Xiaomi Mi 10 Reviews

Overall Rating

Design 3.8
Portability 4.0
Operability 3.8
Response 3.8
Display 3.8
Listenability 3.8
Battery 3.7
Total 3.8

Please feel free to post your review on this product.

Write a Review

Nelsie Leonardo

  • Review by Nelsie Leonardo
  • Jun 29, 2020
Design 3.0
Portability 3.0
Operability 3.0
Response 3.0
Display 3.0
Listenability 3.0
Battery 3.0
Total 3.0

Mabagal ang processor nito

Napakaraming features ng phone na ito at nagagamit ko pa nga itong remote sa TV namin at maging sa iba pang devices namin. Yung ayaw ko lang dito ay yung processor nito ay hindi masyadong mabilis para makapag run ng mga ganitong features sa phone na ito. Kaya naman in the end ay ibinenta ko na lang ito sa iba at yung binabalak kong bilhin na ay yung Mi Note 10 na medyo mahal nga lang kesa dito. Yung pangalawang ayaw ko dito ay meron itong mga bloatware o ads na lumalabas. Meron pang mga ibang apps na hindi ko mai-uninstall.

Good Review

Marielle Genova

  • Review by Marielle Genova
  • Jun 25, 2020
Design 3.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 3.0
Battery 4.0
Total 3.7

Okay ang camera nito

Ayaw mag-work nang maayos ang Bluetooth ng phone na ito. Hindi kasi ako maka-connect sa speaker ng car namin. At pag ibang device naman ay nagdidisconnect din ito tapos magrereconnect na naman. Okay sana ang specs nito at yung specs nito ay yung nasa mga premium brands din naman. Okay ito pagdating sa camera. At yung tanging masasabi ko na maganda dito ay ang camera nito.

Good Review

Maristela Montalbo

  • Review by Maristela Montalbo
  • Jun 15, 2020
Design 5.0
Portability 5.0
Operability 5.0
Response 5.0
Display 5.0
Listenability 5.0
Battery 5.0
Total 5.0

Great phone!

Super nice na phone na merong super nice din na camera at pero ang price nito ay "super nice" din at medyo may kamahalan talaga. Yung mga pictures na nasho-shoot sa camera nito ay talagang super sharp at ang ganda at kitang-kita ang lahat ng mga detalye. I like the bokeh mode of this camera na natural talaga kaya halos lahat ng mga pictures ay mukhang portrait. Amazing din ang screen at ang battery life nito. Overall, this is a great phone to use.

Good Review

Joanne Ayco

  • Review by Joanne Ayco
  • May 30, 2020
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 2.0
Total 3.7

Hindi naka-unlock

Very comfortable hawakan ang phone na ito. Maganda ang camera. Meron nga lang itong mga apps na hindi kailangan at parang ang kalat-kalat sa screen kapag ini-on na ito. Ang isa pa ay terrible ang battery nito. Hindi pa ako nagkakaroon ng phone na nagiging 10 percent na lang ang battery sa initial setup pa lang... ito lang ang phone na yon. Inaabot ng kulang-kulang isang oras ang setup at nalolowbat kaagad. Ang pinaka-nakakainis ay hindi naka-unlock ang phone na ito. Madali lang naman mag unlock kaso kapag ang phone ay internationally unlockes, mag-aantay ka pa ng matagal bago ito mangyari. Ang isang maganda dito sa phone na ito ay yung mura lang ito at nakakakuha ako ng mga pictures na ang gaganda na talaga ng level at pwedeng ihalintulad sa mamahaling camera. Dati-dati ay dinadala ko pa ang camera ko para maka-shoot ako ng pictures kahit saan pero nung nagkaroon ako ng phone na ito, hindi ko na kinailangan pang magdala ng mabigat na camera. Maganda rin ang sensor ng camera nito sa gabi at kahit low light ay malinaw ang pictures.

Good Review

Kings hands

  • Review by Kings hands
  • May 24, 2020
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 4.0

Kamukha ng Mi Note 10

napaka identical ng mi note 10 sa mi 10. ung haba at laki ng display lalo na ang bigat e pareho. mas ok sana kung medjo mag kaiba ang design ng dalawa. pag dating nmn sa camera e maganda at malinaw. kahit low light e ok na ok dito. pansion ko lang medjo mabagal ung loading ng 108MP and wala ko maxdo makitang difference gamit ung sensor na to.

Good Review

Glaira Sarabe

  • Review by Glaira Sarabe
  • May 18, 2020
Design 3.0
Portability 4.0
Operability 3.0
Response 3.0
Display 3.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 3.4

Top-notch ang camera

Pwedeng-pwede itong makipag kumpitensya sa ibang mga flagship. Ang ganda ng camera nito na talaga namang top-notch. Yung fingerprint scanner nga lang ay medyo mabagal minsan pero hindi naman talagang kapansin-pansin. Nainis lang ako kasi hindi ako makagamit ng tempered glass nang hindi ito nag-iinterfere sa fingerprint scanner. Nagkaroon kasi ito ng crack. Maliban dito ay walang repair shop ang nagpapalit ng screen nito dito sa amin since ang papolar dito ay yung mga Samsung at Oppo phones.

Good Review

koko maching

  • Review by koko maching
  • May 16, 2020
Design 5.0
Portability 5.0
Operability 5.0
Response 5.0
Display 5.0
Listenability 5.0
Battery 5.0
Total 5.0

mi 10 vs galaxy s20

mi 10 pinili ko kasi mas sulit ang price nya compared sa galaxy s20. mas lamang din ito pag dating sa camera and sa battery. ung s20 dto exynos ver din e mas ok tlga ang snapdragon ver. ung 108MP din wala sa galaxy s20, sa galaxy s20 ultra lang kaya mas ok tlga para sakin ang mi 10 kasi mas swak ang feature para sa budget.

Good Review

anrold ya

  • Review by anrold ya
  • Apr 25, 2020
Design 5.0
Portability 5.0
Operability 5.0
Response 5.0
Display 5.0
Listenability 5.0
Battery 5.0
Total 5.0

Napaka high-end ng phone na to

Walang sinabi ang Samsung sa flagship ng Xiaomi, specs palang e double na. 5G narin to nde katulad ng Samsung na depende sa model. may 108MP camera narin to hindi katulad ng Samsung S20 na ung ultra lang ang meron. price wise, naging mahal sya kumpira sa mga ibang model pero sobrang solve na solve dito.

Good Review

Catrina Rodriguez

  • Review by Catrina Rodriguez
  • Apr 20, 2020
Design 2.0
Portability 2.0
Operability 1.0
Response 1.0
Display 1.0
Listenability 1.0
Battery 1.0
Total 1.3

Not worth ito

Hindi worth it to buy ang phone na ito. Andali kasing magkaroon ng scratch ang screen nito. Para ngang walang masyadong interesado sa phone na ito dahil sa price tag nitong 35 thousand plus. Napakabigat sa bulsa. Hindi naman masyadong maganda ang camera at mas pangit pa kesa sa S20 Ultra. Kung makakabili kayo ng Huawei P30, mas okay pang yon na lang dahil mas good deal yon.

Good Review

amargedon

  • Review by amargedon
  • Apr 18, 2020
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 4.0

Updated version ng mi note 10

medjo disappointed kasi ang pricey nya compared sa mga previos mi models. pero understandable namin dahil sa big upgrade lalo na ang 108mp camera. ok naman ang phone so far. wala pkong nakikitang issues. nde nga lang ako ready sa pagkawala ng headphone jack.

Good Review

Page 1 of 1

  • 1

Latest Reviews for Mobile Phones

Pros: Long Battery Life : Good Camera : Very smooth for gaming Cons: Protruding Camera : 18W charging capacity it takes more than 2 hrs

  • Rating : 5.0
  • Review by Renzo Cani Reyes
  • Date : Jul 2, 2020

Sa lahat ng mga sinasabi nilang flagship killer na phone, itong Xiaomi Mi 9T Pro lang ata ang pinaka- talagang bagay tanghalin na ganito. Pagdating sa design, black na color ang kunin mo kung formal ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Noimi Montalbo
  • Date : Jun 29, 2020

Malamang yung iba sa inyo e nagustuhan tong phone na to pang gaming, pag dating sa gaming e hands down ako sa phone na ito. Pati battery na may fast charging e ayos din. Pero may mga tao rin na ...Read more

  • Rating : 3.0
  • Review by BongBong V
  • Date : Jun 29, 2020
View Mode: PC | Mobile