Vice Cosmetics Water Gel Lip & Cheek Tint Forum : "long lasting ba sya?"

Vice Cosmetics Water Gel Lip & Cheek Tint

Lowest Price P145 6 Prices
A tint for your lips and cheek that delivers long-wearing vibrant color for a gandang fresh look all day.
  • Lip Tint & Lip Stain
  • 3.5 mL, Lightweight, Long...
  • Liquid
Vice Cosmetics Water Gel Lip & Cheek Tint

Compare prices

Reviews

Forum

long lasting ba sya?

kit_kat

  • kit_kat
  • Jan 9, 2019

Have you tried Vice Cosmetics? medyo mukhang okay naman siya diba kaso ayoko kasi masayng ang bili ko tapos hindi pala siya okay na lippy? with its price mag maybelline nalang ako at least sigurado pa ako sa quality nito.

Jessy Concepcion

  • Jessy Concepcion
  • Jan 25, 2019

mas mahal maybelline sis kumpara sa viceganda na cosmetics. Hindi ko pa na try lahat ng vice ganda na cosmetics pero mron akong lip and cheek tint na ganito. Maganda sya gamitin lhat ng shades binili ko kasi mura lang naman kaya binili ko lahat kasi hindi ako makapili kung anong gusto ko lahat kasi okay para sa akin.

Good Answer

Dianne Paula

  • Dianne Paula
  • Jan 25, 2019

yes ako din mga sisters meron din ako nitong liip and cheek tint na ito. Ito ang favorite ko na gamitin ngayon kasi ang ganda ng kulay niya at ang bango pa kaya gustong gusto ko sya gamitin everyday. Kapag gusto ko maging fresh looking tints lang ang ginagamit ko eh at perfect itong cosmetics ni vice.

Good Answer

Jessy Concepcion

  • Jessy Concepcion
  • Jan 25, 2019

ako ganun din, actually kapag medyo tinatamad akong mag make up tint langgamit ko okay na ako, hindi kasi pwedeng walang make up ang pale ng itsura ko kaya gsto ko may make up ako. Kpag hindi ako naka full make up itong mga tints din ang ginagamit ko sa mga lakad ko kasi matagal naman siya sa mukha ko kaya ganda niya gamitin.

Good Answer

Dianne Paula

  • Dianne Paula
  • Jan 25, 2019

Hindi ko na nga nabili ang ibang shades kasi out of stock na kahit online kaya hindi ko nakumpleto ung shades ng tint. Kaya binili ko nalang yung gsuto ko na kulay, nsubukan ko lahat pero hindi ako bumili nun kasi hindi ako sigurado sa quality niya kaya nagdalawang isip pa ako kaya isa lang binili ko.

Good Answer

kit_kat

  • kit_kat
  • Jan 25, 2019

local kasi baka mairritate ang skin ko kaya hindi ako bmbili ng tints niya, okay ba talaga?

Dianne Paula

  • Dianne Paula
  • Jan 25, 2019

ako sis sensitive ang skin ko pero okay naman siya hindi naman na iritate, sinubukan ko kasi muna din bago ko bilhin para din sigurado ako kasi madali lang din mairritate ang balat ko sa mga make up, lokal man yan o mamahalin pa hindi ko alam kung anung ingredient yung bawal sa mukha ko kaya lagi ko muna ito tinetest.

Good Answer

jermaine diaz

  • jermaine diaz
  • Jan 25, 2019

pwede ba ito gamitin ng mga teenager? kaka 13 palang ng pamangkin ko at ito ang nirerequest niya sa bday niya baka masira kasi ang mukha kung ito gagamitin niya, bata palang kasi gusto na puro make up gagawa daw siya ng video sa youtube kaya gusto din naman namin supportahan ang hilig niya.safe kaya ito sa kanya?

Good Answer

Dianne Paula

  • Dianne Paula
  • Jan 25, 2019

water gel based siya so kung hindi naman siya allergic sa gel okay naman sa mukha niya yan safe din, hindi naman din ito matapang, para din sigurado subukan niya muna sa mall kapag humapdi o makati sa mukha ibig sabihin hindi hiyang sa kanya ang product na ito, at para sa akin bata pa sya para mag make up.

Good Answer

Ullysis Tantongco

  • Ullysis Tantongco
  • Jan 25, 2019

oo nga wag niyo na na itolerate ang gusto, may ibang bagay naman na pwede natin sila supportahan pero kung wala sa lugar wag na nating ipush din, patnubayan nalang natin. influence lang din ng mga napapanuod kasi nila. Kung hindi naman niya lagi gagamitin ang make up na ito siguro yun okay lang pero kung sa school at kung saan saan wag na.

Good Answer

Drei Garin

  • Drei Garin
  • Jan 25, 2019

dyan nagsisimula magkaka tigyawat sa mukha sa mga make up na yan, hindi kasi malilinis ang mukha ng maayos. Sa tingin ko dapat nasa tamang edad bago gumamit ng make up sabihan mo nalang kung bakit hindi siya pwede magkaroon ng ganito, o kya bilhan mo isa pero gamitin moderately dahil bata pa sya. hndi naman pang bata ito.

Good Answer

jermaine diaz

  • jermaine diaz
  • Jan 25, 2019

ako din naman againsts dito kaya gusto ko malaman din ang quality niya kung waterbased pala edi safe din niya na gamitin, kung hndi man ako bibili pag may magbigay sakanya at least alam namin kung safe ba ito na gamitin. Hindi naman sila pwede maglagay ng make up sa school bawal yun kaya hind din niya magagamit araw araw ito.

Good Answer

Ullysis Tantongco

  • Ullysis Tantongco
  • Jan 25, 2019

tama yun minsan kasi natotolerate natin ang gusto nila kaya kung anu ano din ang ginagawa ng mga yan. Pero kung makakabuti naman sa kanila wala naman sigurong masama na supportahan natin sila, dapat lang nasa lugar ang gusto. Pag make up darating din sila dyan ilang taon na lang mag 18na sya hintayin nalang niya.

Good Answer

Jillxo82

  • Jillxo82
  • Jan 25, 2019

mas okay lagi itry muna ang product paar safe sa mga mukha natin kahit anung age pa pwede na yan sa make up.

Good Answer

Drei Garin

  • Drei Garin
  • Jan 25, 2019

ayoko naman sa babae ang masyadong mapula at makulay ang mukha gusto ko mag make up lang pag may ocassion pero kung mag mall lang naman manuod ng sine kakain hindi na dapat sobrang makulay ang mukha tapos mayat maya kailangan pumunta ng banyo para daw mag make up ulit, sayang kasi sa oras yung ganun kapag nasa date.

Good Answer

Ullysis Tantongco

  • Ullysis Tantongco
  • Jan 25, 2019

Yung iba kasi tol ang panget kapag walang make up. may naka date ako dati ang ganda kasi todo make up nung nakasama ko na sa bahay tapos natanggal na ang make up nakita ko ang panget pala kaya hindi ko na kinausap, ang galing ng make up na itago ang itsura niya, pero yung iba naman maganda na nga nagmamake up kaya oa na masyado.

Good Answer

Drei Garin

  • Drei Garin
  • Jan 25, 2019

laughtrip naman yan tol! hndi ko pa na experience yan kung saan saan ka kasi kumukuha ng ka date mo kaya ganyan. Ako wala namang problema sa mga girls na may make up basta nasa lugar at feel nila na maganda sila okay na yun at hindi distorbo sa lakad yun ang mas okay.madalas kasi nasa salamin lagi naka tingin imbes na sa akin.

Good Answer

Genievere Beck

  • Genievere Beck
  • Jan 25, 2019

ang daming reklamo ng mga lalake ngayon pati make up ng babae pinapake alaman! nagpapaganda kami para nga sainyo yun.

Good Answer

Drei Garin

  • Drei Garin
  • Jan 25, 2019

minsan kasi maganda yung simple lang din hindi yung masydong makulay ang mukha tapos nakokoncious na kapag nawawala na ang make up sa mukha, iba iba naman ang gusto ng mga lalaki. mdalas ang gusto namin simple lang ang mukha, maganda kahit wala ng make up pa wla naman kaming alam sa mga ganyan sa mukah niyo.

Good Answer

Dianne Paula

  • Dianne Paula
  • Jan 25, 2019

kaya okay yung mga ganitong make up lang simple lang siya sa mukha, unti pula o pink lang. depende nalang din sa babae kasi kung anung kailangan nila sa mukha nila yung iba kailangan makapal ang make up kasi baka may tinatago na chismis sa mukha nila itong tint for natural looking at glow lang kaya maganda talaga.

Good Answer

Reply

Latest Topics for Beauty

docmcstuffina-forever

meron sa SM

ayoko bumili online meron kaya ito sa mga SM na maybelline?

  • Last updated : Mar 19, 2019
  • Posted by docmcstuffina-forever
  • Replies of This topic : 7 Replies

kim.kim.kim.

available here in the Phils?

sino po recently nakapunta ng etude house?meron na kay nyan nito diot sa pinas?

  • Last updated : Mar 19, 2019
  • Posted by kim.kim.kim.
  • Replies of This topic : 6 Replies

Alberto Ramos

for men too

Nung kasal kasi ng bestfriend ko nilagyan ako ng ganito sa mukha, safe ba yun sa lalaki? akala ko kasi babae lang naggaganito? para saan ba ito? nahiya kasi ako magtanong sa nag lagay sa akin.

  • Last updated : Mar 17, 2019
  • Posted by Alberto Ramos
  • Replies of This topic : 4 Replies
View Mode: PC | Mobile