Samsung Galaxy Tab S4 Forum

Samsung Galaxy Tab S4

Latest model
Lowest Price P33,000 15 Prices
Go to Shop kimstore
Connection
  • ALL
  • WiFi
  • WiFi+Cellular
Storage
  • ALL
  • 64GB
  • 256GB
Color
The Samsung Galaxy Tab S4 sports a Super AMOLED 10.5" display with face unlock feature, S Pen (Included), Android 8.1 OS, Snapdragon 835 SoC paired with 4GB of RAM, USB Type-C support and 7300mAh of battery.
  • Release date : Aug 2018
  • Android 8.1 (Oreo)
  • 10.5 inches, Super AMOLED...
  • 2G, 3G, 4G (LTE), 256GB, ... more specs
Samsung Galaxy Tab S4

Compare prices

Specs

Reviews

Forum

News

Please feel free to post your questions on this product.

Start a new topic

S4

Ren Ashbell

  • Ren Ashbell
  • Oct 12, 2018

High end na tablet?

Kuroro

  • Kuroro
  • Oct 13, 2018

Ngayon ko lang din ito napansin, siguro naman high end ito base sa presyo, wala naman atang mobile device na umabot ng ganitong presyo tapos mid tier lang. Nakita ko yung isang pic nito, maganda yung yung design saka interface niya, parang laptop tulad ng the Surfer ng Windows, may keyboard pa, sana pwede din mouse

Good Answer

Svan Alcan

  • Svan Alcan
  • Oct 13, 2018

Kaya ganyan itsura niyan kasi ginagawa ata talaga nila yung the Surfer, I mean the Surface ng Windows, parang mas mini laptop pa siya sa notebook para sa mga taong ayaw mag dala ng malalaking laptop, ayun nga lang yung operating system niya Android pa din, so hindi natin masasabi kung hanggang saan kaya nitong tablet

Good Answer

Ren Ashbell

  • Ren Ashbell
  • Oct 13, 2018

Okay lang naman ata yun kahit Android ung operating system, kasi may Microsoft office naman na Android, kung office work or documentation lang naman may Word, Excel at Powerpoint naman na so kahit ganitong tablet pwede ka na mag trabaho, except nga lang kung editing yung gagawin mo kasi wala pa ata kasing accurate ng Photoshop sa Google Play

Svan Alcan

  • Svan Alcan
  • Oct 13, 2018

Sa bagay malaking tulong na din yung mga MS Office sa pagtatrabaho, sana nga lang pwede gumamit ng mouse kasi mas okay yung kesa yung pen. Walang hiya paliit na talaga ng paliit mga computer, kung mapolish nila yung features ng mga ganitong tablet ngayon, tingin ko maphase out lahat ng laptop sa market, pero sa bagay madami mas preferred pa din yung malaking screen

Good Answer

Kuroro

  • Kuroro
  • Oct 13, 2018

Sa usapang review, ano ba maganda dito saka mga main features na pang tapat sa Microsoft Surface? Okay ba yung touch screen niya? Yung tanong ng karamihan na pwede ba gumamit ng mouse dito, pwede nga ba? Kahit dumami yung cons nitong tablet, hindi na din siguro mapipigilan yung market ng ganito kasi may the Surface na, Chromebook tapos ito

Good Answer

Svan Alcan

  • Svan Alcan
  • Oct 13, 2018

Tungkol sa reviews, hindi masyado maganda yung mga reviews sa tablet, feeling ng iba hindi worth it yung price dahil sa mga issue ng Tab S4. Yung touch screen hindi daw ganun ka responsive, at nawawala yung touch screen feature kapag nakadesktop mode, probably kapag nagconnect ka ng keyboard, pwede din gumamit ng mouse at mas reliable yun kesa sa pen

Good Answer

Kuroro

  • Kuroro
  • Oct 13, 2018

So in short, para siyang Apple tablet, ang mahal ng presyo pero mula materials hanggang specs at features low end? Hindi naman siguro literal na low end kasi maganda naman talaga yung interface saka software ng iPad saka nitong Samsung tab S4, point lang ay despite sa dami ng issue nakuha pa din nila mag taas ng presyo?

Good Answer

Ren Ashbell

  • Ren Ashbell
  • Oct 13, 2018

Well ganun naman talaga sa market hindi ba? Hindi mo alam kung ano yung sisikat saka magfail kaya kadalasan kapag nag release ang mga manufacturer, inaassume nila na papatok kaya mga prices nila madalas hindi makatarungan, kahit nga mga palabas at game apps na alam ng lahat na siguradong sisikat, sumasablay pa din sa market

Svan Alcan

  • Svan Alcan
  • Oct 13, 2018

Siguro ang saving grace naman nitong Samsung Galaxy Tab S4 ay may kasama keyboard at S Pen saka kahit sablay yung touch screen, okay naman yung operating system at interface ng software, so nagfafunction pa din naman siya as intended kahit papaano, magagamit mo pa din naman karamihan ng apps lalo na yung ms office kung pang work lang naman

Good Answer

Jolina Marie. B. Cabalihug

  • Jolina Marie. B. Cabalihug
  • Nov 13, 2018

Basta Samsung naman na tablet talagang maganda ito, tska bago lang itong Samsung S4 ito ang latest na tablet from Samsung kaya mahal talaga kita naman sa specs niya kung bakit. Iba din ang iPad yun naman talaga magandang klase talaga yun kaya naman mas mahal din. Pero mas okay ako sa Samsung na tablet.

Good Answer

Krysler Jean Estoconing

  • Krysler Jean Estoconing
  • Nov 14, 2018

Gusto ko nga din bilhin ito, working like laptop kaya talaga ito? kasi may tab A ako pero sinubukan ko na maging laptop ito parang hindi naman compatible. Iba pa din talaga kapag laptop ang gamit mo. ito kaya okay kaya talaga ito like laptop usage na? pero maganda ang specs niya for a tablet ha, kaya medyo mahal.

Good Answer

Trevor Joe

  • Trevor Joe
  • Nov 14, 2018

I think sa specs and features niya pwede din talaga as a laptop parang Surface type nga pero mas maganda ito kasi tablet at phone siya. Maganda ito ahh ngayon ko lang nakita itong tablet na ito meron na palang bagong tablet ang Samsung. Ang ganda niya may bago nanaman akong pagiipunan na gadget ang ganda ng features.

Good Answer

Reply

marietta

  • marietta
  • Oct 9, 2018

hellow po sa lahat, ask ko lang sainyo kung may alam kayo na shop na pwede ko bilhan ng S pen ng katulad niyan? buti pa ito gamitin sa kahit anong tablet o para lang sa Samsung ito? Salamat po sainyo

Kit G. Yara

  • Kit G. Yara
  • Oct 11, 2018 / Good Answers : 1

Mas okay kung sa Samsung kayo magcheck ng mga S pen for sure meron yan sa accessories na section nila mahal lang nga kasi original ito.

Good Answer

marietta

  • marietta
  • Oct 11, 2018

Wala nga pong available sa Samsung sa mall kaya nahirapan ako maghanap ng pen niya. Baka sa ibang mall meron hindi ko naman mapupuntahan lahat. meron kaya ito sa online? dapat ba same ang bilhin ko o kahit anong S pen basta pang samsung gagana naman ba ito? itong ganito kasi mahirap hanapin kung saan eh

Judith Saremo

  • Judith Saremo
  • Oct 11, 2018

Dapat sis same pen po talaga ang bilhin niyo kahit Samsung pa yan hindi yan gagana kung ibang stylus ang gagamitin niyo. Unless siguro yung universal na stylus na pwede sa kahit na anung fon ang piliin niyo baka yun pwede pa pero syempre iba ang itsura katulad ng Samsung na S pen pero pwede ito magamit sa lahat, pro hndi same function, pang point lang at sulat lang.

Good Answer

marietta

  • marietta
  • Oct 11, 2018

buti nalang hndi ko nabili yung ibang Samsung pen medyo duda din ako eh sabi kasi sa akin pwede daw eh hndi ko dala ang tablet noon para subukan. Yun nga naisip ko din yung simpleng S pen lang kaso may function ito kapag pinress mo may shortcut, hndi ko magagamit yun, kaya kailangan ko talaga yung original na S pen nito.

Emmanuael

  • Emmanuael
  • Oct 11, 2018

check niyo nalang sa online ma'am baka maka kita kayo ng ganyan din baka lang overseas kaya medyo matagal niyo ito makuha. browse nalang kayo.

Good Answer

marietta

  • marietta
  • Oct 11, 2018

Oo nga baka ganoon nalang din gawin ko magtingin tingin muna ako online baka may makita din ako original pen niya. Sayang naman kasi kung wala yung pen yun nga ang rason kung bakit ko ito binili tapos mawawala siya hindi namakita kaya ngayon nagkaproblema pa ako kakahanap ng bago.Pupunta muna ako sa mga mall baka meron naman sila sa iba.

Reply

Page 1 of 1

Latest Topics for Tablets

Joseph Papa

with ms office

ito ba yung tablet na may ms office na kasama at may pen din? o luman na siguro ito?

  • Last updated : Dec 13, 2018
  • Posted by Joseph Papa
  • Replies of This topic : 1 Replies

Jaculbia006

delete files

I'm gonna ask to those who used this Samsung Galaxy Tab 4 7.0 tab can you encounter that all the files and application will deleted? How you fix that? because my tab and I has a problem on that!

  • Last updated : Nov 21, 2018
  • Posted by Jaculbia006
  • Replies of This topic : 1 Replies

tusher

Samsung Galaxy Tab 7.0 Plus

Samsung Galaxy Tab 7.0 Plus korean market price how much

  • Last updated : Nov 21, 2018
  • Posted by tusher
  • Replies of This topic : 4 Replies
View Mode: PC | Mobile