Revlon Insta-Blush Reviews

Lowest Price P575 6 Prices
A blendable blush with a cream-to-powder formula that helps you create a natural flush of color.
  • Blush
  • Cream to powder
Revlon Insta-Blush

Compare prices

Reviews

Forum

Overall Rating

Total 3.5

Please feel free to post your review on this product.

Write a Review

Jeanella Rivera

  • Review by Jeanella Rivera
  • Mar 28, 2019
Total 1.0

Doesn't last long...

Yung shade na napili ko ay pigmented naman at totoo na it goes a long way talaga. Pero hindi ito tumatagal sa skin ko. Nag-stay lang ito nang dalawang oras at kailangan ko na ulit i-reapply ito. Sobrang active kong tao at ayoko sana ng palaging nagre-retouch kaya sobrang na-disappoint ako dito at kailangan ko pang tingnan palagi kung nasa skin ko pa ba ito o wala na. :-(

Good Review

Mariel Bautista

  • Review by Mariel Bautista
  • Mar 26, 2019
Total 1.0

Walang pigment...

Mahilig ako sa mga full coverage na makeup at saka sobrang dry ng skin ko kaya hindi pwede sa akin ang mga powder blushes. Ang pangit kasi tingnan sa skin ko. Kaya nung malaman ko ang tungkol sa cream blush ng Revlon na nagbibigay lang daw ng sheer amount of color, I purchased one. Mahal nga ito pero base sa mga nababasa ko, ang akala ko ay worth it ito talaga. Pero nagkamali ako. Yung Rose Gold Kiss ang binili ko na shade at nung time na ginagamit ko na ito, natatanggal nito ang foundation ko. I tried to fix ito sa pamamagitan ng pagdadab ko ng fingers at saka ko ini-aapply sa face pero halos hindi na makita ang color as in parang wala talaga. At nung na-blend ko na ito, nawala ang color. As for the packaging, maganda ang packaging nito at pati na ang consistency ng cream pero hindi talaga nag-work sa akin at least sana na makita sa fair skin ko pero hindi as in wala lang talaga. So disappointed dahil akala ko ito na yung product na hinahanap ko pero hindi pala....

Good Review

Aileen Briones

  • Review by Aileen Briones
  • Mar 14, 2019
Total 5.0

Very nice blush!

Honestly ay kinabahan ako nung makita ko yung shade ng Revlon Insta-Blush na natanggap ko. Parang sobrang dark ng shade na Nude Kiss at sa tingin ko noong una ay hindi ito mabe-blend nang maayos sa pale skin ko. Nung unang apply ko ng blush, akala ko ay totoo yung mga unang naisip lp pero nung ginamitan ko ng blending sponge ng revlon, lumabas na napakaganda ng finish nito sa cheeks ko. Mas rosier pa nga ito kesa sa pangkaraniwang blush na ginagamit ko at nagustuhan ko ang resulta. Akala ko nung una ay nag-i-smear off ang mga ganitong klaseng blush sa ilalim ng foundation kaya palaging powder blush ang ginagamit ko before pero ngayon ay nagustuhan ko ang finish nito at gagamitin ko talaga palagi ang Insta-Blush na ito.

Good Review

Mariel Tome

  • Review by Mariel Tome
  • Feb 26, 2019
Total 5.0

Love this cream blush!

I really love this insta blush! Napakaganda nitong subtle product at okay para sa summer kapag gusto ko ng light sheer look na blush. Maganda din itong dalhin at ilagay sa purse ko o sa desk kapag gusto ko ng mabilisang pag-aapply ng pop of color sa cheeks ko. Ginagamit ko ito kalimitan sa ilalim ng powder blush ko para maging tumagal pa ito sa buong araw. Ito sa ngayon yung paborito kong blush at yung mga darker na versions nito ay magaganda din talaga.

Good Review

Kyla Santiago

  • Review by Kyla Santiago
  • Feb 25, 2019
Total 5.0

BERRY pretty blush

Perfect abg blush na ito sa pang-araw-araw na makeup dahil napaka-fresh nito at natural sa face. Yung nabili kong shade ay yung berry kiss at talagang napakagandang shade nito at bumagay sa skin tone ko. Very smooth at creamy ang formula ng stick blush na ito at madali pang mai-blend sa skin. Inire-recommend ko ang Insta blush na ito from Revlon sa mga girls na on the go at mas gusto ng mga natural look.

Good Review

Suzu Abdon

  • Review by Suzu Abdon
  • Feb 24, 2019
Total 4.0

Boost my powder blush!

Creamy naman ang blush na ito kapag ini-apply ko sa likod ng kamay ko pero kapag ini-apply ko na ito sa cheeks ko, hindi ito talaga pigmented. At kapag ibinlend ko naman ito, para kong pinapahid ito para mawala. Hindi ito tumatagal sa face ko. Pero ini-aapply ko ang cream blush na ito at ginagawa nitong mukhang dewy at bright ang powder blush na ginagamit ko na hindi ko ma-achieve kapag yung blush stick lang ang ginagamit ko. Sobrang sheer nito pero nabo-boost nito ang mga powder blush ko. Kaya itutuloy ko lang ang paggamit nito dahil dito.

Good Review

Julia Cervera

  • Review by Julia Cervera
  • Feb 23, 2019
Total 1.0

Not for me!

Cream blush stick ang Revlon insta-blush at hindi ko ito nagustuhan nung una pa lang na gamit ko. Palagi kasing powder blush ang ginagamit ko at nasanay na siguro ako dito dahil gusto ko yung pagka matte ng finish pero ini-recommend ito sa akin ng friend ko kaya sinubukan kong gamitin. Isang beses ko lang itong ginamit at kinailangan ko ulitin ang makeup ko kasi hindi ko talaga nagustuhan. Sobra ang pagka-shine nito sa sobrang oily ko na skin. Sobrang pangit tingnan nung na-blend ko na at parang nawala pa ang color kaagad kahit na yung pinaka-dark na shade ang binili ko. Para pating nagmukhang splotchy ang foundation sa magkabilang pisngi ko na merong blush cream na ito.

Good Review

Kate  Cabuhat

  • Review by Kate Cabuhat
  • Feb 20, 2019
Total 4.0

Love this instantly!

I love the Revlon Insta-Blush na may shade na nude kiss. Kahit kailan at kahit saan, nagpo-provide ito ng instant na nude kiss color sa cheeks ko. Very sheer ito at madaling i-blend na blush. Kahit na nga minsan nagiging clumpy ito sa unang apply, pagkatapos na ma-blend ko ito lahat ay madali namang i-smoothen ito. Yung cream to powder na formula nito ay merong natural pop na napakaganda sa cheeks ko. Sobrang lightweight lang nito at sobrang silky pa. Nagdadagdag ito ng magandang finishing touch sa cheeks ko at kahit anong makeup look ang gawin ko, perfect ito para sa akin.

Good Review

Grace  De Ocampo

  • Review by Grace De Ocampo
  • Feb 18, 2019
Total 5.0

Ang ganda ng shade at ang dali pang i-apply

Nag-try ako ng shade na Candy Kiss nito at nagustuhan ko naman ito. May pagka-pink ito at na-blend ko sa balat ko nang very natural lang at talagang healty looking. Hindi ko gusto ng sobrang tingkad na mga blushes kaya okay na sa akin ang ganito. Madali oa itong i-apply at may magandang color na naa-achieve sa skin ko. Sobrang lightweight pa nito at madaling i-blend. Wala akong naramdamang mabigat sa skin o naging clumpy man lang ito. Nagustuhan ko rin ang packaging nito dahil madali kong makita yung shade at saka maliit lang ito at madaling madala kahit na sa maliit na purse lang o sa makeup kit ko. I recommended this product to all my friends...

Good Review

Marichris Swift

  • Review by Marichris Swift
  • Feb 17, 2019
Total 3.0

Not pigmented

Gusto ko ang product na ito pero hindi ko ito palaging ginagamit. Maganda naman ang color nito at pati na rin yung texture. Kaya lang, para kasing medyo odd ang applicator nito kumpara sa nakasanayan ko nang gamitin na applicator. Siguro sa akin na ito pero mas gusto ko ang mga blush powder. maganda ang color nito kaya lang ay hindi masyadong pigmented.At kung hindi ko gagamitin yung own brush ko o kaya eh daliri eh parang matatanggal yung ibang foundation ko kapag nag-aapply ako nito. Nagustuhan ko naman ito pero para sa akin ay hindi nito mapapalitan yung mga ginagamit kong nakasanayan ko nang mga blushes.

Good Review

Marian Gonzaga

  • Review by Marian Gonzaga
  • Feb 13, 2019
Total 5.0

My kinda blush

Nag-worked sa skin ko nang very nicely ang insta blush na ito at nagustuhan ko kung paano nito na-highlight ang cheek bones ko nang maganda. Nagustuhan ko rin na nag-stay ito sa skin ko nang buong araw at yung cream to powder finish nito ay super-duper love ko na. Maging yung kulay at bow ay maayos kong nabe-blend sa skin ko. Naging go-to blush ko na ngayon ito at talagang highly recommended ko.

Good Review

Claudine Lee

  • Review by Claudine Lee
  • Feb 12, 2019
Total 3.0

Sobrang shimmery at halos wala nang pigment

Nagulat ako sa dami ng magagandang mga reviews ng product na ito. Ang ginagamit ko talaga palagi at yung arte's Exposed powder blush pero naghahanap ako ng cream blush para sa tinted moisturizer ko na ginagamit. Nung nagamit ko ito, napansin ko na sobra ang pagka-shimmer nito pero halos wala nang pigment, Nag-iisip pa ako kung itatago ko ito at gagamitin ko na lang na highlighter pagdating ng summer. Yung skin ko ay fair talaga ay yung shade na napili ko ay yung Rose Gold.

Good Review

Rachel Mendoza

  • Review by Rachel Mendoza
  • Feb 11, 2019
Total 4.0

Great for contouring

Sobrang fan talaga ako ng mga makeup lalong-lalo na ng mga blushes kaya nung magkaroon ako ng chance na mai-try ito, tinanggap ko kaagad ang ini-offer sa akin na product for review. Gustong-gusto kong mag-try ng mga bagong product at mga shades pero medyo hesitant ako sa Nude kiss blush nito dahil hindi pa ako nakakagamit ng mga blush na medyo dark talaga. Yung skin ko ay light at nag-hesitate akong gamitin ito nung una pero naisip ko paano ko malalaman kung hindi ko susubukan. Ang resulta, hindi ko nagustuhan as blusher ito pero nagamit ko namang pang-contour. Medyo dark kasi talaga ang shade para sa akin. Okay naman ang performance sa skin ko at tumagal naman nang ilang oras. Nice product anyway...

Good Review

Page 1 of 1

Latest Reviews for Beauty

I got this in the shade of Ginger Rose at talagang gustong-gusto ko ang shade na ito dahil ang ganda talaga. Pwede ko itong gamitin araw-araw.. sa mga casual look at kahit anong occasion. Long ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Ghail Andal
  • Date : Dec 22, 2018

Hindi ka talaga magkakamali sa Revlon Bonbshell Red na lipstick nito. Matagal na akong fan ng Super Lustrous Lipstick line na ito ng Revlon. Interesado ako dati na mag-try ng ibang color ng line na ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Stella Fernandez
  • Date : Dec 21, 2018

Medyo mix ang feelings ko sa lipstick na ito ng revlon. Maganda yung matte pink color nito at talagang amazing tingnan kapag nasa lips. Pero yung nudes ay ang pangit, Yung coverage ay hindi ko gusto ...Read more

  • Rating : 3.0
  • Review by Jessa Dalope
  • Date : Dec 20, 2018
View Mode: PC | Mobile