Forum : Cars : "Swag car"
Swag car
- cindy juan
- Aug 17, 2018
Balak ko sanang mag car loan, ang gusto ko yung Mazda 3 pwede ba itong ma-Auto loan sa bank? at Anong Bangko ang pweding magamit para pang car loan? kasi sabi nang kapatid mas okay itong Mazda 3 kaysa sa ibang branch nang Car, na sobrang mahal nga at madaling masira..kung mag car loan ako ssinisiguro ka na makakabayad naman sa takdang araw na payment ito, kasi meron naman akong business napalago ko at itong car pangregalo ito sa sarili ko.
- Mr. CARL
- Aug 26, 2018
Ang nalalaman ko lang sa Metrobank pwede ka maka car loan,pwede din sa Security Bank Philippines,kung gusto mo talaga magkaroon ng car na Mazda 3, sa Metrobank, pwede kang makakuha ng application through online fast approval and o% Installment, All Major Car Brands.and Low Monthly Amortization at saka naman sa Security Bank may refinancing and repossessed cars available sa kanila, mamili kalang sa dalawa bank kung saan mo gusto.
- DS4
- Sep 15, 2018
Pwede ka mag auto-loan sa bank, sure ako doon kasi yung friend ko ganun ginawa, hindi ko lang alam kung anong banko, hindi ko tinanong. Tungkol sa ibang information about car loans dapat sa banko ka mag tanong mismo para malinaw, hindi ka masasagot ng ibang tao dito at hindi din nila mabibigay yung mga importanteng bagay
- Aced
- Dec 24, 2018
Ano ba mga requirements sa pag auto-loan sa mga banko saka qualifications? Alam niyo din ba yung payment method? Para prepared na ko pag dating ko ng banko kasi ang haba ng pila lagi sa BPI tapos konti lang yung nagaassist sa branch malapit sa amin, parang dalawang lang halos sa customer service nila madalas pa matagal yung concern ng mga customer
- Clar Regal
- Dec 24, 2018
Ang madalas naman na requirements dalawang valid i.d yung primary dapat, pwede secondary i.d pero dalawang ganun katumbas ng isang primary, so kung puro secondary i.d lang meron ka, apat na ganun dapat isasubmit mo, tapos three to six months na payslip. Sa qualification dapat Php40,000 yung monthly income mo or close doon para iconsider ka sa auto-loan
- Mon Sunga
- Dec 24, 2018
May bracket ata sa qualification ng income para sa brand saka model ng kotse na pwede mo kunin, kung gusto mo ng mga sports car dapat nasa Php100,000 yung sweldo mo, tingin ko lang. Sa payment method auto-debit sila pero sa BPI lang yung alam ko, hindi ko alam sa iba, so kelangan mo gumawa ng savings account para maprocess yung auto-debit
- Chris Molino
- Sep 24, 2019 / Good Answers : 1
Madali lang naman mag car loan, lalo na kung doon sa bankong may account ka or kahit saving account kasi mag oopen ka pa din, plus kung matagal ka na sa banko may account at maganda yung credit history mo, matik approve yang application mo for car loan at baka maofferan ka pa ng mas magandang mga selection ng kotse
Latest Topics for Cars
first car
I really like this car, dream ko pick up. Is this worth buying for a first car owner? performance, maintenance and quality - yan hanap ko para sulit ang bayad
- Last updated : Feb 26, 2021
- Posted by Jack Drew
- Replies of This topic : 0 Replies
- Last updated : Feb 23, 2021
- Posted by Waley Mani
- Replies of This topic : 2 Replies
Okay ba tong pick up ng Mazda?
Para kasing puro compact at sedan lang yung naririnig kong maganda sa kanila, ngayon ko lang nakita na may pick up truck din sila
- Last updated : Feb 23, 2021
- Posted by Gilbert Nacasi
- Replies of This topic : 7 Replies
- Please be aware that we cannot guarantee that all the information shown, such as prices, specs, images, etc. is 100% accurate.
- Prices and stock availability for each shop are always changing. If you are considering making a purchase, please refer to the merchant's page to ensure that you have the most up-to-date information.
- In order to use this website and its services, users must consent to and abide by the Terms of Use. By accessing or using any area of this website, you hereby agree to be legally bound and abide by the Terms.
Copyright © Priceprice.com All rights reserved. (Produced by kakaku.com that is Japan's No.1 Comparison Website)