THE FACE SHOP Watery Tint Reviews

Overall Rating

Total 4.0

Please feel free to post your review on this product.

Write a Review

Via Sy

  • Review by Via Sy
  • Aug 27, 2019
Total 4.0

Personally love it!

Sobrang bright ng color nito na talagang nakaka-brighten ng dull kong mukha. Bumagay din ito sa kulay ng balat ko. Inexpect ko dati na ang mga lip tints ay light lang sa lips pero ito ay talagang matingkad. Isang swipe lang nito ay nagbibigay ng semi-opaque na finish at talagang full ang coverage kahit na dalawang coat lang nito. Natatakpan nito yung dark lips ko. Walang shimmer ito at talagang very soft matte ang finish na gustong-gusto ko.

Good Review

Angel Sison

  • Review by Angel Sison
  • Aug 22, 2019
Total 5.0

Super WOW!

Pwede ko bang sabihin na lahat ng watery tits ng The Face Shop ay gusto ko. At talagang napapa-wow ako dito. Talagang kung titingnan ay natural lang ito sa labi at sa cheeks ko. Napansin ko rin na tumatagal ito sa cheeks ko kesa sa powder blushes ko.. Tulad nung unang beses na ginamit ko ito sa cheeks ko, nung i-checked ko ang sarili ko sa salamin pag-uwi ko sa bahay namin sa gabi, andito pa rin talaga at ang ganda-ganda pa ring tingnan nito. Sobrang cool talaga at hindi ko akalaing mas maganda pa ito kesa sa powder blush na ginagamit ko. Lahat ng shades ng watery tint na ito ay meron na ako ngayon. :-) At talagang obvious na obvious na worth the hype ito.

Good Review

Vergie Soriano

  • Review by Vergie Soriano
  • Aug 14, 2019
Total 4.0

Nice color payoff

Hindi ko ma-explain kung gaano kaganda ang lip tint na ito. Ang ganda ng color at talagang tumatagal sa lips ko ang tint nito. Talagang na-meet nito ang ini-expect ko sa product na ito. Sobrang gentle pa sa lips ang tint na ito at honestly ay the best para sa akin na tint. Ang ganda kasi ng color pay off. Ang isa nga lang na downside ay medyo drying ito sa lips kaya be sure na makapag apply ng lip balm bago gamitin ang lip tint na ito. At saka medyo mahal din ito considering ng size ng bote nito.

Good Review

Arjelyn Bautista

  • Review by Arjelyn Bautista
  • May 31, 2019
Total 5.0

Beautiful tint

Sa mga nagamit ko before na lip tint, ito ang pinaka the best for me! Yung rose garden na shade ay ang ganda ng kulay at balanced pa. Matagal ito nag i-istay sa lips ko as long as hindi ako kumakain. At kapag nagfe-fade naman ito ay very natural lang talaga kaya it fades beautifully sa lips ko dahil nag-iiwan ng natural colo. Gusto ko pang mag-try ng more colors. Ang bango pa nito at napaka-lightweight sa lips at hindi malagkit.

Good Review

Bea Avarga

  • Review by Bea Avarga
  • May 31, 2019
Total 5.0

Wonderful tint!

Hindi pa ako nakakagamit ng lip tint before at ini-recommend lang ang brand na ito sa akin ng friend ko. Masasabi kong sobrang happy ako sa pag purchase ko nito. Binili ko yung shade na "Red-up" at hindi ito sobrang dark o light na shade. Pwede ko pa itong mai-adjust sa gusto kong tingkad. Minsan ay naglalagay lang ako ng konti sa gitna ng lips ko at dina-dab ko sa paligid ng lips o kaya naman ay ini-aapply ko sa full lips ko at ang ganda ng pagiging effect nito na parang glam. Merong konting strawberry na taste ito. This is really a wonderful tint at talagang ini-re-recommend ko!

Good Review

Candy de Castro

  • Review by Candy de Castro
  • May 30, 2019
Total 4.0

Parang korean na

Nag-enjoy ako nang sobra sa tint na ito. Super-duper pigmented ito na tint at pwede kong ma-achieve ang magandang coverage na gustong-gusto ko tulad ng mga nakikita ko sa mga K-drama na mga koreana. Ang isa lang na masasabi ko ay medyo mahirap na makuha yung magandang gradient lip look dito dahil medyo mahirap itong ma-blend sa lips pero hindi naman malaking issue ito sa akin.

Good Review

Shekinah Gutierrez

  • Review by Shekinah Gutierrez
  • May 30, 2019
Total 5.0

Tinted stains for me

Ang maliliit na water tint na ito ay sobrang cute. Marami silang mga shades at ang babango pa. Sobrang tingkad at nag-iiwan ng magandang tint sa lips ko. Minsan ay sa lips ko ito ginagamit at minsan naman ay sa cheeks. For me, ito yung pinaka best na lip stain na nagamit ko dahil talagang it really lasts longer than my other lip stains. It's my daily stain for my lips and cheeks and inire-recommend ko talaga ito para sa maganda at natural na look.

Good Review

Dearly Tagle

  • Review by Dearly Tagle
  • May 28, 2019
Total 5.0

Watery but long lasting na lip tint

Sobrang tingkad ng kulay nito at talagang long lasting na lip tint. Sobra rin ang pagka-watery nito tulad ng name nito at yung shade na napili ko ay nakapagbigay ng talagang signature red tint sa lips ko. Hindi ito madaling matanggal pero kapag napasobra ang lagay mo ay natatanggal din ito kapag sinubukan mong tanggalin. Ang bango-bango pa nito at parang ang sarap kainin. :-) Masasabi kong the best itong gamitin pagkatapos kong ma-exfoliate ang lips ko para hindi ito kumapit sa mga dead skin.

Good Review

Elisha Villegas

  • Review by Elisha Villegas
  • May 25, 2019
Total 5.0

My favorite tint!

Kung gusto nyo ng vibrant lip tint na hindi nakaka dry ng labi at ang ganda tingnan, ito yung lip tint na yon. Meron akong ibang lip tint pero ito talaga yung pinaka nagustuhan ko. Kasi yung ibang lip tints ay dumidikit sa mga dry areas ng lips ko pero ito ay natatakpan ang lips ko nang buo at hindi nagmumukhang tuyot. Amazing din ang pigment nito at mapipili mo pa kung gaano ka-vibrant ang gusto mo sa pagle-layer nitong product na ito sa lips. Isang manipis na coat nito ay very natural lang ang pagka-pula ng lips habang yung dalawa hanggang tatlong layers ay nagmumukhang cherry red ang kulay ng labi ko na perfect gamitin sa gabi. I highly recommend this watery tint!

Good Review

Shinana Dayao

  • Review by Shinana Dayao
  • May 24, 2019
Total 2.0

Hindi long wearing :-(

Ang ganda watery tint na ito ng The Face Shop. Mukha lang siyang natural tingnan at maganda ang color payoff... kaya lang, hindi ito talaga long lasting at kapag ini-apply mo naman nang medyo marami ito ay sobrang lagkit naman sa pakiramdam. Mas better pa sana yung ini-expect ko sa The Face Shop at kahit na okay ito at maganda talaga sa lips kapag ini-apply, hindi nito na-meet yung ini-expect ko.

Good Review

Hyacinth Gonzales

  • Review by Hyacinth Gonzales
  • May 22, 2019
Total 5.0

So natural and pretty lips

Sobrang like ko ang tint na ito. Long lasting ito at pwedeng i-layer. mabilis pang mag dry at pwedeng ma-achieve ang ombre effect na hinahanap ko sa mga tint. Madali lang ang application nito at pwedeng pwedeng maging natural lang tingnan sa paglalagay lang ng konting amount. Gustong-gusto ko rin ang mga color options nila na ang gaganda talaga. Sobrang bango pa at talagang nati-tint ang lips ko. Usually ay ginagamitan ko muna ng moisturizer bago ako mag-apply nitong tint na ito at sobrang natural lang ang pagka pinkish red ng lips ko after ng application. Kung titingnan ay parang kakakain ko lang ng candy na may color at nagustuhan ko talaga.

Good Review

Rhaine Briones

  • Review by Rhaine Briones
  • May 21, 2019
Total 1.0

Not the shade I want

Napili ko yung shade na 02 Coralster sa pag-aakalang makukuha ko yung shade na orangey na gusto ko pero hindi ko naman ito na-achieve kasi parang hindi mukhang orange tingnan at parang may pagka-pink pa nga. Kaya kailangang mag-swatch bago bumili nito kasi nakaka-deceived ang mga color ng packaging. Isa pa ay nakaka-dry ito ng lips kaya bago i-apply ay gumamit muna ng lip balm.

Good Review

Nikki Mendoza

  • Review by Nikki Mendoza
  • May 20, 2019
Total 1.0

I don't like lip tints

Hindi talaga ako fan ng mga lip tints kaya pwedeng maging biased ang review na ito. Napapansin ko na nagiging dry kaagad ang lips ko kapag gumagamit ako ng mga lip tints. At kahit na gumamit pa ako ng mga lip balm, ang resulta ay kumakapit pa rin ito sa mga cracks ng labi ko matapos ang ilang oras na gamit ko ito. Mas gugustuhin ko pang gumamit ng mga tinted na lip balm o lipstick o kaya ay mga lip gloss... o kahit ano na basta wag lang talaga lip tints.

Good Review

Cecille Alviza

  • Review by Cecille Alviza
  • Dec 28, 2018
Total 5.0

Love, love it!

Light ang shades ng watery tint na ito at na-brighten nito ang balat ko. I got three shades of this dahil naisip ko na kung di babagay ang isa, at least meron pang pagpipiliang dalawa pero to my surprise, nagustuhan ko lahat ng shades na nabili ko. Watery ang consistency ng mga ito at it will take a minute or so bago mag-dry kaya suggest ko lang na patuyuin muna bago mag-layer ulit para ma-build ang color which is very easy naman. Kapag natuyo na ito, nag-iiwan ito sa lips ng magandang color na subtle at hindi nagfe-flake off di tulad ng ibang tints na nagamit ko before. This lip tint is long wearing talaga at hindi ka magkakamali sa mga colors dahil lahat ay magaganda, very reasonable pa ang price kaya highly recommended ko talaga ito...

Good Review

Shey Aquino

  • Review by Shey Aquino
  • Dec 27, 2018
Total 4.0

Perfect for a natural rosy pout

Merong liquidy consistency ang tint na ito pero it holds pretty nice sa lips ko. I just dab it nang konti sa upper and lower lip ko bago ko i-spread ng finger ko para sa mas natural na look. Mabilis itong mag-dry kaya kailangang bilisan talaga. Lahat ng 3 shades na nabili ko ay perfect para sa akin at nagkakaroon ng rosy pout ang lips ko. Cute ding tingnan kapag na-apply ng kaunting gloss o kaya naman eh yung lip tint alone lang. It both works for me perfectly. I love it!

Good Review

Jodie Millar

  • Review by Jodie Millar
  • Dec 26, 2018
Total 1.0

Drying...

I'm completely disappointed sa watery tint na ito ng The Face Shop. Yung shade na nabili ko ay ibang-iba sa picture. Kala ko ay mas red ang color nito pero pag nai-apply na sa lips ay parang pinkish ang color. At saka naging very patchy ito sa lips ko. Nagka-clump sa isang parte ng lips ko habang sa iba ay walang color na makikita. Hindi rin ito nag-last sa lips ko dahil after 2 hours ay nabura na rin kaagad ang color. I understand naman dahil sa lip tint lang ito pero yung ibang lip tints na nagamit ko before ay tumagal kasi ng mga 4 hours sa lips ko. Also, this lip tint is drying... nagkakaroon ng panunuyo ang lips ko kaya ang pangit tingnan lalo na kung patchy yung product.

Good Review

Hersie Galvez

  • Review by Hersie Galvez
  • Dec 25, 2018
Total 3.0

I can always taste the sweetness

I got the red shade of this watery tint from The Face Shop. Talagang totoong-totoo yung kulay na nakalagay sa photo nito at sobrang ganda nung ini-apply ko na sa lips ko. Kaya lang hindi ito nagtatagal sa lips ko di tulad ng ibang brand ng lip tint na ginagamit ko. Nakaka-annoy din sa akin yung may pagka-sweet taste nito. Kasi pag kumakain ako ng mga itlog, cheese, o kaya naman ay ham, nalalasahan ko yung tamis nito kahit na di ko naman nili-lick yung lips ko. Parang nalalasahan ko pa rin yung pagiging matamis nito kahit na wala na yung lip tint sa lips ko. Para sa akin ay very awful ito. Hindi na ulit ako bibili ng brand na ito...

Good Review

Renlyn Castillo

  • Review by Renlyn Castillo
  • Dec 24, 2018
Total 5.0

Easy to use and buildable pa

Ang ganda at buildable ang shade nito na may soft pop of pink na madaling i-apply gamit ang fingertips at i-pat lang sa cheeks ko. Ini-aapply ko ito sa apple ng cheeks ko dahil ito yung part kung saan ko inilalagay ang blushes ko anyway. Kung gusto nyo naman ng subtle lang, gamitin nyo yung ring finger nyo at i-swipe sa ibabaw ng blush bago i-tap sa cheeks at i-blend nang very smoothly. Kung gusto nuo naman ng mas matingkad na color, swipe nyo yung blush sa cheeks bago i-blend at i-reapply na lang kung gusto nyo hanggang sa ma-achive nyo na yung gusto nyong color. Ang isa lang downside nito ay wala itong staying power na tumagal sa maghapon lalo na kapag mainit. Pero maliit naman ang tube nito at madaling ilagay sa purse kaya yung pagre-retouch ay madali lang din...

Good Review

Gretchen Ariane

  • Review by Gretchen Ariane
  • Dec 23, 2018
Total 5.0

I'm glad na sinubukan ko toh

At first, naisip ko na sobrang bright nito ay hindi yung kind ng pink na magugustuhan ko ang shade. Pero nag-take ako ng chance at masasabi kong nagustuhan ko ito. Nai-aapply ko ito nang very smooth sa cheeks at sa lips ko. Sa una ay ini-aapply ko ito ng direkta sa pisngi ko kung saan gusto kong ma-establish yung base ng color. At pagkatapos ay bini-blend ko na lang ito sa skin ko gamit ang fingers ko at nagdadagdag na lang ako kung kilangan. Tapos ay nag-aapply ako ng powder para ma-tone down ito. Tumatagal nang buong araw ang kulay nito sa skin ko at maganda rin yung tube nito. I will try another shade of this...

Good Review

Yvonne Martinez

  • Review by Yvonne Martinez
  • Dec 23, 2018
Total 4.0

Mas okay na blush...

Talagang magaganda at may quality ang mga product ng The Face Shop. Binili ko ito bilang alternative sa mga mamahaling tint na gusto ko. Nakakapag-provide ito ng more concetrated na color sa lips tulad ng mga expensive tints. At dahil tint ito, hindi ito masyadong tumatagal tulad ng ibang lip tint pero kapag sa cheeks ko ini-apply at ibinlend sa concealer, nakakagawa ito ng nice job na maka-cover ng pangit na dark circles sa ilalim ng mata ko sa loob ng ilang oras. As for the price nito, it's very affordable at I will repurchase...

Good Review

Page 1 of 2

Latest Reviews for Beauty

Sikat ang product na ito kaya bumili ako ng isa dahil ang sabi nila ay matatanggal daw nito ang mga pimples tapos maco-cool down pa ang skin. Kaya lang nung ini-apply ko ito nang isang linggo na sa ...Read more

  • Rating : 1.0
  • Review by Chessa Gonzaga
  • Date : Sep 10, 2019

Nung una ay nagustuhan kong gamitin ito sa face ko pero kung gaano ko ito kadalas gamitin, nakikita ko na palagi rin akong gumagamit ng mga spot treatment para sa pimples ko gabi-gabi. Wala naman ...Read more

  • Rating : 1.0
  • Review by Cherly Perez
  • Date : Aug 31, 2019

I can really say that I really love aloe vera kaya naman excited ako sa soothing gel na ito ng The Face Shop. Ito ang naging lifesaver ko kapag nagkakaroon ako ng sunburn. At maniwala kayo, talagang ...Read more

  • Rating : 4.0
  • Review by Pauleen Castro
  • Date : Aug 26, 2019
View Mode: PC | Mobile