Nokia 7.2 Forum

Please feel free to post your questions on this product.

Start a new topic

Francis Villota

  • Francis Villota
  • Apr 26, 2020

Kahit anong ayos ko ng oras ko iba yung lumalabas laging mali, tapos pag ginagawa kong automatic mas lumalayo yung oras, paano ayosin?

Mark Lopez

  • Mark Lopez
  • Apr 27, 2020

Baka iba kasi yung timezone ng phones mo kaya ganyan? Try mo iset tapos kapag ayaw pa din subukan mong iset yung language ng English automatic baka maayos, saka mo ulit gawin automatic yung settings ng oras. Kapag ayaw pa din at talagang gusto mo maayos yung oras niyan baka kelangan mo na ireset yung phone mismo kaso hassle lang din

Good Answer

Reply

Jerry Paragas

  • Jerry Paragas
  • Apr 26, 2020

Pwede ko pa din ba gawin Windows yung operating system ng Nokia? Dating Windows din sila o meron pa ba? Pero gusto ko ito na windows OS

Mark Lopez

  • Mark Lopez
  • Apr 27, 2020

Ewan ko lang yung phone na ito kung ganun kadali, madalas mga hacker ginagawa yun sa ibang phone pero depende din kasi yun sa hardware ng phone mismo at requirements ng Windows OS. Kung hindi man kaya edi hindi rin malalagay yun sa phone na to, ang alam ko din kasi mabigat yung Windows OS pero hindi ko alam kung hindi susubukan

Good Answer

Reply

Zack Jeong

  • Zack Jeong
  • Apr 26, 2020

Kelangan ko agad kasi nasira yung LCD ng akin, meron kaya nag bebenta na second hand ngayon? Kahit Lalamove lang ako na bayad

Mark Lopez

  • Mark Lopez
  • Apr 27, 2020

Mahirap na maghanap ng parts ng mga Nokia ngayon dahil hindi na sila kasing lakas tulad ng dati, lalo na ngayon lockdown. Baka kelangan mo na ng bagong phone o magaantay ka talaga ng matapos yung lockdown kasi parang malabong makahanap ka ngayon kahit pwede mo palalamove. Malalang mangyayari jan kelangan mo pa paayos talaga yan sa mga technician dahil sila yung may contact sa mga supplier ng spare parts

Good Answer

Reply

Lorence Tolentino

  • Lorence Tolentino
  • Apr 26, 2020

Wala ng tawad yung mga presyo dito? Final na talaga? Baka second hand naman yung iba

Gabriel Facundo

  • Gabriel Facundo
  • Apr 27, 2020

Sa seller nakadepende yan, tanong mo muna sa seller kung second hand yung binebenta niya o hindi pero para magawa yun kelangan mo makuha yung contact information nila siyempre, nasa page nila yun saka doon pa lang makikita mo din kung ano condition ng binebenta nila, pero halos lahat naman ng binebenta sa online shop ay brand new

Good Answer

Reply

Eugenio Nabor

  • Eugenio Nabor
  • Apr 26, 2020

Matibay pa kaya yung mga Nokia phones? Iba na kasi yung mga smartphones ngayon kaya baka mas less yung durability ng mga Nokia phones ngayon

Reply

PH

Orion Custard

  • Orion Custard
  • Apr 26, 2020

Meron ng ganito sa Pilipinas? Saan kaya pwede bumili nito o legit na online seller?

Reply

mei ling chua

  • mei ling chua
  • Feb 24, 2020

Nokia accessories are hard to fin? meron paba online ito online? like adapters and chargers?

tom J.

  • tom J.
  • Feb 25, 2020

halos lahat online meron try to check nga muna online baka meron sila

Good Answer

Andrew Toralba

  • Andrew Toralba
  • Mar 10, 2020

Mahirap na talaga mag hanap kasi wala na nga yung Nokia, I mean meron pa naman at naglalabas pa sila ng mga smartphones nila pero hindi na sila kasing sikat at in demand tulad ng dati, kaya mas onti yung accessory na gumagawa para sa mga phone nila dahil konti lang naman bibili kung sakali. Sa online shops may nakikita pa ako pero konti lang din

Good Answer

Michelle Zapanta

  • Michelle Zapanta
  • Mar 10, 2020

If chargers lang pinaguusap natin madaming chargers na available for Nokia at depende din sa operating system na gamit, though I assume Windows or Android OS na Nokia smartphone pa yan, pareho lang halos yung mga charger nila sa ibang Android smartphones kaya pwede mo gamitin yung iba, basta piliin mo lang yung tamang USB type for your Nokia phone

Good Answer

Bear Dizon

  • Bear Dizon
  • Mar 10, 2020

May sariling USB type din ba ang mga Nokia smartphones gaya ng iPhones? Tingin ko naman hindi, kaya pwedeng micro usb o c type yung gamit nila, madami kang mabibili na cord para sa mga yan dahil marami na din phones nagamit ng C type at micro usb naman gamit ng mga last gen na smartphones kaya madami ka pa din makikita, yung adapter kahit ano naman basta tamang cord lang gamitin mo

Good Answer

Ej Balabal

  • Ej Balabal
  • Mar 10, 2020

Hindi mo kelangan ng Nokia na adapter pang charge, kahit nga yung adapter ng iPhones pwede ata basta dapat tama lang yung usb type ng cord mo. Kung hindi ka sigurado sa usb type ng phone mo, tandaan mo lang na kapag manipis, pahaba at may edge yung gilid ng usb slot sa phone mo, micro usb yan at kapag mataba or mas malaki ng onti, tapos pa oval yung shape, C type na usb slot yan so ayun yung mga klase ng cord na kelangan mo para sa phone tapos kahit anong charger adapter na

Good Answer

Reply

Luis Serra

  • Luis Serra
  • Dec 19, 2019

Yung mga mas mataas na model niya yung talagang inaantay ko pero meron na din ba nito na global version? Gusto ko matry yung Nokia 9 pero hindi naman kasi nagkakaroon dito sa Pilipinas

Justine Gabat

  • Justine Gabat
  • Dec 19, 2019

Baka global version na din ito? Ang nakita ko pa lang sa mga stores sa mall yung hanggang Nokia 5 and global version na yun, yung iba tulad ng Nokia 10 sa online shop lang nabibili, yung friend ko meron pero as expected hindi siya global version kinapa lang ng friend ko yung language settings tapos nag download ng Google Play store para makapag download ng Google Apps

Good Answer

Mark Delos Santos

  • Mark Delos Santos
  • Dec 19, 2019 / Good Answers : 1

Global version lang din inaantay ko, ayoko bumili ng hindi pa baka kasi masayang pera ko kapag nagloko tapos hindi ko maintindihan yung gagawin, mukha pa naman maganda yung mga Nokia ngayon, siyempre hindi ako nag eexpect na kasing tibay sila ng mga dating phone nila pero yung specs kasi nila mataas saka mura, parang Xiaomi

Good Answer

Luis Serra

  • Luis Serra
  • Dec 19, 2019

Ako pinagiisipan ko na kung bibili ba ko sa mga online shop or mag aantay pa din ako, hindi naman kasi sure na magkakaroon ng global version yung mga susunod na smartphone ng Nokia, yung Nokia 9 at 10 hanggang ngayon wala pa din ako nakikita, baka kapag nagkaroon sila ng global version madami ng mas magandang phone na lumabas

Saneem Jumar

  • Saneem Jumar
  • Feb 10, 2020

bihira ako makakita ng Nokia na brand eh, okay ba ito? wala kasing Nokia sa amin kaya kung gusto ko makita ang mga Nokia phones pupunta pa ako ng megamall para lang makita kung maganda o hindi, dalawang beses palang ako nag ka Nokia at hindi ko nagustuhan ang smartphones nila dati kasi hindi Android buti ngayon Android na

Good Answer

Alexis Paras

  • Alexis Paras
  • Feb 14, 2020

hindi ko gusto ang quality ng mga Nokia na smartphone para sa akin hindi naman sulit na bumili ng phone nila, buti nga nag Android sila kasi kung hindi mas flop sa market ang phones nila. Iba talaga yung dating ng Nokia dati ngayon hindi masyadong maganda ang quality ng mga phone nila, simple lang walang kakaiba at walang unique quality.

Good Answer

Drei.Just. Me 2020

  • Drei.Just. Me 2020
  • Feb 16, 2020

pareho tayo bro hindi ko din gusto ang Nokia ngayon, isa din akong Nokia user nung 5110 pa dati pero after nun hindi na ako na impress dito matagal din sila nawala tapos Microsoft pa ang OS nila kaya hindi maganda kaya mas okay pa din sa akin talaga yung ibang brand, sayang sila sana hindi sila nagbago ng style nila

Good Answer

Amelia Joaquin

  • Amelia Joaquin
  • Feb 17, 2020

hindi ko din gusto ang Nokia, I'd rather choose other brands hindi siya parte sa list ko na gusto ko ang phone nila. Mas okay sila dati talaga pero hindi nila na maintain yun sayang kaya napag iwanan na sila, nakita ko mga bagong phones ila hindi ko talaga gusto ang quality parang same Nokia na stock sa mga lumang Nokai syempre hindi na uso yun eh

Good Answer

Bo Nepumoceno

  • Bo Nepumoceno
  • Feb 18, 2020

hindi kasi high end ang quality ng Nokia ngayon, tried and tested it na at nakaka disappoint ang quality ng mga phones nila, Mas gusto ko pa nga yung quality ng Oppo sa kanila eh kaysa yung ganito poor spec phone ito hindi maganda for gaming, mabilis maubos battery life kaya hindi mo din ito magagamit ng matagal

Good Answer

Alexis Paras

  • Alexis Paras
  • Feb 19, 2020

Iba kasi talaag ang look ng Nokai ngayon at iba din ang quality niya hindi ito makapantay sa mga bagong phone, parang na stuck na sila sa lumang style ng Nokia kaya hindi ko ito nagustuhan at kung ichecheck mo din ang specs hindi talaga ito maganda para sa akin ah, kung ako bibili ng phoen iwasan ko talaga ang Nokia

Good Answer

Reply

Page 1 of 1

  • 1

Latest Topics for Mobile Phones

Marty Barrameda

Maganda yung design niya

Parang starry night yung back casing, pero okay din kaya ito? Wala pa kasi ako naririnig na feedback sa mga android phone ng Nokia

  • Last updated : May 28, 2020
  • Posted by Marty Barrameda
  • Replies of This topic : 2 Replies

Jordan_Martinez

Nokia Asha 202

How much is this? And how to order?

  • Last updated : May 24, 2020
  • Posted by Jordan_Martinez
  • Replies of This topic : 0 Replies

Lorence Tolentino

Price

Wala ng tawad yung mga presyo dito? Final na talaga? Baka second hand naman yung iba

  • Last updated : Apr 27, 2020
  • Posted by Lorence Tolentino
  • Replies of This topic : 1 Replies
View Mode: PC | Mobile