Yamaha XTZ 125 Forum : "standard size poh"

Yamaha XTZ 125

Yamaha XTZ 125
Model XTZ 125
Displacement(cc) -
Available Color
  • White
  • Blue
Transmission
Starter Electric
km Per Liter -
Fuel Tank Capacity(L) 11.0
Weight(kg) 118.0
L*W*H(mm) 2,090 x 830 x 1,115
Type Off-Road
Offical Price P83,900

New & Used prices

Reviews

Forum

standard size poh

Ullysis Tantongco

  • Ullysis Tantongco
  • Jan 9, 2019

Hello sainyo, gusto ko sanah malaman ang tamang size o siguro kung papalitan ko yung tires ng motor ko ano poh ba ang sizes na pwede dito. sana matulungan niyo ako..

Luis Mendiola

  • Luis Mendiola
  • Jan 14, 2019

usually naman kapag need mo palitan ito same size lang din dapat sa original tires ng motor mo kapag gsuto mo mas malaki o mas smaller sa original tanungin mo nalang sa magpapalit kung magiging compatible pa din ito sa motor mo para hindi ka magka problema kung sakali need nila ito palitan ng bago para sa yo.

Good Answer

Ullysis Tantongco

  • Ullysis Tantongco
  • Jan 14, 2019

naisip ko nga din yan, sabi kasi ng tropa ko kahit anong size okay naman sa motor basta babagay sa motor mo. Napansin ko kasi hindi sila pareho ng size at gusto ko sana same nalang, hindi ko kasi gusto yung itsura ng magkaiba ang size ang weird lang niya tingnan para sa akin kaya naisip ko palitan lang ang isa tire sa motor ko

Genievere Beck

  • Genievere Beck
  • Jan 14, 2019

just saying: I think its really its style, sa scooter may ganyan din different size ng tires

Good Answer

Luis Mendiola

  • Luis Mendiola
  • Jan 14, 2019

I think may point si Genievere, pero hindi lang sa style yan may purppse din kung bakit magkaiba sila ng size. Hindi ako magaling dyan sa mga motor kaya hindi ko masabi kung bakit pero ang alam ko lang since parang dirtbike kasi ito need talaga ng mas malaking tire sa harap I think more on front ang power ng motor na ito.

Good Answer

Jessy Concepcion

  • Jessy Concepcion
  • Jan 14, 2019

Offroad bikes kasi ito kaya ganyan talaga ang tires niya iba ang sizes at mahalaga na malaki talaga ang size sa harap. Ngayon kung hindi mo naman gagamitin ang motor sa race o ano man siguro okay naman na palitan ito pero magiiba ang takbo nito kung ibang sizes ang gagawin mo, yun ang alam ko sa mga motor na iba ang size ng tires.

Good Answer

Dianne Paula

  • Dianne Paula
  • Jan 14, 2019

ganun pala yun kaya pala iba ang size ng gulong ng scooter ko pero hindi ko naman pinalitan ito kasi okay naman siya hindi naman iba ang takbo kung magkaiba ang size niya. Hindi ko lang din napansin agad noong pag bili ko akala ko kasi magkakapareho lang ang sizes ng mga gulong may ganun din pala na magkaiba.

Good Answer

Lando Bastasa

  • Lando Bastasa
  • Jan 14, 2019

obviously kapag magkaiba ang size nito may rason kaya dapat wag na baguhin noh

Good Answer

Ullysis Tantongco

  • Ullysis Tantongco
  • Jan 14, 2019

pang araw araw lang na gamit at hindi naman ako racer talaga. bigay lang din naman sa akin ito at gutso ko lang pag ganda ang look niya at napansin ko na hindi pareho ang gulong kaya gusto ko palitan wala naman siguro masama doon pero kung hindi safe na palitan ng size na gusto ko syempre hindi ko na gagawin yun.

jermaine diaz

  • jermaine diaz
  • Jan 14, 2019

kung ako sayo bro wag mo na palitan ang sizes as it is nalang, replace mo lang ng same size if kailangan pero kung ano ang built niya maintain mo nalang. Pogi naman kahit iba size ng gulong at sa mga may alam sa motor alam dn nila kung bakit ito magkaiba at hindi weird yun, magiging weird lang sa mga taong walang alam sa motor.

Good Answer

kit_kat

  • kit_kat
  • Jan 14, 2019

tama mas okay at safe remain mo nalang ito kung ano ang size

Good Answer

Ullysis Tantongco

  • Ullysis Tantongco
  • Jan 14, 2019

sabagay baka obvious na wala akong alam sa motor kung papalitan ko ang look nito. Pero tatanungin ko nalang siguro sa talyer na pinupuntahan ko kung pwede ito palitan at maging same size, hindi ko naman alam na may motor na pala ngayon na ganito akala ko lahat pare pareho lang ang sizes ng gulong, sayang ang mga spare sa bahay din mas maganda sa stock nito.

Luis Mendiola

  • Luis Mendiola
  • Jan 14, 2019

sana hindi nalang ito ang binili mo na motor kung gusto mo yung standard na klase lang na motor, maganda din kaya ang takbo nito at mas mabilis kumpara sa mga standard or classic type na motor. Tapos Yamaha pa ang tatak kaya maganda ang hatak ng motor na ito. Okay din sa malalayong byahe kaya maganda din ito gamitin kesa mag commute.

Good Answer

Ullysis Tantongco

  • Ullysis Tantongco
  • Jan 14, 2019

kung ako bibili hindi din ako makakabili ng ganito, bigay lang ng tito ko eh alangan naman tanggihan ko pa diba ako pa ba ang mamimili ng bigay na motor. Hindi lang ako sanay makakita ng ganitong klase na gulong kaya medyo curious din ako sa itsura niya, sana mapalitan ko kasi hindi ko gusto pag ganito ang itsura ng gulong ko.

tonymoly babe

  • tonymoly babe
  • Feb 8, 2019

kami stick lang ayaw naman magka problema sa gulong mahirap na maaksidente eh

Good Answer

gorio

  • gorio
  • Feb 8, 2019

sa amin pinalitan naman namin ng same size sa motor din kasi ang sabi sa amin magiiba ang takbo kapag binago ang size ng motor kaya ayun same size pa din naman ibang mags lang para medyo gumanda ng unti at hndi stock ang look niya. un lang same size iba dw kais pag malaki pa.sayang nga eh, akala ko ok lang na palitan.

Good Answer

jastine o. santos

  • jastine o. santos
  • Feb 8, 2019

mas okay talaga na sundin mo lang yung stock ng size sa motor kasi may rason talaga kung bakit yun ang size niya, yung scooter ko nga iba ang size sa likod sabi sa amin ganito daw talaga ang style kapag binago magiiba ang takbo niya, so hindi na talaga namin binago yun gulong namin simula pagkabili namin yun na un.

Good Answer

Peter John Aniciete

  • Peter John Aniciete
  • Feb 8, 2019

mas okay kasi kung simple lang huwag nalang natin baguhin ang origginal na design nito.

Good Answer

jastine o. santos

  • jastine o. santos
  • Feb 8, 2019

Iba kasi talaga ang look kapag binago niyo ng gulong. pero since safety din ng pagusapan mas okayna nga siguro na wag na baguhin kapag hindi talaga pwede. mas okay kung humingi ng advise sa talyer para magka idea kayo kung safe ba na palitan o hindi pwede yung mga gulong niyo kasi kami nagtatanong talaga muna para sigurado.

Good Answer

Reply

Latest Topics for Motorcycle

Ligaya Pascua

Benta

Wala pa ba nito sa Pilipinas, hindi pa talaga nalalabas o wala lang seller? Mag inquire sana ako kasi interested ako kasi wala mapagtanungan

  • Last updated : Mar 26, 2019
  • Posted by Ligaya Pascua
  • Replies of This topic : 12 Replies

william selviro

Changeable parts

shocking to sa akin ee, mula sa yamaha tapos ganun lang yong mangyayari sa yamaha mt 07 ko,.nasira kasi yong tambutso ng sasakyan ko tapos nung pinarepair ko naman siya kailangan dawng papalitan ulit ng bagong tambutso para iwas diskrasya. kasi flammable ... Read more

  • Last updated : Mar 26, 2019
  • Posted by william selviro
  • Replies of This topic : 3 Replies

jhon wayne

Open suggestions

Last week lang kasi ako nagkainjury nito kasi nga sa sobrang laki eh natumba ako dahil heavy driving kasi to eh.. Tpos medyo nahirapan lang akong maggamit nito sinubukan ko kasing paandarin to kasi interesting siya para sa akin. Pero nung trinay ko na ... Read more

  • Last updated : Mar 25, 2019
  • Posted by jhon wayne
  • Replies of This topic : 0 Replies
View Mode: PC | Mobile