Forum : Computer Accessories

harvey salim

  • harvey salim
  • Nov 16, 2018

katunayan po magandang gamitin ang flash drives specially kung may marami tayong mga documents na ikinikeep for the mean time right? And sa tingin ko we find it as a keeper. Since may business po kami so gamit po sakin ang ganitong flash drives. Mga nakailang Gigabytes bato? Yong maximum po nanakakayanang ipasok nang drive nato, mga ilan po?

Reply

Dueil

  • Dueil
  • Oct 10, 2018

Good evening! I think this kind of accessories really suit to my new device but I just wanna know if there's a different brand names or even keyboard numbers so that I can choose good keyboard. Does keyboard has its own variety of style, design, color, keyboard numbers and then the brand? in order for me to choose a good one.

janna more

  • janna more
  • Oct 17, 2018

Opo meron silang variety like sa brand names, keyboard numbers but ang hindi ko lang alam is that yung color niya and the design if meron bang iba iba. pero sa design po sa tingin ko may round keyboard po hanap mo nalang sa or i search mona lang din. Kung sa brand name naman yung alam ko is yamaha, casio, roland, kawai and korg yun po yong brand name ng keyboard, tapos sa yung keyboard numbers naman is, may 10 tsaka 17 na keyboards yung lang ang alam ko. Meron pa pala sa color naman only white and black lang ang alam ko rin.

Good Answer

marietta

  • marietta
  • Oct 22, 2018

may mga fancy kind din naman na keyboard at medyo pricey yun I think yung iba nagpapa customized din ng color at skin ng keyboard pwede din naman yun. Marami ng choices ng keyboard ngayon kaya hindi na hirap pumili ng magugustuhan ninyo. Mas okay sa online kasi maaring variety of keyboards na pwede mo pagpilian.

Good Answer

joneson

  • joneson
  • Oct 24, 2018

The keyboard is just fine to use, and I am very concerned about the feel of the keyboard, some very hard。I bought one on newbecca(https://www.newbecca.com/product/520186860883), which is very small. But the keyboard is too hard, and now I want to change one.

Good Answer

Reply

Lorenzki

  • Lorenzki
  • Oct 7, 2018

Paano iconnect sa network?

Kuroro

  • Kuroro
  • Oct 7, 2018

May mga ilang paraan para maconnect sa network yung printer mo, yung isa gamit yung wireless connection, tapos yung dalawang kelangan wired, either with ethernet cable or nakaconnect mismo yung printer sa computer. Kapag wireless connection, pwede mong iconnect lang sa wireless router yung printer tapos automatic na yun, pwede mo icheck sa settings yung ip address ng printer para matest connection mo mula sa computer

Good Answer

Lorenzki

  • Lorenzki
  • Oct 7, 2018

Yung mga wired connection paano? Kasi tingin ko wala naman wireless printer pa dito sa Pilipinas kaya mas safe iassume na wired connection lang magagawa ko, saka kapag connection directly sa computer, kelangan ba nakabukas yung computer kung saan nakaconnect yung printer para makapag print mula sa ibang computer sa network?

Kuroro

  • Kuroro
  • Oct 7, 2018

Para sa wired connections, kelangan mo ng ethernet cable, parang wireless connection lang din, isaksak mo yung ethernet cable sa printer saka router tapos mag test connection ka para sure. Kapag printer to computer, kelangan mo yung ip address ng computer kung saan nakasaksak yung printer tapos iaccess mo yung ip address mula sa ibang computer tapos hanapin mo yung printer then right click mo tapos connect, kelangan lagi nakabukas yung computer ng printer kasi ayun yung medium ng connection ng ibang computer sa printer

Good Answer

Reply

Ren Ashbell

  • Ren Ashbell
  • Oct 7, 2018

Pwede bang gamitin pareho?

Svan Alcan

  • Svan Alcan
  • Oct 7, 2018

Pwede naman, wala naman problema kahit pareho mo ikabit sa computer parang dalawang hard disk drive lang naman yan, hindi mo din kelangan isipin kung alin yung kelangan mo iset na C: or D:, kahit alin din sa mga yan okay lang hindi importante yan, pero mas okay kung gamitin mo yung hdd para pang save ng madaming files

Good Answer

Ren Ashbell

  • Ren Ashbell
  • Oct 7, 2018

Okay, so wala naman ako kelangan iset na kahit ano? Kahit yung slave at master settings ba hindi ko na kelangan galawin? Paano yung booting sequence nun? Hindi ba magloloko yun baka mamaya hindi mag boot yung operating system ng computer kapag hindi naayos, saka paano iset yung default save destination para sa hdd?

Svan Alcan

  • Svan Alcan
  • Oct 7, 2018

Siyempre kelangan mo iset yung master slave settings, master sa doon sa memory storage na nakainstall yung operating system mo para mag boot, yung booting sequence siyempre doon sa naka set na master, magloloko talaga yun kapag parehong naka set na master yung hdd at ssd pero yung booting sequence automatic naman na hindi magkakapareho yun

Good Answer

janice bernine

  • janice bernine
  • Oct 18, 2018 / Good Answers : 1

pwede pala yun ang alam ko kasi pipili ka lang kong HDD or SSD ang gusto mo para sa computer mo and base sa alam ko at sinabi din sa akin na mas okay kapag Ssd kasi mas reliable ang performance nito mas mabilis kaya mas gusto ko ito kaysa mag HDD ako na stock kaya planning to switch pero hindi ko alam na pwede magsama yung dalawa.

Good Answer

Lou Lou Lumarang

  • Lou Lou Lumarang
  • Oct 23, 2018

I dont think na pwede mo ipagsabay ito I mean you just need to choose kung alin sa dalawa ang gagamitin ninyo. Hindi kasi sila magkapareho iba ang ginagawa ni hdd at ni ssd sa mga computer kaya meaning iba ang function nila.Yun ang alam ko so kung pwede na pala ipag sabay nun parang ang complicated lang dagdag memory space.

Good Answer

Reply

julieta alacala

  • julieta alacala
  • Sep 26, 2018

Ano po bang mas magandang monitor? Hirap po kasing mamili kasi daming magaganda. Pa tulong naman po ako sa mga may opinion lang po na gustong sumagot sa tanong ko ngayon. Halos lahat naman kasi maganda, Tapos last na tanong ko kung may iba-iba po ba yan sila ng design, size, shapes or may mas pinakamalaki pang size nito na pang play station yung style.

Reply

WOOOh

  • WOOOh
  • Sep 25, 2018

Ano po bang mas fit na keyboards sa laptop ko Na asus rog? Marami po bang klasi na mga keyboards? tapos may iba't-ibang number of keys ba yun? ilan din po kung saka-sakaling may number of keys or may variety ng keyboards to? tapos high clas din po ba yung keyboards may brand name po yun? Salamat po sa mga magkainterest na sagutin yung mga tanong ko.

Reply

DS4

  • DS4
  • Sep 22, 2018

Ano hardware requirements ng latest autocads?

Victor Go

  • Victor Go
  • Sep 22, 2018

Wala naman specific hardware requirements basta pasok yung system okay na, yung current system requirements ng Autocad ay: minimum na Windows 7 SP1, 1 Gigahertz na processor, 4GB RAM, 1360 x 760 na video output, Adobe flash play V10 saka .Net framework na version 4.6. Minimum lang lahat yan pero mas maganda kung wag mo sundin yan at mas mataas pa na computer parts ang kunin mo diyan

Good Answer

DS4

  • DS4
  • Sep 22, 2018

Basta tumatakbo yung autocad okay na ko

Victor Go

  • Victor Go
  • Sep 22, 2018

Wag mo minamaliit yung autocad, tatakbo yun for sure kahit etong minimum requirement lang ng system gamitin mo, kung gusto mo talaga makamura sa computer parts ikaw bahala. Pero malamang sobrang bagal ng autocad mo kapag ganyan lang yung system specs ng computer mo, matatapos isang buwan wala ka pang project na natatapos

Good Answer

DS4

  • DS4
  • Sep 22, 2018

Bakit? Sobrang minimum ba niyan system requirements na yan? Bakit naisip pa nila yang specs na yan kung hindi din naman pala tatakbo ng maayos diyan yung Autocad na program? Parang konti na lang false advertisement na, kelangan ko kasi sa trabaho, hindi din naman nagbibigay ng malaking budget yung boss ko para sa pambili ko ng computer

Victor Go

  • Victor Go
  • Sep 22, 2018

Yung system requirements na yan, para lang maopen ung autocad hindi magamit ng maayos, besides wala pa ko nakitang gumamit ng autocad na sinunuod lahat ng minimum reuquirements, unless napakagaling mo sa computer at marunong ka mag allocate ng RAM at CPU memory para mag imporve yung autocad sa ganyan. Tungkol sa boss mo wala ka magagawa kung hindi kausapin siya ulit

Good Answer

DS4

  • DS4
  • Sep 22, 2018

Wala problema yan, kung gaano katigas muka ng boss ko ganun din katigas wallet nun, hanggat makakatipid mag titipid yun. Hindi din ako magaling sa computer, alam ko lang gamitin yung basic saka mag autocad, aside doon yung mga ganyan advance hindi ko na alam, mag ayos nga lang ng internet tinatawag ko pa sa PLDT

Victor Go

  • Victor Go
  • Sep 22, 2018

Wala, GG ka na ate, kelangan mapaliwanag mo sa kanya kung bakit kelangan mo yung computer na may mataas na hardware, kung pwede nga lang desktop na lang buuin mo kasi malamang laptop yung hinahanap mo kung pang trabaho. Yung minimum specs na 1GHz yung pinakamalaking kasinungalingan diyan sa autocad, hindi nga ata mag open yan kapag ganun lang yung bilis ng processor mo

Good Answer

DS4

  • DS4
  • Sep 22, 2018

Oo nga eh, hindi ko alam paano ipapaliwanag sa boss ko yan. Meron pa bang ibang software na pwede magamit pang 3D build tulad ng autocad? Mukang pag asa ko na lang, mag hanap ng ganun software na may mas mababang system requirements, pag tiyagaan ko na lang tutal ayun naman gusto niya, mas mahirap madelay sa trabaho

Victor Go

  • Victor Go
  • Sep 22, 2018

Microsoft Visio saka Sketch up try mo, pero hindi ko alam kung pwede pang architect or engineer yun, although ginagamit ng mga arhcitect yung Visio din, anyway hindi ko alam yung talagang capabilities ng mga software na yun. Kung bibili ka ng laptop, dapat at least yung may additional slots para sa RAM para pwede mo upgrade na lang, tapos i5 7th generation at least yung processor mo

Good Answer

DS4

  • DS4
  • Sep 22, 2018

Cge, try ko man lang makuha yung laptop na may atleast i5,

Reply

Kodyy Bryan

  • Kodyy Bryan
  • Sep 21, 2018

Magandang keyboard for gaming, anong brand?

Thor Magtanggol

  • Thor Magtanggol
  • Sep 21, 2018

Razer or A4 tech? Mas maganda kung pumili ka na lang ng medyo murang keyboard, malakas din kasi makasira yung mga laro, kelangan mo makipag pabilisan ng daliri minsan di mo pa control yung lakas ng pindot mo. Anyway hindi mo naman kelangan ng magandang keyboard talaga pang laro, ang tunay na gamer basta magagamit pang laro, pwede na

Good Answer

Kodyy Bryan

  • Kodyy Bryan
  • Sep 21, 2018

Naghahanap kasi ako ng keyboard na hindi masakit sa daliri pero malambot pindutin, saka yung walang delay, sa mga computer shop nakikita ko may backlight pa mga keyboard nila, yung iba tunog typewriter pa, gusto ko din sana ng ganun pero hindi ko alam kung anong magandang brand, ayoko din masayang pera ko kaya naghahanap ako ng mga opinion

Thor Magtanggol

  • Thor Magtanggol
  • Sep 21, 2018

Tulad nga ng sinabi ko, hindi mo kelangan ng mga ganun sa keyboard lalo na kung pang gaming lang naman, hindi nakakadagdag ng stats yung backlight saka mechanical, hindi din ganun katibay yun kahit mechanical, meron nga ko 4 months lang tinagal nasira na yung ibang buttons. Yung delay sa cord yun hindi sa keyboard mismo, saka bihira lang mangyari yun unless defective nakuha mong keyboard

Good Answer

Kodyy Bryan

  • Kodyy Bryan
  • Sep 21, 2018

Okay okay, pero saan ba nakakabili ng mga murang keyboard? Yung budget ko kasi nasa P4000 lang, wala din ako masyadong alam kung saan nabili ng parts ng mga computer, yung PC express nakita ko parang puro generic lang yung keyboards, may mechanical sila kaso ang mahal. Gusto ko din sana pang linis ng keyboard

Thor Magtanggol

  • Thor Magtanggol
  • Sep 21, 2018

Tinanong mo ba kung ano ano mga available keyboard nila sa PC Express? Saan branch ba yan? Marami silang klase ng keyboard, kung keyboard na backlight talaga hanap mo, meron din sila, tanong mo lang. Kung murang keyboard, pwede na yung binebenta sa CDR-King, or sa Greenhills ka maghanap, madami silang binebenta na mura pati pang linis ng keyboard

Good Answer

Reply

Verano

  • Verano
  • Sep 20, 2018

May naririnig kasi ako ingay na parang galing sa hard drive, pero hindi din ako sure kasi parang cd yung naririnig ko eh wala naman cd sa loob yun

Victor Go

  • Victor Go
  • Sep 20, 2018

Sa totoo lang? May parang cd na umiikot sa loob ng HDD, kaya nga HARD DISK drive, ayun yung nagpapagana ng hdd, kaya maingay yan malamang oras na lang bibilangin mo bago bumigay yan, kung medyo mabagal na yung computer mo, suggest ko mag back up ka na ng files na importante hanggat gumagana pa yang computer mo kasi masisira na yan

Good Answer

Verano

  • Verano
  • Sep 20, 2018

Ngek? Ganun? Ang dami ko pa naman files sa computer, napuno ko nga yung 1TB na hard disk eh, dami ko din nakainstall na programs. Wala bang way para maback up yung mga files ng mabilis? Wala din kasi ako external hdd saka yung mga flash drive ko malamang hindi makokopya lahat, iniisip ko mag save sa cloud or drop box kaso mabagal internet ko

Victor Go

  • Victor Go
  • Sep 20, 2018

Pwede mag save ka ng files mo sa mga cloud services sa internet, pero ayun nga lang kung mabagal internet mo, sabog na yung hdd mo wala pa sa kalahati na upload mo, saka may limit din yung pwede mo iupload lalo na kung free user ka lang. Ang naisip ko lang na pwede mo gawin ay mag clone ng system, kaso kelangan mo ng software na kaya mag save at load ng clone

Good Answer

Verano

  • Verano
  • Sep 20, 2018

Clone? Hindi ko alam yan, ngayon ko lang narinig yan, software ba siya or software driver? Kung software, saan ako makakahanap ng installer? Tatry ko yan basta hindi hassle, baka kasi mamaya hindi lang hard disk problemahin ko, pati yung buong computer kapag masyado akong nag experimento sa pag back up ng files, lalo ako walang maisalba

Victor Go

  • Victor Go
  • Sep 20, 2018

Kung naglalaro ka ng mga console games tulad ng Playstation or Nintendo, cloning din yung ginagamit nila doon sa mga save files, hindi ka ba nagtataka kung bakit may picture na lumalabas kapag nag save ka ng file? Well, kung hindi ka naman familiar doon, yung clone ay yung pag kuha ng picture nung current state ng computer mo, hindi ko din alam paano yun nag work, pero kapag niload mo yung picture, iloload niya yung saved state sa computer, lahat ng nakasave saka install nung oras na nakuha yung picture, babalik yun, cloning tawag doon

Good Answer

Verano

  • Verano
  • Sep 20, 2018

Naglalaro naman ako ng Playstation so nagets ko na yung idea, kaso kapag ganun at nasesave lahat sa clone, ibig sabihin pati yung mga virus masasam din?

Victor Go

  • Victor Go
  • Sep 20, 2018

Ganun na nga, yung saved state kasi yung iloload hindi yung mga files, hindi siya tulad ng reformat na delete talaga lahat. Kung gusto mo iligtas yung mga files mo, ganun talaga mangyayari, suggest ko kung mag clone ka ngayon, bili ka hdd, back up ng files tapos reformat ka, tapos install mo na lahat ng basic software na kelangan at gusto mo, tapos ayun yung iclone mo para pag nag reformat ka hindi na masyadong aksaya sa oras

Good Answer

Verano

  • Verano
  • Sep 20, 2018

Ibang hassle pala aabutan ko, kung sakali magawa ko yang cloning na yan at maayos baka ganyan na nga lang gawin ko, so mukhang wala talaga ako choice kung gusto ko ng matino tinong files next time. Mas okay ba yung ssd? Parang hard disk din siya diba? Pero mas matibay ba siya kesa sa hard disk ngayon, madami kasi nababasa ayun yung gamit nila?

Victor Go

  • Victor Go
  • Sep 20, 2018

Oo mas maganda yung ssd kesa sa hard disk, pero kung tibay pag uusapan hindi ko lang alam, mas maliit yun compared sa hdd kaya mas madaming space para sa CPU case, hindi na din siya disk sa pagkakaalam ko kaya hindi ka na mag kakaproblema sa ingay, mas mabilis din. Pero hindi ko ramdam yung bilis, meron ako pareong hdd saka ssd ngayon sa computer pero parang pareho lang bilis sa pag load saka transfer ng file

Good Answer

Verano

  • Verano
  • Sep 20, 2018

Baka subukan ko na lang din kapag may pera na, tingin ko maphased out na din naman yung hdd sa ibang taon

Reply

Jimboy Master

  • Jimboy Master
  • Aug 18, 2018

Kasi yung ibang online shop kelangan online din payment, baka mamaya mascam pa ko ng hindi ko namamalayan

Arturo Ayawpapili

  • Arturo Ayawpapili
  • Aug 18, 2018 / Good Answers : 5

So far hindi pa naman ako nakakaencounter ng online shop na na scam ako, seller sa online shop oo

Good Answer

Cardo Versoza

  • Cardo Versoza
  • Aug 18, 2018 / Good Answers : 2

Malas mo naman kuya, medyo mahirap nga makaiwas sa mga scammer kahit mag triple ingat ka pa, yung iba kasi sadyang magagaling. Ako kapag masyadong madami yung mga masasamang comment sa seller hindi na ko bumibili doon unless nakabili na ko before ng walang problema, tingin ko kasi pag check sa comment yung pinaka sure fire na makaiwas sa scam, kung walang comment yung seller hindi din ako nabili

Good Answer

Junyo

  • Junyo
  • Aug 18, 2018

Madaling sabihin yan, wag naman sana pero possible pa din machambahan ka pero tulad ng sinabi mo, kahit anong triple ingat mo, mga magagaling talaga mang loko ng kapwa

Good Answer

Arturo Ayawpapili

  • Arturo Ayawpapili
  • Aug 18, 2018 / Good Answers : 5

Pareho naman kayong tama, magandang idea nga na magbase talaga sa comments tungkol sa seller at totoo din na hindi ka habang buhay makakaiwas sa ganyan. Nataon lang na kelangan ko yung binili ko at isa lang yung seller na nakita ko nagbebenta kaya sinugal ko na, anyway palagi ako nagoonline shopping at halos lahat naman ng nabili ko, nadeliver sakin ng maayos, except nga lang doon sa mga nascam ako na bilang lang sa daliri

Good Answer

Jimboy Master

  • Jimboy Master
  • Aug 18, 2018

Yung sa mga seller na scammer tingin ko naman normal lang yun, kahit naman sa mga tindahan mismo sa mga malls o sa tabi tabi, possible pa din mascam ka lalo na yung mga technician ng cellphone saka nagaayos ng kotse, kung online shop man yan or physical store parehong kelangan ka pa din mag ingat. Pero yung mga online shop mismo na website yung kinakabahan ako, hindi kasi ako sigurado kung safe yung mga information ko sa kanila

Arturo Ayawpapili

  • Arturo Ayawpapili
  • Aug 18, 2018 / Good Answers : 5

Pagdating diyan, tiwala lang din magagawa mo, kung magkaproblema man sa credit card mo or debit card, makikita naman sa monthly bill mo kung sino at saan nacharge yung card mo, itawag mo lang sa banko para mafile as fraud at marefund ka. Yung isang way na pwede ka makaiwas sa mga scam na website, ay icheck mo yung web address, pwede mo icopy at paste yun sa google search para makita mo kung legit talaga, lalo na kung hindi ka familiar sa mga tamang format ng isang web address

Good Answer

Junyo

  • Junyo
  • Aug 18, 2018

Kung may marereceive ka naman na email na galing sa banko or online shop na bigla na lang nag request ng card information mo or account information sa banko, wag mo na lang replyan lalo na kung wala ka naman nareceive na text or tawag mula sa banko tungkol doon, madalas nagiinform sila sayo kung may importante silang kelangan sayo, mas okay din kung itawag mo sa banko mo kung may mareceive ka na mga ganun email para sure

Good Answer

Jimboy Master

  • Jimboy Master
  • Aug 18, 2018

Okay, sa network ko ba, paano ko malalaman kung may nakaconnect sakin na iba or wala? May password naman yung router ko pero hindi mo din kasi masasabi, baka may magaling pala sa computer na kaya makapasok sa router ko, aware naman ako na mahina yung security ng routers saka ng mga default security na binibigay ng mga software saka anti-virus

Arturo Ayawpapili

  • Arturo Ayawpapili
  • Aug 18, 2018 / Good Answers : 5

Pagdating sa ganyan problema tingin ko hindi mo talga kelangan problemahin yan, ang dapat na nagkakaproblema tungkol diyan ay yung mga coffee shop or may public wifi kasi kung may hacker talaga na magaling sa computer, doon sila gagawa ng kalakohan kasi mas madami silang makukuha na information ng sabay sabay kesa isa isahin nila mga bahay sa isang village, unless importante kang tao or may matinding sikreto ka na tinatago, wala magsasayang ng oras magconnect sa router mo

Good Answer1

Cardo Versoza

  • Cardo Versoza
  • Aug 18, 2018 / Good Answers : 2

Actually tingin ko meron makakapal ang mukha na makikiconnect sayo, yung mga walang pambayad ng sarili nilang internet, pero hindi naman ganun karami yung mga hacker na walang pang internet, I mean saan sila matuto mag computer kung hindi sa internet din mismo di ba? Saka kung panay nuod mo ng video sa internet, babagal din connection nila sa internet kung sakaling nakaconnect sila sa router mo, hindi ka din nila pwedeng iblock or ikick sa router kasi malalaman mo siyempre na may ibang nakaconnect, pwede mo ireset yung router

Good Answer

Reply

Bob Reyes

  • Bob Reyes
  • Aug 17, 2018

Gusto ko lang itanong kung paano mag install ng 2 monitor sa isang desktop, yung parang extension yung second monitor

Cardo Versoza

  • Cardo Versoza
  • Aug 17, 2018 / Good Answers : 2

Kung gusto mo mag install ng dalawang monitor para sa desktop mo, kelangan mo din siyempre ng dalawang graphics card, suggest ko na dapat same size yung dalawang monitors para hindi masyado nakakalito or nakakalito kapag natingin ka sa magkaibang monitor, assuming for gaming yung reason mo, depende kung para saan, okay lang kung magkaiba yung size ng mga monitor minsan kelangan talaga magkaiba

Good Answer

Bob Reyes

  • Bob Reyes
  • Aug 17, 2018

Actually, meron na kong dalawang graphics card na nakainstall sa CPU ko, at nakabit ko din yung dalawang monitor, pero hindi kasi siya nagana, kapag nasaksak ko na yung dalawang cord sa CPU namamatay yung isang monitor, at kahit alin sa dalawa yung unahin ko isaksak, yung isang monitor lang yung palaging namamatay, chineck ko naman ng maigi yung mga cord at tama yung pagsaksak ko so hindi ko alam kung meron ba kong hindi nagawa or meron pa kong kelangan gawin bago ko isaksak yung mga monitor

Arturo Ayawpapili

  • Arturo Ayawpapili
  • Aug 17, 2018 / Good Answers : 5

Medyo wierdo yang problema mo ah, ano error message nalumalabas doon sa monitor na laging namamatay? Malamang may lumalabas doon bago tuluyan mamatay diba?

Good Answer

Bob Reyes

  • Bob Reyes
  • Aug 17, 2018

Parang "Video input not compatible" ata or something

Arturo Ayawpapili

  • Arturo Ayawpapili
  • Aug 17, 2018 / Good Answers : 5

Ah okay, kapag ganyan ibig sabihin yung monitor na laging namamatay hindi kaya yung video resolution na nakaset doon sa monitor na isa, by default kasi kapag nagset ka ng extension monitor, gagayahin ng second monitor yung resolution ng first monitor, sa kaso mo mukhang hindi pareho yung resolution ng dalawang monitor na gamit mo at mas mataas yung isa, kaya kapag sinasaksak mo yung dalawang monitor sa CPU, yung isang may mababang resolution namamatay. Ang solution lang diyan, bago mo isaksak yung isang monitor, babaan mo yung resolution ng monitor na madalas mamatay

Good Answer

Bob Reyes

  • Bob Reyes
  • Aug 17, 2018

Okay, ginawa ko na siya kaso, kahit anong adjust ko doon sa resolution ng isang monitor, namamatay pa din kapag sinasaksak ko na yung isa. Sinubukan ko isaksak yung dalawang monitor tapos ginawa kong main monitor yung namamatay palagi, napagana ko pero namatay naman yung isa, triny ko ulit iadjust yung resolution ng isang monitor pero nakalock naman yung settings sa "auto" at wala din ako makitang option para ioff yung auto settings

Arturo Ayawpapili

  • Arturo Ayawpapili
  • Aug 17, 2018 / Good Answers : 5

Medyo nauubusan na ko ng solution tungkol diyan, medyo weirdo kasi yung case mo so unless macheck ko mismo yung computer mo mahihirapan ako mag bigay ng instructions. Pero since impossible yun, ang mapapayo ko na lang ay itry mo pag palitin yung pinagsasaksakan ng cord ng mga monitor, ibig ko sabihin kung yung monitor 1 nakasaksak sa port 1, isaksak mo siya ngayon sa port 2. Hindi ako sure kung may mababago pero subukan mo na din

Good Answer

Juniel

  • Juniel
  • Aug 17, 2018

Base sa mga nabasa ko sa usapan niyo, hindi kaya ang pinakamadaling solution eh bumili na lang siya ng monitor na kaparehong model ng gamit niya ngayon?

Good Answer

Bob Reyes

  • Bob Reyes
  • Aug 17, 2018

Actually naisip ko na din yan pero narealize ko hindi ko pala pwede gawin yun, kasi yung cord ng mga monitor ko magkaiba pala, yung isa vga at yung isa dvi, mas maliit yung plug at port ng vga compare sa dvi, hindi rin ako pwede mangheram ng ibang monitor yung mismong video card ko yung may vga slot so useless talaga

Arturo Ayawpapili

  • Arturo Ayawpapili
  • Aug 17, 2018 / Good Answers : 5

Kung ganun ang nakikita ko na nga lang solution or pwede mo pang itry diyan sa problema mo ay, sundin yung payo nung isa at bumili ka ng panibagong monitor or bumili ka ng vga to dvi adapter plug, or kahit dvi to vga kung ano man sa dalawa, mas mura siyempre kung yung adapter yung bibilhin mo kesa sa bagong monitor, or kung may hdmi yung CPU mo pwede mo din itry

Good Answer

Reply

Toffee Luck

  • Toffee Luck
  • Jul 28, 2018

Pwede ko din ba scan yung mismong pics? Iba kasi yung substance ng photos baka hindi pwede sa scanner

Mel Garces

  • Mel Garces
  • Jul 29, 2018

Actually hindi ko pa natry kasi puro documents lang iniiscan ko at mga id, pero tingin ko naman pwede. Try mo na lang din, tingin ko naman hindi masisira yung picture kapag nascan kasi ilaw lang naman yung scanner

Good Answer

Reply

Toffee Luck

  • Toffee Luck
  • Jul 28, 2018

Pwede ba kong mag print ng pictures gamit papel?

Mel Garces

  • Mel Garces
  • Jul 29, 2018

Siyempre pwedeng pwede, pero hindi advisable kasi mapupuno ng ink yung papel at bibigat, hindi din maganda yung quality. Pwede ka bumili ng photo paper para sa printer at doon ka mag print ng pictures pero hindi lahat ng printer pwede mag print sa photo paper

Good Answer

John Ray Cruz

  • John Ray Cruz
  • Jul 29, 2018

Kelangan mo lang ng photo paper, may nabibili na ganun sa National bookstore or sa mga office at school supplies store, mas ideal kasi yun kesa sa mga papel kasi pangit yung quality ng picture, hindi rin lahat ng klase ng papel pwede mag print ng picture

Good Answer

Reply

John Tiu

  • John Tiu
  • Jul 28, 2018

Pwede din ba isama sa network yung webcams? Balak ko kasi sana isubstitute muna as security cam

Mel Garces

  • Mel Garces
  • Jul 29, 2018

Hindi pwede, pero pwede mo naman gamitin yun basta may remote access ka sa computer na kung saan nakakabit yung webcam. Hindi rin magandang pang substitute as security cam din yun kasi hindi naman nagagalaw yung angle nun remotely

Good Answer

Reply

John Tiu

  • John Tiu
  • Jul 28, 2018

Paano ko pala isasama sa network yung printer?

Mel Garces

  • Mel Garces
  • Jul 29, 2018

Depende sa make and model ng printer, meron kasing automatic na naayos sa network at meron din na kelangan ikaw mismo mag set ng IP ng printer. Kung isasama mo sa network yung printer, siyempre dapat nakabukas yung printer, nakainstall sa computer at nakakabit din para maread

Good Answer

Reply

John Tiu

  • John Tiu
  • Jul 28, 2018

Gusto ko sana gumawa ng home network, pero modem lang ba yung pwede ko gamitin or kahit yung mga router/modem okay na?

Mel Garces

  • Mel Garces
  • Jul 29, 2018

Pwede naman kahit yung router/modem na gamitin mo para sa home network, simple lang naman kasi yung home network saka konti lang naman devices na gagamitin mo siguro, actually kahit hindi ka na mag set, basta naka connect mga device sa iisang router okay na

Good Answer

John Ray Cruz

  • John Ray Cruz
  • Jul 29, 2018

Wag ka na gumawa ng home network kung talagang para sa bahay lang yung gagawin mo, hindi ka naman magpapasa ng data sa mga computers mo sa bahay at kung maglalaro lang naman kayo pwede pa din kayo makapag multiplayer basta nasa iisang router kayo nakaconnect, kung para naman sa printer, mas madali kung install mo na lang sa lahat ng computer yung printer para pwede ka mag print kahit saan

Good Answer

Reply

John Tiu

  • John Tiu
  • Jul 28, 2018

Lahat ba ng monitor compatible sa 1080 at 4k resolution?

Mel Garces

  • Mel Garces
  • Jul 29, 2018

Hindi siyempre, may mga monitor na hanggang 720 lang, yung mga UHD or Ultra High Definition na monitor ayun ata yung pang 4K resolution. Hindi mo din naman kelangan talaga yung 4k actually kasi kahit 1080p maganda na at detailed

Good Answer

John Ray Cruz

  • John Ray Cruz
  • Jul 29, 2018

Ang advice ko lang, mag stick ka na lang sa 1080 muna, hindi pa naman ganun kadami yung mga palabas at laro na may 4K resolution at malamang matatagalan pa bago maging 4K lahat ng mga yun so sayang lang pera mo, maganda na din naman ang 1080

Good Answer

Reply

i8

John Tiu

  • John Tiu
  • Jul 28, 2018

Meron na po ba nito or i7 8th gen pa din yung latest?

Mel Garces

  • Mel Garces
  • Jul 29, 2018

Ewan ko sa i8 pero i9 intel na nga nakikita ko ngayon na binebenta, baka nag skip ng 8? Uso naman mag skip ng mga number ngayon sa mga model name, hindi ko pa din nachecheck yung specs ng i9 intel, pwede mo icheck sa internet kung interesado ka

Good Answer

Reply

yeng*yang

  • yeng*yang
  • Jul 16, 2018 / Good Answers : 1

Mgakano na kaya ang pag repair ng desktop ngayon? hndi na ksi nagoon hndu ko lang kung anu nagyari walng power. may ide aba kayo? alabang area lang

Arturo Ayawpapili

  • Arturo Ayawpapili
  • Jul 21, 2018 / Good Answers : 5

Kung hindi talaga siya nag oon, yung as in wala kang nakikitang umiilaw sa CPU, malamang yung power box yung problema niyan, depende sa ipapalit mo yung presyo niyan plus labor kaya hindi ko masasabi yung gagastosin mo, pero normally 500 lang ang labor at may mga 2500 na power box

Good Answer

Mel Garces

  • Mel Garces
  • Jul 29, 2018

Depende siguro sa power box na ipapalit, kung mas mataas kesa sa ginagamit mo ngayon malamang mahal yun, hindi lang kasi ayos na gagawin diyan, part replacement na, idagdag mo pa yung singil para sa labor. Mas maganda kung ikaw na lang mismo maghanap ng power box para wala ng dagdag presyo yung technician na magaayos

Good Answer

Reply

Claire Montano

  • Claire Montano
  • Jul 16, 2018 / Good Answers : 1

ano po ba ang size ng laptop na merong number pad? kasi sa 13 inch ko walang number pad, yung sa taas lang ang hrap ng ganun eh.

Arturo Ayawpapili

  • Arturo Ayawpapili
  • Jul 23, 2018 / Good Answers : 5

Hindi sa size basehan ng laptop kung may numpads or wala, yung mismong model ng laptop so kahit 20 inches pa yan kung hindi naman included yung numpads sa laptop hindi talaga magkakaroon yun. Pwede ka naman bumili ng mga external numpads, mura lang naman

Good Answer

Mel Garces

  • Mel Garces
  • Jul 29, 2018

Yung sa friend ko na ginagamit namin sa school, 13 inch din yung laptop niya pero meron numpads so tingin ko depende nga sa make at model ng laptop yun. Kung naghahanap ka pa lang ng laptop, edi hanapin mo na lang yung meron numpads kung gusto mo talaga, sa pics pa lang makikita mo naman agad

Good Answer

Reply

Page 1 of 11