OPPO R15 Forum

Lowest Price P22,795.42 7 Prices
Go to Shop AliExpress
Color
Equipped with a 6.28-inch display with a notch, powered by a MediaTek Helio P60 paired with 6GB of RAM and 128GB of ROM, Android 8 OS, 16MP + 5MP main, 20MP front-facing camera and a 3450 mAh battery.
  • Release date : Apr 2018
  • Phablet, Smartphone, Colo...
  • 6.28 inches, 2160 x 1080 ...
  • 2G, 3G, 4G (LTE), 128GB, 6GB ... more specs
Related Models
OPPO R15

Compare prices

Specs

Reviews

Forum

News

Please feel free to post your questions on this product.

Start a new topic

Facl Frankie

  • Facl Frankie
  • Aug 15, 2018

I hope mumura pa ang presyo nya na kaya lang bilhin.

Arturo Ayawpapili

  • Arturo Ayawpapili
  • Aug 16, 2018 / Good Answers : 6

Magmura man yung presyo nito, tingin ko matagal tagal pa bago bumaba talaga, siguro aabutin pa din ng mga 2 years bago mabawasan ng at least P5,000 yung presyo, base from experience lang since madalas din ako nagaabang ng pagbagsak ng presyo ng mga phones. Tingin ko mas mabuting bumili ka na lang muna ng second hand nito lalo na kung first time mo mag Vivo phones, para hindi masyadong masakit sa puso at bulsa kung sakaling hindi mo magustuhan

Good Answer

Roshan

  • Roshan
  • Aug 17, 2018 / Good Answers : 1

Meron na ba nito sa mga Oppo stores dito sa Pilipinas?

Good Answer

Jambi

  • Jambi
  • Aug 17, 2018

Parang wala pa naman akong nakikita nito sa mga Oppo stores or sa kahit saang bilihan ng mga smartphones, pero sa mga nabasa ko released na siya nung April this year pa lang pero ang nakikita ko karamihan sa Amazon pa lang siya nabibili, or baka doon pa lang siya pwede bilhin ng mga bansang hindi pa released sa kanila yung model

Good Answer

Roshan

  • Roshan
  • Aug 17, 2018 / Good Answers : 1

Worth it din kaya ito? Ang alam ko kasi mid range lang itong Oppo R15 pero yung presyo halos pang bili na ng Samsung Galaxy S9 or S8, naghahanap kasi ako ng magandang phone na reasonable naman yung price, sa nakikita ko mas okay pa yung specs ng mga Xiaomi smarpthones na kalahati ng presyo nito, sa ngayon ang nagugustuhan ko pa lang dito ay yung design

Good Answer

Jimnoy Ampon

  • Jimnoy Ampon
  • Aug 17, 2018

Wala pa kasing official price para sa Pilipinas yung Oppo R15 kaya possibleng bumaba pa yan kapag nagkaroon na, sa ngayon kaya siguro mahal yan kasi import pa galing ibang bansa tapos converted pa yung price. Maganda din yung mga nababasa kong review, siyempre number 1 na magandang features nitong smartphone ay yung camera, pero yung performance pati display maganda din daw

Good Answer

Jambi

  • Jambi
  • Aug 17, 2018

Sana nga bumaba yung price kapag lumabas na yung official price para sa Pilipinas, madalas kasi mas mahal pa dito kesa kapag direct conversion, anyway pwede naman mag abang ng mga discount sa mga online shops pag nataon. Sa mga nabasa ko nga din maganda yung performance ng phone, problema nga lang na nakita ko ay yung processor pati battery, hindi kasi kagandahan yung mga mediatek na sa mga madalas kong naririnig, tapos yung battery pa madali daw malowbat

Good Answer

Roshan

  • Roshan
  • Aug 17, 2018 / Good Answers : 1

Okay, so in short either bumili ako ngayon, magantay ako magkaroon dito sa Pilipinas ng Oppo R15 or mag antay ako ng discount sa mga online shops kung gusto yung phone. Hindi nga kagandahan yung mga mediatek na processor ng smartphones, kaya din siguro mid-range pa rin yung classification nito kahit mahal yung presyo, hindi din maganda na mabilis malowbat yung phone kasi malakas ako gumamit ng phone. Anyway salamat sa mga replies

Good Answer

Zhy Natividad

  • Zhy Natividad
  • Sep 3, 2018

meron nb nyan dto sa kuwait?

Good Answer

Reply

Junieper

  • Junieper
  • Aug 8, 2018

Monthly installment saka mag kano downpayment kung meron?

Nido Ra

  • Nido Ra
  • Aug 8, 2018

Through credit card siguro meron hulog pero yung installment mula sa seller depende na yun sa kanila. Kapag mga online shops malamang hindi ka makakapag installment basta basta, siyempre maingat din sila sa ganyan, kung may tindahan naman sila, possibleng may home credit sila para makapag installment ka

Good Answer

Cardo Versoza

  • Cardo Versoza
  • Aug 8, 2018 / Good Answers : 2

Kaunti lang sa mga sellers lalo na sa mga online shops nag ooffer ng installment, understandable naman kasi mahirap mag set-up ng installment sa mga banko as payment kung ikaw yung may ari ng business, pero para sa iba malamang maingat lang sila sa mga fraud kaya hindi pumapayag ng installment, icheck mo na lang yung mga seller dito baka meron sa kanila pumapayag sa installment

Good Answer

#JULYAnne

  • #JULYAnne
  • Aug 13, 2018

hndi lahat ng sellers dito mag ooffer ng monthly payment, kung yun ang kaya mo pumunta ka sa mall tapos hanap ka home credit ot aeon mas okay yun na hulugan, pag online parang wla naman ksi nagoofer ng ganun so kung yun ang kaya niyog payment terms ganun nalang po ang gawin ninyo unless mag cash loan kayo diba, knya nya nalang na dskarte sa bgay na gsto natin.

Good Answer

Arturo Ayawpapili

  • Arturo Ayawpapili
  • Aug 16, 2018 / Good Answers : 6

Yung ganyan mga tanong, tungkol sa installment at downpayments dapat derecho na sa sellers tinatanong yan, kasi kahit may sumagot sayo dito, naka depende yun sa mga nakausap nilang seller na. Pwedeng yung napagbilhan ng ibang buyer na seller nagpapainstallment tapos yung sayo hindi, or tanongin mo na lang yung iba kung kanino or saan sila bumili

Good Answer

Junieper

  • Junieper
  • Aug 16, 2018

Ah, okay sige check ko na lang sa mga nagbebenta dito

Jambi

  • Jambi
  • Aug 24, 2018

Parang malabo na may magpapainstallment ng mga ganito lalo na online shops

Good Answer

Arturo Ayawpapili

  • Arturo Ayawpapili
  • Aug 24, 2018 / Good Answers : 6

Meron naman nagpapainstallment na mga online shops, saka kung hindi naman sila pumapayag sa installment, basta may online payment, pwede ka naman mag bayad ng installment sa banko mismo kung credit card gamit mo, mas mahal nga lang dahil sa finance charge saka interest pero at least mas magaan pa din sa bulsa kesa mag bayad ka ng isang bagsak

Good Answer

Jambi

  • Jambi
  • Aug 24, 2018

Sa bagay may punto ka naman, wala pa din kasi ako nakikitang online shop na may option para mag bayad ng installment sa kanila kaya medyo hinala akong meron talagang nagpapabayad ng installment. Kapag banko naman, madalas madadaya ka lang kapag hindi ka marunong tumingin ng billing statement, kung ano anong service charge nilalagay nila

Good Answer

Reply

An Tonio

  • An Tonio
  • Jul 21, 2018 / Good Answers : 1

Mga around 29k down to...kasi sa €448 sya...but im not sure...

Reply

Hi

Hecilyn Almeda Fundal

  • Hecilyn Almeda Fundal
  • Jun 12, 2018

Magkaano Kaya to

Reply

Niana Niana

  • Niana Niana
  • May 18, 2018

Ano latest model ng oppo f7 o r15?

Reply

Mark Seguancia

  • Mark Seguancia
  • Apr 17, 2018

I think 21,999.00 kasi sa India ¥3,299

Sephy

  • Sephy
  • Apr 17, 2018 / Good Answers : 19

Yen yang ginamit mong currency symbol, Rs kapag India meaning Rupee, isa pa konti lang difference ng Yen, Rupee at Peso kaya impossible yang conversion mo, ginamitan mo ba talaga ng math yan or hula lang? Anyway check mo ng maigi yang info mo at baka umasa yung iba sa maling conversion mo

Good Answer

Terra

  • Terra
  • Apr 26, 2018 / Good Answers : 11

Sa lahat ng sinabi mo walang tumama kaya hindi ko alam yung gusto mo sabihin, check mo na lang yung official price nito sa website nila saka gumamit ka na lang ng tamang currency converter para alam mo kung anong currency ginagamit natin saka sa ibang bansa

Good Answer

Reply

ROcelle MaLonzo MAriano

  • ROcelle MaLonzo MAriano
  • Apr 14, 2018

How much is the initial price and is it available in all malls??

Dudung

  • Dudung
  • Apr 15, 2018 / Good Answers : 3

actually, this is a new phone kaya wla pa naka indicate na price nito, baka within this month magkaroon na ito kaya we just need to wait kung kailan ba ang release ng phone na ito from Oppo, kaya hndi pa dn ito available sa mall.

Good Answer

Mjc Serraano

  • Mjc Serraano
  • Jun 13, 2018

mga lodi, paano ba maka-order ng bagong oppo phone r15? wala pa yatang nirrelease nito sa pinas hayy

Good Answer

Reply

Page 1 of 1

Latest Topics for Mobile Phones

LEO MAR

the maintenance

Yung speaker nito is medyo hindi malinaw kapag nakikinig ka ng mga musika and of course sa camera nito medyo night vision masyado hindi mayadong clear and parang blurry narin? Ano po bang problema nito sa phone or yong speaker talaga ng nasa phone ko and ... Read more

  • Last updated : Dec 18, 2018
  • Posted by LEO MAR
  • Replies of This topic : 2 Replies

Mario Balingit

Oppo

Napa wow ako sa price nito ah, sobrang mahal naman parang iPhone narin yung presyo nito, ang tanong ngayon kung ano kayang gawin ng phone nato ? gusto ko kasi yung updated sa lahat ng apps tsaka nka LTE network ba ito?

  • Last updated : Dec 18, 2018
  • Posted by Mario Balingit
  • Replies of This topic : 5 Replies

Joel

How to move apps on sd card

Wala po akong nakitang option sa settings na pwede i-transfer sa sd card yung mga apps or games

  • Last updated : Dec 17, 2018
  • Posted by Joel
  • Replies of This topic : 18 Replies
  • 1 Good Answers
View Mode: PC | Mobile