Forum

Winona Sala

  • Winona Sala
  • Jan 16, 2019

Ano ba mas matibay? Cherry mobile or Huawei?

Pongsky

  • Pongsky
  • Jan 16, 2019

Cherry mobile, wala na ata mas titibay sa Cherry mobile at kung masira man yung Cherry mobile mo hindi masakit sa bulsa kasi mura lang kaya madali palitan. Yung mga phone ng Huawei matibay din naman pero kelangan mo pa din alagaan kasi mahal kahit yung budget phone nila, pero parang mas gusto ko yung interface ng Cherry mobile kesa Huawei

Good Answer

Winona Sala

  • Winona Sala
  • Jan 16, 2019

Nakita ko yung Huawei ng tropa ko, puro gasgas na yung likod halos nabalatan na nga pero buhay pa din yung phone saka walang gasgas yung screen kahit yung protector, yung nga lang minsan nagloloko na yung phone. Yung Cherry mobile alam ko matibay yung mga luma nilang phone pero hindi ko alam kung matibay din yung smartphone nila

Pongsky

  • Pongsky
  • Jan 16, 2019

Hindi ko alam kung anong software yung mas madaling masira, hindi kasi talaga ako nagamit ng mga Cherry mobile, pero yung sa Huawei hindi talaga maganda yung software nun lalo na yung mga low saka mid tier phones nila. Kapag nag tagal madali mag freeze yung screen, minsan hindi pa nagnonotify agad yung chat tapos pangit pa ng interface

Good Answer

Pops Gregorio

  • Pops Gregorio
  • Jan 16, 2019

Hindi naman lahat ng Huawei phones pangit software, sabi mo nga yung mga high end nila okay, siyempre ang mamahal ng high end smartphones nila kapag sirain yun sila din mawawalan ng pera kung di nila aayusin. Pero may mga matitinong phone din sila sa mid tier, hindi lang kasi masyadong sikat mga phones ng Huawei kaya hindi kilala, yung low tier nila wala na talaga pag asa yun

Good Answer

Ted Matthew

  • Ted Matthew
  • Jan 16, 2019

Ang naexperience ko lang na pangit sa Huawei yung camera, okay naman sana hindi naman ako umaasa na maganda yung camera ng Huawei pero yung kapag nagsesave ng picture, ang tagal mag save pati video, nalipasan ka na ng isang magandang shot hindi pa tapos mag save, kaya video na lang kinukuha ko dati tapos print screen na lang para mas madali

Good Answer

Pongsky

  • Pongsky
  • Jan 16, 2019

Yung problema na sayo malamang dahil sa sd card yun, ginawa mo kasing default file storage yung sd card ganun talaga katagal kasi external memory storage yun so may mga dadaanan pa yun bago masave sa sd card, mas mabilis kung phone memory mo yung gagawin mong default storage para sa camera pero yun nga lang kung konti yung phone memory mo, maglilipat ka ng maglilipat ng picture saka video sa sd card

Good Answer

Karl Ip Man

  • Karl Ip Man
  • Jan 16, 2019

2019 na ngayon, siguro naman yung mga phones nila na lumabas late 2018 at mga bagong lalabas this year ay mas okay na yung mga software at naayos na din yung mga issue na yan. Sa ibang phone naman kahit gawin mong default storage yung sd card hindi naman matagal mag save ng picture, anyway bigyan pa natin ng pagkakataon yung Huawei saka isa pa, lite version itong tinitignan natin, normal lang talaga na mababa specs nito kesa sa original version

Good Answer

Winona Sala

  • Winona Sala
  • Jan 16, 2019

Anong version pala ng Android yung oeo (go edition)? May bagong nilabas na ba na version yung Android? Hindi na ata ako updated sa mga version ng Android, napansin ko din sa ibang phone na kapresyo nito tulad ng Xiaomi saka Honor, mas mataas yung ng double yung specs nila kesa dito? Bakit ganun, nagtitipid lang ba Huawei?

Pops Gregorio

  • Pops Gregorio
  • Jan 16, 2019

Android Oreo yan, typo lang sa description pero kapag chineck mo yung specs, Android Oreo yung nakalagay hindi ko lang alam ano yung Go version at ano yung difference niya sa normal Android operating system, ang nabasa ko lang sa internet mas mababang version siya ng normal na OS hindi ko nakita yung specific na difference

Good Answer

Karl Ip Man

  • Karl Ip Man
  • Jan 16, 2019

Actually baligtad, yung Xiaomi saka Honor yung nagtitipid sa smartphones nila pero nagagawa naman nila ng maayos. Mas mura kasi yung mga parts ng Xiaomi kaya mas mura nila nabebenta na may mataas na specs, sinabi naman nila mismo yun kasi ang gusto nila high specs phones sa murang halaga para sa mga taong kapos ang budget so expect mo na konting hulog lang pwedeng masira na agad yung phone nila

Good Answer

Ted Matthew

  • Ted Matthew
  • Jan 16, 2019

May mga hardware requirements din kasi yung mga operating system sa smartphones, yung Android ginagamit siya ng halos lahat ng phone manufacturer so iba ibang klase specs ng phone yung pinag gagamitan, problema mas tumataas yung version ng OS mas nadadagdagan din ang feature at yung mga budget phone siyempre pang budget pa din yung specs, so hindi nila kinakaya yung requirement ng Android OS, ang solution yung Go edition, mas mababa na requirements para sa mga low end na Android phone

Good Answer

Pongsky

  • Pongsky
  • Jan 16, 2019

Maliit na bagay para sa magandang smartphone, konti lang naman yung dahilan para mabagsak yung phone so triple ingat na lang, isa pa ganun din naman yung mga iPhone, mataas yung specs, sirain pero sobrang mahal, at least yung Xiaomi marunong umintindi. Yung Huawei, pilit masyado sa durability, sana yung mga budget phone nila mas ifocus na lang nila sa specs kesa durability para naman may silbi

Good Answer

Winona Sala

  • Winona Sala
  • Jan 16, 2019

Baka antayin ko na lang na mag mura pa ito, okay naman yung specs para sakin pero masyado pa din mahal para sa budget phone, hindi ko pa din naman kelangan sa ngayon pero gusto ko din mag ready ng extra phone kung sakaling kelanganin, iniisip ko nga kung Honor phone na lang bibilhin ko pero depende kung ano magiging presyo nito after 5 months

Ted Matthew

  • Ted Matthew
  • Jan 16, 2019

Kung tungkol lang sa presyo baka hindi pa din bumaba yan after 5 months, makapal mukha ng ibang manufacturer kaya taon pa siguro bibilangin mo. Pero sa kabutihang palad, may mga nagbibigay naman ng malaking discount sa mga online shop, malay mo magkaraon ng discount ito sa ibang buwan kaya maganda kung tignan tignan mo din

Good Answer

Pongsky

  • Pongsky
  • Jan 16, 2019

Yang mga ganyan discount depende naman sa hulog ng mga seller, yung mga online shop may specific period ng pagbibigay ng discount pero kapag mismong seller hindi mo masasabi kung kelan. Try mo din icheck yung mismong page ng seller hindi lang dito para makita mo kung may discount, minsan kasi hindi agad nauupdate yung presyo nila dito, click mo lang yung green na button para mapunta ka sa page nila

Good Answer

Winona Sala

  • Winona Sala
  • Jan 16, 2019

Hindi naman ako nagmamadali bumili kaya okay lang kung babantayan ko yung presyo, nagiisip pa naman ako kung ito talaga or at least yung phone na pwede ako makapag laro yung bibilhin ko, mukhang wala ako malalaro dito sa baba ng specs pero tingin ko naman makakapag Youtube ako dito or at least Facebook, mainipin kasi ako

Pops Gregorio

  • Pops Gregorio
  • Jan 16, 2019

Wala naman problema Youtube dito lalong lalo na Facebook, mga simpleng applications lang naman yun kaya hindi ka magkakaproblema pero totoo yung sinasabi mo tungkol sa mga laro, pero tingin ko naman okay diyan yung Clash of Clans or Clash Royale at least, tutal ginawa naman yung mga laro na yun nung panahong mababa pa specs ng mga smartphones

Good Answer

Karl Ip Man

  • Karl Ip Man
  • Jan 16, 2019

Kung mabubuhay ka naman sa Facebook, suggest ko eto na lang bilhin mo para sa extra phone mo, tutal kung extra phone mo lang naman edi malamang may balak ka pang bumili ng phone na talagang gagamitin mo. Kung lagi ka naman mag loload ng internet sa phone, madami na magagawa sa Facebook yung 2Gb na mobile data

Good Answer

Ted Matthew

  • Ted Matthew
  • Jan 16, 2019

Di ka na talo dito tutal HD naman yung screen pwede na pang Youtube, pwede na din manuod ng mga palabas dito tutal 16GB naman phone memory nito, mas maganda kung malalagyan mo pa ng sd card, hindi ka na maiinip nun. Kung maisip mo naman na mas gusto mo yung panglaro, edi bilhin mo na lang yung orignal version nito, malamang mas mataas yung specs nun saka sapat na pang laro

Good Answer

Reply

Armando

  • Armando
  • Jan 16, 2019

Okay ba talaga bilhin ito? Sobrang mura kasi baka sayang pa din pera

Nathaniel's

  • Nathaniel's
  • Jan 16, 2019

Pang substitute or temporary smartphone lang ito hindi pang matagalan, pero okay naman kung gawin mong permanent phone kaso napakababa ng specs nito na halos magagamit mo lang pang basic usage tulad ng text, tawag or chat. Kahit yung camera nito pangit, ang magandang bagay lang dito at least mura kaya expendable at madali lang palitan

Good Answer

Salahaad Soren

  • Salahaad Soren
  • Jan 16, 2019

Okay lang bilhin, pang secondary phone or kung may kabit ka na tinetext at ayaw mo ipaalam sa iba, sa mura ng presyo na to expendable talaga siya tulad ng sinasabi nila pero siyempre kung ikaw yung tipong eto lang yung kayang bilhin pwede na siya pang matagalan na phone, wala ka naman choice, kung ikukumpara siya sa ibang budget phones, pangit na phone talaga to

Good Answer

Gabing Apee

  • Gabing Apee
  • Jan 16, 2019

Hindi lang naman presyo yung magandang bagay dito, matibay din yan ayun lang talaga kinaganda ng mga Cherry Mobile smartphones, para sakin eto na yung pinaka pangit na brand kahit ikumpara mo sa karamihan ng smartphones ngayon, pero kung hindi ka naman nakikipag pagandahan ng phone sa iba, hindi naman din masama yung phones nila, maayos naman yung basic features ng Cherry mobile

Good Answer

Armando

  • Armando
  • Jan 16, 2019

Nawalan kasi ako ng phone, naghahanap ako ng pangsamantalang phone para magamit kahit mura tapos nakita ko to, kaso sobrang mura naman kaya nagdadalawang isip ako, kelangan ko din sa phone na okay yung internet saka maayos yung mga email app kasi madami ako narereceive na email galing sa trabaho, kung at least okay itong phone eto na lang siguro bibilhin ko

Lorem Ipsum

  • Lorem Ipsum
  • Jan 16, 2019

Wala maghahanap ka talaga ng ibang smartphone, tama sila na okay yung basic features nito, di ka magkakaproblema sa text, tawag or chat pero yung ibang features niya hindi talaga maganda, mababa na specs ng camera mabagal pa mag save, yung memory ng phone mababa din at kung may attachment yung email sayo baka hindi mo agad mabasa

Good Answer

Nathaniel's

  • Nathaniel's
  • Jan 16, 2019

Kung mas focus ka sa internet at email, pwede pa din naman ito, pero magiging notification mo nga lang siya kesa pang receive ng email, ibig ko sabihin kapag nag notify sayo yung phone na may na receive kang email, sa computer ka pa din magbabas, kung may kasamang attachments naman yung email sa computer mo pa din naman maoopen yun, pero tingin ko naman kaya mag open ng simpleng email nitong phone

Good Answer

Armando

  • Armando
  • Jan 16, 2019

Siguro naman kaya nito mag open ng email, sobrang lala naman nito kung pati yung pagbukas lang ng email hindi pa magawa, pwede din naman sana yung suggestion mo problema ko lang wala akong computer sa bahay at kelangan lagi ako updated sa mga emails kahit nasa bahay ako, may mga naiiwan kasi akong trabaho sa office

Gabing Apee

  • Gabing Apee
  • Jan 16, 2019

Workaholic, bakit nga ba hindi ka na lang sa office mag basa ng mga email, sapat na naman siguro na alam mong may updates, wala ka din naman magagawa kapag nakauwi ka na, except kung babalik ka pa ng office para lang mag asikaso kung may bagong importanteng update, pero sobrang workaholic ka na nun. Anyway, pwede ka naman siguro tumawag or text sa mga katrabaho mo kung sakali kesa mag basa ng email

Good Answer

Armando

  • Armando
  • Jan 16, 2019

Mas madali sakin mag basa ng email kesa tumawag, binabantayan ko lang kasi yung metrics ng mga tao sa office, kapag nilagyan ko ba ng sd card ito madagdagan yung memory ng phone? May mga apps kasi akong ginagamit pero hindi yata kakayanin ng phone kasi ang baba ng memory, hindi ko lang alam kung gaano kalaki yung mga apps pero anim kasi yun

Nathaniel's

  • Nathaniel's
  • Jan 16, 2019

Pwede naman, kapag naglagay ka ng sd card madadagdagan yung memory ng phone problema nga lang sa tuwing nag dadownload ka ng application sa Google play, dumederecho palagi una yun sa internal memory or memory ng phone mo, kapag tapos niya masave sa phone memory saka mo lang pwede itry ilipat sa sd card yung app so ganun din

Good Answer

Salahaad Soren

  • Salahaad Soren
  • Jan 16, 2019

Hindi gagana yang balak mo, kelangan kasi dumaan muna sa phone memory yung download bago ka magkaroon ng option ilipat sa sd card yung app, kung umpisa pa lang hindi na mainstall ng phone yung app, edi hindi mo din malilipat sa sd card yung app, saka sa liit ng phone memory nito, hindi ka siguro makakapag install ng mga apps na lagpas 100mb yung file size

Good Answer

Lorem Ipsum

  • Lorem Ipsum
  • Jan 16, 2019

Tama silang dalawa pero may mas importante pa kayo nakakalimutan, hindi lahat ng application ay pwede ilipat sa sd card, so kahit mainstall mo pang samantala yung app sa phone, kung hindi naman siya pwede ilipat sa sd card edi ganun din. Pwede mo naman isaisahin itry yung mga app kung pwede ilipat sa sd card, kaso hassle na nga, hindi ka pa sure kung ilan lang yung pwede ilipat

Good Answer

Armando

  • Armando
  • Jan 16, 2019

Mukhang wala na talaga ibang choice kung hindi mag hanap ng ibang phone, pero baka bilhin ko pa din ito para lang may magamit temporary at kelangan ko ng may magagamit habang wala pa kong matino tinong phone. Paano ba bumili? Meet ups or mag order ako tapos ipapadala sa bahay ko? Baka kasi ideliver sa bahay ko tapos wala ako

Salahaad Soren

  • Salahaad Soren
  • Jan 16, 2019

Depende sa seller yan, meron kasing pumapayag ng meet ups, meron ayun lang yung prefer at meron din naman shipping pero depende sa location mo, malalaman mo yun kapag nag oorder ka na kung talagang balak mo bumili. Kung mataon naman na wala ka sa bahay mo kapag dumating yung inorder mong phone, pwede naman magreceive kahit sino basta bayad na

Good Answer

Gabing Apee

  • Gabing Apee
  • Jan 16, 2019

Wala naman problema kung wala ka sa bahay mo kapag dumating order mo, kung wala tao siguro doon ka magkakaproblema pero may mga seller naman na nagtetext kapag ganun, sasabihin nila na babalik na lang sila kinabukasan para alam mo, uso na din kasi ngayon yung cash on delivery so kung ganun yung payment method mo wala sila choice kung hindi balikan ka

Good Answer

Armando

  • Armando
  • Jan 16, 2019

Ayun nga yung naiisip kong mangyayari, kung hindi ko alam yung exact na delivery date baka wala ako sa bahay wala din naman ibang tao pwede kumuha, balak ko cash on delivery kapag papaorder ako para matry ko muna yung phone bago ko kunin. Gaano nga ba katagal yung delivery kapag hindi peak season sa Pilipinas?

Lorem Ipsum

  • Lorem Ipsum
  • Jan 16, 2019

Ang sagot diyan ay nakadepende naman sa courier, kapag third party yung courier hindi talaga makakapag bigay ng accurate na araw or pwede mag request ng date, ang Lazada may Lazada express so may sarili silang courier, 2 - 3 days yung delivery nila madalas 2 days lang nasa bahay mo na at kung swerte kinabukasan, pero yung ibang online shop na walang sariling courier ang mahirap alamin pero same lang din 2 - 3 days kapag within Metro Manila

Good Answer

Gabing Apee

  • Gabing Apee
  • Jan 16, 2019

Kung makapili ka ng seller na pagbibilhan edi tanong mo sila kung ano courier nila, pwede naman yun tapos hingiin mo yung tracking number para macheck mo yung status, kaso isang problema sa ganun minsan late yung update ng shipping status ng mga courier, nadelivery na sa bahay mo tapos makikita mo on delivery pa din yung status

Good Answer

Armando

  • Armando
  • Jan 16, 2019

Courier at oras pala magiging kalaban ko kapag nag order ako, hindi naman kasi ako pwede mag absent tapos hindi pala dadating yung order ko. Checheck ko na lang siguro muna yung mga seller, saka ko na isipin yan kapag mag order na ko, wala din naman kasi ako time pumunta ng mall para bumili ng sirain na phone, mapapamahal lang din ako

Reply

raffael william

  • raffael william
  • Jan 15, 2019

how to get these kind of product po? Kasi nung nagtanong tanong po ako don sa mga Mall na napuntahan ko is wala naraw silang ganoon na product ng SHARP I don't know why, yong sinabi lang kasi sa aking is wala daw po silang stock availability because is po ito sa pinakasold out na item. Kaya ayon hindi ako nakabili, pwedi po bang malaman kung saa pa mayron na stock sila na ganitong klasi na TV?? i like it kasi sobrang supreme tv siya sakin.

edwin jhon

  • edwin jhon
  • Jan 18, 2019

Maganda siya diba? Meron kaming ganyan sa bahay, kasi kapag may bagong launched talagang si mama eh bibili talaga yan. Pero pag may damage na yung tv nagkataon lang yung time na yung na nasira ang tv namin and bagong labas yung sharp tv. , . , . sobrang napakayos talaga and clear tv siya and that is why gusto kong tumitnign ng tv lage nalang akong tumitingin sa tv mga animatio kahit anong mga movie tinitignan ko kasi sobra rind dami ng mga drama series mga asianovelas heje

Good Answer

Reply

lyla jane

  • lyla jane
  • Jan 15, 2019

This is one of an amazing small camera that I used, GoPro means for the Groufie we usually hang out together with my co-workers, friends and also may family we are using GoPro kasi nga sobrang linaw talaga ng capture niya. Just wanna ask lang kapag ba bumili ako ulit with different model naman ng GoPro is may additional na monopad or even tripod? meron kaya silang ganayng offer? Ano sa tingin niyo guys?. Please comment below if totally user na kayo ng GoPro. Ayan, thank you so much!!!

ivanjen

  • ivanjen
  • Jan 17, 2019

oo talaga kahit ako ito yung gusto kung cam, nandito na yung groufie hanep talaga yung capture nito. As in package deal talaga yung settings of edition sa mga different places. Parang astral projection yung effect sakin. Hanep talaga kung tatanongin ako kung ano yung gusto ko symepre ito yung napili ko kasi lahat ng qualities nandito wala kanang hahanapin pa.

Good Answer

Reply

Luis Mendiola

  • Luis Mendiola
  • Jan 15, 2019

Ano masasabi niyo sa performance ng mga Lenovo phones? pati pala cellphone meron na din ang Lenovo. first time ko kasi nakita ito.mukhang magandasya na phone.

Reply

Genievere Beck

  • Genievere Beck
  • Jan 15, 2019

matagal ba ang battery ng camera? I mean hindi ba ito basta basta na lolowbatt?

Luis Mendiola

  • Luis Mendiola
  • Jan 21, 2019

Sabi ng pinsan ko nagagamit naman niya ng matagal ang camera niya siguro max of 4 hours which is good for a one day shoot na. basta depende daw sa gamit pero sakanya 4 hours max ang pinaka matagal na oras niyang nagamit ang camera niya. sa tingin niya okay na dw yun kaya ito ang camera niya na nagustuhan kasi matagal tagal din nagagamit.

Good Answer

Jessy Concepcion

  • Jessy Concepcion
  • Jan 21, 2019

sa maal niya dapat talaga maganda at matagal mo siya magamit, ganito din yung gusto sana ng kapatid ko bilhin yung medyo mura kasi matagal nga daw ang battery life niya since for picture lang naman daw kasi ang camera na ito at hindi naman sya mag video, kaya from Canon din yung gusto niya bilhin na camera.

Good Answer

Dianne Paula

  • Dianne Paula
  • Jan 21, 2019

ganito yung nakikita ko sa mga studio na ginagamit so baka matagal mo talaga ito magagamit. Hindi naman tuloy tuloy din ang shoot nila may pahinga din so may time ka para icharge ito pero kung outdoor shoot yun ang hindi ko masasabi mas okay kung may back up ka padin kung sakali matagal ang shoot niyo pero for sure more than 2 hours ang battery life nyan.

Good Answer

jermaine diaz

  • jermaine diaz
  • Jan 21, 2019

mas okay kung icheck niyo ang specs ng camera din makikita niyo naman ang battery life ng bawat camera para malaman niyo kung matagal niyo ba ito magagamit sa mga outdoor shoot, pero for indoor madali lang since pwede niyo naman icharge kung sakaling ma lowbatt kayo, pero so far lahat ng camera maganda ang battery life nila since pang picture lang naman talaga ito and video,

Good Answer

Ullysis Tantongco

  • Ullysis Tantongco
  • Jan 21, 2019

tama yun ask niyo din sa shop ksi marami din sila alam at idea na pwede ishare sainyo. Yun ang maganda sa separate na camera kasi magagamit mo lang talaga ito for taking pictures kaya hindi ito basta ma low batt. hindi katulad pag cellphone diba pag naka on wifi mo pag games, pang fb pang selfie pang browse dami pwede gawin kaya nauubos battery.

Good Answer

Genievere Beck

  • Genievere Beck
  • Jan 21, 2019

may nagsabi kasi sa akin na may camera na mabilis malowbatt hindi ko maalala ang brand niya basta ganito ang itsura nun

Drei Garin

  • Drei Garin
  • Jan 21, 2019

for sure hindi canon yun at maganda ang quality ng canon na camera, marami na akong naging camera at puro canon yun at wala akong reklamo sa battery nila lahat maayos at matagal ko na gagamit.kaya impossibleng canon yung sinabi sa iyo baka fuji pa alam ko hindi maganda ang quality nila, but never tried fuji camera panaman sabi lang nila.

Good Answer

jermaine diaz

  • jermaine diaz
  • Jan 21, 2019

okay naman ang fuji na camera nakagamit na ako ng fuji at okay naman ang battery ng mga camera nila. Canon okay ang specs ng battery nila kaya tama impossibleng maging Canon yun pero hindi naman lahat ng Canon okay din, especially sa mga low end nial na camera.Hindi po maganda ang quality pag medyo mumurahin talaga.

Good Answer

Dianne Paula

  • Dianne Paula
  • Jan 21, 2019

Sobra kanaman kahit mura lang na Canon maganda pa din ang quality, I have both cheap and very expensive cameras from Canon at lahat sila okay ang quality and condition. Sa lahat talaga ng camera Canon ang msasabi ko na reliable na camera na pwede mong bilhin kaya huwag ka magworry sa battery ng canon maayos sila.

Good Answer

Genievere Beck

  • Genievere Beck
  • Jan 21, 2019

ito talaga ang gusto ko na camera and from Canon nagworry lag ako sa battery life niya..

Jessy Concepcion

  • Jessy Concepcion
  • Jan 21, 2019

Sa price nyan dapat talaga magandang klase yan, sa bagay bihira ako makakita ng negative feedback about Canon kaya siguro maganda talaga ang quality ng camera nila, kapag ako bibili din siguro Canon nalang din ang pipiliin ko kasi mukhang sikat talaga ang mga camera nila at okay ang ,ga style ng camera nila eh

Good Answer

Drei Garin

  • Drei Garin
  • Jan 21, 2019

bago ka mag canon check mo pa din ang details ng camera na bibilhin mo para malaman mo kung maganda talaga ito wag ka basta basta pa din na bibili mas okay kung may ksma ka na marunong tumingin ng camera para macheck niya kung okay ba yung bibilhin mo para sulit ang bili mo kasi mahal ang mga camera din.

Good Answer

Reply

Palahasik

  • Palahasik
  • Jan 15, 2019

I just need your service for my phone... the program of my oplus compact pro was deleted by a programmer so i need another one. I pay the cost!

Reply

Shena Sinaguinan

  • Shena Sinaguinan
  • Jan 14, 2019

Pano po umorder or saan nakakabili neto? Salamat sa sasagot.

Reply

Aljun Arcones Pareja

  • Aljun Arcones Pareja
  • Jan 14, 2019

Sa pag unbox Nyan English ba language may nakita kac akong mga comment na Chinese daw hind mabasa pano magamit Kung hind mabasa
Answer my question pls

Reply

Allen Casimero

  • Allen Casimero
  • Jan 14, 2019

Hi guys gamer kasi ako at gusto kong malaman kung alin sa dalawa yung mas magandang pang heavy games kase sa nakita ko sa youtube parehas silang dalawang maganda ang gameplay pagdating sa GTA San andreas at same price lang din sila pero gusto ko pa rin malaman kung alin sa dalawang to ang maganda...

Reply

lilian vien

  • lilian vien
  • Jan 14, 2019

Magandang hapon po sa inyo, gusto ko lang po sana na magtanong kong may other brand pa po ba kayo nitong keyboard skin? Tsaka ano po ba yong brand na pinakamatagal masira tsaka magandang gamitin for gaming? And may other tanong pa po ako, may mga iba't iba kasi mga number of keyboards, so para sa tablet ko pwedi kaya yon iconnect sa tab ang keyboard? kung pwedi kaya yon..

Reply

KEY

  • KEY
  • Jan 14, 2019

Okay talaga kapag completo ka ng gear. Kasi kapag ganun is nasa safety area ka. itatanong ko lang sana kung may mga other offers or promo kayo ngayon since ako is matagal na I mean regular customer na ako sa inyo? Tsaka gusto ko sanang palitan yong manual ko into auto na, okay kaya pag ganun yung systema?

peabo

  • peabo
  • Jan 15, 2019

mas maganda yong auto gamitin kesa don sa manual, feel ko auto yata ngayon specially paghigh tech yong car na nabili mo. Kasi yong manual is dati payan, yaan yong kadlasan sa jeep, track, container van, bus, van and etc. yan yong mga alam ko na may manual. Pero ang ganitong sasakyan is usually auto na kasi upgraded na lahat ng mga car ngayon. May iba ding mga car is manual pero ako mas prefer ako sa mga auto kaya nga auto kasi automatic na siya.

Good Answer

bloyd

  • bloyd
  • Jan 16, 2019

para sakin syempre auto kasi nga automatic from the word itself auto diba so kung ako rin lang naman auto yong pipiliin ko ganda kaya niyan kapag ganon, kaya lang wala akong sasakyan baka imaginary car oo hahahah pero anyway. Mas perfer talaga ako don sa auto, hindi ka na magaalangin magdrive hehhe dahil mas okay pato kesa sa ibang brand new car

Good Answer

quen ann

  • quen ann
  • Jan 17, 2019

ako sakin kung ako man sng papipiliin syempre ang pinakagusto ko is auto para automatic aajajaj kayan ga auto para automatic and wala kana namang mapapanghihinayang dito kasi maganda ang takbo ng buhay motalaga promise jajajj, daddy eh mahilig yung sa kotse gusto niya talagang bumili nito....pero prepared naman siya ngayon pinaghandaan niya to kasi ito yung pinakagusto niya na car I mean dream car ng daddy ko jejejej

Good Answer

Reply

loida mae

  • loida mae
  • Jan 14, 2019

May nagtanong sakin noon kung mayroon bang mix color na brand ang fujifilm eh wala akong masagot kasi nga hindi ko naman alam na may mga mixing colors pala. So, ito nga black and white. Pwedi niyo rin bang gawin itong purple black, or even pink black? Kung pwedi sana kasi may black and white eh so I think naman makakapaggawa sila ng ganyan diba???

ridge

  • ridge
  • Jan 16, 2019

naman may different color ppo suila dahil may collection po ako sa fujifilm na camera pakicheck yong sa google nila nandon lahat ng mga choices na gusto mng kulay try lang para makapili ka ng fpaborito mo. Sayang kasi kung hindi mo ttitignan ngayon dapat ngayon mo isearch kasi sobrang dami talagang magagandang mga color promise yan d ako nagsisinungaling sayo...

Good Answer

Reply

Jillxo82

  • Jillxo82
  • Jan 14, 2019

maganda naman pero parang medyo mahal siya??

Luis Mendiola

  • Luis Mendiola
  • Jan 18, 2019

Oo nga hindi pa ako nakakabili ng ganyan kamahal na phone hindi din ako gagastos ng malaki para lang sa phone kasi buwan buwan naman nagbabago ang mga phones kaya hindi na ako bumibili ng mamahalin masyad alam ko kasi na babaguhin ko din ito kapag may nakita ako na mas maganda pa na phone at lumabas na bago.

Good Answer

Jessy Concepcion

  • Jessy Concepcion
  • Jan 18, 2019

mura na nga ito eh, hindi ako maka Oppo pero nakikita ko naman na mura lang ang mga phones nila at mukhang magandag klase din naman siya. First time ko nakita ang Oppo nakita ko na maganda ang camera nito at talaga naman sulit mo din ito na mabibili kasi updated sila sa design ng phones ngayon kaya okay din sila na phone.

Good Answer

Dianne Paula

  • Dianne Paula
  • Jan 18, 2019

Para sa akin hindi ko gusto ang mga Oppo phones okay pa sa akin ang Vivo, tama medyo pricey sya lalo na kung icocompare mo sa Vivo phones mas mura po bumili sa Vivo. twice ako nag ka Oppo phone at hindi ko nagustuhan ang performance ng mga phones na yun, ilang beses ko din pnaa ayos ang camera niya kaya nag switch ako sa Vivo at happy ako dito.

Good Answer

jermaine diaz

  • jermaine diaz
  • Jan 18, 2019

I think the price is good naman kasi okay ang specs niya but i would rather buy a different phone or save up for a better phone. Mas okay pa din kasi pag Samsung phones mas trusted ang quality. May iba kasing Oppo na matibay at yung iba naman madali daw masira so swerte mo nalang if you bought a good one.

Good Answer

Ullysis Tantongco

  • Ullysis Tantongco
  • Jan 18, 2019

mukhang maganda naman ang OppoA7, sakto lang ang price kasi nga dapat icheck niyo muna ang specs para malaman niyo kung mahal ito o mura. Icompare niyo sa iba na may same specs. Kung sa ibang brand pa ng phpne mas mahal pa nga ito eh kaya itong price nila sakto lang hindi naman sobrang mahal at mura kaya okay na din.

Good Answer

Luis Mendiola

  • Luis Mendiola
  • Jan 18, 2019

siguro para sa inyo mura na para sa akin mahal na ang ganitong klase, yung kaibigan ko nakabili ng phone wala pang sampong libo pero maganda na ang specs niya hindi ko lang maalala kung anu ang pangalan ng phone na yun, pero mura lang at mganda din naman ang specs niya kaya ko nsabi na mahal ang phone na ito.

Good Answer

Drei Garin

  • Drei Garin
  • Jan 18, 2019

xiaomi po ata ang tinutukoy niyo kuya, yan kasi ang phone ko at oo mura lang at mas maganda sa specs ng Oppo na ito, habang tumatagal talaga nagmamahal ang Oppo hindi ko alam kung bakit dati naman mura lang din ang phone nila siguro marami na kasing customer kaya ang demand tumaas din talaga pero kung hanap niyo mura at maganda xiaomi bilhin niyo

Good Answer

Ullysis Tantongco

  • Ullysis Tantongco
  • Jan 18, 2019

naku China phone nanaman hindi na kayo nadala sa quality ng mga China products. well hindi ko pa nasubukan talaga ang Xiaomi pero knowing Chinese products kasi hit and miss sila sa quality kaya hindi ko din talaga masabi kung okay ba sila o hindi. Pero para sa akin no china muna hindi ko naman kailangan bumili ng mumurahin na phone

Good Answer

Drei Garin

  • Drei Garin
  • Jan 18, 2019

yun ang pinag kaiba natin kasi ako po hindi pa ako makakabili ng mga mamahalin na phone, iniipon ko pa po lahat allowance ko kaya doon ako lagi sa mura pero syempre yung sulit din naman na quality. Okay po ang Xiaomi na phones oo mura pero matibay naman po ito at matagal na din ito kaya subok na ang quality.

Good Answer

Jillxo82

  • Jillxo82
  • Jan 18, 2019

para sa akin mahal pa din siya para sa specs niya at syempre tiningnan ko ang specs niya kaya ko nasabi na mahal nga ehh

Luis Mendiola

  • Luis Mendiola
  • Jan 21, 2019

Kanya kanya lang talaga tayo ng opinion kug mahal man o hindi basta importante maganda ang Oppo sa mga makakabili nito swerte kayo para sa aming hindi hanggang pangarap nalang, pero kahit mga mumurahin na phone naman may magandang specs din kaya okay na ako sa ganun kahit mura basta maganda ang quality okay yun.

Good Answer

Reply

Drei Garin

  • Drei Garin
  • Jan 14, 2019

may bago nanaman bang Accent this year? ano po ba ang latest na model?

Reply

jermaine diaz

  • jermaine diaz
  • Jan 14, 2019

Ask ko lang kung ano masasabi niyo sa mga Ford pick up? mas okay ba sila compared sa Nissan at Toyota?

Reply

Allen Casimero

  • Allen Casimero
  • Jan 12, 2019

Hi guys tanong ko lang kung dapat ko bang bilhin tong j4 plus or just stay with my j2 pro 2018 kase ang dami talagang nagsasabing malag yung mga laro sa j4 plus at nagulat naman ako kase parang nagmukang mas better pa yung j2 pro when it comes on game performance kase yung j2 pro ko ehh smooth lahat ng games ko katulad ng AoV,Monster legends at iba pa meron pa nga akong tatlong manga apps ehh at lazada etc. Halos nasa 11 apps na yung nadownload ko pero okay pa rin smooth pa rin kahit 1.5 gb ram lang siya. So should i buy this or not?

Reply

be nice pls

  • be nice pls
  • Jan 12, 2019

first time ko bumili ng gel type battery kaya hindi ko alam kung ok o hindi itong nabili ko. kasi ung loob niya dry at crack ung gel sa loob, tapos kalahati nalang ung gel. normal po ba un o hindi? thank you

Reply

gudin kim

  • gudin kim
  • Jan 11, 2019

Lahat ba nito is sink in na? I mean lahat is all package na hinahanap ko sa TV ? what I mean is yong LED TV tapos connected into computer or even internet? So that I can/t buy ng ibang laptop kasi mas gusto ko yong all set na lahat mas gusto ko kasi yong big monitor ehh and automtatic na na kung gusto mong tumingin ng mga movies or drama series eh pwedi muna siyang tingnan.. Hindi yung magbubukas kapa ng tv or maglalaptop kapa para tumingin ng movie kakapagod ng ganyang systema

Reply

Page 2 of 1003