Vivo Y95 Reviews

Lowest Price P12,000 20 Prices
Color
The Vivo Y95 packs a 6.22" FullView display powered by a Snapdragon 439 SoC, 4GB RAM, AI-equipped cameras with Google Lens technology, dual 13MP +2MP main cameras, a 20MP front-facing camera and a 4030mAh battery.
  • Release date : Nov 2018
  • Notch Phone, Phablet, Sma...
  • 6.22 inches, HD+ 1520 x 7...
  • 2G, 3G, 4G (LTE), 64GB, 4GB ... more specs
Vivo Y95

Compare prices

Specs

Reviews

Forum

News

Overall Rating

Design 2.8
Portability 3.3
Operability 3.4
Response 3.3
Display 3.4
Listenability 3.4
Battery 3.4
Total 3.3

Please feel free to post your review on this product.

Write a Review

Rino Cassontri

  • Review by Rino Cassontri
  • Feb 20, 2019
Design 3.0
Portability 3.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 3.0
Listenability 3.0
Battery 4.0
Total 3.4

Pretty average

Una sa lahat ay hindi naman ako talaga fan ng Vivo. Yung Huawei Y9 sana ang bibilhin ko pero dahil sa na-intimidate lang ako na bilhin ito, ito na rin yung nabili ko talaga. As for the design, meron itong 2.5D curved glass pero parang parehong-pareho lang ng Oppo F9 pagdating sa design. Pero yung problema ko sa mga ganitong phone ay madaling magkaroon ng mga smudges at mga fingerprints na dumidikit talaga dito. Pero napakadali naman ding linisin ang phone na ito para maging looking shiny ulit. As for the display nito, meron itong IPS LCD na mas nakaka-save talaga ng battery charge at mas matagal kesa sa Amoled o sa Oled na display. Halos lahat ng mga phones ngayon ay merong IPS LCD kaya medyo mahirap talaga makita ang display sa screen kapag nasa labas at sobrang liwanag.

Good Review

jen jen ramos

  • Review by jen jen ramos
  • Feb 19, 2019
Design 3.0
Portability 5.0
Operability 3.0
Response 4.0
Display 5.0
Listenability 5.0
Battery 3.0
Total 4.0

not bad, its simple and good

Not too bad to get this phone,mura lang tapos pwede ka din naman mag games, basta hindi nag lalag na phone okay sa akin.

Good Review

Lu Xhian

  • Review by Lu Xhian
  • Feb 18, 2019
Design 3.0
Portability 3.0
Operability 3.0
Response 3.0
Display 3.0
Listenability 3.0
Battery 3.0
Total 3.0

Hindi ko type

Hindi ko gusto ang Vivo phone na ito. Nasubukan ko ito nung isang beses na hiniram ko yung sa friend ko na phone at nagamit ko nang isang araw. Sa tingin ko ay gumagastos sila nang malaki sa mga advertisement nila at sa mga reviewers at nagbabayad sa mga nagbebenta nito pero ang totoo ay mga mumurahing processor lang ang ginagamit nila dito. Kapag dumadaan ako sa mga cellphone shop, may nagmamanipulate sa akin na bumili ng Vivo at ng Oppo at pinamamalaki nila yung screen nila na 6 inches at yung selfie camera nila na mataas ang MP. Pero kahit kailan, hindi nila sinasabi kung ano yung processor na ginagamit nila dito. Mas prefer ko pa rin ang Xiaomi phone kesa dito.

Good Review

sheriee

  • Review by sheriee
  • Feb 18, 2019
Design 3.0
Portability 5.0
Operability 5.0
Response 5.0
Display 5.0
Listenability 5.0
Battery 4.0
Total 4.6

good simple phone

ngayon ko lang nakilala ang Vivo sana dati pa para hindi na ako bumili ng Oppo phones, matagal na din pala ang Vivo kaso sa akin parang bago lang, Oppo lang ang kilala ko na telepono. eh hindi na ako satisfied sa performance ng Oppo kaya tumingin tingin ako sa mall at nakita ko na maganda pala itong Vivo, kahit itong lumang phone na ito okay pa din ang specs niya. Nakaka impress, simple lang pero may dating naman ito. Maganda ang screen quality niya kaya kahit low lights okay pa din ang camera niya. Good choice ito kung hanap niyo ay basic at simple na phone.

Good Review

shank

  • Review by shank
  • Feb 15, 2019
Design 3.0
Portability 4.0
Operability 5.0
Response 3.0
Display 5.0
Listenability 5.0
Battery 5.0
Total 4.3

good selfie camera

panalo talaga sa akin kapag maganda ang camera at knowing Vivo isa sila sa mga phones na merong maganda ang camera. ito yung second phone ko sa vivo, aside kasi sa vivo, oppo talaga yung gusto ko pag dating sa camera at mura lang na phone kaya alam ko maganda ang quality ng mga phones nila. Iba kasi ang linaw niya kahit mumurahin lang ito, hindi lang ito masyadong responsive medyo mabagal lang ng unti pero maganda pa din naman talaga phone na ito. Lahat ng kuha sa phone maganda clear and maganda ang kulay!

Good Review

Deniz Cervantes

  • Review by Deniz Cervantes
  • Feb 15, 2019
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 2.0
Listenability 2.0
Battery 4.0
Total 3.4

Pangit yung sound at speaker...

Ito yung unang beses na nagsisi akong bumili ng phone sa unang araw pa lang na ginamit ko ito. Sa 12 thousand na price nito ay akala ko na meron itong Full HD screen pero na-disappoint ako dahil mababa lang ang resolution ng display nito. Ang sumunod na downside ay yung tunog nito na parang maihahalintulad sa mga Chine phone na naglalabasan sa ngayon ang quality ng speaker. Okay naman ito in terms of appearance at okay din naman ang camera at ang battery pero hindi ko talaga nagustuhan ang speaker at yung display nito at talagang unacceptable para sa akin ang resolution.

Good Review

Saber Dace

  • Review by Saber Dace
  • Feb 13, 2019
Design 1.0
Portability 1.0
Operability 1.0
Response 1.0
Display 1.0
Listenability 1.0
Battery 1.0
Total 1.0

Wag na kayong bumili nito...

I bought this phone last october at nung na-deliver na sa akin ito, hindi ito nagwo-work properly at isa pa ay nagkakaroon din ito ng problema sa pagkukonekta sa network at palaging nagre-restart kahit na hindi ko i-restart. At nung nag-try akong palitan ang phone, ang sabi sa akin ng tech support ay kailangang mag-install sila ng smart check application para malaman kung ano talaga ang problema per hindi naman ma-detect na app kung anong problem at lumalabas sa resulta na okay naman ang device kaya hindi rin nila ito ma-replace. Huwag na kayong bumili ng phone na ito, ang tanging masasabi ko lang sa mga nagbabalak bumili nito.

Good Review

Karel Saremo

  • Review by Karel Saremo
  • Feb 12, 2019
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 5.0
Response 5.0
Display 5.0
Listenability 5.0
Battery 5.0
Total 4.7

perfect battery life

Kung gusto niyo bilhin ito okay din, ang magandang features niya ay camera, screen quality niya at size at ang battery power niya. Wala kang magiging problema sa battery niya lalo na kung madalas ka kasi mag games at gamit mo ang camera niya all the time. Birthday gift kasi sa akin ito last year at hindi ko akalain na magkakaroon ako ng dalawang phone, ito ang back up phone ko pero dahil mas maganda ang battery niya mas madalas ko pa ito naggaamit kasi hindi basta basta na lolowbatt lalo na kung standby mode lang. panalo sa batterya ito!

Good Review

Angel Andalia

  • Review by Angel Andalia
  • Feb 12, 2019
Design 2.0
Portability 2.0
Operability 1.0
Response 1.0
Display 2.0
Listenability 2.0
Battery 2.0
Total 1.7

Ibinalik ko rin agad...

Hindi maganda ang quality ng picture ng camera na ito. Kinailangan kong ibalik agad. Ang sabi sa akin ng customer service nung kinontak ko ay kailangan kong mag-upgrade ng version nito pero nagra-run na ito sa latest version. Isa pang naging problema ko sa phone na ito ay hindi nagwo-work nang maayos ang lock nito. Madali itong ma-open kaya kahit na sino ay pwedeng makapagbukas nito. Hindi ko tuloy basta maiwan kung saan-saan sa bahay namin dahil alam kong kahit na sino ay pwedeng makapagbukas nito at nawawalan tuloy ako ng privacy.

Good Review

Tashima Cervania

  • Review by Tashima Cervania
  • Feb 11, 2019
Design 1.0
Portability 1.0
Operability 1.0
Response 1.0
Display 1.0
Listenability 1.0
Battery 1.0
Total 1.0

Worst!

Ang phone na ito ang pinaka-pangit na phone na nabili ko. Nagkakaroon ito ng problema sa touch at sa fingerprint nung una pa lang na ginamit ko ito. Nag-try akong tawagan ang tech support nila at kailangan daw na i-reformat ito kahit na hindi pa nila nalalaman ang problema ng phone ko. Kaya tinawagan ko ulit sila at sinabi sa akin na mag-download ako ng isang app para sa diagnosis. Ginawa ko naman pero hindi nawawala yung problema at yung sinasabi lang nila sa akin nung tumawag ulit ako ay mag-seng ng picture nito at napakarami pang pinagagawa sa akin. Ang ending, hindi rin naayos. Ito yung pinaka-worst na experience na nangyari sa akin sa pagbili ko ng phone at hindi ko ini-expect ito dahil I'm a fan talaga ng Vivo phone. :-(

Good Review

doreen manlapo

  • Review by doreen manlapo
  • Feb 11, 2019
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 5.0
Response 5.0
Display 5.0
Listenability 5.0
Battery 5.0
Total 4.7

nice and camera and power

Sa wakas nakabili na din ako ng magandang klase ng phone. Ang pinaka gusto ko ay yung camera features niya kasi sobrag linaw ng camera niya maganda din ang kulay niya kaya gusto ko ang features nito. Wala ako reklamo sa performance niya kasi hindi naman ito naglalag kapag nagoopen ako ng apps ko mabilis lang at walang problema sa kanya, okay din for games kaya gustong gusto ko siya gamitin. Isa pang maganda specs niya ay yung battery life niya kasi matagal ko ito nagagamit kaya bihira lang din ako mag charge, nagagamit ko for 2 days no charge no games, browse lang at camera.

Good Review

Page 1 of 1

Latest Reviews for Mobile Phones

The phone has a great phone feature, best Vivo model that you can have this year. It has a good camera with nice effects too.

  • Rating : 4.6
  • Review by vanyah
  • Date : Feb 20, 2019

Using this phone I got all perfect selfies. Ganda ng camera super linaw.. Nice phone ito!!

  • Rating : 4.6
  • Review by jen jen ramos
  • Date : Feb 19, 2019

One nice phone to have, camera, battery and really responsive na text. Goof choice ito!!

  • Rating : 4.6
  • Review by kid the man
  • Date : Feb 18, 2019
View Mode: PC | Mobile