Vivo Y15 Forum

Please feel free to post your questions on this product.

Start a new topic

Tobi Baslon

  • Tobi Baslon
  • Aug 27, 2019

Bakit delay yung pasok ng mga messages sakin sa app? Parang dito lang sa phone ko problema kasi nakikita ko naman yung mga tropa ko nakakareceive agad

Kim Anne West

  • Kim Anne West
  • Sep 6, 2019 / Good Answers : 1

baka sa internet connection niyo lang yun o sa netwrok na gamit ninyo, test niyo po sa iba muna din

Good Answer

vladislove

  • vladislove
  • Sep 6, 2019

pwede niyo itry mag restart ng phone pero kung luma na ang phone baka sira na ang phone niyo kung bago lang icheck mniyo muna bago niyo ibalik sa store baka pwede pa nila ito palitan kasi may defect siya obserbahan niyo din muna at gawin muna ang mga workarounds bago niyo ibalik o bago niyo ito ipaayos

Good Answer

meggie von

  • meggie von
  • Sep 6, 2019

ganyan din nangyari sa akin sa Vivo phone ko kaya binalik ko talaga kaagad sa mall para mapalitan ng ibang unit buti nsa mall palang ako chineck ko na ito at nung napansin ko na may sira pinabago ko na ito kaya ayun swerte ko lang din at nakita ko kagad na may sira ito. Kaya naka kuha ako ng bagong unit lit at okay na yung bago ko

Good Answer

Chelsea Jane

  • Chelsea Jane
  • Oct 15, 2019

nangyari din sa akin yan pero ako ang ginawa ko inuninstall ko lang po ang messenger ko tapos after nun download ulit, after nun okay na nanaman, naalala ko nun kasi nag update ang messenger that day kaya after nun napansin ko nagka problema itokaya yun lang naman ang ginawa ko tapos after nun okay na

Good Answer

Winnila Escuedero

  • Winnila Escuedero
  • Oct 15, 2019

never ko pa na experience yang ganyan, kung bago pwedeng defect o gawin yang ganyan pag luma baka pwedeng sira na din nga ang phonemo, pero try to do some work arounds muna bago mo ito ipaayos kasi ganyan lang din naman ang gagawin nila sayang naman ang bayad mo kung kunwari inayos nila yun pala hndi naman pala

Good Answer

Allie May Peralta

  • Allie May Peralta
  • Oct 16, 2019

baka nag crash lang ang messenger niyo kaya ganun po ang nangyari normally naman po need lang talaga na iuninstall mo ito para maging okay din ang messenger mo o kung kahit ano na app ganun lang yun, well sa akin kasi ganun lang ginagawa ko at working naman yung ganun na work around sa akin kaya baka sainyo din

Good Answer

Jasmine Perez

  • Jasmine Perez
  • Oct 25, 2019

baka lang sa signal ng network mo kaya ito ganyan o kaya sa data mo or wifi nga na signal kaya medyo delayed ang pasok ng messages mo. Hindi ko pa na experience sa messenger ko yan pero kung delayed laging sa signal ng data ko kaya from globe network nagswitch ako sa smart kasi mas malakas ang signal nun dito sa lugar namin, try niyo nalang icheck kung ganun din saiyo

Good Answer

trevor junior

  • trevor junior
  • Oct 26, 2019

sira ang phone mo yan ang problema kaya ganayna ang messenger mo

Good Answer

sweet amy ramos

  • sweet amy ramos
  • Nov 12, 2019

ang ginagawa ko kapag may problema sa mga app uninstall ko lang ito tapos install ulit ganun lang ang ginagawa ko dito. So far effective naman at naaayos naman siya, madalas din kasi magtopak ang messenger ko basta after ko iupdate OS ng phone ko ganun ang nangyayari kaya ganito lang ang work around na ginagawa ko sakanya

Good Answer

Lianna Rose Perez

  • Lianna Rose Perez
  • Nov 13, 2019

ganun din sa akin minsan pero napansin ko dahil sa sim network ko lang kaya bumili ako ng bago at pinalitan ko na ang network na gamit ko at doon napansin ko na mahina lang ang data ng network na gamit ko kaya ayun delay pro after nun naging okay na at updated na ako sa messages ng group chat namin after.

Good Answer

Margarette Corpin

  • Margarette Corpin
  • Nov 13, 2019

pwedeng sira din ang messenger, depende kung lagi ba ito nangyayari kasi

Good Answer

Reply

Mark Jay Ngoho Villa

  • Mark Jay Ngoho Villa
  • Aug 20, 2019

Tanong ko lng po tungkol sa part ng camera nito. Malinaw po ba sa mga Vivo Y15 user? Kasi sa akin parang malabo Ang kuha at pag sa gabi Naman parang may mga itim2 sa toldok...

Larry Soriano

  • Larry Soriano
  • Jan 18, 2020

Ganyan na ba yung camera niyan since nung una mong bili? Try ka muna ng ibang camera application minsan kasi ayun yung problema, pangit ng camera app wala lang ako marecommned kasi hindi din ako nagamit ng ibang camera app, hindi naman ako mahilig mag picture din. Kapag ganyan pa din baka yung lens ng camera yan, either pangit talaga or defective

Good Answer

MacMac Donalds

  • MacMac Donalds
  • Jan 18, 2020

Saang toldok yung sinasabi mo? Baka sira yung camera kapag may mga something sa viewfinder, patayin mo muna yung phone mo ng mga at least 1 min para lang mamatay lahat ng application, may mga application kasi na makukulit at gumagana sa background, tapos buksan mo yung phone mo then try mo ulit, kapag meron pa yung mga itim last resort mo mag reset ng phone. Wala kasi masyadong troubleshooting pag dating sa camera

Good Answer

Tristan Ignacio

  • Tristan Ignacio
  • Feb 20, 2020

Ewan ko lang sa linaw pero for sure walang tuldok sa viewfinder ng ibang unit ng mga Y15, wala naman kasi dapat ganun yun. Subukan mo muna linisin yung lens ng camera tapos tignan mo kung nawala yung tuldok, kapag meron pa din yung hardware siguro ng camera yung may problema or app. Pwede ka sumubok ng ibang app or paayos na talaga yung camera

Good Answer

Reply

Kim Daro

  • Kim Daro
  • Aug 19, 2019 / Good Answers : 1

Lagi may lumalabas na error sa phone ko, sinubukan ko hanapin ko ano yung sinasabi na nag stop daw, hindi naman app saka wala din ako makita na ganun folder name sa file explorer, hindi ko nga lang tinignan lahat kasi sobrang dami, pero anyway hindi ko talaga makita, paano ayusin yung ganito?

Jose Almirez

  • Jose Almirez
  • Aug 19, 2019

Dalawa yan, system file yung laging nagerror at corrupted yun kaya ganyan, hindi mo din makikita yun sa file manager kasi walang app o program sa phone na nakakabasa ng system file. Or hindi kaya may virus yung phone mo at yung error na nalabas ay yung file na may virus, hindi mo din basta basta makikita yun dahil sa virus, pero iisa lang yung pwede mo gawin sa ganyan, mag factory reset ng phone

Good Answer

Kim Daro

  • Kim Daro
  • Aug 19, 2019 / Good Answers : 1

Baka nga virus kasi madalas din ako magdownload ng mga kanta kung saan saang website, pero kung mag factory reset ako, hindi ba mabubura lahat ng files ko nun sa phone? Madami pa kasi akong pictures saka video na hindi pa nauupload sa Instagram ko, kelangan ko na ba agad ireset yung phone? Kapag nag upload ba ako pwede pa din makakuha ng virus yung phone?

Ken Sambales

  • Ken Sambales
  • Jan 18, 2020

Problema diyan baka system file lang talaga yan, problema yan karamihan ng mga low end phones or mga hindi main stream brands tulad ng Vivo at Oppo, ewan ko kung bakit ang pangit ng software nila Android naman yung operating system na nila libre pa. Pwede mo subukan mag reset ng phone, ayun lang talaga yung way para maayos yan lalo na kung wala ka na warranty sa phone, or mag root ka ng phone mo

Good Answer

Tristan Ignacio

  • Tristan Ignacio
  • Feb 20, 2020

Kapag yung phone ko nagkakaerror, pinapatay ko lang tapos binubuksan ko after 2 or 5 minutes, bumabalik ulit yung mga error pero madalas matagal naman, sa ngayon hindi ko naman siya nakikitaan ng malaking problema except lang naistorbo madalas, lumalabas din kasi sakin yung error sa tuwing nagpapatay ako ng application

Good Answer

Reply

Nigel+Crusader

  • Nigel+Crusader
  • Jul 6, 2019

ito naba ang highest battery power ng cellphone ngayon? hanap ko kasi yung malaking battery power para sa games ko

Rebekah09

  • Rebekah09
  • Jul 10, 2019

ang alam ko oo, 5000mah palang, kahit Samsung meron na din 5000mah na phone eh

Good Answer

Bill C. Diaz

  • Bill C. Diaz
  • Jul 11, 2019

So far 5k nga ang highest na battery sa cellphone ngayon, Samsung at Xiaomi pa nga lang ang alam ko na may phone battery na ganito eh, or Oppo din ata meron not totally sure pero alam ko sa dalawa meron talaga. Si Samsung okay kasi may mura silang series pero syempre Samsung yun kaya mas maganda yun pag Samsung

Good Answer

Arthur Valiente

  • Arthur Valiente
  • Jul 12, 2019

Sa pagkakaalam ko din eto yung pinakamataas ngayon, karamihan ng sa mga smartphones parang 3200mAh lang gamit, ewan ko lang yung sa Samsung Galaxy S10 kung gaano kataas kasi binibida nila na aabot ng 12hours yung battery so baka mataas din. Pero kahit mataas yung battery nito hindi pa din natin alam kung gaano kalakas kumain ng battery kaya baka mabilis pa din malowbat

Good Answer

Al Krisano

  • Al Krisano
  • Jul 12, 2019

3400mAH lang yung battery ng Samsung Galaxy S10 kung meron man phone ang Samsung na may 5000mAh hindi ko alam pero sa ngayon etong Vivo Y15 pa lang din yung alam kong may ganyan kataas na battery capacity kung totoo man yan, parang pang tablet na kasi yung laki pero sana hindi lang battery yung maganda sa phone

Good Answer

Mark Lee

  • Mark Lee
  • Jul 12, 2019

Sana nga hindi lang battery, mahirap kasi umasa sa pabasa basa lang ng hardware specs, madalas kasi maganda nga pero yung software naman hindi on par, parang nasasayang lang yung specs saka yung bilis nga ng pagkaubos ng battery sana hindi ganun kabilis, baka mamaya malakas din pala kumain ng battery, edi ganun din

Good Answer

Chad Ravasco

  • Chad Ravasco
  • Aug 16, 2019

wala pa nga akong nakikita na mas mataas pa sa 5000mah, so kung hanap mo ay malaki ang battery life 5000mah talaga ang hanapin mo kasi so far yun ang pinakamalaki ang power. Samsung at Xiaomi palang ata ang merong ganun na battery eh pero hindi ako 100% sure din ata lang yun palang kasi ang nakikita ko

Good Answer

Drei de Vera

  • Drei de Vera
  • Aug 16, 2019

so far tama kayo ito pa din ang alam ko na highest mah

Good Answer

Jane Castilyo

  • Jane Castilyo
  • Aug 16, 2019

mataas nga ang battery mah niya pero hndi naman maganda ang quality ng phone na ito, ito kasi ang binili ng kapatid ko, masaya naman siya kasi matagal nagagamit sa games kaso madalas naman daw mag hang kaya hindi din niya ma enjoy ang phone na ito.Mas okay pa yung Samsung phone nalang ang bilhin niyo para subok na ang quality talaga

Good Answer

Reply

Page 1 of 1

  • 1

Latest Topics for Mobile Phones

Herbert Gorio

Ang mahal niya ah

Para sa hindi kilalang series ng Vivo ang mahal niya tapos hindi pa maganda yung design medyo makapal, ano meron features dito na para maging worth yung presyo?

  • Last updated : May 29, 2020
  • Posted by Herbert Gorio
  • Replies of This topic : 2 Replies

Bhavy Singh

https://technoshub.com/

very Nice Pos, creat more post. very good. from India https://technoshub.com/ https://technoshub.com/2020/05/28/vivo-apex-2020-specification-and-price-of-this-phone/

  • Last updated : May 29, 2020
  • Posted by Bhavy Singh
  • Replies of This topic : 1 Replies

Dexter Ortega

Design ng screen

Borderless ba? Hindi ko kasi masyado pansin yung edge kung case ba yan o edge ng phone

  • Last updated : May 28, 2020
  • Posted by Dexter Ortega
  • Replies of This topic : 2 Replies
View Mode: PC | Mobile