Forum
- prestarrs
- Jan 25, 2021
“Shift Dresses”, you must be thinking that what is this, basically it is a loose-fitting dress in which the cloth piece from the shoulders falls down which is very fashionable now a days and too much expensive even. You must be thinking of buying this shift dresses but could not because of its price rate, do not worry because PRESTARRS is serving you shift dresses for cheap this year, so what does it become "Cheap Shift Dresses"! These cheap shift dresses look so modish and fashionable to wear which go very well on any jewelry and any handbags & wallets. These cheap shift dresses are so comfortable and secure that will make you feel in heaven every time you wear it! These cheap shift dresses are up to 35% off and now available in many kinds of floral patters n all, so what are you waiting for? The mega offer to end?
Looking for exciting dance dresses to wear on parties this year? Nothing to worry because PRESTARRS presents you its originality, its iconic dance dresses with is perfect to rock any party or occasion this year! These dance dresses are so fashionable which can kill anyone with its first look. These dance dresses are perfect to look one in a million by its hitting, attractive and alluring look. These dance dresses are all you need for this year to rock any occasion by its killing look and original therapy. Our dance dresses are not that much costly as you normally buy from a local market and it even does not have that killing look which we provide to our customers. We have and provide all types of dance dresses to our customers with different n various designs, everything you need. These dance dresses are cute and as well as available in floral designs that every woman needs these days.
- Ralph04
- Jan 25, 2021
My 2010 tucson has this problem while in drive mode it does not accelerate immediately. you have to deeply step on the gas pad for it to go. its like something is stopping me & when i'm in park & neutral mode the car goes to reverse but the indicator in the dashboard says it in park or in neutral. What do you think my cars problem? Sa transmission po b kaya ang problema?
- Ralph04
- Jan 25, 2021
Last palit ko po ng transmission fluid nitong June 2020
- Ralph04
- Jan 25, 2021
This January ko lang po naexperience itong problem.
- Camille Tabillos
- Jan 24, 2021
Obviously hindi siya online shop issue or anything pero baka lang may nakakaalam sa inyo how to file a warranty claim sa Ford? Nag close na kasi yung malapit sa amin and two cities away yung closest, gusto ko lang malaman ano kelangan iprepare para hindi na madaming balik, its not for me by the way, para sa father ko
- Manuel Akistra
- Jan 25, 2021
Bakit ka mag fafile ng claim? Wala ka ba resibo na o papeles na warranty? Saka teka may warranty ba talaga mga kotse? Kasi hindi ba kaya kinukuhanan ng mga insurance ang kotse para kapag nasira? Pwede mo naman ata email na lang yung customer service ng Ford tungkol jan pero dapat iscan mo na yung resibo o OR/CR dahil malamang hahanapin yan
- Aaron Catalla
- Jan 25, 2021
May warranty yang mga kotse at yung insurance para sa mga aksidente yan, mas madalas naman masisiraan ang mga driver dahil sa aksidente kesa warrany, saka sapat na ata yung OR/CR para sa warranty claim. Pag dating sa mga claim na ganyan wala ka talaga choice kung hindi pumunta sa mga service center pero dahlhin mo lang lahat ng papeles na meron ka
- Paul Isidro
- Jan 24, 2021
Ayan na talaga official price niyan o online price? Saka may warranty?
- Terrence Villarin
- Jan 25, 2021
Php9,990 ata yung official price niyan so parang Php100 o Php200 off lang siya doon sa ibang seller, kapag sa mall yan baka mas malaki pa presyo niyan kasi may tubo, yung mga online price na nasa Php8000 legit price pa yan kasi bawas mga tubo jan na madalas dinadagdag ng mga seller sa malls, baka nga meron pang mas mura diyan
- Paul Isidro
- Jan 25, 2021
Pero may warranty pa yang mga yan? Saka saan pwede gamitin yung warranty? Kasi sa mga online shop yan so wala silang sariling technical repair tulad sa mga tindahan sa mall, o ipapadala sa kanila yung phone kapag may ipapaayos? Gusto ko kasi yung may warranty dahil madami na ko experience na issue sa Vivo, lalo na yung mga error na bigla na lang lumalabas
- Van Michael
- Jan 24, 2021
Ibig ko sabihin pwede pa ba lagyan to ng sd card?
- Elson Martin
- Jan 25, 2021
Upgradable naman, hanggang 256GB pero hindi ko alam kung ayun yung total kasama na phone memory o sd card malaki na naman yung sd card na 124GB kaya okay na siguro kesa bumili k ang malaking external memory, wag ka rin bibili ng masyadong mahal na sd card kasi malay mo magkaroon ka ng high end na phone, karamihan sa mga yun hindi pwede lagyan ng sd card
- Van Michael
- Jan 25, 2021
Napansin ko nga puro as is yung memory pero malalaki na din naman kasi yung phone memory ng mga yun, pero mas gusto ko kasi yung sd card kesa mag save sa mga cloude, delikado din sa mga yun okay lang yung mga files na hindi naman masyadong importante. Tingin ko hindi din naman ako bibili ng mga high end na phone, yung kelangan ko naman meron din sa mga mid range lang
- Ferdi Magellan
- Jan 24, 2021
Tecno Pouvoir 4 niyo sa Nokia 6 ko, bigay lang sakin pero parang mas gusto ko ito kesa Nokia na phone
- Terrence Villarin
- Jan 25, 2021
Try mo sa mga online seller kung nagooffer sila ng swapping baka meron, sa dami ng mga seller for sure meron jan na private seller o baka natanggap nga swapping, kausapin mo dapat personally yung seller try mo hanapin ng contact info doon sa page nila, wag lang comment baka kasi hindi mag reply doon kahit tignan
- Manuel Akistra
- Jan 25, 2021
Hindi ka ba lugi jan sa offer mo? Kahit bagsak na yung brand ng Nokia kilala pa din yan, yung sa Tecno kahit maganda yung specs niyan hindi pa din subok yung performance ng mga phone nila, baka malugi ka sa deal. Sa bagay pwede mo naman subukan yung phone pero dapat kaliwaan kayo ng kaswap mo para mas sure kesa padala lang
- Ferdi Magellan
- Jan 25, 2021
Nakapag research naman ako ng onti tungkol sa phone na to at nagamit ko na din yung Nokia 6, so far halos pareho lang sila pag dating sa performance pero mas okay kasi sakin yung camera nitong Pouvoir 4 kaya gusto ko makipag swap. Baka may kakilala kayo na may ganitong phone na gusto makipag swap, hirap kasi mag hanap ng gumagamit ng Tecno phone
- Kate Ñerbes
- Jan 24, 2021
Yung P40 or Mate 40? Parang pareho lang kasi sila ng pricing pero hindi ako updated kung alin yung high end sa dalawa
- Arvin Tan
- Jan 25, 2021
Pareho lang high end ata yan pero yung Mate 40 kasi alam ko mas malaki kaya parang phablet kaya mas mahal, kaso yung phablet na yun may mas malaki pa atang version yung Mate 40 Pro, sa ngayon hindi ko alam kung lahat ng features ng Mate 40 pero din sa P40, sila lang yung equivalent ng Galaxy S at Note ng Samsung ayun yung ibig ko sabihin
- Kate Ñerbes
- Jan 25, 2021
Hindi ko din kasi tinitignan yung features ng dalawang phone nakita ko lang talaga, mas preferred ko siguro itong P40 kasi hindi ako fan ng malalaking screen, actually ng phone kasi nahihirapan akong hawakan, sana lang pareho yung ganda ng camera nila, hindi na ko masyado naniniwala sa specs ng mga camera, may mga nakita na ko na may mababang specs pero mas maganda yung quality ng pictures
- Workzzz
- Jan 23, 2021
Aling mas ok sa dalawa? mazda 2 sedan or Toyota vios? pareho kasi sila ng segment pero wala akong matanungan or makita na feedback comparing both cars.
- burger joe
- Jan 24, 2021 / Good Answers : 2
interesting ang question mo. pero to give you a quick answer e kung design ang habol mo go for mazda, kung maintenance and longivity e toyota ang kunin mo. unti unti nang rinrplace ng mazda ang image satin ng honda lately. gumaganda ang mga models nila pero ung toyota parin is pang masa at affordable na e reliable parin.
- buggy woogy
- Jan 24, 2021 / Good Answers : 1
I'd go for toyota vios pero kung walang issues sa pera e i'll choose mazda 2. ang reason ko for that is, mas madali e maintain ang vios. mas matagal na sya sa pinas, mas maraming models meaning nde ako mahihirapan sa parts in the long run, and despite sa ganda ng interior ng mazda e mas roomy ang toyota vios which should be a big factor lalo na sa may family na bibili nito.
- burger joe
- Jan 24, 2021 / Good Answers : 2
Mas mababa din ang resale value ng mazda sa pilipinas kaya kung ikaw ung tipong gagamitin ng kotse ng matagal e pag isipan mo rin mabuti dapat ang resale value ng car kundi palugi mo rin itong e bebenta sa huli. design nga mas maganda tlga ang mazda kahit sa driving performance mas gusto ko ung brakes ng mazda kasya toyota kasi konting tapak palang e kumakagat aga, ung toyota need mo ibaon pa pero sanayan din lang nmn yan.
- Workzzz
- Jan 24, 2021
Thank you sa respone! na test drive ko both models today at mas nag lelean ako towards sa vios kasi mas usable sya daily. i mean i dont dislike the mazda 2 pero mas ok pang araw araw ung layout ng vios mas practical sya kung baga. nung drinive ko pareho wala naman akong napanasin na difference, sa drivers view lang, parang mas maliit ung windows ng mazda sa gilid at sa likod. maliban jan e ung reasale value nga ng mazda e nakaka dissapoint.
- Freeman
- Jan 23, 2021
Sa casa mo lang pde ipa repair or maintenance ung mga porsche? para wala kasi akong nakikita sa mga talyer na german cars e.
- Greg Martin
- Jan 22, 2021
Nagdownload ako dito ng Genshin impact, hirap kasi laruin sa phone kaso sira sira naman yung laro, okay naman siya nung una
- Melody Villarama
- Jan 22, 2021
Pero sa kiosk sana sa mga malls, kasi doon lang may Vivo direct sellers, pwede kaya Home credit sa kanila?
- Manuel Akistra
- Jan 24, 2021
Wala pa naman akong nakitang Home credit agent na nag cater sa mga kiosk lang sa malls, meron din naman mga Vivo phones binebenta mga multibranded stores, madami nga sila kaya hindi ka mahihirapan maghanap, siguro naman meron din sila nitong Vivo V19 sa mga stores, kung wala sa iba baka meron, madami naman sila nagbebenta niyan
- Rick Grenggo
- Jan 24, 2021
Mas madali kung maghanap ka sa mga Vivo Kiosk talaga dahil baka meron din naman doon, hindi rin naman kasi lahat ng tindahan na may Vivo or mga multibranded meron mga Home credit madami din wala, kahit may makita ka sa Octagon sa isang SM hindi ibig sabihin meron din sa Octagon sa ibang SM o mall, kaya talagang pinipili yung mga tindahan
- Cesar Gacula
- Jan 24, 2021
Wala pa ata mga Home credit na agent ngayon sa malls, at least wala pa lahat ng dating agent, may nakita na ko Home credit sa SM Megamall multi branded yung store nakalimutan ko lang yung pangalan, meron binebenta na Vivo phones doon pero hindi ko alam kung may V19 Neo, iba kasing phone tinitignan ko, ayun lang nakita ko na agent ng Home credit sa ibang store wala ako nakita
- Aisa Quijano
- Jan 22, 2021
Meron kasi ako nakuha android watch, I won from a raffle pero generic kind ata kasi hindi ko alam yung brand
- Arvin Tan
- Jan 24, 2021
Bagay na kelangan mo subukan para malaman, nasayo na naman yung android watch kaya subukan mo na lang sa POVA kapag hindi gumana edi bawal, pero wag mo sukuan agad ng isang beses lang kapag hindi nakita sa bluetooth, baka minsan matagal lang makita o nagkamali ka lang, madalas kasi yung iba hindi lang nakita agad ng isang subok, sira na agad akala nila o bawal
- Aisa Quijano
- Jan 24, 2021
No, hindi pa POVA yung phone ko ngayon, just thinking about it pa lang
- Arvin Tan
- Jan 24, 2021
Ay akala ko Tecno Pova na phone mo, pero bakit hindi mo pa din subukan sa phone mo ngayon? Kung magkaibang brand yang android watch at phone mo tapos nag connect pa din, ibig sabihin pwede din yan sa POVA, pero ako suggest ko kung hindi ka naman talaga mahilig sa ganyan ibenta mo na lang, wala naman masyadong nagagawa yung mga ganyan watch kung hindi inotify ka ng messages ng hindi nilalabas yung phone
- Elson Martin
- Jan 24, 2021
Kahit gumana yang android watch mo sa phone, hindi rin sure na gagana yun dito sa POVA o ibang brand pa, baka may compatibility issue pa yan kasi yung mga wireless may kanya kanyang licensing ata yan o permission na kelangan iapprove din ng phone manufacturer para gumana, mag koconnect pa din naman yan kahit wala pero sabi ng iba mas pangit yung quality pag ganun
- Aisa Quijano
- Jan 24, 2021
Ay ganun? Salamat din sa info. May mga ganyan pa pala, kaya din ba yung Apple tinanggal na yung mga wired earphones nila para doon? May kita ba sila doon or bayad sa kanila? Anyway, back to topic, maganda ba yung wireless connection dito sa POVA? As far as I know iba iba din yung latency na gamit ng wifi ng bawat brand
- Hannah Lapis
- Jan 22, 2021
Gusto ko sana bilhin pang gift so anything na pwede niyo sabihin about casual use saka gaming?
- Terrence Villarin
- Jan 24, 2021
Gaming? No, ayan na yung huling iisipin mo sa phone na to, video wise maganda naman siya para sa isang mumurahin na phone, hindi rin masama yung sound quality pero mababa yung processor niyo, pero tingin ko naman kung gaming hanap mo pwede Clash of Clans saka Candy crush, mga tipong casual games lang kasi hindi naman demanding sa graphics
- Hannah Lapis
- Jan 24, 2021
How about yung camera? Kung maganda naman yung display expect ko maganda din yung camera, naghahanap lang kasi ako ng phone na mura pero at least yung maganda kung possible, gusto ko makatipid sa phone as much as possible pero may budget naman ako pambili ng mga mid range phones, so kung hindi talaga maganda to i'll look at mid range phones na lang
- Elson Martin
- Jan 24, 2021
Pagtinignan mo pa lang yung hardware specs nito, dapat ang unang pumasok sa isip mo ay kung ano pa ba magagawa ng phone na to next year o sa mga susunod pang taon, processor pa lang masyado ng mababa tapos 1GB RAM? Makadalawang apps ka lang na hindi maclose ng maayos maglalag na yan sa mga apps na meron ngayon, seryoso may ibang brand na mas maganda pa dito pero halos magkalapit lang presyo
- Hannah Lapis
- Jan 24, 2021
Any brand na marerecommend mo? Yung mga sikat lang kasi alam ko
- Ben Dayao
- Jan 22, 2021
Kasi yung order ko ang sinabing estimated a week after ng order ko, 3 days ng lagpas sa esitmated yung sakin wala pa din, hindi rin nag update seller
- Mark Natividad
- Jan 24, 2021
Depende naman yan sa seller din, meron mga seller ang cut off 10am, so lahat ng orders after 10am next day ang process nila, meron hanggang 5pm kaya depende talaga yan sa mga seller, meron nga once a week lang mag process ng delivery pero at least mga yun lagi nag sasabi ng expectation sa mga buyer kaya okay lang, iba iba diskarte ng mga seller pag dating sa ganyan
- Ben Dayao
- Jan 24, 2021
Ganun ba? Hindi na kasi nagrereply yung seller sakin, huling reply sakin naship na daw, gusto ko na nga pacancel kaso baka may cancellation fee na. Makikita ko ba yung shipping status ng order ko dito? Papacancel ko na talaga kung processing pa lang, baka matagal din iship, tagal ko na nag bibili na lang ako ng iba baka signs na yan
- Mathew s
- Jan 22, 2021
Ano difference ng monopod at selfie stick? nagtatalo kame ng pinsan ko at ayaw nya mglet go kasi LOL
- Taks69
- Jan 22, 2021
May marerecommend ba kayo na tripod na portable na nde maxdong malaki pero nde ung madaling mauga?
- Bimmer joe
- Jan 22, 2021
Meron ba sainyo na nakapag try na mag charge ng camera using a powerbank? possible ba un? may nabibili bang adapter para magawa un?
- Detroit mash
- Jan 24, 2021
Wala pa akong narinig na power bank for cameras unless e ung camera mismo e hndi reglar charging adapter na pa bilog ang gamit, kung ung charging port ng camera mo e usb port may it be micro usb o usb type c e pde yan mag charge, kung may chargong port ka na bilog tas micro usb para sa data transfer e feeling ko nde sya gagana,
- Joey conception
- Jan 24, 2021
ung digital camera ko may charging port na bilog pero pag cnnonect ko sa computer via usb port e nag ccharge naman kasi sya accroding dun sa battery status sa lcd sa likod. pero nde ko pa na try na e charge sya directly using a power bank,
- Dr.K
- Jan 24, 2021
Baka depende yan sa camera, kasi ung nikon ko pag kinabit ko sya using sata cable e nde naman nag iindicate na nag ccharge sya. kaya kung gusto ko ng power habang nasa labas ako e mag rerely ako sa second pair ng battery kasi nga nde sya pde gamitan ng power bank.
- Crococrunch
- Jan 24, 2021
Depende lang talaga yan sa camera, pero ung mga bagong model ngaun e pde ma charge gamit ang power bank kasi wala na ung bilog na makaluma na charging port. ma tetset nyo naman kung di kayo naniniwala pero for sure na mag ccharge yan sa power bank bsta via micro usb port o usb type c
- Humpy Dumpy
- Jan 22, 2021
MAy alam ba kayong nabibilhan ng fairing na customizable? ung pde ikaw pumili ng design?
- Pol tabs
- Jan 22, 2021
Malakas ba ang gas consumption ng kia carnival? walang diesel model nito diba?
- Zue frue
- Jan 21, 2021
Do you know where to buy a battery for this?