NAMU LIFE SNAILWHITE Whipp Soap Reviews

NAMU LIFE SNAILWHITE Whipp Soap

Lowest Price P230 44 Prices
A bar soap that deep cleanses and nourishes your skin with bearberry leaf giving you a brighter skin.
  • Body Wash & Shower Gel
  • Whitening
  • Solid
NAMU LIFE SNAILWHITE Whipp Soap

Compare prices

Reviews

Forum

Overall Rating

Total 4.2

Please feel free to post your review on this product.

Write a Review

Sheena Montefalco

  • Review by Sheena Montefalco
  • Nov 22, 2018
Total 5.0

Love na love kong soap!

I'm a fan of Korean products pero nung nag-try ako nito, alam kong gagamitin ko ito nang matagalang panahon. Mahilig ako sa mga products na merong snail contents kaya bumili ako ng dalawa nito at nagamit ko na ang unang bar at after 3 weeks na paggamit ko nito ay napapansin ko na nagiging parang sobrang clean ng skin ko evrytime na gagamitin ko ito at nagugustuhan ko talaga. Sobrang steal ng product na ito. I'm now on my second bar at okay na okay talaga ang performance ng whipped soap na ito. Sobrang gusto ko ng soap na ito!

Good Review

Trisha Fernandez

  • Review by Trisha Fernandez
  • Nov 20, 2018
Total 4.0

Really smoothens my skin...

I have used this product for already 3 months now at so far, sa napansin ko lang dito ay hindi talaga nakaka-whiten ng skin kahit na merong word na white sa name nito. Ang pwede lang nitong magawa sa skin ay maging brighter at smoother ang skin mo. Mahal ito kumpara sa ibang sabon na nabibili sa market pero okay naman ang effect nito. Ito ay isa sa mga facial bars na na-try ko na at okay lang na palagi akong bumili nito. Sa katunayan ay nag-order na ako nito through online dahil mag-i-istock talaga ako. What I like about this soap ay yung pagiging safe nito sa sensitive skin ko at nagtatagal ang bar na ito sa akin nang dalawang buwan kahit na ginagamit ko palagi sa face ko. Simple lang ang mga ingredients nito pero okay para ma-plump ang skin at ma-minimize ang pagkakaroon ng discoloration at what's important is nakaka-prevent ito ng pimples.

Good Review

Irish Pacumio

  • Review by Irish Pacumio
  • Nov 16, 2018
Total 4.0

Nice on skin...

Nagustuhan ko ang product na ito dahil it comes in a net kaya sobrang natitipid ko ito. Ang kailangan lang ay basain ang soap at kunin ang foam nito. Ang ginagawa ko ay iniha-hang ang soap sa haliip na ilagay ko sa soap dish. Nagustuhan ko na nagawa nitong oil-free ang skin ko at pakiramdam ko ay sobrang clean. Sa Snail White Whipp soap, pakiramdam ko ay sobrang lambot ng skin ko at hindi dry. Hindi rin nagiging oily ang skin ko for hours di tulad ng ibang moisturizing cleanser o facial wash. Ang isa lang na di ko nagustuhan ay masyadong masangsang ang scent nito na sobra naman ang pabango as in kapag papasok ka sa bathroom ay amoy na amoy mo na agad ang soap. May pagka-floral scent ito at kung sensitive kayo sa mga scents, this is not for you. Di ako nagkakaroon ng breakouts after using this ng dalawang beses sa isang araw. As for its whitening effect, I'm not really sure kasi ilang days ko pa lang itong nagagamit pero as for the price, reasonable naman ito...

Good Review

Rea Salazar

  • Review by Rea Salazar
  • Oct 31, 2018
Total 2.0

It dried my skin

Maraming beses ko na ring nagamit ang Body Wash & Shower Gel na ito at napansin ko na nagiging dry ang skin ko. Nakagamit na rin ako ng ibang shower gel pero it kept my skin smoother. Hindi ko alam kung ano ang ingredient na nakalagay dito at nag-cause para mag-flake ang balat ko after kong mag-shower pero hindi na ulit ako gagamit nito unless naubusan ako ng stock ng iba kong shower gel.

Good Review

April Fernando

  • Review by April Fernando
  • Oct 31, 2018
Total 4.0

Not harsh...

Ginagamit ko ang product na ito for already 2 to 3 weeks na at hanggang ngayon ay wala pa akong nakikitang kaibahan regarding sa pag-lighten ng skin ko at sa pagtatanggal ng dark spots maging yung mga dead skin a discoloration sa skin ko ay andito pa rin. Pero ang body wash na ito ay hindi harsh tulad ng mga soap na nagamit ko before at kahit medyo nag-dry nang konti ang skin ko ay parang kuminis naman ito. Pangalawang purchase ko na ito at inaantay ko kung magkakaroon pa ng improvement ang skin ko. Hoping...

Good Review

Lhen Femari

  • Review by Lhen Femari
  • Oct 31, 2018
Total 4.0

Talagang umi-effect sa akin ito

Nagustuhan ko ang body wash and shower gel na ito at talagang nagawa nitong maging super soft and smooth ang body ko. Ang isa lang ng hindi ko gusto dito ay nagda-dry ang skin ko kapag hindi ako naglalagay ng lotion. Pero ever since nang gamitin ko ito, napansin ko na mas naging smoother at mas nag-lighten ang braso ko pati yung binti ko. Yung mga little bumps sa may bandang siko at sa tuhod ko ay parang unti-unti na ring nawawala. Thanks to this body wash..

Good Review

Risa Nobles

  • Review by Risa Nobles
  • Oct 30, 2018
Total 1.0

Not effective at all...

Meron akong few dark spots sa katawan na mula sa mga chicken pox ko noon pa at after kong makabasa ng mga positive reviews about this, nagkaroon ako ng hope na mawawala ang mga ito kapag gumamit ako ng product na ito. Nag-order ako nito online one week ago at ginagamit ko ito consistently nang wala namang nagbabago. Halos ibinabad ko na ito sa katawan ko sa tuwing maliligo ako pero no effect pa rin. Kaya naman I'm so disappointed sa body wash na ito na akala ko eh whitening...hindi naman pala.

Good Review

Elisa Mariano

  • Review by Elisa Mariano
  • Oct 30, 2018
Total 3.0

Got pimples after using this

Hindi naging kasundo ng skin ko ang product na ito. Parang nangati ang skin ko pagkatapos kong gamitin ito at for two days ay may tumubong mga malalaking pimples sa balat ko. Minsan lang ako magkaroon ng malaking pimple kaya I assume na dahil ito sa paggamit ko ng product na ito para sana matanggal ang mga dark spots sa skin ko. Kaya kinailangan ko nang ihinto ang paggamit ng product na ito para sa skin ko at sa apat na araw na hindi ako gumamit nito ay bumalik sa datin ang skin ko pero napansin ko na medyo natanggal nga yung mga dark spots at pigmentation sa balat ko.

Good Review

Angielyn Armijo

  • Review by Angielyn Armijo
  • Oct 30, 2018
Total 5.0

So happy with this soap

One week ko nang ginagamit ang body wash and shower gel na ito from NAMU LIFE at very impressed ako sa performance. Nag-iiwan ito ng mabangong scent sa skin ko at nagiging squeakey clean talaga at hindi nagda-dry. Sa ngayon ay napapansin ko na kaagad ang subtle skin lightening effect nito sa balat ko kaya sobrang na-pleased ako sa product na ito at binabalak kong bumili ulit. Sa nagdaang mga taon ay nagkaroon ako ng mga blemishes at dark spots sa skin ko na mostly sa braso at sa legs ko. Ginagamit ko ang body wash na ito once a day sa katawan pag naliligo at 3 times naman sa face everytime na maghihilamos ako... Thanks sa Namu Life Snailwhite Whipp Soap.

Good Review

Kristine Bernal

  • Review by Kristine Bernal
  • Oct 29, 2018
Total 5.0

Mabilis mag-lightened pero nakaka-dry

Na-lightened nito ang skin ko in a matter of short amount of time lang at masasabi ko talaga ang kaibahan sa dati at ngayon kaya lang sobrang nakaka-dry ng skin ang body wash na ito. Kaya kung meron kayong sensitive skin na tulad ng sa akin, suggestion ko lang ay gumamit ng product na ito nang mga dalawa o tatlong beses lang sa isang linggo. Meron akong uneven skin tone at nakatulong ito nang malaki at maging sa pag-lightened ng mga peklat gawa ng mga acne ko. Sana nga lang ay hindi masyadong nagda-dry ang skin ko dito dahil sa dry na nga ang skin ko simula pa kaya lalong nagda-dry dito. Pero this is still a very nice product kung naghahanap kayo ng murang skin whitener.

Good Review

Carel Alvarez

  • Review by Carel Alvarez
  • Oct 29, 2018
Total 5.0

Hindi nakaka-dry ng skin

Nagustuhan ko ang NAMU LIFE SNAILWHITE Whipp Soap na ito dahil dati ay nakapag-try ako ng mga lightening soap na nakapagpa-dry lang ng face ko at nagkakaroon ng stinging sensation sa skin. Hindi nakaka-dry ng skin ang body wash na ito at nagiiwan ng malambot at makinis na skin sa akin nang may mabangong scent pa. Nag-try ako na i-leave sa skin ko ito nang ilang minuto at nakita ko na mas nag-brighten pa ito. Ginagamit ko ito para mag-lighten ang mga dark spots ko sa skin ko lalo na sa mga dry areas na tulad ng siko at tuhod. Inire-recommend ko ito sa mga gusto ng brightening soap na may mild brightening power at nakakapagpalambot ng skin at wala pang anumang mga harsh chemicals...

Good Review

Erika Cornilla

  • Review by Erika Cornilla
  • Oct 29, 2018
Total 2.0

Hindi nakaka-lighten...

Binili ko ito dahil sa nakita ko sa mga review na maganda nga daw ito at kumpara sa dating ginagamit ko na Kojic Soap na orange, hindi ko masasabing mas okay ito. While yung scent ay okay naman pero hindi ko maikukumpara ito. Hindi ito effective sa akin dahil wala akong nakikitang anumang lightening at para pa ngang na-irritate ang skin ko. Mas prefer ko talaga ang Kojic soap na orange dahil talagang nakakatulong ito para matanggal ang mga acne ko pati yung mga acne marks pero ang body wash na ito na nakaka-lighten daw ay di naman effective sa akin. Hindi ko ito maire-recommend at hindi na ulit ako bibili nito...

Good Review

Arnilyn Bello

  • Review by Arnilyn Bello
  • Oct 29, 2018
Total 5.0

Talagang may actual na resulta

Almost a month ko nang ginagamit ang body wash soap na ito. Kapag nagshashower ako, gumagamit ako ng regular dove na sabon sa katawan ko tapos nila-lather ko ang body wash na ito at gumagamit ako ng scrubber para ma-scrub yung mga parte ng katawan ko na gusto kong pumuti tulad ng may bandang kili-kili, sa between ng legs ko, sa siko, sa tuhod, sa binti at sa mga peklat-peklat ko sa katawan lalo na sa hita at binti. Tapos bninababad ko ito nang mga limang minuto bago banlawan. Nagsimula kong gamitin ito nang walang masyadong ini-expect at ngayon ay na-surprised ako dahil nakita ko talaga ang magandang resulta nito. Ito ngayon ang aking go to soap at magre-restock ako as soon as maubos na ito.

Good Review

Analyn Garcia

  • Review by Analyn Garcia
  • Oct 28, 2018
Total 5.0

For a whiter underarm

Naghahanap ako ng whitening product noon nang makita ko ang brand na ito at I'm so glad na nakita ko ito. Dati ay sobrang dark ng underarms ko. Kaya naman nag-try ako ng mga lemon juice, mga whitening bars, at hindi rin ako gumagamit ng mga deodorant pero halos lahat ay di nag-work. Then, ginamit ko nga ang body wash na ito ay sobrang amazing ng result sa underarm ko. Nara-rub ko lang ito sa underarm ko hanggang sa bumula at ibinababad ko nang ilang minuto babo banlawan. Pero nagte-take ito ng time to work. Sa ngayon ay dalawang buwan ko nang ginagamit ito at talagang maputi na ang underarm ko. Kaya naman definitely ay bibili ulit ako ng product na ito. I really love it!

Good Review

Anniel Atienza

  • Review by Anniel Atienza
  • Oct 28, 2018
Total 5.0

Truly effective

Gustong-gusto ko ang sabon na ito. At kahit na halos one week ko pa lang nagagamit ito sa mukha ko para maitago ang mga peklat ng mga tigyawat ko, napansin ko na agad ang napakalaking kaibahan ng skin ko ngayon at yung mga peklat ko na nangingitim ay talagang nawala na. Isa pa ay pumuti ang balat ko at nagustuhan ko rin ang scent ng sabon na ito. Usually kasi, kapag gumagamit ako ng mga soap bars ay nagiging dry talaga ang skin ko pagkaligo pero sa sabon na ito, hindi naging dry ang balat ko. Maganda din ito sa may mga oily na skin like me kaya ipagpapatuloy ko ang paggamit ng sabon na ito...

Good Review

Jonalyn Cecista

  • Review by Jonalyn Cecista
  • Oct 26, 2018
Total 5.0

Super effective na soap

Nakikita kong nagiging trending ito ngayon sa mga celebrities kaya nag-decide akong sumubok nito at so far ay nagugustuhan ko ito. Meron akong sensitive na skin at hindi nakaka-irritate ng skin ko ang soap na ito. Nagustuhan ko rin na nakalagay ito sa isang mesh bag kaya mas madali kong ma-lather ito into foam. Ito rin ang sabon na nag-iiwan sa skin ko ng super clean na pakiramdam at super refreshing pa. Napapantay din nito ang skin tone ko dahil sa whitening properties nito. Highly recommended ko ang soap na ito....

Good Review

Rosella Ignacio

  • Review by Rosella Ignacio
  • Oct 25, 2018
Total 5.0

Great...

Matagal ko nang ginagamit ang sabon na ito at sa sobrang panghihinayang ko at ayoko agad na matunaw ay hinahati ko ito sa dalawa. Ginagamit ko ito nang dalawang beses sa isang araw at napansin ko na mas naging makinis pa ang kutis ko at yung fair skin ko na dating nag-tan ay unti-unti nang bumabalik sa dati. Dati ay hassle sa akin na mag-wash ng face nang dalawang beses sa isang araw pero ngayon ay mas feel na feel ko yung pagiging cleaner ng skin ko. Nire-reverse nito ang negative effect ng sobrang harsh na sikat ng araw. Bibilhin ko ang sabon na ito over and over again. Great soap for me!

Good Review

Lorraine Miguel

  • Review by Lorraine Miguel
  • Oct 22, 2018
Total 5.0

This soap really works!

Nagustuhan ko na merong bearberry leaf ang soap na ito na nakakatulong para matanggal ang mga dark marks at peklat ko, Halos isang buwan at kalahati ko nang ginagamit ang soap na ito at talagang masasabi ko na nagwo-work ang sabon na ito sa skin ko. Ang scar ko sa may balikat ko ay nagfe-fade na at yung pangingitim ng tuhod at siko ko ay talagang nag-lighten up drastically. Sa ngayon ay cleared up na ang skin ko at sobrang soft at smooth din. Isa lang ang downside nito... at ito ay yung pagiging medyo dry ng skin ko sa tuwing ginagamit ko ito kaya it's better na gumamit ng moisturizer. Planning to repurchase it...

Good Review

Monica Danna

  • Review by Monica Danna
  • Oct 22, 2018
Total 4.0

Love this soap

Maliit lang ang size ng soap na ito na talagang surprising para sa akin pero ang bango ng amoy nito at nagustuhan ko rin ang feeling sa skin ko kapag ito ang ginagamit kong soap. Pero as whitening in skin, hindi ko masyadong makita na nag-lighten ang skin ko. So far, nagke-clear din naman ang skin ko at nawawala ang mga pimples at acne marks at nagkakaroon ng glow ang skin ko at feeling ko ay sobrang clean nito kapag naglalagay ako ng makeup. Ginagamit ko ito araw-araw sa facial cleansing routine ko at talagang amazing ito. Medyo pricey for a small soap pero definitely worth it kaya I'm planning to reorder this kapag naubos na ang ginagamit ko.

Good Review

Myrna Nazareno

  • Review by Myrna Nazareno
  • Oct 19, 2018
Total 5.0

Amazed with this soap!

Napaka-amazing ng soap na ito. Ginagamit ko ito sa gabi at tuwing umaga at ngayon ay nakikita ko na ang malaking kaibahan ng skin ko dati at ngayon. Ang primary hope ko before ko gamitin ito ay mag-lighten ang skin ko at ma-minimize yung sun damage sa face ko. At ngayon, naging super smooth ang skin ko at naging very clear na. Hindi ko ini-expect na magwo-work agad-agad ito nang mabilisan. Mabango din ang scent nito kaya talagang na-impressed ako.

Good Review

Page 1 of 2

Latest Reviews for Beauty

Isa ito sa paboritong blushers ko. Tumatagal ito nang walang anumang problema at hindi nakaka-irritate sa skin. Ginagamit ko ito halos araw-araw. Ini-aapply ko ito tuwing umaga after shower at ready ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Andrea San Juan
  • Date : Dec 14, 2018

Normally ay hindi ako nagkakaroon ng mga taghiyawat pero recently lang ay nagkaroon ako ng malalaking pimples sa baba ko dahil siguro sa stress. Nakita ko lang ang isang ad tungkol dito sa Facebook ...Read more

  • Rating : 1.0
  • Review by Gretchen Ariane
  • Date : Dec 14, 2018

Nagustuhan ko ang color ng matte lipstick na ito kaya lang may konting pagka-tacky ito. I got the shade Huntress at tumatagal ito nang buong araw sa lips ko. Unique ang applicator nito pero nag-worked ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Jeane Espino
  • Date : Dec 14, 2018
View Mode: PC | Mobile