Microsoft Xbox One Forum

Please feel free to post your questions on this product.

Start a new topic

Janlie

  • Janlie
  • Jul 14, 2019

Pagbibili ka ng XboxOne? Need ba smart t.v dapat yung tv mo? Need din ba ng internet para makapaglaro? Like Nba2k?

Juan Lodi

  • Juan Lodi
  • Aug 22, 2019

Hindi naman required smart TV basta LED TV at at least may audio/video plug yung yellow, white at red na plug, pero mas advsiable na yung LED TV na bibilhin mo yung may HDMI support, kasi may mga laro na pumapangit yung text kapag hindi HDMI, at hindi mo din maeenjoy yung buong graphics ng game dahil limited yung video output ng audio/video plug

Good Answer

JP Sayson

  • JP Sayson
  • Aug 22, 2019

Hindi naman importante kung smart tv o hindi pero mas maganda nga kung hdmi supported yung tv, marami naman ganun kahit regular led tv lang. Sa paglalaro hindi naman kelangan din ng internet optional lang yun kahit sa multiplayer, pero kung gusto mo makapag laro online kelangan mo talaga ng internet at mag bayad din ng monthly subscription fee sa Microsoft

Good Answer

Reply

Pandakot

  • Pandakot
  • Feb 7, 2017 / Good Answers : 1

Delivery lang ba to or pwede din meet-ups?

Makubex

  • Makubex
  • Feb 7, 2017 / Good Answers : 281

Hi Pandakot,
Dapat sa seller mo mismo itanong yan kasi sila lang nakakaalam niyan, meron kasing iba na pumapayag sa delivery or meet-ups pero kung talagang online shop lang yun, possible delivery lang and online payment lang tanggapin nila, pero tulad nga ng sabi ko mas maayos yung makukuha mong sagot kung seller mismo tatanungin mo. Pwede mo gamitin tong link para mapunta ka sa page ng seller:
https://ph.priceprice.com/Microsoft-Xbox-One-14660/
Pagdating mo sa page, sa baba ng picture at may listahan ng mga sellers, click mo lang yung green na "go to shop" or "contact seller" button para mapunta ka sa page nila at makuha ang kanilang contact information, as well as any additional information na magamit mo, like background ng seller kung katiwatiwala ba

Good Answer

Pops Gregorio

  • Pops Gregorio
  • Jan 21, 2019

Depende sa nag bebenta kung meet-ups o delivery yung trip niya pero madalas naman papipiliin ka kung anong mas convenient sayo. Kung ako naman mag bibigay ng opinion, kung second hand bibilhin mo mas mabuti meet-ups na lang, kung pwede sa bahay para matesting yung unit kung may problema, baka mamaya madaya ka lang

Good Answer

Reply

Ian Sonido

  • Ian Sonido
  • Aug 11, 2016

xbox one s released in the Philippines

YOLO

  • YOLO
  • Aug 12, 2016 / Good Answers : 1

Hmmm alam ko meron na mtgal na, kso db nga may bago na xbox ngyon for sure d papahuli ang pinas

Good Answer

Tasha

  • Tasha
  • Aug 18, 2016 / Good Answers : 1

Matagal ng released to sa Pilipinas, and well if kaya naman ng budget mo bumili ng mga brand new games then good, kasi unti lang yung nagbebenta ng second hand games nito

Good Answer

Ian Sonido

  • Ian Sonido
  • Aug 18, 2016

how much xbox oneS in the phillipines

Boy..Next..Door

  • Boy..Next..Door
  • Sep 12, 2016

as i knwo it nsa 40k ang presyo nya sa sm malls.. last yr pa yun ewan ko nalng po ngyon hndi ko pa dn na check

Good Answer

Ian Sonido

  • Ian Sonido
  • Sep 12, 2016

alam kng matagal na ung xbox one sa mall, ung tinatanong ko ung bagong x box one s,,,

Jayr Velando Pepe

  • Jayr Velando Pepe
  • Feb 9, 2017

Magkano ngayun ang xbox one s mga mal.

Good Answer

Ginnela Marie

  • Ginnela Marie
  • Jun 6, 2018

Hello po nsa 15k po ang xbox one s sa lazada.com

Good Answer

Reply

Almonde

  • Almonde
  • Jun 19, 2016 / Good Answers : 1

Ano ba ang mas maganda bilhin? Isa lang kasi kaya bilhin ngayon

Makubex

  • Makubex
  • Jun 19, 2016 / Good Answers : 281

Hi Almonde,
Kung ako tatanong tingin ko depende yung ganda ng Playstation 4 and Xbox one sa mga laro na hilig mo. Ang Playstation 4 pwede ka mag save and upload ng mga videos and pictures, so kung mahilig ka mag share ng kung ano ano sa facebook pwede mo din yun gawin directly from it, marami din free perks ang Playstation Netwok, it yung parang app store ng Playstation marami ka pwedeng ma download na free game demo and meron din naman free na full game. Sa Xbox one naman kung tama pagkakatanda ko may camera na pre-installed dito na pwede mo magamit para sa ibang laro unlike sa Playstation 4 na binibili separately, yung Microsoft market naman nila hindi ko pa masyado na explore pero may madadownload ka din na mga free demo as long as premium member ka, hindi ako sure sa mga free member kung ano perks

Good Answer

Almonde

  • Almonde
  • Jun 19, 2016 / Good Answers : 1

I see, pero alin kaya ang mas matibay? Saka alin ang mas madali gamitin?

Makubex

  • Makubex
  • Jun 19, 2016 / Good Answers : 281

Hi Almonde,
Kung tibay lang pag uusapan, mas matibay yung Xbox one. Although depende din kasi sa pag aalaga pero so far kaunti lang yung naririnig kong reklamo about sa Xbox one na madali na nasira, kung ibase ko lang sa Playstation 3 and Xbox 360 yung experience ko since pareho akong meron, kahit mas kaunti lang yung maintenance na ginawa ko sa Xbox 360 compare sa Playstation 3, mas tumagal sakin yung former, pareho silang gamit na gamit since puro gamer din kasama ko sa bahay. Ngayon between Xbox one and Playstation 4, I heard na may problem pa din sa overheating yung Playstation although mas less compare sa predecessor nito, sa Xbox hindi ito masyadong problema although may auto-shutdown ito kapag sobrang init na pero hindi ito nakakasira unlike sa Playstation

Good Answer

Almonde

  • Almonde
  • Jun 19, 2016 / Good Answers : 1

So mas matibay yung Xbox one, pero mas madali gamitin?

Makubex

  • Makubex
  • Jun 19, 2016 / Good Answers : 281

Hi Almonde,
Sa opinion ko oo, mas madali imaintain Xbox one pero about kung mas madali siyang gamitin compare sa Playstation 4 iba usapan na din yan.
Depende kung saan ka sanay at mas madaling masanay pero mas madali kasi gamitin yung controller ng Playstation 4, sakto lang yung lambot ng buttons and layo nila. Sa Xbox One kasi medyo matigas pa ng unti and yung directional button niya unlike Playstation ay medyo wierdo din, medyo mahirap iexplain pero yung directional kasi para lang joystick yung structure niya so mahirap siya gamtin for fighting games, unless sanay ka mag analog stick. Ang kinadali din ng controller ng Playstation 4 is may track pad yun, although hindi lahat ng game ay gumagamit nun pero malaking tulong din yun tuwing gumagamit ka ng online features ng Playstation. Anyway kung user-friendly na console lang hanap mo, I strongly suggest yung Wii-U

Good Answer1

Almonde

  • Almonde
  • Jun 19, 2016 / Good Answers : 1

I see, pareho lang naman ba yung mga games nila?

Makubex

  • Makubex
  • Jun 19, 2016 / Good Answers : 281

Hi Almode,
Hindi lahat pareho sila ng games, for example yung game na Devil May Cry 4 saka Final Fantasy XIII both games meron sa both consoles, Xbox 360 and Playstation 3, may mga ganitong games din na multi platform sa Xbox one and Playstation 4. Pero yung game na Scalebound exclusive lang siya sa Xbox and Disgea for Playstation, pero kung klaseng ng games pag uusapan mas maraming FPS or first-person shooter saka western made games sa Xbox one compare sa Playstation 4, yung FPS is tulad ng game na Counter-strike, anyhow kung eto yung mga hilig mo na games then I say go for Xbox on, pero kung mahilig ka sa mga sports game like NBA kahit alin piliin mo malalaro mo yung game. Ang karmihan ng games kasi sa Playstation ay mga RPGs, though lahat naman ng genre meron both consoles pero yung mga magagandang RPG ay nasa Playstation, likewise yung magagandang FPS ay nasa Xbox

Good Answer

Cading C. Guevarra

  • Cading C. Guevarra
  • Jul 12, 2016

Hi. Ok ba ang mga console kung dito sa US bibilin. Medyo mura kasi dito e. 299 dollars nlng ang xbox one. The division yung game nya. And compatible ba ang kinect ng Xbox 360 sa One? Tnx.

Good Answer

Reply

Page 1 of 1

  • 1

Latest Topics for Game Consoles

Janlie

Smart TV and Internet?

Pagbibili ka ng XboxOne? Need ba smart t.v dapat yung tv mo? Need din ba ng internet para makapaglaro? Like Nba2k?

  • Last updated : Aug 22, 2019
  • Posted by Janlie
  • Replies of This topic : 2 Replies

Killerraven

WHO TO CHOOSE

Guysss ano mas maganda ps4 or xbox 360 plssss help me chooose...

  • Last updated : Aug 22, 2019
  • Posted by Killerraven
  • Replies of This topic : 9 Replies
  • Last updated : Jul 17, 2019
  • Posted by Francis Ian Julaton
  • Replies of This topic : 3 Replies
View Mode: PC | Mobile