Sony PlayStation 4 Pro Forum : "ano bago?"

Lowest Price P23,999.75 4 Prices
The PS4 Pro can output 4K and HDR video, also it comes with a 1TB hard drive.
Sony PlayStation 4 Pro

Compare prices

Specs

Reviews

Forum

News

ano bago?

Valley

  • Valley
  • Oct 31, 2017 / Good Answers : 3

Ano pinagkaiba nito sa Ps4 saka slim?

Cliff fittir

  • Cliff fittir
  • Oct 31, 2017 / Good Answers : 5

Aside sa pwede kang maglaro ng 4k HD dito, hindi ko pa alam if may mga nadagdag na features. Pero ang alam ko kasi, para makapag laro ng 4k, kelangan yung TV mo compatible din sa 4k at yung game mismo dapat 4K resolution

Good Answer

Mrs.M

  • Mrs.M
  • Nov 4, 2017 / Good Answers : 3

ps4 slim ay slimmer for external mas magaan din sya. okay ang resolution niya at wla po atang fake games na pwede laruin yun din ang alam ko need maging compaticle ang tv mo sa console ksi minsna hindi gumagana.

Good Answer

Svan Alcan

  • Svan Alcan
  • Oct 7, 2018

Makakapaglaro ka na ng mga laro na may 4K resolution saka may mas magandang sounds, meron itong boost mode para mas gumanda pa yung performance ng mga games, yung HDMI port niya upgraded na 2.0a siguro para sa mga 4k resolution games. Para sa hardwares, mas mataas din siyempre yung GPU pati RAM compared sa earlier models ng PS4, although hindi ko alam yung mga drawbacks ng PS4 pro pero malamang meron

Good Answer

Lorenzki

  • Lorenzki
  • Oct 7, 2018

Ang pangit sa PS4 pro hindi mo naman din malalaro ng 4k resolution lahat ng games, kasi yung mismong mga games dapat support yung 4k kaya kahit bumili ka pa ng bagong TV na 4K HD at PS4 pro, kung hindi din naman 4K HD yung game wala din silbi, pero yung mga susunod ata na games magkakaroon na ng 4K support para sa PS4 at PS5 na din siguro

Good Answer

Atreus

  • Atreus
  • Nov 21, 2018

Ang bago ngayon sa Playstation 4 ay pwede ng ijailbreak, meron ng mga software na pang jailbreak para makapag laro ka ng mga libreng downloadable games or mas mura, depende kung saan ka kukuha ng PS4 game. Kung paano mag jailbreak ng PS4 pwedeng ikaw na mismo gumawa, may mga tutorial sa internet or pwede kang magpajailbreak sa mga malls

Good Answer

Monico

  • Monico
  • Nov 21, 2018 / Good Answers : 1

Ang tanong, saan ka pwede mag download ng mga games para sa PS4, saka kaya ba ng DSL connection lang yun? Malalaki yung files ng laro sa PS4, meron ngang umaabot ng 70+ GB yung God of War 4 ata yun. Saka paano mag lipat ng games sa PS4? Iniinstall din ba yun? Saka ano yung file extension ng PS4 games? iso ba?

Good Answer

June Montemayor

  • June Montemayor
  • Nov 21, 2018

Malabong kaya ng DSL yan, I mean kaya naman pero sobrang tagal mo siguro mag download, kung yung 4GB pa lang minsan inaabot na ng 2 - 3 hours depende pa kung mabilis yung takbo ng internet sa oras na nagdownload ka, so isipin mo kung mag dadownload ka ng mga 40GB na game, ayun na yung kadalasan na normal file size ngayon

Good Answer

Tin Manresa

  • Tin Manresa
  • Dec 14, 2018

Malaki na pinagkaiba nito ngayon sa slim, aside sa option ng 4K resolution hindi na ito pwede ijailbreak tulad ng PS4 Slim, kung hindi ka naman maarte ng sobra sa graphics hindi naman kawalan yung PS4 Pro, maganda na yung graphics ng PS4 ang dapat na pinapansin ng mga manlalaro ngayon ay yung laman ng laro at gameplay, hindi puro graphics lang

Good Answer

Avan

  • Avan
  • Dec 14, 2018

Ano naman ba yung features saka capability ng naka jailbreak na Playstation 4? Walang backplay capalibity ang PS4, kadalasan sa mga modified na console ayun yung isa sa pinaka malaking advantage. Pwede din bang mag online game? Sa Playstation 3 at PS Vita pwede may binabago lang sa settings pero hindi na din pwede ata ngayon sa Playstation 3

Good Answer

Jaime Burgoo

  • Jaime Burgoo
  • Dec 14, 2018

Wala pa din backplay feature yung jailbreak pero since may mga binebenta naman na Playstation 2 game sa Playstation store, malalaro mo na ngayon ng libre yan basta idownload mo lang, ang nakapag tataka pa lang din ngayon ay walang pang Playstation 3 game para sa Playstation 4 na jailbreak, actually wala din Playstation na game kaya PS2 pa lang meron na pwede mo malaro

Good Answer

Aced

  • Aced
  • Dec 14, 2018

Hindi ko pa nakita kung may cheat app na para sa Playstation 4 na jailbreak ngayon, kadalasan sunod na lumalabas yun pagkatapos ng jailbreak pero wala pa naman ako nakikita, aside doon madami ako nakikitang mga homebrew at iba pang application na, pero hindi ko sinusubukan kasi kontento na ko na makapag laro ng games ng libre

Good Answer

Avan

  • Avan
  • Dec 14, 2018

So paano naman mag lagay ng games sa PS4 na jailbreak at anong file type? ISO din ba tulad ng sa Playstation Portable at Playstation 3? Copy paste lang din ba sa memory ng Playstation 4, naalala ko lang sa PS Vita may sariling app na parang app store, pwede ka maghanap ng games doon at pwede din mag download gamit yun

Good Answer

Jaime Burgoo

  • Jaime Burgoo
  • Dec 14, 2018

Sa kinasamaang palad hindi ganun kadali yung jailbreak ng Playstation 4, kaya walang ganun application para sa PS4 pero may mga website naman nagpapadownload ng libre na games, hanapin mo lang, yung pag lagay ng games sa PS4 madali lang din, iniinstall lang yun mula sa usb pero dapat exFat yung format kasi hindi binabasa ng PS4 yung iba

Good Answer

Ingrid Noir

  • Ingrid Noir
  • Dec 14, 2018

Madami naman video saka tutorial para sa pag jailbreak ng PS4 kasama na yung kung paano mag download pati install ng mga laro, check mo sa youtube may video din doon pati mga links kung saan ka pwede mag download ng mga games meron din. Pero mag ingat ka lang sa gagawin mo kasi baka may brick naman yung PS4 mo kapag nagkamali ka

Good Answer

Clar Regal

  • Clar Regal
  • Dec 14, 2018

Ganito pa din ba yung presyo ng Playstation 4 Pro ngayon? Wala ng discount o ibababa pa? Matagal na ito hindi ba? Inaantay ko lang bumaba yung presyo nito bago bumili mahal kasi, madami na din ako gustong laruin at lalabas na din yung remake ng Resident Evil 2, pati na din yung Kingdom Heart 3 saka Devil May Cry 5, nahuhuli na ko sa mga laro

Good Answer

Aced

  • Aced
  • Dec 14, 2018

Wala tingin ko kung ano yung presyo na nakikita mo dito, ganun pa din yung presyo sa mga malls, baka nga mas mura pa sa mga online shop at mas malaki yung presyo sa mga malls. Try mo na lang mag check muna sa mga online shop baka may discount ngayon, lagi mas malaki yung discount ng mga online shops kasi pati yung base price nila mas mababa

Good Answer

Tin Manresa

  • Tin Manresa
  • Dec 14, 2018

Kung problemado ka na sa presyo ng Playstaion 4 Pro, bakit hindi ka na lang bumili ng Slim or Phat? Mas mura yun, kung second hand makakabili ka sa halagang P11,000 o P12,000 tapos hindi pa doon matatapos problema mo kasi mahal din yung bawat cd ng PS4, kahit mag jailbreak ka hindi pa pwede malaro yung mga latest na laro pati yung mga dadating

Good Answer

Reply

Latest Topics for Game Consoles

Jason Kato

PS4

Pwede na din ba ijailbreak ito? Magkaiba kasi yung firmware saka hardware ng Phat at Slim, Phat pa lang yung nakita kong najailbreak

  • Last updated : Nov 28, 2018
  • Posted by Jason Kato
  • Replies of This topic : 3 Replies

Namora Aquino

Vita?

Iba pa ito doon sa handheld console na PS Vita? Paano yung mga games nito? Parehong bala din?

  • Last updated : Nov 28, 2018
  • Posted by Namora Aquino
  • Replies of This topic : 0 Replies

Hey Ahrold

Nawawala yung binili ko?

Bakit hindi ko makita yung binili kong dlc?

  • Last updated : Sep 22, 2018
  • Posted by Hey Ahrold
  • Replies of This topic : 10 Replies
View Mode: PC | Mobile