Samsung Galaxy S20+ Forum

Please feel free to post your questions on this product.

Start a new topic

Workzzz

  • Workzzz
  • Jan 11, 2021

Ang clear ng video pag viniew sa library pero pag sinend ko sa messenger e lumalabo? may problem ba s20+ ko?

Sakalsakal

  • Sakalsakal
  • Jan 18, 2021

Wala pong issues ung camera ng phone. kaya po nagkakaganyan ang video kapag sinend nyo e dahil po sa capping na ginagawa ng app. pag maxdo po kasi malaki ang file e cncompress po ng app ung video quality para po nde matagal ma send, yan ung isa sa mga major na problema sa android phones. kasi ang balita ko sa mga iphone e nde nmn ganun kalala ung compress na ginagawa sa mga ios.

Good Answer

Undetective

  • Undetective
  • Jan 23, 2021

yup most apps e cncompress ang videos para nde matagal ang pagsend kasi upload speeds ang ginagamit dto kahit e check mo ang net nyo sa bhay nyo, mas mabilis ang download speeds kaysa sa upload speeds that why need ng mga app e compressed ang videos para ma send ng nde nag eerror at para nde rin mabigng mabigat ung apps dahil sa data na stored dto.

Good Answer

Reply

Adam Domingo

  • Adam Domingo
  • Jul 13, 2020

Ayaw mapair nung akin, Samsung smart watch din naman

Kevin Hernandez

  • Kevin Hernandez
  • Jul 14, 2020

Hindi ka dapat mahihirapan sa ganyan kaya baka defective yang smartwatch mo kung hindi mo mapair, sigurado ka bang nagawa at nasunod mo lahat ng nakalagay sa instruction manual pag pair ng dalawang device? Baka kasi may hindi ka nabasa, try mo ulit tapos kung wala pa din edi tawag mo na kung kanino mo man binili yan

Good Answer

Alvin Tesco

  • Alvin Tesco
  • Jul 14, 2020

Open mo lang bluetooth ng parehong device, minsan naghahanap ng password yung phone at madalas na default ay 0000, 1111 or 1234 depende yan at nakalagay din naman siguro yun sa instruction manual ng smartwatch. Kung hindi talaga mapair try mo muna sa ibang android device, pwede yan basta android at kung hindi talaga maconnect sa kahit aling android phone edi smartwatch ang may problema

Good Answer

Sven Atienza

  • Sven Atienza
  • Jul 14, 2020

Ang masasabi ko lang, balik mo na agad yan kung bagong bili mo lang kung 1 week na mahigit sayo yan baka hindi mo na mabalik kaya try mo na lang ulit ulitin baka makachamba, minsan may topak talaga mga bluetooth sa pagconnect. Kapag ayaw pa din edi paayos, kaso mahihirapan ka nga lang mag hanap ng magaayos sa ngayon niyan kasi halos lahat ng technician work at home din

Good Answer

Louie Bisente

  • Louie Bisente
  • Aug 10, 2020

Hindi ba automatic na lang yun kapag nadetect ng phone yung smartwatch?

Good Answer

Davidz Si

  • Davidz Si
  • Jan 23, 2021

Depende sa smartwatch na gamit mo, pero kung samsung brand e dun mo sya makakalikot sa "wearable apps" pag inopen ung app e automatic nya madedetect ung smartwatch from there din e mapapalitan mo na ung mga settngs ng smartwatch like watchfases and mga shortcuts sa buttons.

Good Answer

Reply

Mario Dy

  • Mario Dy
  • May 20, 2020

Paano siya ayusin? Okay naman yung mic ng earphone na subukan ko na sa ibang phone, gumagana din siya before tapos bigla na lang ayaw na, ano ba pwede troubleshooting dito?

Clarence Mendoza

  • Clarence Mendoza
  • Jun 11, 2020

Wala masyado, tanggal saksak lang o hindi kaya subukan mo kalikutin yung mga settings ng sounds baka maayos, pwede mo din subukan mag factory reset baka problema lang sa software pero parang hassle naman kung mabubura lahat ng files mo dahil lang sa earphones, subukan mo muna ibang earphones kung gagana sa phone, kapag okay edi palitan mo na lang yung earphone

Good Answer

Gregory Matias

  • Gregory Matias
  • Jun 11, 2020

Kelangan mo na palitan yan, wala na ligtas yang earphones kapag ganyan wala din naman masyadong troubleshooting para sa mga accessories mismo, kapag hindi gumana yung pag remove at insert malamang sa malamang sira na yan, pwede din naman subukan mo iikot ikot yung plug ng earphone minsan gumagana pero kung kelangan mo pa gawin yun edi ibig sabihin talagang may topak na yung earphone

Good Answer

Victor Almeda

  • Victor Almeda
  • Jun 11, 2020

Yung mic lang ba problema? Mas mahirap itroubleshoot yan kasi nakakabit yung mic sa earphone tapos iisa lang yung plug, saan mo ba ginagamit yung mic? Kung sa app mo ginagamit o game app baka doon yung problema, subukan mo muna ayusin sa settings kapag wala talaga, bagong earphone siguro kelangan pero maganda subukan mo nga din muna iba, sayang naman kasi ang problema pala yung phone na tapos bibili ka ng bagong earphone

Good Answer

Brent Sanchez

  • Brent Sanchez
  • Aug 10, 2020

Pagkaganyan palitan mo na lang yung mic, mas madali pa at mura lang naman

Good Answer

Reply

Coco Sibayan

  • Coco Sibayan
  • May 20, 2020

Ano ba mga kasamang free kapag bumili nito? Magoorder din kasi ako accessory kasabay nito baka mag doble yung makuha ko

Chino Tuling

  • Chino Tuling
  • May 23, 2020

Ang normal freebies sa box kasama ng phone ay earphone, instruction manual at charger, oo freebie ang charger dahil pwede naman sila mag benta ng hiwalay ang charger gaya ng Gameboy dati, yung case ewan ko kung may kasama na pero mas maganda pa din bumili na lang ng ibang case saka earphones kasi hindi naman maganda quality ng earphones ng Samsung, unless nagtitipid ka

Good Answer

Victor Almeda

  • Victor Almeda
  • Jun 11, 2020

Yung sure ako yung mga kasama sa box; charger, manual at earphones, minsan may kasamang case minsan wala pati earphones, depende yan sa seller o kung saan mo bibilhin kasi sa ibang online seller may iba pang accessories na kasama, meron pang selfie stick sa iba. Sa seller mo itanong kung ano freebies kasi sila naman nagbebenta

Good Answer

Terrence Mati

  • Terrence Mati
  • Aug 10, 2020

Wala naman atang freebies sa mga online seller kasi hindi naman yung mismong brand nagbebenta, ibang tao

Good Answer

Karl Reeve

  • Karl Reeve
  • Aug 10, 2020

Mas madami nga freebies madalas sa mga online seller or third party channel, yung mga third party na sinasabi ko yung mga madalas magbenta ng mga multi branded na items tulad ng Octagon at Abensons, anyway mas madami sila mag bigay ng freebies at discount kasi tingin ko para mas maakit bumili yung mga tao sa kanila kesa sa mga brand shops

Good Answer

Gino Louis

  • Gino Louis
  • Jan 23, 2021

Kapag pre-order period lang may mga freebies mga samsung galaxy phones. pero based on my expirience e aside from samsung official e check mo rin mga accredited ressllers like memo express. ung sa galaxy s21 mas magnda ung freebies nila kaysa sa samsung official, may extra fee na wall charger at may tablet pa na kasama ung preorder sa memoexpress. kaya check mo mabuti ung ibang sellers din,

Good Answer

Reply

Bob Villota

  • Bob Villota
  • Apr 22, 2020

Wala pang S12 pero mas S20 na tapos S20+ pa? Ano na nanyari sa tamang bilangan?

King Ihada

  • King Ihada
  • Apr 22, 2020

Totoo na talaga, may seller na nga saka presyo pero hindi ko din alam bakit ang layo ng skip ng Galaxy S series at mukha din naman high end base sa presyo, akala ko nung una parang filler model lang yung tipong variation lang siya ng ibang model na mas mura, kaso sariling model pala talaga ito, hindi din ako updated tungkol dito kaya nagulat din ako

Good Answer

Steph Lotivio

  • Steph Lotivio
  • Apr 22, 2020

Curious din ako bakit naging S20 agad pero ano ba mga bagong features nito? Maganda pa din ba siya pang gaming?

Good Answer

Klint Arias

  • Klint Arias
  • Apr 22, 2020

Wala pa reviews dito saka ko na din titignan yung sa ibang website pero ang nakita ko yung waterproof at quad cameras. Yung cameras hindi naman masyadong bago lalo na yung iba mas madami pang camera ang nilagay sa phone kesa dito, yung waterproof yung gusto ko malaman kasi kung totoo yan, walang rating yung water resistance niyan dahil totally hindi papasukin ng tubig

Good Answer

Michelle Bantile

  • Michelle Bantile
  • May 15, 2020

mas okay naman na tawagin na Samsung S20 talaga sakto sa year ngayon na 2020 kaya kung mag upgrade next year sakto din na maging S21 na siya kaya very smart ang pagkaisip ng bagay na ito, iba talaga ang marketing strategy ng Samsung kumpara sa iba pang mga phones para lang sa akin kaya sila talaga ang number one na phone

Good Answer

Flora Villanueva

  • Flora Villanueva
  • May 16, 2020

I dont think it matters basta maganda ang specs ng phone yun ang importante, pero kung panget ang kinalabasan ng name siguro hindi nga naman ito bebenta pero sumakto naman siya kaya sa tingin ko ay tama lang ang ginawa ng Samsung dito very smart nga na startegy para sa akin mas catchy kasi yung name niya

Good Answer

Emz Pili Lorico

  • Emz Pili Lorico
  • May 16, 2020

hindi na talaga sila naglabas ng S11 na version, hindi naman kailangan na sunod sunod ang name nila eh okay naman na s20 nga yung ginawang version ng phone nila eh kasi bumagay naman nga talaga sa year na ito pero kung ako kasi ang papipillin na phone ibang brand kasi mas praktika kapag ibang brand na may magandang specs.

Good Answer

Reply

Gabriel Cojuangco

  • Gabriel Cojuangco
  • Mar 15, 2020

Fast charging nga siya pero ang tanong matagal din kaya maubos battery?

Coron Corona

  • Coron Corona
  • Mar 18, 2020

Yung huling sinabi nila na super long lasting yung Galaxy S10 hindi rin totoo so sana nga eto talagang long lasting, 12 hours pa nga daw yung maximum battery life kaso kapag gamit mo naman ganun din wala pa nga atang 5 hours ubos na. Sabagay sabi nga nila theoretical naman yung 12 hours battery life kaya hindi mo din masisi kung hindi totoo

Good Answer

Larry Mendez

  • Larry Mendez
  • Mar 18, 2020

Baka ineexpect kasi nila mga casual users lang gagamit ng phone, yung mga ganun kasi nanunuod lang naman ng video o panay picture hindi din naman babad sa phone, yung mga nauubusan lagi ng battery ng mabilis for sure mga gamer yan at siguro ikaw din, hindi naman kasi pang laro yung mga smartphones nataon lang na pwede na sila paglaruan

Good Answer

Gabriel Cojuangco

  • Gabriel Cojuangco
  • Mar 18, 2020

Kaya lang ako nag kainterest dito dahil sa nabasa ko nga na battery life, pero kung same lang din sa iba mag stick na lang muna ako sa phone ko

Klint Arias

  • Klint Arias
  • Apr 22, 2020

Tingin ko same lang dahil wala akong naririnig pa na phone na may magandang battery life, kahit yung sa Galaxy S12 na sinasabi nilang up to 12 hours, hindi naman totoo yun kapag ginagamit yung phone mabilis pa din maubos, umaabot lang ng 12hrs kapag stand-by o locked pero halos lahat naman ng phone tumatagal ng ganun katagal

Good Answer

Terrence Escudero

  • Terrence Escudero
  • Apr 22, 2020

In short malaking scam talaga yang mga advertised na long battery life, meron iba na tumatagal talaga pero sa ngayon wala pang tumatagal na 6 hours na phone, tiis tiis na lang talaga muna sa power bank pero sayang din yung dating wireless charging concept ng sa Samsung, mukhang hindi talaga umaabot doon sa hinahabol nilang charging time

Good Answer

Reply

Page 1 of 1

  • 1

Latest Topics for Mobile Phones

Pops Bernadino

Mas okay kaya software nito?

Mataas yung specs niya pero talo pa din ito nung Xiaomi Mi 10 Ultra at kalahati lang ng presyo nito yun, pero hindi ko pa kasi natry yung XIaomi kaya wala ako idea sa performance ng software nun

  • Last updated : Feb 26, 2021
  • Posted by Pops Bernadino
  • Replies of This topic : 18 Replies

Joseph Maldonado

free buds live

Kapag bumili ka ng phone na ito may free pba na Samsung Buds Live?

  • Last updated : Feb 26, 2021
  • Posted by Joseph Maldonado
  • Replies of This topic : 6 Replies

Joanne Diaz

Contact transfers

Meron pa din sa Note20 Ultra yung parang ipagdidikit yung dalawang samsung phones para mag pasa ng contacts? Forgot what the feature called kung S Slap ba yun or what?

  • Last updated : Feb 26, 2021
  • Posted by Joanne Diaz
  • Replies of This topic : 2 Replies
View Mode: PC | Mobile