NYX Cosmetics Pore Filler Reviews

Lowest Price P1,140 1 Prices
A vitamin E-infused pore filler primer that helps to minimize the appearance of pores and prep your complexion for smooth makeup application.
  • Primer
  • 20 mL, 50 mL, Long wearing
  • Cream, Fine lines/Wrinkle...
NYX Cosmetics Pore Filler

Compare prices

Reviews

Forum

Overall Rating

Total 3.2

Please feel free to post your review on this product.

Write a Review

Lou Andrei

  • Review by Lou Andrei
  • Apr 17, 2019
Total 2.0

Okay sana kaya lang...

Masasabi kong nagwo-work talaga ito at ginagawang mas maliit tingnan ang mga pores ko. Pero napapansin ko rin na kapag ginamit ko ang powder foundation sa ibabaw nito, ,medyo nagki-cling lang ito sa balat ko na nalagyan ng product na ito at parang nagiging visible ang mga dry skin ko lalo. Maganda rin itong product kung siguro ay gagamit ka ng mga liquid foundation o kaya naman ay hindi na gagamit ng foundation. Pero hindi ito nagwo-work sa everyday routine ko.

Good Review

Leslie Anne

  • Review by Leslie Anne
  • Apr 12, 2019
Total 5.0

Very effective!

Malalaki talaga ang mga pores ko at marami na akong nasubukan na mga pore filler para maitago ang mga ito. Ang product na ito ang isa sa mga naging effective na product para sa akin. Hindi ko na napapansin ang texture nito pagkalabas sa packaging nito na parang thick na tooth paste at medyo madulas pero ang super thick na texture nito siguro ang reason kung bakit very effective ang product na ito. Nira-rub ko muna ito gamit ang fingertips ko at pagkatapos ay lightly iia-apply ko na ito sa skin ko para ma-smoothen ito. Parang ang dulas ng skin ko pagkatapos at reading ready na para makapag-apply ng foundation. Naglalagay pa ako ng primer sa ibabaw ng pore filler bago mag-apply ng foundation. Kalimitan ay ang pore filler lang na ito at tinted moisturizer ang ginagamit ko. At halos araw-araw, gamit ko ito. It's a very effective product!

Good Review

Jovie Santos

  • Review by Jovie Santos
  • Mar 28, 2019
Total 2.0

Nothing special about it

Naghahanap ako ng murang primer dati dahil kailangan kong umattend ng debut ng kaibigan ko at gusto kong i-replenish yung mga makeup ko na naka-stock. Nagawa naman ng pore filler na ito na maging base intact nang mas matagal pero other than that ay wala na itong anumang nagawa. Wala akong napansing naitago nito ang mga pores ko in any way. Ginamit ko ito hanggang sa maubos na rin dahil bare minimum lang naman ang binibigay nito sa skin ko pero sa ngayon ay naghahanap na ako ng bagong pore filler na babagay sa akin at mag-wo-work sa skin ko.

Good Review

Kimmy Pascual

  • Review by Kimmy Pascual
  • Mar 22, 2019
Total 1.0

Parang mas lumaki pang tingnan ang pores ko

Parang ang weird at merong gritty texture ang primer na ito pero gusto ko sana. Maganda kasing ma-smoothen nito ang skin ko at parang nagbibigay ng maganda at sticky base para sa makeup ko. May magandang matte finish din ito nang hindi nagmumukhang peke sa balat kaya nagustuhan ko. Ang isa nga lang na complaint ko ay yung pina-promise nito na imiminimize ang mga pores ko. Pero yung malaking pores ko sa may parteng ilong ko ay parang nagmumukha pang malalaki at obvious na obvious. Gustong-gusto ko pa naman ang primer na ito pero hindi ko lang ini-expect na ma-a-accentuate nito ang pore problem ko. Siguro ay hindi na muna ako magpa-purchase nito.

Good Review

Gailey Zamora

  • Review by Gailey Zamora
  • Mar 14, 2019
Total 5.0

Nakaka-impressed ha!

Na-impressed ako nang sobra sa NYX Pore Filler na ito. Marami akong malalaking pores sa pisngi ko at honestly ay ito ang nakapagpa-minimized nito. Usually ay ginagamit ko ito sa ilalim ng foundation ko pero okay din naman itong gamitin nang ito lang dahil nasubukan ko na nang ilang beses. Medyo nag-aalangan ako sa paggamit ng mga ganitong product sa face ko dahil hindi ako siguradong mag-wo-work nung una pero itong product na ito ay talagang nagwo-work. Inire-recommend ko ito sa mga nagkaka-problema sa malalaki nilang pores.

Good Review

Claudine Lee

  • Review by Claudine Lee
  • Feb 26, 2019
Total 4.0

Pretty nice pore filler

Very oily talaga ang skin ko at saka talagang makikita yung malalaking pores ko. At when I got this pore filler from NYX, 3 days ko pa lang nagagamit eh nagustuhan ko na rin agad. Nung unang gamit ko nito, napansin ko na nag-minimized ang mga pores ko na akala ko ay imposible. Hindi ito sticky sa balat o oily. Nagustuhan ko talaga na na-minimize nito ang mga pores ko pero I only gave ito 4 stars dahil nagiging pinkish ang balat ko kapag naglalagay ako ng pore filler na ito. Pero so far, maganda namang tingnan ang skin ko kaya itutuloy ko pa rin ang paggamit ng product na ito.

Good Review

Mary Rodriguez

  • Review by Mary Rodriguez
  • Feb 25, 2019
Total 5.0

Great pore filler!

Ang masasabi ko lang sa product na ito ay WOW! Talagang may magic ang product na ito at nagwo-work talaga for only half ng price ng mga expensive pore fillers. Maliit lang ang tube nito pero pea size lang ang kakailanganin mo para makapag-apply sa face. Parang pakiramdam ko ay silk ito kapag ini-apply na. Konti lang talaga nito ay tatagal na sa akin. Magsimula ka sa pag-aapply ng konti nito sa t-zone mo at tapos ay i-blend ito. Gamitin mo lang ito after mong makapaglagay ng sunscreen at makapag-moisturize. Pagkatapos na ma-set ang moisturizer sa face, pwede nang ilagay ang product na ito at gawin ang makeup routine as usual. Great buy!

Good Review

Marichris Swift

  • Review by Marichris Swift
  • Feb 24, 2019
Total 1.0

Not buying again!

Sobrang oily ng skin ko at halos palaging napapansin nila at yung pores ko ay talagang kitang-kita rin. Naka-try na ako ng ibang brand at mga mamahalong primer at mga fillers pero nung makita ko yung magandang review nito na nagsasabing dupe daw ito sa Benefit porefessional, bumili kaagad ako kaya lang ay sobrang grainy ang texture nito sa skin ko. At kahit saan ay parang madaling ma-move palagi. Pangit yung pagkakalabas nito sa tube at parang magaspang talaga kaya ang pangit ng pakiramdam sa skin ko kapag ini-aapply ko na.This doesn't work for me. Will just try another brand...

Good Review

Marian Gonzaga

  • Review by Marian Gonzaga
  • Feb 23, 2019
Total 3.0

Not for newbies

Talagang ginagawa ng product na ito ang kini-claim nila. Para sa akin ay dupe ito ng Benefit Porefessional kahit na mas parang dry yung formula nito. Hindi ko naman talaga personally gusto ang parehong product at ito ay parang nagiging lumpy at kailangan ng effort para makuha yung tamang pagka-smooth kahit na sa base lang. At kapag sobrang konti naman ang ini-apply mo, hindi naman tumatagal ang foundation ko at pumapangit ang pagkaka-blend sa ibabaw. Hindi ito perfect para sa mga newbies pero sa mga mas may experience na sa mga makeups, siguro ay magagamayan nila ito at magiging maganda ang kalalabasan.

Good Review

Janella Guevarra

  • Review by Janella Guevarra
  • Feb 20, 2019
Total 3.0

Got breakouts...

Hindi naman pangit ito sa face tulad ng ibang nababasa kong mga reviews. Medyo oily lang siguro pero nag-work naman sa skin ko ito at na-smoothen ang face ko. Talagang na-blur ang pores ko at parang na-minimize din yung fine lines ko. Ang isa lang na naging issue ko dito ay nagkaroon ng mga breakouts ang skin ko after ng ilang araw na paggamit ko nito. Ang akala ko ay dahil lang sa sabon na ginamit ko dahil bago rin yung brand ng soap ko pero nung inihinto ko yung soap ay nalaman ko na ito ang dahilan kung bakit ako nagkaroon ng mga breakouts.

Good Review

Rachel Mendoza

  • Review by Rachel Mendoza
  • Feb 18, 2019
Total 1.0

Hindi ko nagustuhan...

I purchased this three months ago habang naghahanap ako ng murang primer na makakatulong sa akin para ma-minimize yung visibility ng pores ko. Nagustuhan ko lahat ng mga NYX products na binili ko dati at akala ko ay magiging effective din ito sa akin kaya nag-try na rin ako nito. After kong mai-apply ito sa balat ko, nadisappoint lang kaagad-agad ako. Habang ini-aapply ko ito sa skin ko after kong maglagay ng moisturizer parang pakiramdam ko ay naglalagay ako ng glue sa fingers ko. Parang nagiging balls of glue ito sa face ko kaya hindi ko talaga nagustuhan. Hindi ko alam kung pangit na batch ba ang napunta sa akin o hindi pero basta ang alam ko ay hindi ko ito nagustuhan. Siguro ay susubukan ko na lang gumamit ng ibang primer ng NYX.

Good Review

Jenyfer  Grande

  • Review by Jenyfer Grande
  • Feb 17, 2019
Total 5.0

Super amazed with it!

Nakita ko na parang dupe ito ng The Porefessional ng Benefit kaya nag-try kaagad ako nito para makita ko ang magigin magic nito sa skin ko. Nag-apply ako nito sa isang side lang ng face ko at hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Nag-shrink agad at parang nawawala ang mga pores ko at dahil nga para akong na-shock sa product na ito. Nag-apply kaagad ako in patches sa kabilang part ng face ko at true enough, nawala din ang mga pores kaagad at parang walang time na inaantay pa. Yung isang nagustuhan ko pa dito sa product na ito ay sobrang smooth nito sa skin at nakaka-moisturize at parang pakiramdam ko ay ang lambot-lambot ng skin ko.

Good Review

Maki De Jesus

  • Review by Maki De Jesus
  • Feb 13, 2019
Total 1.0

Not for me

Nagustuhan ko kung gaano ka-lightweight ang product na ito kaya lang hindi masyadong effective sa skin ko. Ang akala ko ay mai-ismoothen nito ang balat ko at mafi-fill ang mga pores pero hindi ko ma-distinguised ang kaibahan ng walang nai-apply nito at meron. Madali ring itong mag-dry na parehong pro and con sa akin. Hindi ko mai-apply nang maayos at kailangan kong gumamit ng konti nito para makapag apply nang maayos ang coverage. Nung una rin ay akala ko na maganda itong dupe para sa Benefit Porefessional primer pero hindi naman talaga umeffect sa skin ko. Di ko gusto yung way kung paano yung naging itsura ng makeup ko pagkatapos kong i-apply nito.

Good Review

Chinami Valencia

  • Review by Chinami Valencia
  • Feb 12, 2019
Total 5.0

My skin's bestfriend

Meron akong malalaking pores at sobrang oily ng skin ko kaya nag-purchase ako nito. Marami kasi akong nababasang magagandang feedback tungkol dito. Ini-apply ko ito sa face ko gamit ang fingers ko at sobrang smooth talagang i-apply nito at konting-konti lang nito ay okay na at naging flawless na instantly ang skin ko kaya I really love it! Ini-skip ko na ang foundation dahil dito at kahit na konting powder lang ang i-apply ko ay sobrang okay na ng skin ko. Naging bestfriend na talaga ng skin ko ang product na ito up to now. Love it!

Good Review

Grace  De Ocampo

  • Review by Grace De Ocampo
  • Feb 11, 2019
Total 3.0

Good and bad points...

Sobrang dami kong na-research na brand na mga pore filler bago ako nakabili ng NYX Cosmetics Pore Filler na ito. Marami itong mga magagandang reviews kaya nag-decide akong bumili nito. Para nga lang na napaka konti ng laman nito sa tube at medyo mahirap ding i-apply dahil sa ang dami-dami kong kailangang takpan sa face ko. Pero natatakpan naman nito ang mga pores ko at nagiging matte ang skin ko nang buong araw nang hindi na kailangang mag-blot na isa sa mga nagustuhan ko sa product na ito. Pero ngayon ay nag-dry naman ang skin ko at nagkaroon ng mga dry patches ang skin ko na di ko naman nagiging problema dati. Kaya ngayon ay ginagamit ko na lang ito sa ilong ko na oily talaga at gumagamit na lang ako ng ibang primer sa ibang parte ng face ko.

Good Review

Kaycee

  • Review by Kaycee
  • Jul 18, 2017
Total 5.0

The best pore filler

I have large and visible pores and when I bought this Cosmetics Pore Filler from Nyx, I'm a bit worried because it may cause breakouts to my skin and it will clog my pores. But when I finally used this product, it proved that it's the best pore filler that I used. I really love this product and I even used it without foundation at all. It moisturizes my skin and makes me feel soft and smooth. This is a must buy!

Good Review

Page 1 of 1

Latest Reviews for Beauty

Ang NYX Cosmetics Liquid Suede Cream Lipstick na ito ang isa sa mga best matte na liquid lipstick na nasubukan ko na. Ang isa nga lang na downside dito ay yung shade ay medyo natutuklap kapag hindi ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Kimmy Pascual
  • Date : Mar 31, 2019

Nagre-react ang palette na ito sa mata ko kaagad after kong mai-apply ang eye makeup na talaga namang insane. Nagsimulang mangati ang mga mata ko nang sobra at kailangan kong pahirin ang nai-apply ...Read more

  • Rating : 1.0
  • Review by Fionah Luna
  • Date : Mar 30, 2019

Maraming iba-ibang liquid lipsticks ngayon na naglalabasan pero ang NYX Lip Lingerie formula ay isa talaga sa mga paborito ko. Nagustuhan ko ang range ng mga neutral pero mga diverse nilang mga ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Ivee Villanueva
  • Date : Mar 29, 2019
View Mode: PC | Mobile