OPPO A33 Forum : "Good phone"

Good phone

Roshan

  • Roshan
  • Aug 4, 2018 / Good Answers : 1

Okay ba tong phone?

Arturo Ayawpapili

  • Arturo Ayawpapili
  • Aug 4, 2018 / Good Answers : 7

Pang budget phone siguro okay lang. Maganda naman yung mga Oppo smartphones, hindi man ganun ka high end or comparable sa mga sikat ng smartphones tulad ng iPhone at Samsung Galaxy S series, hindi ka naman talo sa mga murang phones nila kasi at least mas maganda yun kesa sa mga budget phones ng Cherry mobile

Good Answer

Cardo Versoza

  • Cardo Versoza
  • Aug 5, 2018 / Good Answers : 2

Kung naghahanap ka ng mas decente na smartphones, pwede mo naman itry yung Oppo A83 mas okay siya kesa A33 lalo na kung hindi lang basta tawag at text yung gamit ng phone mo. Pwede ka din siguro mag Vivo V3 or V5, hindi ko alam kung ano yung counter part ng Oppoe A83 sa Vivo pero pareho lang naman okay yung 2, mas mura lang ata yung Vivo

Good Answer

Roshan

  • Roshan
  • Aug 8, 2018 / Good Answers : 1

Actually medyo malaki laki din naman yung budget ko para sa pagbili ng bagong smartphone, max ko na P12,000 pero siyempre kung makakahanap naman ako ng phone na mas mura at okay naman edi doon na ko para makatipid din. Naghahanap kasi ako ng matino yung performance na phone, yung hindi malag or maliit masyado memory, yung magandang camera plus lang pero okay lang kahit pangit camera basta okay yung phone

Arturo Ayawpapili

  • Arturo Ayawpapili
  • Aug 16, 2018 / Good Answers : 7

Kung ganun, ang pwede ko isuggest na mga brand sayo ay Oppo, Vivo at Xiaomi. Yung Oppo at Vivo may mabibili ka ng smartphone nila na maganda ganda sa halagang P12,000 lalo na kung camera din habol mo tulad ng karamihan, kung functionality naman hanap mo, Xiaomi ang magandang choice. Hindi kasi ako sure sa camera ng Xiaomi phones pero ayos yung software niya saka matataas yung specs ng phone nila compare mo sa ibang smartphone na kapresyo ng Xiaomi phones

Good Answer

Master George

  • Master George
  • Aug 16, 2018 / Good Answers : 3

depende din kung ano bang feature ang hanap mo, battery capacity, camera specs, size design. kaya ikaw lang dn talaga mkksabi kung okay ang fon na yun o hndi.ako oppo user ako kaya subok ko na ang mga phones nila at para dito sa a33 okay din naman simple lang mura pero maayos ang quality ng phone na ito.

Good Answer

Bata bata

  • Bata bata
  • Aug 26, 2018

Mas okay ba kung iroot ko na lang to?

Good Answer

Junieper

  • Junieper
  • Aug 26, 2018

Kung mas magamit ka ng applications kesa sa mga basic features ng smartphone, oo, mas magandang iroot mo na lang ito kesa gamitin yung official software. 16GB lang yung internal memory nito, mauubos agad yan kasi mga pre-installed apps pa na kakain ng memory space, at least kapag rooted pwede mo idelete lahat ng hindi mo ginagamit

Good Answer

Bata bata

  • Bata bata
  • Aug 26, 2018

Okay, ano mas okay na pang root? Hindi ko kasi alam kung anong rooting apps na pwede ko gamitin para sa model ng smartphone ko, Oppo A33 din naman yun.

Good Answer

Junieper

  • Junieper
  • Aug 26, 2018

Hindi ko din alam kung anong rooting app ang pwede mo gamitin sa A33, ang masama kasi niyan hindi naman official Android OS yung gamit nito, variant lang ng Android OS yung Color OS, base siya sa Android kaya halos walang pinagkaiba sa mga Android smartphones, pero hindi ko sure kung compatible yung mga rooting apps sa Color OS. Ang pinaka safe na option na mabibigay ko ay mag manual rooting ka na lang, mas hassle saka risky comapre sa pag gamit ng rooting app, pero at least yun sure ako pwede mo gamitin pang root ng Color OS, pwede mo din naman isa isahin yung mga rooting app, check mo kung alin doon yung may compatibility sa mga Oppo smartphones

Good Answer

Kalbong Kalibo

  • Kalbong Kalibo
  • Feb 15, 2019 / Good Answers : 1

Bakit hanggang ngayon wala pa din seller?

Good Answer

Sven Michael

  • Sven Michael
  • Feb 15, 2019 / Good Answers : 3

Baka hindi ito narelease sa Pilipinas at walang global version din? May mga ganun naman cases o model ng phones na hindi nilalabas globally or minsan naiiba yung model name kapag nilabas sa ibang bansa, pero sa Oppo A33 baka wala lang talaga sa Pilipinas. Kadalasan naman kahit wala sa mga tindahan or malls basta may global version may makikita kang nagbebenta online

Good Answer

Saga Beach

  • Saga Beach
  • Feb 15, 2019 / Good Answers : 1

Baka may seller naman nito na online shop pero hindi lang nagpost dito? Sales ad naman kasi itong website so possibleng hindi lang sila dito nag post, check mo na lang sa ibang online shop muna kung meron kapag wala, edi mag antay ka na lang dito ng update tutal mabilis naman mag update ng seller dito kung meron

Good Answer

Arnel Duo

  • Arnel Duo
  • Feb 15, 2019 / Good Answers : 1

Natry mo na ba mag check na lang muna sa mga malls at tindahan ng mga Oppo? Baka naman meron sila nito, hindi naman ito kagandahan phone tingin ko low end na model lang ito base sa baba ng hardware specs. Kung wala talaga nito sa mga malls at online shop edi pumili ka na lang ng iba malamang madami kang makikita na low end phones na may kapareho ng specs nito

Good Answer

John Apex

  • John Apex
  • Feb 15, 2019 / Good Answers : 2

Kung eto talaga yung inaantay mong smartphone mag antay ka na lang ng mga ilang buwan pa baka marelease na to sa Pilipinas. Pero baka mas madali kung maghahanap ka ng second hand na ganito muna, para matesting mo din saka mas makamura ka. Kung accessible sayo yung Greenhills maganda unang mag check doon, madaming stall ng mga buy and sell phones doon baka makahanap ka

Good Answer

gorio

  • gorio
  • Feb 17, 2019

wala ng magbebenta nito at hindi naman maganda ang phone na ito. Kung balak niyo mag Oppo mag ibang model ka nalang kasi hindi maganda ang specs ng phone na ito so mas okay kung pumili kanalang ng ibang phone. Luma na din to kaya hindi updated ang specs niya kaya wag kana din m ag expect na okay itong phone na ito.

Good Answer

jastine o. santos

  • jastine o. santos
  • Feb 17, 2019

Hindi ko pa nakikita ang phone na ito sa mga Oppo stores hindi naman at na release ang ganitong klaseng Oppo na model. Luma na din kasi ito pero as a budget phone okay na ito for sure mura lang itong phone na ito kasi hindi naman ganun ka bago ang specs niya so mumurahin lang ito na klase kaya siguro wala ng stock nito.

Good Answer

gladys gonzaga

  • gladys gonzaga
  • Feb 17, 2019

hindi ko talaga gusto ang Oppo hindi matagal ang battery ng mga telepono nila.sayang lang sa pagbili.

Good Answer

gorio

  • gorio
  • Feb 17, 2019

maganda naman din ang Oppo, depende lang din sa model na pipiliin mo, mas okay kung medyo mamahalin na phone kapag mura lang kasi talagang hindi maganda na quality yun pero kung mahal at high end na model ng phone mas okay yung phone nila yun ang pansin ko kaya kung bibili ka Oppo check maige ang specs.

Good Answer

tonymoly babe

  • tonymoly babe
  • Feb 17, 2019

para sa akin okay naman ang Oppo na phones wala naman ako problema sa mga phones nila

Good Answer

Reply

Latest Topics for Mobile Phones

Ijay Mendiola

Cloud app meron din ba Oppo?

Karamihan ng phone companies may sarili ng cloud system, meron na din ba Oppo?

  • Last updated : Sep 18, 2020
  • Posted by Ijay Mendiola
  • Replies of This topic : 0 Replies

Ijay Mendiola

Bakit ganun?

Mas mabilis at madami pang nilalabas na low end phones kesa sa mga mid range at High end? Magets ko pa mas onti high end kasi mas mahal pero yung mid range dapat mas madami kesa low end

  • Last updated : Sep 14, 2020
  • Posted by Ijay Mendiola
  • Replies of This topic : 4 Replies

Michelle Bantile

best feature?

Ano naman po ang mai offer ng bagong Oppo phone na ito?

  • Last updated : Sep 14, 2020
  • Posted by Michelle Bantile
  • Replies of This topic : 4 Replies
View Mode: PC | Mobile