OPPO Find X2 Pro Forum

Please feel free to post your questions on this product.

Start a new topic

Joey conception

  • Joey conception
  • Jan 12, 2021

Bakit ang mahal ng phone na to? flagship ba to? wala nmn wireless charging feature pero parang flagship ang price nya

Apple Mos

  • Apple Mos
  • Jan 19, 2021 / Good Answers : 1

Eto ung successor ng find x, pag kakatanda ko e ang mahal din ng phone na un nung rinilease. ing find series ang flagship phone ng OPPO , high refresh rate, oled siplay, flagship chipset at img fast charge speed nya e talo pa kahit ang samsung. kung e tatanong mo sakin e proper flagship naman tong phone na to. ang kulang lang e walang wirelss charging nde katulad ng ibang flagship models.

Good Answer

Joey conception

  • Joey conception
  • Jan 23, 2021

Yung xiaomi mi 10 series e may wireless charging naman, ang wala lang wireless charging feature na naka flagship level na chipset e realme x2 superzoom, mi 10t pro, vivo x50 pro+ at non-pro models ng huawei p at mate series.

Apple Mos

  • Apple Mos
  • Jan 23, 2021 / Good Answers : 1

Hindi naman declared na flagship yang mga minention mo. since flagship ang best of the best na ererelease ng isang company e para assuming nlng na may wireless charging ito kasi most flagships e meron naman,. pero wala nmn rule na nag sasabi na may wireless charging dapat ang isang flagship phone.

Good Answer

Reply

Kevin Hernandez

  • Kevin Hernandez
  • Jul 11, 2020

Hindi ko kasi nilalabas kapag naulan o naambon kasi takot ako masira pero yung ibang phone at brand nakikita ko ginagamit pa din ng mga tao kahit naulan, eto kaya okay lang din?

Rommie Cadag

  • Rommie Cadag
  • Jul 13, 2020 / Good Answers : 1

Pwede naman, yung iPhone ko nga kilala na masyadong maarte at maselan na smartphone nagagamit ko kahit malakas ang ulan, siguro wag mo lang hayaan pumasok yung tubig sa mga butas ng phone at problema din yung malalaki ang patak na ulan kasi nadedetect ng screen yun kaya kung ano ano yung napipindot, kung hindi mo naman talaga kelangan ilabas wag mo na gawin sa ulan

Good Answer

Limuel Castro

  • Limuel Castro
  • Jul 13, 2020

Wala naman problema pero kapag malakas lakas na yung ulan mas safe na itago mo na lang, baka pumasok sa butas ng phone at yun nga, masira pa kasi iba yung loob ng phone kesa labas, hindi kasi magiging water proof o resistant yung mga motherboard kaya depende sa casing na yun at design kung paano mapipigilan umabot yung mga liquid sa mga maseselan part ng phone

Good Answer

Ogie Salas

  • Ogie Salas
  • Aug 20, 2020

Bakit naman hindi? Ang hindi pwede mabasa yung loob ng phone

Good Answer

Brent Sanchez

  • Brent Sanchez
  • Aug 20, 2020

Bakit hindi? Kasi masisira yung phone loko, lahat ng electronic gadgets nasisira sa tubig, pero totoong hindi masisira yung tubig sa ulan unless yung ulan makapasok sa mga butas butas ng phone tulad ng usb slot, earphone jacks and speakers, kaya hindi sila madali masira sa ulan pero mabilis kapag nalulubog sa tubig kasi nakakapasok sa loob ng phone

Good Answer

Pops Bernadino

  • Pops Bernadino
  • Sep 25, 2020

Pwede naman maulanan pero para lang safe wag mo na ilabas kapag talagang buhos yung ulan kasi hindi mo masasabi na walang papasok sa loob ng phone kapag malakas yung ulan, kung normal na ulan pwede naman lalo na kung paambon ambon lang ang nakakainis lang kasi nag rerespond yung touch screen sa malalakas na patak na ulan

Good Answer

Crococrunch

  • Crococrunch
  • Jan 23, 2021

@Kevin Hernandez to answer your qusetion, e yes. ang oppo find x2 pro e may official spec indicating na its ip68 rating certified. meaning na water and dust resistant ang phone na ito. simple splashe sa screen or any part of the phone should not be an issue. in case naman na may pumasok sa usb port e may aalert naman ang phone and will say to dry it off.

Good Answer

Reply

Chino Tuling

  • Chino Tuling
  • May 20, 2020

Meron bang app na pang edit ng sound or music at maganda kaya yun sa mga ganitong phone? Kahit simpleng editing lang kasi gusto ko lang may mabawas sa trabaho ko habang nasa biyahe

Lara Ching-Cortez

  • Lara Ching-Cortez
  • Jun 8, 2020

parang mas okay kung sa laptop kayo mimso mag edit ng music, pero pwede namn din siguro mga simple music editing lang, isearch niyo lang sa Google playstore at subukan ang ibat ibang app para makita niyo kung ano ang mas okay dito o hindi kasi doon niyo ma discover kung ano ang best na gamitin sa mga editing apps.

Good Answer

Christy Diaz

  • Christy Diaz
  • Jun 9, 2020

maraming editing apps sa google play, check molang pero mas magagamit mo ito ng maayos kung paid version ang kunin mo compared sa free kasi limited lang ang pwede mo gawin sa mga free na editing apps, hanap kanalang ng mura na klase pero for sure meron yan, at depende din kung anong klase music ang iedit mo kasi

Good Answer

Rose Orduna

  • Rose Orduna
  • Jun 10, 2020

depende sa edits na gagawin mo kung basic lang mga free version okay na yun.

Good Answer

Mark Yves

  • Mark Yves
  • Jun 11, 2020

mas okay kung sa computer mag edit kaysa sa phone lang

Good Answer

Brent Sanchez

  • Brent Sanchez
  • Aug 20, 2020

Ako din in favor kung sa computer ka na lang mageedit ng sounds, mas limited kasi yung options for sure kung meron man sound editing app dahil mas mahina pa din yung power ng smartphones kesa sa computer talaga, yung mga processor ng phones wala pa sa kalahati ng kaya ng isang processor ng computer lalo na pag dating sa video at sound cards

Good Answer

Pops Bernadino

  • Pops Bernadino
  • Sep 25, 2020

Kung kelangan mo talaga mag on the go edit ng mga kung ano ano suggest ko mag tablet ka na lang kesa sa phone na to o kahit anong smartphones, mas madali mag edit ng apps sa tablet at meron din mga editing apps na kelangan ng precise control kaya tablet talaga mas maganda, meron naman na malalaking display halos notebook na yung laki

Good Answer

Manny T

  • Manny T
  • Jan 23, 2021

kahit anong smartphone e walang sound editing app, pero lahat may preinstalled na media player to play your mp3 / mp4 datas. ive never heard a smartphone to sport such issue kasi may copy right issues din ang mga songs sa mag eedit kaya nde rin sila pde mag lagay nyan.

Good Answer

Reply

Ryan Susih

  • Ryan Susih
  • May 20, 2020

Kasi dami ko nakikita nag kocomment sa phone na to na maraming nag aantay, hindi lang dito pati sa ibang forums, maganda ba talaga?

Nestor Pullon

  • Nestor Pullon
  • May 22, 2020

Maganda naman talaga yung Find X kaya siguro madami din nag aabang nitong X2 Pro, sana nga lang hindi madisappoint yung mga tao kasi madalas na nangyayari sa mga series yan, pangit yung mga susunod na lumalabas, ang mahal pa naman nito mas mahal pa ata sa Galaxy S11 kaya sana worth it nga talaga yung presyo ng phone

Good Answer

Limuel Castro

  • Limuel Castro
  • Jul 13, 2020

Kilala lang yung brand at maganda lang siguro yung pagmarket sa phone pero hindi naman highly anticipated tulad ng mga pinapalabas ng ibang tao, baka nga parte pa ng marketing team yung mga sinasabi mong nagaabang nung paglabas nitong Find X2 pro. Maganda din naman yung specs ng phone, hindi maluluge yung bibili pero mas maganda pa din yung phone ng mga kilalang brand, at least yung mga high end

Good Answer

Brent Sanchez

  • Brent Sanchez
  • Aug 20, 2020

Anticipated siguro para sa mga Oppo users kasi maganda nga naman talaga yung specs niya kung titignan mo, pero overall may mga ibang phones pa din na mas maganda kesa dito, kung papipiliin siguro yung iba over dito malamang Samsung or Xiaomi yung brand na piliin nila. Still kahit ako nagagandahan ako sa specs nito, pero hindi ko pa nakita yung mismong performance

Good Answer

Kenneth Gamboa

  • Kenneth Gamboa
  • Sep 25, 2020

Okay naman yung specs nito ah? Maganda nga actually, talagang aabangan ng mga fans ng Oppo

Good Answer

Lester Restua

  • Lester Restua
  • Sep 25, 2020

Agree din ako na dapat lang abangan tong Find X2 Pro, kahit hindi naman siya kasing ganda ng mga high end ng Samsung at Huawei o iPhone, maganda pa din naman specs niya saka mas mura kaya kung meron mga naghahanap ng mura at magandang smartphone magandang choice itong Find X2 Pro, wala din naman ako naririnig na malalang issue dito

Good Answer

Reply

Gabriel Facundo

  • Gabriel Facundo
  • Apr 11, 2020

Siguro naman nadelay yung release nito dahil sa mga lockdown, meron bang update kung kelan yung schedule?

Patrick Halimbaoa

  • Patrick Halimbaoa
  • Apr 12, 2020

Kelan nga ba yung released date nito? March lang nakalagay paano kung nalabas na to bago pa yung lockdown? For sure meron na niyan sa mga tindahan pero kung nung lockdown period na yan baka nga delay na pero tingin ko mabebenta din agad yan pagkatapos mismo ng lockdown kasi ready for shipping na sila kung during lockdown period

Good Answer

Zack Jeong

  • Zack Jeong
  • Apr 12, 2020

Well sana ibenta agad kasi nag bayad na ako ng pre-order, ang pangit naman kung mag aantay pa ulit ako ng bagong release date after ng mga lockdown, lahat ng pre-orders ko delay na dahil sa lockdown, wala na ko magawa dito sa bahay, sana talaga hindi na maextend yung lockdown. Pwede ko ba itawag sa customer service kaya to para lang mang hingi ng update sa mga pre-orders?

Good Answer

Manuel Sanchez

  • Manuel Sanchez
  • Apr 12, 2020

Dapat talaga tawagan mo sila tungkol diyan lalo na yung tindahan na pinagbilhan mo ng pre-order pero ang problema kung may sasagot ba sa tawag mo? Hindi naman kasi essential job yang customer service ng mga cellphone at pagtitinda ng cellphone, malaking chance na walang tao sasagot sayo, pero pwede mo naman ata email yung Oppo customer service

Good Answer

Gabriel Facundo

  • Gabriel Facundo
  • Apr 12, 2020

Problema nga talaga yan sa mga nag pre-order, bakit nga ba kasi may mga nag pre-order parang malabo naman maubusan kayo ng units? Hindi naman mainstream yung brand, for sure kahit hindi kayo agad bumili hindi mauubos yung stock nila ng mga phones saka sa mahal ng mga smartphones malabo talagang magkaubusan ng stock

Zack Jeong

  • Zack Jeong
  • Apr 12, 2020

Siyempre hindi mo din masasabi kung mauubos o hindi yung stock sa tindahan, madami din kaya nabili ng Oppo phones. Paano ba mag email sa customer service ng Oppo saka may tracking number ba yang mga ganyan? Sa tindahan ko lang naman kasi binayaran, sana pwede na lang refund kung madelay pa yung release ng phone, para online na lang ako bibili

Good Answer

Felipe Velasco‎

  • Felipe Velasco‎
  • May 13, 2020

lagi namang may bagong release na phone ang Oppo eh, pero kung gusto mo macheck ito unting tiis nalang pag nag open na ang malls, sa ngayon check check muna tayo online sa mga bagong phones nila, ito din kasi ang gusto ng mama ko na brand, mas sanay siya na gamitin ang Oppo phones kaya baka bibili kami ng bagong Oppo ulit para sa kanya.

Good Answer

Emma Ilustrisimo

  • Emma Ilustrisimo
  • May 14, 2020

hindi naman natin macheck din kung meron naba tayo talaga kasi close pa ang mga malls, pero kung online mayroon na akong nakikita na phone nito so kung interesado kayo na bumili nito sa online palang sa ngayon ang sabi kasi nung March pa itona release kaya available na ito nung March pa, kung may kakilala kayo na phone seller ask niyo nalang sila.

Good Answer

Ryan Matoog

  • Ryan Matoog
  • May 14, 2020

wala naman official announcement probably after GCQ na mga bro and sis

Good Answer

Lester Restua

  • Lester Restua
  • Sep 25, 2020

Wala pa din ata sa Pilipinas o mga tindahan nitong Find X2 Pro, wala pa din private seller nakikita ko dito pero baka hindi lang nagpopost, sa mga naghahanap ng tindahan na mapagbibilhan nito try niyo na lang siguro sa MOA o malalaking mall, madami naman tindahan nag bebenta ng Oppo phones baka meron sila nito, yung mga alangan mag hanap sa malls, pwede kayo mag order na lang online, may mga seller at mas mura yung benta

Good Answer

Reply

Page 1 of 1

  • 1

Latest Topics for Mobile Phones

April Gene

Reno 3 to Reno 4

Okay ba yung upgrade ng Reno 3 to Reno 4 ng Oppo?

  • Last updated : Feb 26, 2021
  • Posted by April Gene
  • Replies of This topic : 5 Replies

Luis Miraflor

Maganda ba talaga MediaTek?

Ewan ko lang kasi yung mga phone na nakikita ko MediaTek ang gamit, mejo laggy yung phone. Hindi kaya nataon lumang model ng MediaTek yung gamit dito saka sa ibang phones?

  • Last updated : Feb 26, 2021
  • Posted by Luis Miraflor
  • Replies of This topic : 2 Replies

Angelo Servini

new Reno series

ano po ang difference ng Reno 4 sa Reno 3 na series? malaki ba ang difference niya

  • Last updated : Feb 25, 2021
  • Posted by Angelo Servini
  • Replies of This topic : 11 Replies
View Mode: PC | Mobile