Samsung Galaxy M30 Forum

Lowest Price P13,449.99 2 Prices
Go to Shop EXPANSYS
Storage
  • ALL
  • 64GB
  • 128GB
RAM
  • ALL
  • 6GB
  • 4GB
Color
The Samsung Galaxy M30 features a Super AMOLED Full HD+ 6.4" display, Exynos 7904, 4/6GB RAM, a 13MP + 5MP + 5MP triple-camera setup at the back, a 16MP selfie camera and a 5000mAh battery.
  • Release date : Mar 2019
  • Camera Phone, Notch Phone...
Related Models
Samsung Galaxy M30
Latest model
Samsung Galaxy M40
- (0 Prices)

Compare prices

Specs

Reviews

Forum

News

Please feel free to post your questions on this product.

Start a new topic

Rebekah09

  • Rebekah09
  • Jul 10, 2019

Planning to buy M series kasi ganda ng battery specs niya eh, any downside ng phone na ito?

happyprints

  • happyprints
  • Jul 11, 2019

I think its one of the good phones now, ito din ang gusto ko na bilhin ngayon eh

Good Answer

Candice McK

  • Candice McK
  • Jul 12, 2019

I dont think na may issue ito, ito din kasi ang gusto ko sana makuha sa pasko baka magmura na ito sa December pero I dont think nga na may problema ito or issue so far so good naman po ang feedback na nakukuha ko sa phone na ito kaya happy naman ako kasi lalo ako bnbgyan rason para makabili nito, its a sign for me

Good Answer

Richard Purge

  • Richard Purge
  • Jul 12, 2019

I think one of the best series from Samsung ito ngayon, ngayon ko lang kasi nakit ang Samsung na mag offer ng 5ooomah na capacity s abattery, s10 nga nila hindi pa 5000mah eh so kakagulat lang at kaka impress lang din ito, so sa tingin maganda itong phone na ito good choice girls kung bibili man kayo okay ito esp kung gamer ka..

Good Answer

bui2003

  • bui2003
  • Jul 12, 2019

dream phone ko ito, ito sana ang gusto ko bilhin kaya lang nagkulang ang pera ko kaya naghanap ako ng medyo mura. Gusto ko talaga ng Samsung phones kaya lang mahal kasi mga phones nila pero alam koo na maganda talaga ang quality ng phones nila kaya alam ko na sulit ito na bilhin sa lahat ng mga phones ngayon.

Good Answer

Bill C. Diaz

  • Bill C. Diaz
  • Jul 12, 2019

paano niyo naman malalaman kung may issue o wala ang phone na hindi niyo naman pagaari at nasubukan lang naman sa mall? paano niyo masabi na okay ito o hindi sa pag try lang sa mga model display na phone? diba dapat lang naman na bumili muna kayo ng phone para malaman niyo kung okay ba ito o hindi? curious lang ako

Good Answer

Reply

Jasspreet Maktuo

  • Jasspreet Maktuo
  • May 7, 2019 / Good Answers : 1

Bakit hanggang ngayon wala pa din prices na nakalagay dito? meron na ba ito sa mga Samsung stores?

Chekals Purchase

  • Chekals Purchase
  • May 8, 2019 / Good Answers : 1

Yes ang alam ko po meron na po nyang M10, 20, and 30 po. Nakita ko na po silang tatlo last week po ata yun, maganda naman sila at super linaw ng screen.ganda ng battery kasi 5000 mah na kaya parang gusto ko din bumili pero medyo namamahalan pa ako pero sabi ng tropa ko mura na nga daw ito kung ikukumpara ko sa ibang phone.

Good Answer

Cris Evans

  • Cris Evans
  • May 8, 2019

tama kung bibili ka Oppo or Vivo ito nalang ang bilhin mo at pag Samsung alam mong matibay talaga ang phones nila. Para din sa akin mas okay kung ganitong phone nalang ang bilhin mo. Kita mo naman ang specs nyan diba, ako first timer sa Samsung na phone at para sa akin perfect choice sila na phone talaga, social na ako!

Good Answer

Donna Mari Anne

  • Donna Mari Anne
  • May 8, 2019

Actually, point out ko lang din ako hindi ako maka Samsung kasi para sa akin sobrang mahal ng mga phones nila pero sa mga M series na ito hindi ko alam ang catch pero gusto ko ang specs niya at price niya parang na sakto nila ang price ngayon kaya okay na okay siya para sa akin. sinasabi ko ito dahil nakakagulat makita mura ang samsung phones.

Good Answer

Harold Remulo

  • Harold Remulo
  • May 17, 2019

Ayan meron nang seller nagbebenta nitong Samsung Galaxy M30, isa pa lang yung online shop na may available pero malamang magpopost na din yung ibang online shop sa mga susunod na araw kaya kung hindi mo trip yung presyo nito mag antay ka na lang ulit ng onting araw siguro. Kung okay ka na sa kung anong meron edi mag order ka na sa seller

Good Answer

Aria Ibisate

  • Aria Ibisate
  • May 17, 2019

Gaano ba katiwatiwala yung online shop na Expansys? Madalas kong nakikita yung online shop sa karamihan ng item pero never ko pang nacheck yung website nila or nagorder sa kanila, meron na bang nag order sa kanila? Gaano ka safe saka saang bansa nakabase sila? Baka kasi overseas, mas mahal at matagal deliveries kapag labas ng bansa galing

Good Answer

Harold Remulo

  • Harold Remulo
  • May 17, 2019

Hindi ko pa din natry mag order sa kanila pero so far wala naman akong naririnig o nababasang issue tungkol sa kanila, kung meron malamang dito una magpopost yung ibang nagorder sa kanila kasi lagi naman ganun bago sila mag post sa mismong website. Pero kung alangan ka talaga mag order sa kanila edi magantay ka na lang hanggang sa may kilala kang online shop na magpost

Good Answer

sowon234

  • sowon234
  • May 31, 2019

Meron na po bang nakabili nito sa expansys?

Good Answer

Villy Ellish

  • Villy Ellish
  • Jun 7, 2019

bago lang din kasi pero sa mall nakikita ko na ito minsan late lang talaga sa online kaya mas okay pa din mag check sa mall muna icheck mo yung gusto mo sa mall makikita mo yung gusto mo kaagad doon sa online medyo late kasi pero sa online mas mura aya minsan hinihintay ko din sa online ma release after a month din kasi nagmumura ito.

Good Answer

Kathlyn

  • Kathlyn
  • Jun 15, 2019

Saang mall meron na ito ?

Good Answer

Jonas Camus

  • Jonas Camus
  • Jun 17, 2019

Baka nalate lang yung mga supplier ng online shops mag bigay ng stock nila ng Samsung Galaxy M30, kita mo ayan meron ng price so malamang may mga nagpopost na ng benta nila dito, kung interesado ka pa din bumili check mo na lang yung mga presyo ng seller at piliin mo yung pinakamurang tingin mo hindi ka malulugi

Good Answer

Reply

Henry Ang

  • Henry Ang
  • Apr 12, 2019

High end ba ito o mid tier? Alam ko sa M30 puro mga mid tier phones pero baka high end itong isa, last month lang nilabas eh

Nadine Jabar

  • Nadine Jabar
  • Apr 14, 2019

Murang lang yung presyo nito kung ikukumpara mo yung presyo nito sa karamihan ng mga smartphone na naglalabasan ngayon, walang presyo dito sa Pilipinas kaya hindi ko alam kung nilabas na dito pero sa India mga nasa around Rs14,000+ nasa Php11,000+ ata kapag converted sa Peso kaya tingin ko mid range lang ito, antayin na lang siguro natin yung official price kasi baka mas tumaas

Good Answer

James Revilla

  • James Revilla
  • Apr 14, 2019

Kahit mid range siya mukha naman maganda kasi balita ko mabenta sa India itong Galaxy M30, pati yung iba niyang version M10 at M20 mabenta din sa kanila, magkaiba din naman yung taste ng mga indiano at pilipino kaya baka hindi matuwa yung karamihan satin tulad ng sa india pero malamang hindi din magsisisi yung mga bibili

Good Answer

Casey Chua

  • Casey Chua
  • Apr 14, 2019 / Good Answers : 1

Tingin ko naman mas madami pa din pipiliin ito kesa mag Vivo saka Oppo kung may budget kasi mas kilala ng mga Pinoy Samsung, kahit maganda yung phone ng dalawang brand mas pinipili pa din natin yung mas sikat pero at least ngayon mas maganda na yung specs ng mga mid range ng Samsung tulad nitong M30, kasi yung mga dati parang pang low end lang specs

Good Answer

Julia Sanchez

  • Julia Sanchez
  • Apr 14, 2019

Oo maganda nga itong mid range na model series ngayon ng Samsung, hindi rin mukhang cheap na dati kasi alam mong mumurahin itsura pa lang lalo na kung hindi Galaxy S o Note series yung phone. Upgraded na din siyempre yung screen nito, makatarungan na yung babayaran mo na presyo kasi super AMOLED na yung gamit saka full hd na 1080 ata yung resolution ng ganun

Good Answer

Ryan Panis

  • Ryan Panis
  • Apr 14, 2019

Ako ang habol ko lang talaga kung makakapag laro ako ng matino sa smartphone o hindi, hindi naman kasi ako mahilig sa camera at mas madalas pa akong nakikipag chat lang kesa text at tawag para mas mura, mas mahaba pa usapan kapag voice chat kasi walang 12mins limit tulad sa mga unli call promo ng mga networks. Etong M30 mukha naman maganda yung pagsagap ng signal nito saka mobile data kung katiwatiwala yung hardware specs

Good Answer

Henry Ang

  • Henry Ang
  • Apr 14, 2019

Nabanggit din na yung camera at paglalaro so gusto ko malaman kung okay din ba yung camera nito? Hindi naman pang low budget na phone na pixelated yung image? Ilang beses na din kasi ako nagancho ng Samsung dati sa mga mid range phone nila, mas maganda pa yung mga nabili ko na Oppo smartphones at mas mura pa kesa sa Galaxy J series, J5 ata yung nabili ko dati

Chad Alcantara

  • Chad Alcantara
  • Apr 14, 2019

Tungkol sa camera, triple camera yung setup nito as main camera yung isa parang taga kuha ng depth o sukat ng lalim ng environment hindi ko din alam yung saktong takbo ng process niyan, yung isa para sa wide angle pero hindi sila magkakaibang filter or mode ng camera, gumagana sila as iisang system ng main camera para makakuha ng mas maganda at realistic na picture kaya sa tuwing nagamit ka ng camera gumagana na automatic yang tatlong features na yan para mapaganda yung pag kuha mo

Good Answer

Gabi Cawili

  • Gabi Cawili
  • Apr 14, 2019

Okay naman pang laro yung M30, yun nga lang mabilis maubusan ng battery dahil sa processor nito at chipset na medyo malakas kumain ng battery, may 4GB at 6GB RAM variant ito pero kahit yung 4GB RAM okay na para sa mga smartphone, anyway kaya din naman nito yung mga laro na medyo mataas yung graphics dahil full hd naman itong phone

Good Answer

Arnold Balatbat

  • Arnold Balatbat
  • Apr 14, 2019

Actually ayun nga pinagtataka ko, yung battery kasi kung 5000mAH ito ayun na ata yung pinakamataas na battery sa mga smartphone na nakita ko ngayon anyway, dapat mas matagal malowbat ito or actually double yung battery life nito kesa sa mga smartphones ngayon pero parang 6hours lang ata yung continuous usage nito, as in yung paglalaro na may microphone

Good Answer

Henry Ang

  • Henry Ang
  • Apr 14, 2019

Naglalaro ka ba naman tapos microphone, online games ba yan tulad ng Mobile Legends saka Rules of Survival? Yung simpleng may kausap ka pa nga lang sa phone malakas na makaubos ng battery, paglalaro ng games ganun din saka pag iinternet gamit mobile data malakas na din makaubos ng battery tapos gagawin mo pa lahat yun ng sabay? Magandang bagay na nga ata na tumagal ng 6hrs yung battery pagkatapos maabuso yung phone ng ganun

cherryblossoms

  • cherryblossoms
  • Apr 15, 2019

I dont think high end ang mga M series, kasi mura lang siya so considered midrange phones pa rin ito

Good Answer

tonyboy's

  • tonyboy's
  • Apr 15, 2019

for me its quite near sa mga high end na phones na kaya parang it doesnt really matter kung midrange o high end ito para sa akin okay na siya na phone talaga. at kung pipili ako ng phones ganito yung mga phone na magandang bilhin kasi hindi naman mahal ang M series kaya itong M30 hindi din ito kasing mahal katulad ng ibang phones ngayon

Good Answer

hiccupses

  • hiccupses
  • Apr 15, 2019

kung hindi ako nakabili bago at nakita ko ito sana ito nalang binili ko kasi from Samsung na at alam naman natin sa Samsung kasi branded ang mga phones nila at sigurado ka na matagal mo magagamit ang mag phones nila, sayang hindi ko alam na may ganito na pala ang Samsung mga mura na phones nila pero okay ang specs niya sayang talaga.

Good Answer

Gene Magdayao

  • Gene Magdayao
  • Apr 15, 2019

mas malaki pa ang battery capacity nito kumpara sa bagong highe end na Samsungs10 nila ang weird lang buti pa itong midrange na tinatawag niyo

Good Answer

Steph H. M

  • Steph H. M
  • Apr 15, 2019

Yan din ang napansin ko sana ginawa nila ito sa S10 since pwede sial mag share ng charge ma maganda kung malaki ang battery life ng phone nila noh pero siguro hindi sila nag focus sa battery lang kasi syempre mas angat pa din naman ang features ng s10 na phones kaya nga mahal sila iab pa din kumpara sa ibang samsung series.

Good Answer

Nadine Jabar

  • Nadine Jabar
  • Apr 16, 2019

Tingin ko kaya bilib na yung mga tao sa hardware specs nitong Samsung Galaxy M30 kasi hindi nila napapansin yung taas din ng demand ng mga software applications ngayon. Ibig ko sabihin standard lang ang hardware specs nito para sa mid range or mid tier, hindi naman sa tinataasan nila at nagmumura yung mga parts ng phone, kelangan lang nila taasan dahil tumataas din yung demand ng mga application sa software, hindi din nagmumura mga parts, sadyang napapalitan lang yung presyo ng mga lumang parts at bago

Good Answer

Kris Harden

  • Kris Harden
  • Apr 16, 2019

Masyadong malalim yung explanasyon malamang madaming hindi nakagets, pero tama ka nga hindi lang siguro napapansin ng lahat yung pagbabago sa system requirements din ng mga application, wala din naman kasing nakalagay sa Google Play na mga ganun kapag nag install ng app, warning lang na hindi compatible sa phone

Good Answer

Casey Chua

  • Casey Chua
  • Apr 16, 2019 / Good Answers : 1

Sabagay tama nga naman kung masyadong mababa yung battery o tulad ng dati yung capacity nila walang kwenta mag share ng battery kasi itong phone naman mauubusan ng battery kapag nataon. Hindi pa din ako masyadong bilib sa idea ng power sharing kasi meron naman power bank, pero maganda na din siguro na may ganito in case of emeregency at may kelangan ng battery

Good Answer

James Revilla

  • James Revilla
  • Apr 16, 2019

Dapat inaayos nila yung mga pre-installed app nila na ayaw mabura, kung gusto ng user burahin yung mga walang kwentang Samsung apps hayaan nila burahin sayang lang kasi sa memory space

Good Answer

Krissy Sassy

  • Krissy Sassy
  • May 17, 2019

Mid range naman itong Samsung Galaxy M30 kaya kung bibili ka hindi naman siya ganun kasmaang phone, actually maganda nga siya at marami din akong naririnig na magandang comment tungkol sa phone, kakabili ko lang din kasi ng bagong smartphone pero kung papipiliin lang ako baka eto na lang binili ko nung bagong labas

Good Answer

Jake Capuno

  • Jake Capuno
  • May 17, 2019

Ako nga din nasayang din kasi kakabili ko lang ng Xperia phone ko nung labas to, hindi kasi ako updated sa mga smartphone after one month nung pag bili ko ng bagong phone nakita ko to sa Mall of Asia, halos kapresyo lang nito yung phone ko at mas maganda pa, kung pwede ko lang ibalik yung phone at parefund ginawa ko na

Good Answer

Reply

Page 1 of 1

Latest Topics for Mobile Phones

Villy Ellish

latest Samsung phone

So far this year ito na ba ang pinaka latest na phone na ni release ng Samsung?

  • Last updated : Jul 17, 2019
  • Posted by Villy Ellish
  • Replies of This topic : 7 Replies

Estillore Raffy Khalifa

Battery

Kung saka sakaling papaltan ko poh ba ng battery to ok na poh ba ito mas ok poh ba kung bibilhan ko narin poh ng charger na samsung

  • Last updated : Jul 16, 2019
  • Posted by Estillore Raffy Khalifa
  • Replies of This topic : 1 Replies

Teands Saleors

problem sending text messages

the phone will just notify " the phone android.com has stopped"..What should I do?

  • Last updated : Jul 16, 2019
  • Posted by Teands Saleors
  • Replies of This topic : 2 Replies
View Mode: PC | Mobile