kakalabas pa lang nitong Xbox Series X, nakakalito lang talaga yung mga pangalan ng model nila kasi ayaw nila patalo sa number ng Playstation saka Nintendo, mapride masyado yung Microsoft. Wait ka lang ng mga ilang taon maglalabas din yan ng mga pro version ng console nila

Good Answer

Ben Dayao

  • Ben Dayao
  • Jan 16, 2021

Kahit wag na sila mag labas ng bagong version ng Xbox Series nila, ayusin na lang nila yung mga problema ng console nila ngayon doon sa mga susunod na units na ilalabas nila, puro sila upgraded version wala naman inaayos sa mga console nila, simula talaga nung Xbox 360 hindi na sila nagkaroon ng console na walang problema

Good Answer

Oplan single

  • Oplan single
  • Jan 21, 2021

May info na ba kung kelan to e rerelease sa pinas? kasi ung playstation 5 e nagbenta na ng first batch nung decmeber diba. d ako umabot sa reservation kaya kaysa mag antay e naisip ko na xbox nlng kunin ko muna since binibili ko naman tlga ang 2 unit. kung may makakapag share na info maraming salamat.

Good Answer

Reply

Williamjohn

  • Williamjohn
  • Dec 21, 2020

Some of us are very careful about our data, every VPN provides you the authentic and reliable browsing in cost-efficient ways. We want to make our browsing private and safe. We all have to use [url=https://www.circuitvpn.com/]Circuit VPN[/url]. This helps you to make your data safe, protected, and private. VPN is the tunnel that acts as a shield to avoid your data used by others. This is the finest offer for individuals who want to prefer privacy. You only have to turn your VPN on, anywhere, or anytime. No one can see your browsing history and that gives you super connectivity. What do you think about it?

Reply

Heidi Voyer

  • Heidi Voyer
  • Dec 14, 2020

worth buying ba ito or iba pa din talaga ang playstaion?

Raul Aldana

  • Raul Aldana
  • Dec 15, 2020

ako kasi talagang Playstation ang mas gusto ko na console, hindi ako satisfied pag gamit ng Xbox parang may kulang pag ito ang gamit ko. Na try ko na din kasi mag Xbox at hindi ko gusto ang controller at mga games nila kumpara sa Playstation tapos since may PS5 na talo nanaman ang Xbox sa kanila kasi marami nagaabang dito.

Good Answer

Heidi Voyer

  • Heidi Voyer
  • Dec 16, 2020

gusto ko sana subukan ang Xbox sabi kasi ng mga kaibigan ko maganda din naman ito, pero syempre bibili lang ako pag maganda nga talaga, kaya hindi pa ako nakakabili ng Playstation 5 kasi parang gusto ko din mag Xbox na console para makita kung okay ang console nila. Pero para sa akin PS pa din ang maganda ang quality niyan for sure.

Angela Kamille

  • Angela Kamille
  • Dec 17, 2020

hands down pa din ako sa Playstation na console mas okay pa din sila kaysa sa Xbox na console. Majority pa din ng players mas gusto ang PS5 at marami ang nagaabang dito, kapag na dispose na namin ang PS4 namin saka na kami makakabili ng PS5 so baka mga next year pa kami makakabili at makakasubok nito.

Good Answer

Veronika Taylor

  • Veronika Taylor
  • Dec 18, 2020

naku Ps5 talaga ang maganda just got one last week!!

Good Answer

Joey conception

  • Joey conception
  • Jan 14, 2021

Mas ok ang Xbox para sakin. first of all ok ung ecosystem nya like ung gamepass at xcloud, pwede ka maglaro sa xbox at pc whichever ang mas convenient sayo. number two naman e mas ok para sakin ung design ng xbox kaysa sa ps5 parang madali mag luma at nde mo kayang e higa ang ps5. lastly naman e mas gusto ko mga games sa xbox kaysa ps5.

Good Answer

Reply

Ako pala si Eric

  • Ako pala si Eric
  • Nov 23, 2020

Yung umuusok yung console kapag overheated?

Clark Ronquilio

  • Clark Ronquilio
  • Nov 24, 2020

Nakita ko nga yung mga video pero sa mga napanuod ko parang may nakakabit sa ilalim ng console, hindi lang halata kasi parang sadya na bandang ibabaw lang ng console yung pinapakita pero may mapapansin ka pa din wire sa baba ng screen, siguro ayaw talaga nila ipakita yung lower part at sabi din naman ng iba hindi daw kaya mag pausok ng ganun kakapal yung loob ng mga console kahit sumabog pa

Good Answer

Choox TV

  • Choox TV
  • Dec 22, 2020

Sa mga nakita ko at daming commnets mukhang confirmed nga na issue yan, pero medyo hindi pa ko 100% naniniwala kasi kung totoo talaga yan obviously hardware issue yan, dapat pinapull back ng Microsoft yung mga sold units na ganyan kasi delikado, pero sa ngayon wala pa ko nababasang announcement na ganun kaya duda pa din ako

Good Answer

Ryan Kawili

  • Ryan Kawili
  • Dec 22, 2020

Baka kaya hindi pinapull back ng Microsoft kasi nga hindi naman lahat ng Xbox Series umuusok ng ganun, kung lahat ng unit nasira ng ganun for sure mababalita talaga yun pero so far wala kaya ibig sabihin hindi siya design defect pero for sure papalitan nila yung mga defective unit kasi hindi naman agad maayos yun, kaya possible na yung mga mabibili natin units next year puro mga refurbished na

Good Answer

Jonas Fidel

  • Jonas Fidel
  • Dec 22, 2020

Naku refurbished, hindi nga malayo mangyari yun kasi uso naman sa North America yung ganun, dito pa naman okay lang hindi ideclared mga refurbished items

Good Answer

Drex Ibarra

  • Drex Ibarra
  • Dec 22, 2020

Okay lang ako sa mga refurbished units kasi at least tested na yun ng paulit ulit kakaayos, and hindi ako ayos yung warranty ng mga units na ganun dito kasi sila yung mga 6 months lang ang warranty instead na full year o 3 years, sabi kasi ng friend ko sa North America, ganun daw nila nalalaman kung refurbished o hindi yung item kasi gamit na yung warranty habang inaayos yung unit

Good Answer

Mack Asel

  • Mack Asel
  • Dec 22, 2020

Hindi naman dapat natin pinoproblema yan kasi malamang karamihan naman ng pinoy Playstation ang bibilhin, siyempre meron pa din na Xbox series S ang bibilhin pero konting percentage lang yun, kaya unless eto yung balak mong bilhin hindi mo kelangan matakot na sumabog yung console mo, tutal auto brick ang problema sa Playstation 5

Good Answer

Reply

Patrick Salabsab

  • Patrick Salabsab
  • Nov 16, 2020

ano kaya ang mas okay na bilhin? xbox o ps5?

Espie Puljanan

  • Espie Puljanan
  • Nov 17, 2020 / Good Answers : 1

kami talaga mas gusto namin ang playstation na console, basta may lalabas na bago na playstation binibili talaga namin ito, nakapag try na din kami ng xbox pero mas gusto talaga namin ang playstation kaya sa dalawa mas gusto namin ang playstation5, Hintayin lang namin ma release yan dito sa Pilipinas

Good Answer

Waley Mani

  • Waley Mani
  • Jan 14, 2021 / Good Answers : 1

Go with the PS5 the specs is uncomparable its like night and day. aside from specs, mostly ang pinag tatalunan lang nmn dito e ung mga available games. may mga games kasi na xbox only and vice versa. both are good, but ps5 is much bettter lang tlga in terms of specs,

Good Answer

Arvin Tan

  • Arvin Tan
  • Jan 16, 2021

Depende sa klase ng laro na gusto mo kasi may mga exclusives ang bawat consoles, iba iba din ang genre

Good Answer

Cjay Maguad

  • Cjay Maguad
  • Jan 16, 2021

Kung naghahabol ka ng mga shooting game, etong Xbox series X ang suggest ko kasi magaganda yung shooting games na exclusive dito, kung gusto mo adventure games yung Playstation 5, sa Nintendo mga adventure games din ang exclusives nila pero pambata naman. Karamihan naman ng nilalabas na laro, malalaro din sa ibang console pero mas maganda kasi pang shooting game yung controller ng Xbox

Good Answer

Datu pula

  • Datu pula
  • Jan 21, 2021

nde naman puro shooting game lang ang lalaruin mo. mostly ung mga big titles e meron naman sa xbox at meron sa playstation. ung mga games lang tlga na exclusive sa xbox o playsation ang dapat main concern mo, persoanlly yan ang tinghin ko. pero kung base na pag uusapan natin e performance lang e lamang na lamang tlga ang playstation kaysa xbox.

Good Answer

buggy woogy

  • buggy woogy
  • Feb 23, 2021 / Good Answers : 1

Magkakatalo lang yan sa titles na linalaron mo e, para sakin both sila ok lang un ngalang mas lamang ang xbox sa first shooter games. pareho din nmn sila pde mag games from other devices. pero pag sa spec sheet ang usapan e lamang ang ps5.

Good Answer

Apple Mos

  • Apple Mos
  • Feb 23, 2021 / Good Answers : 1

Pareho lang ba ang price ng mga softwares nila? bakit parang may naririnig ako e sabi nila mas mahal daw ang games ng xbox kaysa sa playstation e pareho lang nmn sila dba? parehas din ba sila na pde may run ng mga lumang games?

Good Answer

Walay Laway

  • Walay Laway
  • Feb 23, 2021

Same lang ang price ng mga game titles nila, may descrepancy lang dpende sa seller pero same lang sila. ang advice ko lang e wag ka bibili nung digital version lang. kapag nacorrupt kasi ung system mo mas malaki ang talo mo, unlike na kung hawak mo ung hardware tas pede mo pa ibenta,.

Good Answer

Mercules

  • Mercules
  • Feb 23, 2021

Yung nga din naisip ko, ok sna ung digital version para wala ka ng mga gamit na nakatamabak kung saan saan pero kung tutuusin e pag nasira ung storage e goodbye din sa mga laro mo at pahirapan e benta un compared sa normal na model.

Good Answer

Reply

Maysi Maylani

  • Maysi Maylani
  • Oct 15, 2020

ito naba ang latest at pinaka maganda na xbox na console?

Kara Sanchez

  • Kara Sanchez
  • Oct 17, 2020

hindi ako familiar pero ito po ang pinaka bago sa xbox ngayon eh

Good Answer

April Gene

  • April Gene
  • Oct 17, 2020

xbox series x talaga ang mas bago pero sa November pa ito ma release kaya siguro sa ngayon ito pa yung pinaka bago na Xbox sabi nila mas maganda yung series x kaya marami din ang aabang kaya gusto ko na sila icompare sa playstaion 5 kasi maganda din naman ang playstation na console kaya dapat pagisipan mabuti kung ano ang mas okay na bilhin sa kanilang dalawa

Good Answer

Maddie Kaine

  • Maddie Kaine
  • Oct 17, 2020

mas okay pa din ang playstation kaysa sa Xbox, mas okay sa games, pero quality wise naman ay okay silang pareho mas gusto ko lang ang games na offered ng Playstation lalo na ngayon mas maganda ang graphics ng Playstation 5 kaya mas gusto ko ang console nila pero kung magkakaroon ako ng Xbox okay lang din pero hindi ako bibili nito.

Good Answer

Mitchie Anne

  • Mitchie Anne
  • Oct 17, 2020

ako din mas gusto ko din ang PS5 na console

Good Answer

Reply

Kenneth Gamboa

  • Kenneth Gamboa
  • Sep 15, 2020

Kasi parang wala naman sense magkaroon ng mas magandang 3DS XL, may Switch Lite naman

Ferdi Halal

  • Ferdi Halal
  • Sep 16, 2020

Wag ka mag alala matagal ng nilabas yan bago pa ata yung Nintedo Switch magkaroon, kaya walang bagong features yan pero magaganda pa din naman at worth it pa din bilhin para sa mga games, kung naghahanap ka ng may magagandang graphics o pang Nintedo Switch, yung lite na lang bilhin mo kasi luma na din yung mga games nito

Good Answer

John Rey Salazar

  • John Rey Salazar
  • Sep 16, 2020

Yung bago dito mas mabigat, may dagdag na maliit na analog joystick, parang ayun ata yung right analog stick problema nasa upper left siya at maliit lang, hindi rin siya katulad ng normal na analog kasi matigas siya sa pakiramdam, tapos mas malakit ito siyempre pero aside doon wala na ko nakitang difference, yung display parang pareho lang naman din

Good Answer

Ernesto Valdez

  • Ernesto Valdez
  • Sep 16, 2020

Maganda pa din bilhin to, mas maganda nga bilhin ngayon ito kasi wala na pake yung Nintedo dito kaya madami ng hacks, pwede ka din makapag laro na ng mga Nintendo DS games, konti lang kasi ng mga games sa Nintedo 3DS, at mas onti yung mga magagandang games, yung Fire Emblem nakakasawa kasi ayun lang yung magandang franchise sa 3DS

Good Answer

Kenneth Gamboa

  • Kenneth Gamboa
  • Sep 16, 2020

Kala ko nag labas ulit sila this year ng 3DS, hindi ko nakita yung release date kasi tapos wala pang thread topic. Gusto ko nga din sana subukan yang mga hacks na yan kaso hindi kasi ako magaling sa computer, baka masira ko lang din saka nung pinapanuod ko sa iba kung paano gawin nalilito ako, pero pwede ba makapag laro ng Gameboy advance na laro diyan?

Reply

Evelyn Danganon

  • Evelyn Danganon
  • Sep 13, 2020

Im willing to buy one kung gusto niyo ibenta? need games to use a VR on it. sayang din kasi

Morris Cabayao

  • Morris Cabayao
  • Oct 23, 2020

Yang mga seller na nagbebenta niyan baka nagbebenta ng VR kit lang, nabibili naman magkahiwalay yung PS4 at VR mga nasa less than Php4000 o Php3000 lang ata yun pero kelangan din ata ng PS camera para gumana yung VR, Php2500 yung mga nakikita kong price na second hand hindi ko alam kung magkano official price pwede mo isa isahin bilhin para hindi masakit sa bulsa

Good Answer

Jessie Ranban

  • Jessie Ranban
  • Oct 23, 2020

Mas mabuti bumili ka na lang ng brand new VR headset if ayun lang naman yung kulang mo kasi they are not as durable as people might think, kaya yung mabibili mong second hand baka may issue na pala, its hard to check them din kasi siyempre kelangan mo itry yung VR headset to verify and hindi naman something na pwede gawin outside

Good Answer

Mark Raphael Park

  • Mark Raphael Park
  • Nov 15, 2020

Wag ka na muna bumili ng mga VR headset lalo na ngayon end of year dahil may mga bagong model ng VR headset na lalabas, sayang lang pera mo kung bibili ka agad nito tapos lumabas yung bagong VR headset dahil for sure may mga games na compatible sa mga bagong model o probably mas maganda yung takbo sa mga yun, baka sa March mag labasan na mga yun

Good Answer

Reply

Grace Israel

  • Grace Israel
  • Sep 12, 2020

Para lang ba sa Playstation ito? hindi pwede sa phone gamitin?

Rainer Bernardo

  • Rainer Bernardo
  • Sep 12, 2020

hindi ata siya magiging compatible sa phone talagang sa PS lang siya

Good Answer

Nick Torillo

  • Nick Torillo
  • Sep 13, 2020

tama hindi siya yung phone VR I think pang PlayStation talaga itong Vr na ito which I dont think naging sikat at marami ang gumamit nito need mo pa kasi bilhin separately hindi pa yan kasama sa pinaka console talaga kaya another gastos lang din ito kung balak niyo bumili man nitong ganito para sa console niyo.

Good Answer

Cecile Gamboa

  • Cecile Gamboa
  • Sep 13, 2020

mukhang hindi naman importante to have this, hindi lhat ng games pwede iVR sa playstation

Good Answer

Miguel Santos

  • Miguel Santos
  • Oct 23, 2020

Siyempre hindi, kahit remote play pa yan hindi pwede sa phone kasi kelangan ng mga specific type ng camera para gumana yung VR system sa PS4, kelangan kasi ng PS cam para makapag VR, may mga ilang camera yun nakainstall at may kanya kanyang purpose yun, kung sa phone gagamitin yun hindi lahat may camera gaya ng PS cam

Good Answer

Francis Palad

  • Francis Palad
  • Nov 15, 2020

Siyempre para lang sa Playstation ito, kung gusto mo ng VR para sa mga phone meron naman yung sa Google at Samsung, pero ang payo ko wag mo na bilhin mga yun at mag stick ka na lang sa VR ng Playstation dahil parang joke lang naman yung VR ng smartphones, ipapasok mo lang yung phone mo sa VR headset edi parang dinikit mo lang yung mata mo sa phone nun

Good Answer

Reply

Jaynalyn Bien

  • Jaynalyn Bien
  • Aug 16, 2020

may na release paba na lite version ng Nintendo switch?

Mhikie Crustle

  • Mhikie Crustle
  • Aug 17, 2020

alam ko isang Nintendo switch lang talaga ang Lite na version at wala panaman nalabas na bago pa, so far yun po ang alam ko. Yung lite version mura at lesser specs siya sa original talaga. Icheck niyo nalang ang specs ng mga Nintendo switch na gusto niyo at compare niyo sa lite version kung worth buying ba siya.

Good Answer

Shailyn Ignacio

  • Shailyn Ignacio
  • Aug 18, 2020

alam ko may Nintendo Switch Lite pa din na bago or it might be same series, kahit sa ibang bansa kasi talaga naka sale ito kasi nga lumang klase na nga ata siya, hindi ako totally sure. isang beses lang ako nakakita ng Nintendo Switch lite sa mall at sobrang tagal na yun so baka meron na ring bagong version hindi ko lang alam na ni release ito.

Good Answer

Katyrine Almonte

  • Katyrine Almonte
  • Aug 19, 2020

mas okay pa din ang Switch mismo kaysa sa lite version o kaya sa Nintendo DS, I dont have one pero I have borrowed my friends gadget at doon ko na experience yung mga yan, pero kung magkaroon man ako either of the two na, hndi na ako maging choosy pa, pansin ko lang mas okay si Switch para sa akin na portable console.

Good Answer

Claire Solis

  • Claire Solis
  • Aug 20, 2020

itong Nintendo Switch lite na posted dito last year lang naman ito so medyo bago pa talaga siya. Gaya ng cellphone may lite version din pala ang gadget na ito. Para sa akin lite version is good naman, ganito kasi mga budget friendly na gadget eh. Kaya mas gusto ko yung mga ganito na klase na affordable na pero magandang klase.

Good Answer

Reply

Troy Lazaro

  • Troy Lazaro
  • Jul 16, 2020

Dami ko na kasi nakikita online, may nagbebenta na po ba talaga nito saka magkano?

Rommie Cadag

  • Rommie Cadag
  • Jul 17, 2020 / Good Answers : 1

Mga bogus lahat yan, wala pa nagbebenta ng Playstation 5 ngayon dahil sa December pa yung release date niyan, kung may makita nagbebenta mga pictures lang yan galing sa internet o mga router na kamukha ng PS5, lang ya din kasi Sony ginawa pang mukhang router dali tuloy gayahin itusra. Kahit anong makita mo sa internet na PS5 wag mo bibilhin hangga't hindi pa December

Good Answer

Kevin Hernandez

  • Kevin Hernandez
  • Jul 17, 2020

Hindi naman specific sinabing December basta end of 2020 lang, so pwedeng October o November din lumabas itong Playstation 5, sa ngayon puro mga updates lang makikita natin kaya yung mga nagbebenta jan scammer lahat yan, yung pre-order lang totoo jan pero mag ingat pa din kasi baka bogus din yung pre-orders, dali lang mag sabi na nagbebenta sila

Good Answer

Reply

Jake Canciones

  • Jake Canciones
  • Jun 14, 2020

ano po kaya ang feature sna bago sa PS5 ngayon? cant wait na makasubok man lang ng ganitong console

Laya Monterolandez

  • Laya Monterolandez
  • Jul 11, 2020

hindi kasi ako naglalaro ng playstation pero ang alam ko marami pong nag aabang ng bagong console na ito siguro sa games na din at for sure mas malinaw na quality ng gaming. kung baga sa bagong phone mas better specs ang offered. Kung ako sainyo basa kayo ng mga news about it para mag ka idea kayo kung ano ang offered niya na bago.

Good Answer

Lucia Paz Vargas

  • Lucia Paz Vargas
  • Jul 11, 2020

mga lalake lang kais mag enjoy nyan

Good Answer

John Dimacali

  • John Dimacali
  • Jul 11, 2020

cant wait to use the backwards sa game ko sana compatible sya

Good Answer

Jonar Valeriano

  • Jonar Valeriano
  • Jul 11, 2020

aside sa look na bago maraming games lang ako hinihintay na gusto subukan syempre nga mas maganda na ang quality ng PS5, every playstation naman na ni rerelease mas gumaganda ito kaya worth it talaga na bilhin kung mahilig ka maglaro kaya halos lahat talaga ng bata na hohook sa laruan na ito kasi lalong nagmumukhang totoo ang mga graphics niya.

Good Answer

Quincy Cahilig

  • Quincy Cahilig
  • Jul 11, 2020

mas marami itong features kumpara sa mga lumang console, check niyo sa website mismo

Good Answer

Kevin Hernandez

  • Kevin Hernandez
  • Jul 17, 2020

What's lost kamo kasi wala ng disc drive ang Playstation 5, meron naman version nito na may disc drive kaso mas mahal ata siya ng Php6000 kesa doon sa regular version na wala, mataas naman yung memory storage nito kaya okay lang ang problema natin yung Pilipinas, mabagal lahat ng internet kaya hindi ideal na maging streaming or mostly online lahat ng purchase

Good Answer

Reply

Terrence Escudero

  • Terrence Escudero
  • Apr 29, 2020

Meron daw mga games na nakatago sa Nintedo Switch, may kelangan lang daw gawin para malaro yun, totoo ba saka paano yung gagawin?

Bob Villota

  • Bob Villota
  • Apr 29, 2020

Totoo yun pwede mo hanapin sa internet yung way para malaro yung game, pero ang pagkakaalam ko saglit lang yun. Hindi ko sinubukan, lagi kami magkalaro ng anak ko

Good Answer

Jasmine Ramirez

  • Jasmine Ramirez
  • Apr 30, 2020

Ang tagal mgdownload ng games

Good Answer

Reply

Jerry Paragas

  • Jerry Paragas
  • Apr 29, 2020

Napush kasi karamihan ng lalabas this year, masasama din kaya sa delay itong PS5?

Gabriel Facundo

  • Gabriel Facundo
  • Apr 29, 2020

Hindi, tuloy yung labas niya sa end of year unless mag decide bigla Sony na hindi pa sila handa. Masyadong malayo naman yung release date nila kaya madami pa din time mag handa after ng lockdown

Good Answer

Michelle Bantile

  • Michelle Bantile
  • May 15, 2020

wala paba? parang nakikita ko na kasi online na meron na nito eh kaya akala ko na release na ito, kung hahanap din ako ng games sa phone nalang hindi kasi ako gamer kaya hindi ako maka relate sa mga console addiction I mean naka pag try naman ako gumamit pero hindi lang ako na hook talaga sa pag gamit nito all night

Good Answer

Ralph Legaspi

  • Ralph Legaspi
  • May 16, 2020

Wala pang exact release date pero sa base sa pinaka huling update lalabas ito around December or Fall season this year, pero pwede din mapush dahil parang wala pa naman akong nakitang final na release ng Dual Shock 5, yung mga pinapakita sa internet hindi ko alam kung legit o sample pa lang din pero so far pati pricing wala pang sure

Good Answer

Flora Villanueva

  • Flora Villanueva
  • May 16, 2020

eventually irelease din nila yan kasi maraming nagaabang nyan for sure baka mauna pa din sa ibang bansa kasi medyo hindi naman mahigpit ang ibang country sa lockdown nila, kung sa Japan ito marelease din ng maaga at sila makaka experience nito at baka preorder muna yung ibang gamer o kaya pabili sa kamag anak sana ma deliver din dito

Good Answer

‎Benjoemar Gabion

  • ‎Benjoemar Gabion
  • May 18, 2020

marami ang nagsabi end o fthis year na lalabas ang playstation 5, basta mga ber months na siguro yan siguro sakto sa Black Friday din kasabay din ng Xbox Series X sabay na siguro sila irelease, yan ang alam ko na balita sa mga bagong console ngayon not sure kung tama talaga yan could be earlier or late pa.

Good Answer

Felipe Velasco‎

  • Felipe Velasco‎
  • May 18, 2020

yun din ang alam ko talag end of this year pa talaga ito lalabas guys

Good Answer

‎Regie Igloso‎

  • ‎Regie Igloso‎
  • Jun 14, 2020

na released na ito sa Australia at baka sa USA meron na din nito, mukhang irelease din nila maaga dito sa Pinas since meron na sa ibang bansa diba kaya hintay hintay nalang mga guys makukuha din natin itong bagong playstation, excited na rin ako masubukan ang bago nialng console eh para gamer ka talaga ito yung mga aabangangan mo

Good Answer

Chrisma Correa

  • Chrisma Correa
  • Jun 14, 2020

nauuna naman talaga sa ibang bansa, tapso sa kanila mag sale na sa atin kakasimula palang din ang benta, kaya swerte niyo kung may mga kamag anak kayo sa ibang bansa kasi sila makakabili kaagad ng playstation para sainyo since pwede na naman ang delivery ngayon. Mga lalke lang din talaga ang nagaabang sa ganitong klase.

Good Answer

‎Kenth Hecita‎

  • ‎Kenth Hecita‎
  • Jun 14, 2020

kaya para sa akin hindi ako bibili kaagad nito at for sure napaka mahal ng srp nito siguro after 6 months ako bibili nito at for sure nga mag sale ito pag na release na yan dito sa ibang bansa sale na kaya pwede na ako magpabili, yun talaga ang pros kapag may kamag anak ka sa ibang bansa, gaming all night nanaman ito.

Good Answer

Rose Orduna

  • Rose Orduna
  • Jun 14, 2020

akala ko sa December pa ma release ito? baka sa atin sa December pa sakto sa pasko, nauuna naman lagi ang ibang bansa sa release at baka ibang version nanaman ang mga playstation nila mas okay pa din sa akin yung mga compact na gaming lang para pag gusto mo na dalhin ito kahit saan makaka paggames ka.

Good Answer

Reply

Kuya Ijey

  • Kuya Ijey
  • Apr 16, 2020

Masyado kasing mababa nabibitin ako sa pag install ng games konti lang nalalagay ko, pwede ba palitan ito o kabitan ng external hard drive?

Terrence Escudero

  • Terrence Escudero
  • Apr 16, 2020

Ayan talaga yung issue ng Nintendo Wii na hindi naayos kaya madaming hindi natuwa, tingin ko nga yung problema ng PS3 at Xbox 360 pinagsama nila sa Nintendo Wii kaya sobrang baba ng benta nila, tapos battery pa gamit ng mga controller ng Wii, buti nga hindi ka nabibitin sa battery life ng mga controller na yan. Alam ko pwede gamitan ng HDD yan

Good Answer

Friday Limbao

  • Friday Limbao
  • Apr 16, 2020

Yes, pwede siya gamitan ng hard disk kung modified yung Nintendo Wii niyo, ganyan yung ginawa ko before pero may mga games lang na kelangan sa mismong internal memory naka save para gumana, saka mas mabilis din yung loading kapag sa internal memory nakasave yung game kaya kung versus game yung laro niyo mas maganda sa internal siya nakasave

Good Answer

Kuya Ijey

  • Kuya Ijey
  • Apr 16, 2020

Ginawa ko nga din yan, bumili ako ng hard disk para gamitin sa Wii kaso hindi gumana hindi ata nababasa ng Wii ko, sinubukan ko naman sa computer ko at wala naman problema. Nasayangan nga ako sa bili ko sa hard disk kasi ang mahal ng bili ko tapos hindi ko din pala magamit sa Wii, may ginagamit na din kasi ako para sa computer kaya hindi ko need ng extra, para lang talaga sa Wii

Ijay MIrasol

  • Ijay MIrasol
  • Feb 8, 2021

Hindi pwede palitan internal memory nito, saka kung pwede man hindi pa aabot ng 5GB yung pwede mo ipalit dito na memory jan, ang pinakamalaki naging problema ng Wii talaga ay yung memory nga niya, nakalimutan ko na kung ilan lang memory na meron to, sobrang tagal na kasi pero wala pang 2GB ata o 5GB, kung pwede lang palitan sana hindi naging issue yan, pero pwede ka mag kabit ng external hard disk

Good Answer

Reply

Ces Drisonto

  • Ces Drisonto
  • Apr 11, 2020

Anything new from Xbox One?

Heaven Paras

  • Heaven Paras
  • Apr 11, 2020 / Good Answers : 1

ang sabi ng utol ko ay better resolution ang offer ng One X kaya okay ang 4K and HDR nito. Compared din sa PlayStation mas okay ang image quality ng Xbox at pang matagalan din, ewan ko lang din kung totoo kasi hindi naman ako naglalaro ng ganito pero nakikita ko naman maganda naman ang quality nya kaya baka totoo nga ito.

Good Answer

Tin Camias

  • Tin Camias
  • Apr 11, 2020

This is better than Playstation!!

Good Answer

Jay Arozal

  • Jay Arozal
  • May 30, 2020

Mas maganda yung hardware specs kaya mas maganda yung resolution at pwede na ata ito sa 4k resolution, pero yung ibang features meron na din sa ibang console na same gen kaya wala ng maganda pa sabihin

Good Answer

Victor Almeda

  • Victor Almeda
  • Jun 11, 2020

Mas maganda nga siya sa Playstation pero yung specs lang, pag dating sa functionality, selection of games at mga exclusive games mas maganda pa din yung Playstation, ang sunod sa kanila yung Nintendo kasi pang all rounder mga games nila, kulang nga lang sila ng mga laro na medyo seryoso, at kulelat as always yung Xbox

Good Answer

Reply

Dexter Salas

  • Dexter Salas
  • Mar 11, 2020

Pwede ko transfer yung mga save ko sa Playstation Vita portable ko dito sa Vita na to?

David Tenoso

  • David Tenoso
  • Mar 11, 2020

Pwede pero kelangan mo muna mag subscribe ng Playstation plus kahit yung 1 month lang para masave mo sa cloud ng Sony yung mga save files mo tapos ilog in mo yung account mo na subscribed sa Playstation plus dito sa PS Vita na to, then download mo yung save files mo, then ayun na yun magagamit mo na, pero dapat same region yung game saka save file

Good Answer

Paprika Brisenta

  • Paprika Brisenta
  • Apr 20, 2020

diba may memory card din ito?

Good Answer

Heaven Paras

  • Heaven Paras
  • Apr 23, 2020 / Good Answers : 1

tama need mo ng memory card para doon isave ang games mo, yung transfer naman hindi ko alam since wala akong Vita,pero siguro pwede naman din kung may option ito sa settings edi ibig sabinhin pwede ka may cable transfer o kay through Wifi pwede ka magtransfer so icheck mo lang console or manual kung meron kapa.

Good Answer

Teena Santos

  • Teena Santos
  • Apr 23, 2020

alam ko po meron po talagang way of transferring files like music, videos and pictures po. nabasa ko lang ito online kasi alam ko namoblema din yung friend ko at gusto niya mag transfer ng files kaso hindi niya alam paano gawin kaya nag research kami at ayun nakita naman namin online kung paano ang gagawin, may cable ata kami na ginamit nun eh

Good Answer

Lemuel Diaz

  • Lemuel Diaz
  • Apr 25, 2020

never pa ako nakagamit ng Vita pero knowing Playstation may way naman po talaga to transfer from a different console, kaya baka meron naman sa manuals nila para gawin ito o kaya baka may tutorials ka na pwede na mapanuod sa Youtube para maturo saiyo kung paano ang gagawin. Halos lahat ng tutorials sa akin kasi talagang helpful eh

Good Answer

Reply

Page 1 of 8