Too Faced Better Than Sex Mascara Reviews

Too Faced Better Than Sex Mascara

Lowest Price P1,349 2 Prices
Go to Shop SEPHORA
Volumizes, lifts, and coats both tops and bottoms of your every little lash.
  • Mascara
  • 8 mL, Curling, Lengthenin...
Too Faced Better Than Sex Mascara

Compare prices

Reviews

Forum

Overall Rating

Total 3.1

Please feel free to post your review on this product.

Write a Review

Rowena Villones

  • Review by Rowena Villones
  • Aug 31, 2018
Total 4.0

Love the mascara

This is a very nice mascara for me and I really love it. Naba-blacken nito ang eyelash ko at ginagawang more lengthy at nagdadagdag ng volume sa lashes ko. Di ko na kailangan pang maglagay ng falsies dahil ginagawa na nitong mag-pop ang eyelashes ko. Ang isa lang na di ko gusto sa mascara na ito ay yung applicator na hindi ako sanay kaya madaling nagkakaroon ng smudges ang eyelids ko dahil dito. Pero nagustuhan ko ang volume na ini-a-add nito sa lashes ko at parang nagiging mukhang mahaba din talaga ang pilik-mata ko.

Good Review

Arlene Carpio

  • Review by Arlene Carpio
  • Aug 31, 2018
Total 4.0

My holy grail na mascara

Isa akong mascara junkie at gustong-gusto kong mag-try ng iba-ibang mascara pero quite picky ako sa mascara na gagamitin ko. Ang mascarang ito ay nagbibigay ng volume sa lashes ko at pinagmumukha itong fuller sa paningin. Magaan lang ang wand nito pero parang feeling mo ay luxurious ito kapag ginagamit sa pag-aapply ng mascara. Pagdating ng hapon ay napapansin ko na nagkakarppm mga marks sa lower lashes ko pero madali namang matanggal ito. Hindi nagla-lumps at walang clumpy lashes kaya overall ay nagustuhan ko talaga ito. Next time ay ita-try ko ang waterproof version nito.

Good Review

Divine Sotto

  • Review by Divine Sotto
  • Aug 30, 2018
Total 4.0

HG mascara ko ito

Hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang review ko ng product na ito pero ang Too Faced Better Than Sex Mascara ay talagang amazing for me. Ang lashes ko ay talagang manipis lang at very sparse pero nung nag-start akong gumamit ng product na ito ay na-managed nito na ma-showcase ang lashes ko na hindi ko alam na meron pala. Ang kailangan lang gawin ay mag-swipe ng isa o dalawa sa lashes ko at instantly, nagiging mahaba at fuller ang lashes ko. Ang isa nga lang downside na nakita ko sa product na ito ay nag-i-ismudge ito nang konti at the end of the day. Pero yon ay kapag nasa outdoor ka at matindi ang init. Pero aside from this, wala na akong naging issue sa mascara na ito.

Good Review

April Avila

  • Review by April Avila
  • Aug 29, 2018
Total 4.0

Maganda ang formulations ng mascarang ito

Ang sarap gamitin ng mascara na ito at nagagawa nitong magmukhang mahaba at mas thick ang eyelashes ko. Sobrang igsi kasi ng eyelashes ko. Waterproof din ito kaya nagtatagal sa eyelashes ko nang entire day. Palagi akong tinatanong kung gumagamit ba ako ng false lashes kapag ito ang ginagamit ko. Kaya lang ay medyo nakabawas sa mascarang ito ang expensive price nito dahil maraming mas murang alternative na makikita sa drugstore na ganito rin ang quality at nagdadalawang isip ako kung magpa-purchase ba ako ulit o hindi na nitong mascara na ito. But for the quality, you can't go wrong sa mascarang ito at the best ang formulations.

Good Review

Mhay David

  • Review by Mhay David
  • Aug 23, 2018
Total 1.0

Not what I expected!

Malaki ang ini-expect ko sa mascara na ito. Marami ang naririnig kong magagandang reviews about it at hindi ako nagka-problema sa naging resulta dahil nagawa nitong maging voluminous at medyo curled ang lashes ko. Kaya lang, after ng mga walong oras at nung nakita ko sa mirror ay pulos smudge ang ilalim ng mata ko. Nag-try pa rin ako na gamitin ito. Siguro ay dahil nasagi ko ito or sobra ang init pero palagi pa ring nag i-ismudge ito sa di ko malamang dahilan. Marami akong ginamit na mga murang mascara pero hindi nag i-ismudge kaya sobrang na-disappont ako dito. Kung pwede nga lang na isoli ito, isosoli ko at bibili na lang ako ng ibang mura pero hindi nag-i-ismudge na mascara.

Good Review

Kareena Dizon

  • Review by Kareena Dizon
  • Aug 21, 2018
Total 3.0

It's good

Hindi naman ito horrible na mascara pero for me pero hindi ito deserving sa lahat ng hype na nakukuha nito. I purchased this mascara to use it as an everyday masacara for work pero ngayon, nagkakaroon na lang ako nito kapag it comes as a promo o kaya naman ay freebie kasama ng iba pang Too Faced's products. Sobrang dali lang sa product na ito na gawing i-clump ang lashes ko. Pero kapag talagang ginalingan mo, talagang magiging maganda ang kalalabasan ng lashes mo. Mas nagiging lengthy ito at nagkakaroon ng volume. This is a very good product kaya lang ay madaling nga lang mag clumpy ang lashes kapag di naging maingat sa pag-aapply nito.

Good Review

Donna Laurice

  • Review by Donna Laurice
  • Aug 15, 2018
Total 3.0

Okay lang pero nothing special about this

I'm loving the volume and length na binibigay ng mascara na ito sa lashes ko. Magaganda at mahaba naman ang lashes ko pero straight at hindi naka-curl ito. Pero ang mascarang ito ang nakatulong para mag stand-out ang lashes ko. However, medyo nahirapan ako sa pag-aapply ng mascara na ito. Napansin ko kasi na sobrang wet yung formula nito at talagang prone para mag-clump ang lashes ko. Nagfe-flake at nag i-ismudge din ito after ng mga ilang oras na ginamit ko ito kahit na wala akong ginagawang activities na talagang strenuos. Kahit na gusto ko ang volume at yung nadadagdag na haba sa lashes ko because of this mascara, I think kailangan ko pang maghanap ng ibang product na mas makakapag satisfy sa akin regarding my lashes.

Good Review

Danica Sevilla

  • Review by Danica Sevilla
  • Aug 10, 2018
Total 1.0

Meh!

Bago ako mag-purchase ng mascara na ito, nag-researched muna ako ng mga brands ng mascara tapos ay nag end ito sa few brands na pagpipilian ko. I asked for the sales lady kung ano ang maisa-suggest nyang product sa akin at ito nga ang pinili nya. Excited pa naman akong i-try yon sa bahay nung pag-uwi tapos yon pala, palpak din. Kasi nung ini-open ko na yung takip, nakita ko kung gaano ka messy yung product at halos lumalabas na sa packaging nito. Para itong malapot na paste at malagkit na di naman nababanggit sa mga review nito. Yung brush para sa akin ay masyadong bulky at hindi madaling hawakan. Nagdikit-dikit lang ang lashes ko after kong magamit ito at isa pa ay sobrang hapdi din sa mata, Sobrang pangit ng look after kong mai-apply kaya ang ending ay tinanggal ko na lang. Siguro sa may mga makakapal na lashes ay magwowork ito pero kung manipis lang, hindi bagay kasi sobrang thick ng product na ito. I won't repurchase ever.

Good Review

Marissa Blanca

  • Review by Marissa Blanca
  • Jul 31, 2018
Total 4.0

For a dramatic look

Gusto ko ang mascara na ito kapag gusto ko ng dramatic look. nagustuhan ko kung paano kumakapal ang lashed ko dito at wala pa akong nakikitang ganitong klaseng mascara na nagiging full talaga ang lashes ko, Pero para sa skin ay hindi naman ito nakaka-lengthen ng lashes at nagiging clumpy din ito minsan. Kaya ipini-pair ko ito sa ibang mascara para hindi maging masyadong clumpy.

Good Review

Aida Gamboa

  • Review by Aida Gamboa
  • Jul 12, 2018
Total 1.0

Not worth it..

Dalawang beses ako nitong nakabili. Nung una ay di maganda ang texture dahil halos nakadikit sa brush ang mga product nito kapag inilalabas sa tube at kinailangan kong ibalik. Yung pangalawa naman na mascara ay nag worked naman pero hindi ko masyadong nagustuhan. Masyadong marami pa ring product ang dumidikit sa brush at saka hindi long-lasting ito. Sobrang clumpy pa. Nagustuhan ko lang nung ilang beses nung kakabili lang. At para sa akin ay hindi worth ang money na ibinili dito.

Good Review

Gemmah

  • Review by Gemmah
  • Nov 30, 2017
Total 5.0

Voluminizing!

Two thumbs up for this Too Faced Better Than Sex Mascara! This is the best ever mascara that I've ever used. I've already tried the Tarte Lights, Camera, Lashes 4-in1 mascara and all of it were clumpy and felt heavy on my eyelashes. So, I still hesitate to purchase another high-end mascara. I tried first the mini size of this Too Faced mascara and I immediately fell in love with it. It actually thickens my eyelashes and makes them voluminous and sexy looking. I purchased the full sized of it and I have no regrets and I will repurchase this too as I simply cannot consider using any brand of mascara again.

Good Review

Page 1 of 1

Latest Reviews for Beauty

Very natural ang bronzer na ito at nagwo-work nang maayos sa pale skin ko na merong yellow undertone. Sobrang light nito pero hindi naman too light na halos di na makita.. It's just enough. Nagwo-work ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Marcia Veloria
  • Date : Jul 31, 2018

Ang ganda ng pagka-tingkad ng color nito. Lahat ng shade ay amazing at napaka-creamy at talagang blendable. Nag-matched din ito sa skin ko at kapag binuksan ang palatte ay sobra talagang irresistible. ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Nancy Hipolito
  • Date : Jul 31, 2018

Moisturizing at nagwo-work ito nang maganda lalo na kapag after mag scrub ng lips. Nagiging pinkish talaga ang lips at nagpa-plump pa. Medyo pricey nga lang ito pero kung gusto mo ng good lip plumper, ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Hannah Victa
  • Date : Jul 31, 2018
View Mode: PC | Mobile