Microsoft Xbox 360 4GB HDD Forum

Please feel free to post your questions on this product.

Start a new topic

Valley

  • Valley
  • Oct 31, 2017 / Good Answers : 3

paano aayusin kapag laging nag automatic shutdown? nagkukulay red tpos bigla namamatay

Cliff fittir

  • Cliff fittir
  • Oct 31, 2017 / Good Answers : 5

Normal lang yan sa Xbox 360, may detector kasi ng temperature pag umabot sa limit siyempre overheat yun, automatic tlga siya mag shutdown. May version ng Xbox 360 na walang overheat, arcade version ata yun

Good Answer

Mrs.M

  • Mrs.M
  • Nov 4, 2017 / Good Answers : 3

tama yun, so dpat nasa aircon ka na room para hndi sya bsta bsta umiinit I am not sure kung may option na patayin ang setting nto sa console niya kasi hassle nga naman yung bgla namamatay in teh middle of teh game diba

Good Answer

Lorenzki

  • Lorenzki
  • Oct 7, 2018

Kapag nag auto shutdown yung Xbox mo check mo kung gaano kainit para lang malaman mo kung dahil sa overheat kaya nag shutdown, kung hindi naman sobrang init baka may problema na yung heatsink nung unit mo. Kung ayaw mo magkaproblema sa overheat, dapat yung arcade version yung binili mo kasi yung jasper yung version lang yung may auto shutdown feature

Good Answer

Emilia

  • Emilia
  • Nov 26, 2018

Kung Jasper yung version ng Xbox 360 mo, hindi sira yan, safety feature yan ng console kasi kapag lumagpas ng certain temperature yan masisira, yung isa pang rason ay para hindi magbabad sa paglalaro mga bata. Para ayusin yan, kelangan mo bumili ng bagong Xbox 360 na arcade version, walang auto shutdown yung version na yun

Good Answer

Monico

  • Monico
  • Nov 26, 2018 / Good Answers : 1

Kung arcade version yang gamit mo na pero nangyayari pa din yan, red light of death naman yung tawag diyan ng iba, parang kapareho siya ng yellow light of death ng Playstation 3, overheating yung problema pero pinagkaiba ng dalawa, mas madali ayusin yung sa Xbox kasi mas maayos yung paglalagay ng cooling system niya kesa sa Playstation

Good Answer

Craiglist

  • Craiglist
  • Nov 26, 2018

Try mo palitan yung thermal paste ng Xbox mo, makikita mo naman kung natunaw na yung niligay na thermal paste or hindi, kapag meron pa pero parang maitim na, linisin mo muna ng maigi at siguraduhin mong walang matitira na thermal paste bago mo lagyan ng bago. Pag okay na try mo ulit kung mabubuksan na yung Xbox 360

Good Answer

Nicolette Puntalan

  • Nicolette Puntalan
  • Mar 22, 2019

Safety feature ng Xbox 360 yang autoshutdown, yung red na ilaw warning yun na kelangan patayin yung Xbox pwedeng dahil sa overheating o iba pang issue, kapag automatic namamatay yung Xbox ng walang warning signal or indication na mamatay, ayun ang talagang problema dahil hindi dapat ganun yun at masisira lahat ng files sa Xbox 360

Good Answer

EnSci101

  • EnSci101
  • Mar 22, 2019

May ibang version kasi ang Xbox 360, dalawa lang yung alam ko, Jasper at Arcade version. Jasper ata yung mababa tolerance sa overheating kaya ganyan, Arcade yung walang limit sa paglalaro unless malapit na din mag overheat. Alam ko naayos na yang issue na yan, pero normal sa Jasper yang ganyan, parang 4 hours lang ata yung limit bago mag autoshutdown

Good Answer

Mango Ramirez

  • Mango Ramirez
  • Mar 22, 2019

Kapag Arcade ang version ng Xbox 360 mo at nagarered light, over heat yan pero nangyayari lang yun kadalasan kapag matagal ka ng naglalaro tulad ng 7 hours, kapag mas mababa doon possibleng may problema yung Xbox 360 mo, isang possibleng problema ay tuyo na yung thermal paste, kelangan mo ng palitan yun para maayos

Good Answer

Reply

Killerraven

  • Killerraven
  • Dec 28, 2016

Guysss ano mas maganda ps4 or xbox 360 plssss help me chooose...

Makubex

  • Makubex
  • Dec 29, 2016 / Good Answers : 281

Hi Killerraven,
Aside sa hardware specification, depende din sa type ng games na hilig mo yung iconsider mo sa pag pili ng gaming console. Ang Xbox 360, karamihan ng games ay more on action games or first person shooters yung mga tulad ng Half-Life or Counter Strike na games, meron din naman mga RPG and Horror games dito pero mas forte ng Xbox ang mga action and shooting games, and I suggest na instead Xbox 360, Xbox One na lang piliin mo since mukha naman may budget ka. Ang Playstation 4 ay forte ang action games and RPG, kung mahilig ka sa mga larong Final Fantasy or God of War then mas bagay sayo ang Playstation 4. Either way, may mga games naman na multi-platform, meaning yung isang game is available sa 2 consol pero hindi karamihan ng games ay ganun

Good Answer

shanghai_princess

  • shanghai_princess
  • Jan 3, 2017 / Good Answers : 3

Ako xbox ksi marami pwede gawin eh.. esp ung pag dance tpos may ib pa features

Good Answer

The_Dork_Knight

  • The_Dork_Knight
  • May 7, 2017

Bro binibenta ko Xbox 360 ko with kinect at lahat ng games ko 13k nalang. Usap tayo kung gusto mo! Pwede tawad.

Good Answer

Johnlord Erandio Catana

  • Johnlord Erandio Catana
  • Mar 28, 2018

magkano lp sir?

Good Answer

Ren Ashbell

  • Ren Ashbell
  • Oct 7, 2018

Playstation 4 or Xbox 360? Siyempre Playstation 4 na, ealier generation ang Xbox 360 kasabayan ng Playstation 3 kaya kung mamimili ka lang ng bibilhin yung PS4 na. Kung brand naman yung pinagpipilian mo, isipin mo kung ano yung mga klase ng games yung mas madalas mong nilalaro bago ka mamimili, kung mga RPG hanap mo tulad ng Final fanatasy, PS4 yung dapat mong piliin, kung mag barilan tulad ng Call of Duty edi Xbox

Good Answer

Gerbera011

  • Gerbera011
  • Mar 22, 2019

Bago natin pag usapan yung hardware at pinagkaiba ng dalawang console, alamin muna natin na magkaibang generation yung dalawa at mas latest ang Playstation 4 kesa sa Xbox 360 in short, no competition kaya hindi ka dapat nag tatanong niyan kasi walang tamang sagot at hindi din maganda mag bigay ng opinion, kung kelangan mamili edi Playstation 4 automatic yan

Good Answer

Sweet Surrender

  • Sweet Surrender
  • Mar 22, 2019

Kung pag uusapan natin anong mas luma sa dalawa, etong Xbox 360 mas luma, kung mahilig ka sa mga barilan tulad ng Counter-Strike o Player's Unknown Battlegrounds eto yung magandang choice, meron din dito palaging mga sports game tulad ng NBA2K19 at mga NFL kaya makakapag laro ka din kung hulig mo yun, sa mga RPG games mahina ang Xbox kaya onti lang din makikita mo

Good Answer

Reply

Francis Ian Julaton

  • Francis Ian Julaton
  • Jan 14, 2015

please answer it below

Charles Nikko Sabino

  • Charles Nikko Sabino
  • Jan 15, 2015 / Good Answers : 161

just search on the web how to root android phone to get all instruction you need...

Good Answer

Jolly Castro

  • Jolly Castro
  • Jul 17, 2019

Nasa maling category ka na, maling page ka pa nagtanong, game console ito hindi Android smartphone kaya kung gusto mo malamang kung paano mag root ng Android phone doon ka magcheck sa forum ng mga Android smartphones. Pwede ka din magcheck sa internet kung paano para mas mabilis, meron na nga din video kung paano gawin yun

Good Answer

Bryan Iñigo

  • Bryan Iñigo
  • Jul 17, 2019

Madali na lang ngayon mag root ng Android smartphones pero kapag hindi kilala yung brand at model ng phone na gamit mo hindi sure kung pwede iroot ng madalian. Pwede ka gumamit ng mga rooting application na ngayon para mabilis, pero dapat icheck mo yung description ng app kung compatible sa model ng phone mo, sa internet ka lang din makakahanap ng rooting apps kasi hindi ko alam kung tinanggal na ng Google sa Google Play yung mga nakapost doon

Good Answer

Reply

Page 1 of 1

  • 1

Latest Topics for Game Consoles

  • Last updated : Jul 17, 2019
  • Posted by Francis Ian Julaton
  • Replies of This topic : 3 Replies

Janlie

Smart TV and Internet?

Pagbibili ka ng XboxOne? Need ba smart t.v dapat yung tv mo? Need din ba ng internet para makapaglaro? Like Nba2k?

  • Last updated : Jul 14, 2019
  • Posted by Janlie
  • Replies of This topic : 0 Replies

Killerraven

WHO TO CHOOSE

Guysss ano mas maganda ps4 or xbox 360 plssss help me chooose...

  • Last updated : Mar 22, 2019
  • Posted by Killerraven
  • Replies of This topic : 7 Replies
View Mode: PC | Mobile