Microsoft Xbox Series X Forum
Please feel free to post your questions on this product.

- Clark Armosol
- Jan 15, 2021
Like slim or Xbox series X pro tulad ng sa Playstation? Baka kasi mas stable na yung mga yun
- JJ yosh
- Jan 15, 2021
2 model ang ilalabas ng xbox, xbox x ung higher trim tas ung lower trim e ung s. wala pa nmn nabanggit so far about sa slim o pro na type. pero kung e ccompare mo silang pareho e ung xbox series x and unit to get kasi mas ok specs nito compared dun sa series s. wag ka rin kukuha ng digital model kasi mahirap e benta un. sayang mga games mo kasi nde mo rin mabebenta.
- Elson Martin
- Jan 16, 2021
Meron ito parang slim version, pero hindi talaga slim yun kasi mataba pa din pero mas maliit lang kesa sa Xbox Series X, wala pa yung mga Pro at Neo version baka next year o after 2 years pa kapag naayos na nila yung mga magiging problema ng mga base model, kung bibili ka agad ngayon dapat yung base model na wag slim kasi pareho lang naman magkakaproblema, malulugi ka lang sa specs ng slim
- Van Michael
- Jan 16, 2021
Naglalabas din sila ng mga ganyan pero hindi pa lang ngayon, kakalabas pa lang nitong Xbox Series X, nakakalito lang talaga yung mga pangalan ng model nila kasi ayaw nila patalo sa number ng Playstation saka Nintendo, mapride masyado yung Microsoft. Wait ka lang ng mga ilang taon maglalabas din yan ng mga pro version ng console nila
- Ben Dayao
- Jan 16, 2021
Kahit wag na sila mag labas ng bagong version ng Xbox Series nila, ayusin na lang nila yung mga problema ng console nila ngayon doon sa mga susunod na units na ilalabas nila, puro sila upgraded version wala naman inaayos sa mga console nila, simula talaga nung Xbox 360 hindi na sila nagkaroon ng console na walang problema
- Oplan single
- Jan 21, 2021
May info na ba kung kelan to e rerelease sa pinas? kasi ung playstation 5 e nagbenta na ng first batch nung decmeber diba. d ako umabot sa reservation kaya kaysa mag antay e naisip ko na xbox nlng kunin ko muna since binibili ko naman tlga ang 2 unit. kung may makakapag share na info maraming salamat.
- Heidi Voyer
- Dec 14, 2020
worth buying ba ito or iba pa din talaga ang playstaion?
- Raul Aldana
- Dec 15, 2020
ako kasi talagang Playstation ang mas gusto ko na console, hindi ako satisfied pag gamit ng Xbox parang may kulang pag ito ang gamit ko. Na try ko na din kasi mag Xbox at hindi ko gusto ang controller at mga games nila kumpara sa Playstation tapos since may PS5 na talo nanaman ang Xbox sa kanila kasi marami nagaabang dito.
- Heidi Voyer
- Dec 16, 2020
gusto ko sana subukan ang Xbox sabi kasi ng mga kaibigan ko maganda din naman ito, pero syempre bibili lang ako pag maganda nga talaga, kaya hindi pa ako nakakabili ng Playstation 5 kasi parang gusto ko din mag Xbox na console para makita kung okay ang console nila. Pero para sa akin PS pa din ang maganda ang quality niyan for sure.
- Angela Kamille
- Dec 17, 2020
hands down pa din ako sa Playstation na console mas okay pa din sila kaysa sa Xbox na console. Majority pa din ng players mas gusto ang PS5 at marami ang nagaabang dito, kapag na dispose na namin ang PS4 namin saka na kami makakabili ng PS5 so baka mga next year pa kami makakabili at makakasubok nito.
- Veronika Taylor
- Dec 18, 2020
naku Ps5 talaga ang maganda just got one last week!!
- Joey conception
- Jan 14, 2021
Mas ok ang Xbox para sakin. first of all ok ung ecosystem nya like ung gamepass at xcloud, pwede ka maglaro sa xbox at pc whichever ang mas convenient sayo. number two naman e mas ok para sakin ung design ng xbox kaysa sa ps5 parang madali mag luma at nde mo kayang e higa ang ps5. lastly naman e mas gusto ko mga games sa xbox kaysa ps5.
- Patrick Salabsab
- Nov 16, 2020
ano kaya ang mas okay na bilhin? xbox o ps5?
- Espie Puljanan
- Nov 17, 2020 / Good Answers : 1
kami talaga mas gusto namin ang playstation na console, basta may lalabas na bago na playstation binibili talaga namin ito, nakapag try na din kami ng xbox pero mas gusto talaga namin ang playstation kaya sa dalawa mas gusto namin ang playstation5, Hintayin lang namin ma release yan dito sa Pilipinas
- Waley Mani
- Jan 14, 2021 / Good Answers : 1
Go with the PS5 the specs is uncomparable its like night and day. aside from specs, mostly ang pinag tatalunan lang nmn dito e ung mga available games. may mga games kasi na xbox only and vice versa. both are good, but ps5 is much bettter lang tlga in terms of specs,
- Arvin Tan
- Jan 16, 2021
Depende sa klase ng laro na gusto mo kasi may mga exclusives ang bawat consoles, iba iba din ang genre
- Cjay Maguad
- Jan 16, 2021
Kung naghahabol ka ng mga shooting game, etong Xbox series X ang suggest ko kasi magaganda yung shooting games na exclusive dito, kung gusto mo adventure games yung Playstation 5, sa Nintendo mga adventure games din ang exclusives nila pero pambata naman. Karamihan naman ng nilalabas na laro, malalaro din sa ibang console pero mas maganda kasi pang shooting game yung controller ng Xbox
- Datu pula
- Jan 21, 2021
nde naman puro shooting game lang ang lalaruin mo. mostly ung mga big titles e meron naman sa xbox at meron sa playstation. ung mga games lang tlga na exclusive sa xbox o playsation ang dapat main concern mo, persoanlly yan ang tinghin ko. pero kung base na pag uusapan natin e performance lang e lamang na lamang tlga ang playstation kaysa xbox.
- buggy woogy
- Feb 23, 2021 / Good Answers : 1
Magkakatalo lang yan sa titles na linalaron mo e, para sakin both sila ok lang un ngalang mas lamang ang xbox sa first shooter games. pareho din nmn sila pde mag games from other devices. pero pag sa spec sheet ang usapan e lamang ang ps5.
- Apple Mos
- Feb 23, 2021 / Good Answers : 1
Pareho lang ba ang price ng mga softwares nila? bakit parang may naririnig ako e sabi nila mas mahal daw ang games ng xbox kaysa sa playstation e pareho lang nmn sila dba? parehas din ba sila na pde may run ng mga lumang games?
- Walay Laway
- Feb 23, 2021
Same lang ang price ng mga game titles nila, may descrepancy lang dpende sa seller pero same lang sila. ang advice ko lang e wag ka bibili nung digital version lang. kapag nacorrupt kasi ung system mo mas malaki ang talo mo, unlike na kung hawak mo ung hardware tas pede mo pa ibenta,.
- Mercules
- Feb 23, 2021
Yung nga din naisip ko, ok sna ung digital version para wala ka ng mga gamit na nakatamabak kung saan saan pero kung tutuusin e pag nasira ung storage e goodbye din sa mga laro mo at pahirapan e benta un compared sa normal na model.
Page 1 of 1
- 1
Latest Topics for Game Consoles
- Last updated : Feb 23, 2021
- Posted by Patrick Salabsab
- Replies of This topic : 9 Replies
May iba pang version to?
Like slim or Xbox series X pro tulad ng sa Playstation? Baka kasi mas stable na yung mga yun
- Last updated : Jan 21, 2021
- Posted by Clark Armosol
- Replies of This topic : 5 Replies
- Last updated : Jan 14, 2021
- Posted by Heidi Voyer
- Replies of This topic : 5 Replies