MyPhone MyX8 Forum : "mayIssueBaAngMyPhone"

Lowest Price P3,999 3 Prices
Go to Shop argomall
Color
The MyPhone MyX8 is an Android Oreo powered smartphone under PHP 5k mark packed with a 5.45" HD+ display, MediaTek MT6739 with 2GB of RAM and 4000mAh of battery.
  • Release date : Jul 2018
  • Smartphone, Android 8.1 Oreo
  • 5.45 inches, HD+ 720 x 14...
  • 2G, 3G, 4G (LTE), 16GB, 2GB ... more specs
MyPhone MyX8

Compare prices

Specs

Reviews

Forum

mayIssueBaAngMyPhone

April Mahusay Pelayo

  • April Mahusay Pelayo
  • Nov 29, 2018

Ano po bang mga issue nito?

Ted Matthew

  • Ted Matthew
  • Jan 19, 2019

Major issue wala, kung ineexpect mo yung mga tipong madaling uminit yung battery, may topak yung camera or malag yung phone, walang ganun pero hindi din naman ganun ka ganda yung performance, budget phone lang naman ito, pag bigyan mo na kung sakaling may onting topak yung phone. Hindi din sayang pera mo kung nag hahanap ka lang ng extrang phone

Good Answer

Winona Sala

  • Winona Sala
  • Jan 19, 2019

Ang napansin ko dito removable yung back cover pero hindi removable yung battery, hindi naman totally removable pero naka screw kasi sa likod kaya hindi siya basta basta natatanggal so unless marunong ka, pwede mo tanggalin. Hindi ko lang masyado makita yung point na non-removable yung battery pero natatanggal yung back cover, para ba sa mga technician yun ng madali nila mabaklas yung phone?

Good Answer

Armando

  • Armando
  • Jan 19, 2019

Issue na ikakasira ng budget phone wala, pero mga issue na ineexpect mo sa mumurahing phone meron, siyempre mababa yung production budget kaya kung hindi sila mag fofocus sa isang feature kelangan balance yung overall performance ng phone, sa nakita ko dito yung camera at screen yung natipid kasi may problema sila sa quality

Good Answer

Pongsky

  • Pongsky
  • Jan 19, 2019

Nabasa ko nga sa ibang review na hindi ganun kaganda yung camera, pero expected na yun, sabi mo nga budget phone lang ito at nakita ko naman yung mga picture na kinuha gamit yung phone, kung hindi ka naman maarte or photographer hindi naman ganun kalaking issue yung quality, nagiiba nga lang yung kulay ng picture minsan lalo na kapag madilim dilim pero malinaw naman yung kuha

Good Answer

Ted Matthew

  • Ted Matthew
  • Jan 19, 2019

Yung screen nito hindi pwede sa arawan, lumang klase ata ito ng screen yung lumalabo kapag natatapat sa sikat ng araw, anyway wala naman masyadong nagamit ng phone habang naglalakad sa hindi naman siguro malaking issue yun, nakakapanuod din naman ng mga high definition na video dito pero hanggang 720 lang siguro, maliit lang naman yung screen kaya sapat na yun at least HD

Good Answer

Nathaniel's

  • Nathaniel's
  • Jan 19, 2019

Sa gaming sablay ito, hindi naman kataasan yung specs nito simula pa lang pero hindi siya pwede pang Mobile Legends or mga laro na masyadong fast paced, tapos parang dalawang daliri lang yung kaya magrespond sa touch screen, medyo hindi pwede yun sa mga tipong PUBG pero sa bagay hindi din naman kaya dito maglaro nun, kahit naka low yung graphics sobrang lag pa din

Good Answer

Armando

  • Armando
  • Jan 19, 2019

Ganun talaga, ano pa nga ba aasahan mo sa specs nito? Pero at least makakapag laro ka pa din ng mga casual games, kaya naman nitong phone yung mga ganun, pwede din mag Youtube saka Facebook dito, mabagal nga lang minsan mag load pero wala naman ibang problema doon. Yung mga pre-installed apps ng Myphone mas maganda idisable na lang kasi wala naman natutulong perwisyo pa

Good Answer

Winona Sala

  • Winona Sala
  • Jan 19, 2019

Puro mga issue na napag usapan dito, meron naman magagandang bagay dito sa MyPhone MyX8 tulad ng battery life, eto na ata yung literal na may pinakamataas na battery life na nakita ko at subok talaga, 4000maH ba naman yung capacity tapos mababa yung specs ng phone kaya hindi malakas kumain ng battery, okay din naman yung software saka user-interface at hindi masyadong malag mag navigate

Good Answer

Armando

  • Armando
  • Jan 19, 2019

Sana lahat ng android phone ganito yung set-up ng battery, kaso mapilit kasi yung mga manufacturer na isiksik lahat ng hardware at features ng hindi man lang iniisip yung battery consumption, kahit anong taas tuloy ng battery capacity nila hindi nag iimprove yung battery life, pero baka nakachamba lang din yung MyPhone dito

Good Answer

Pops Gregorio

  • Pops Gregorio
  • Jan 19, 2019

Tanong ko lang, kung kayo ba tingin niyo marerecommend niyong itong phone sa iba?

Good Answer

Armando

  • Armando
  • Jan 19, 2019

Bakit hindi? Maraming pangit sa phone na ito pero dahil lang naman yun sa budget phone lang to at expected na mababa talaga performance, pero kahit ganun okay pa din siya gamitin at hindi din naman sobrang pangit, decent naman yung overall performance so pwede din siya pang matagalan na gamitan lalo na sa mga casual user lang

Good Answer

Winona Sala

  • Winona Sala
  • Jan 19, 2019

Agree din ako, decent naman yung performance mismo ng phone, hindi man ganun ka ganda yung camera pero malinaw naman yung kuha basta hindi sobrang layo, okay din naman yung front camera pang selfie. Sa screen problema sa iba yung hindi magamit sa arawan yung phone, dami ko nakikita sa Ayala na nagamit ng phone habang naglalakad pero hindi naman lahat ganun. Kung ako nga lang personally bibili nito hindi ko siguro gagawin kasi isa din akong magamit ng phone kahit sa daan

Good Answer

Pops Gregorio

  • Pops Gregorio
  • Jan 19, 2019

Ganun, tingin ko magagamit ko to kasi hindi naman ako naglalabas ng phone kapag nabiyahe kaya hindi problema sakin yung araw. Hindi din naman ako maarte sa camera halos hindi nga ko nagamit ng camera, aside pang picture nga lang ng pagkain kapag gusto ko mag share sa mga tropa, kadamihan din naman ng picture sa phone ko puro padala lang sakin

Good Answer

Pongsky

  • Pongsky
  • Jan 19, 2019

Maiba lang ako, medyo late ko na sasabihin ito pero akala ko nagsara na yung company ng Myphone, tagal ko na kasi hindi naririnig yang brand, wala din ako nakikitang bago labas sila na phone kasi dati parang kaliwa't kanan may poster sila ng bagong phone nila madami din sila commercial, pati sa facebook dami ko nakikita ngayon parang Cherry Mobile na lang

Good Answer

Pops Gregorio

  • Pops Gregorio
  • Jan 19, 2019

Baka nagpapagaling muna sila sa pag gawa ng mga smartphones bago sila mag labas ng mga bago? Yung detergent brand na Champion ganun daw ginawala nila, less advertisement pero naglalabas pa din sila ng product nila hanggang sa napaganda nila quality. Antayin na lang natin kung may malalabas silang malupit na phone sa mga susunod na taon baka mang gulat na lang ulit sila

Good Answer

Salahaad Soren

  • Salahaad Soren
  • Jan 19, 2019

Yung opinion ko lang sa MyPhone, kahit kelan di ako natuwa sa mga phones nila kahit nung feature phones pa lang uso noon, muka kasing cloned yung user interface nila pero ewan ko na lang sa mga latest nilang model pero yung mga nagamit ko noon ganun, kahit yung kasabayan nilang Cherry mobile ganun din, kala ko nga fake phones pa dati yung dalawa

Good Answer

Armando

  • Armando
  • Jan 19, 2019

Naalala ko nga din yung mga lumang phones nila bago sila nag labas ng smartphone, parehong pareho yung user-interface nung features phone nung Cherry mobile saka Myphone, yung message app nila parehong may linya akala mo intermediate paper ng grade 5, muka tuloy silang pekeng phone saka cloned, kung hindi lang siguro libre yung Android OS baka hindi pa din nag improve yung software nila

Good Answer

Pops Gregorio

  • Pops Gregorio
  • Jan 19, 2019

At least ngayon bumabawi naman sila kahit paano, nauuso sa masa ngayon yung Cherry mobile, mas madami akong nakikitang gumagamit ngayon nun kumpara dati, yung MyPhone parang kahit kelan hindi ko napansin na may gumagamit, may nakikita ako pero ilan ilan lang. Pero kung budget phone lang paguusapan, matataas nga yung nakikita kong review sa mga MyPhone na model

Good Answer

Salahaad Soren

  • Salahaad Soren
  • Jan 19, 2019

Hindi pa din mabebenta sakin yung MyPhone lalo na ngayon na madami ng bagong brand tulad ng Xiaomi saka Honor, kung budget phone lang paguusapan hindi hamak na mas maganda yung smartphones ng dalawa, pwede na nga itapat sa mga mid-tier sa halagang Php4000 or Php6000. Pero hindi ko din naman matatanggi yung tibay ng mga MyPhone, kung meron man pwede ipagmalaki sa MyPhone yung tibay ng phones nila

Good Answer

Marjoyangel Matias

  • Marjoyangel Matias
  • May 22, 2019

ok nmn ang phone battery mttgal mlobat di
n ML AT ROS.kya nmn nya at hnd xa malag sa gaming dpende sa sim n ggmtin mo...

Good Answer

Reply

Latest Topics for Mobile Phones

Jong Wa Hara

screen capture

Paano po gawin ang screen capture using myPhone? hindi po gumagana ang swiping ng screen like Samsung eh.

  • Last updated : Jun 19, 2019
  • Posted by Jong Wa Hara
  • Replies of This topic : 6 Replies

Kuyah Nyuh Toh

paano?

mabilis ba data nito?

  • Last updated : Jun 19, 2019
  • Posted by Kuyah Nyuh Toh
  • Replies of This topic : 8 Replies

Aldous Savage

Bibili po ako myphone fuego fury basic phone

Pano maka bili sa inyo nito sure buyer poko salamat

  • Last updated : Jun 16, 2019
  • Posted by Aldous Savage
  • Replies of This topic : 0 Replies
View Mode: PC | Mobile