Maybelline Fit Me Powder Foundation Reviews

Maybelline Fit Me Powder Foundation

Lowest Price P299 18 Prices
A powder foundation that provides ultra-smooth poreless coverage and gives you the smoothest-looking skin.
  • Foundation
  • Pressed powder, Oiliness,...
Maybelline Fit Me Powder Foundation

Compare prices

Reviews

Forum

Overall Rating

Total 4.5

Please feel free to post your review on this product.

Write a Review

Hannah Marin

  • Review by Hannah Marin
  • Apr 25, 2019
Total 5.0

Does cover my blemishes!

Gamit ko ang shade na natural beige sa powder foundation na ito. Yung pangalan ng product ay talagang bumagay sa quality nito. Sobrang powerful sa pagtatakip ng mga blemishes. Hindi masyadong maputi sa mukha at parang natural lang talaga tingnan. Very smooth pa at talagang matte ang finish. Hindi mo mararamdaman na magiging cakey kahit na talagang oily ang mukha mo. Na-aabsorb nito ang oiliness sa mukha ko at ang lambot-lambot pa ng sponge.

Good Review

Jhen Bueno

  • Review by Jhen Bueno
  • Apr 23, 2019
Total 5.0

Lessens oil

This Fit Me Powder Foundation is a very must product in your makeup kit dahil naco-cover nito ang skin nang napakagandang finish at hindi nag-iiwan sa skin ko ng malagkit na feeling after ng ilang oras at nababawasan pa ang oil production sa buong araw na ito ang ginagamit ko at gustong-gusto ko kung gaano ito ka-lightweight sa balat ko sa buong maghapon kaya talagang inire-recommend ko ito sa mga merong skin na oily talaga. Try it!

Good Review

Katrina Cantere

  • Review by Katrina Cantere
  • Apr 15, 2019
Total 5.0

Great product for me

Sobrang happy talaga ako pagdating sa mga Maybelline na mga cosmetics. Sobrang sulit para sa akin ang mga cosmetics nila kaya gustong-gusto ko talaga. Tulad ng powder foundation na ito. Kahit na nagmamadali ako ako kulang na sa oras at walang masyadong time sa pagme-makeup, ito yung naging perfect product para sa akin. nakakapag provide ito ng enough coverage at sobrang gaan lang ng pakiramdam sa skin ko. At isa pa ay naba-blur nito ang mga pores ko at nakaka-contril ng oil sa skin nang hanggang anim na oras. Sobrang okay din ng packaging sa price niti at ang performance ay impressive lalo na at affordable lang ito.

Good Review

Shannen Lope

  • Review by Shannen Lope
  • Mar 29, 2019
Total 5.0

Ang HG powder ko!

Totoo nga yung sinabi nila na ito yung isa sa mga the best na powder foundation na mabibili ngayon. Hindi ko na kailangang mag-retouch palagi dahil tumatagal ito nang buong araw para sa akin pero kapag ginamit kong pang retouch, naglalagay lang ako sa t-zone ko nang sobrang light lang. Sabi ng iba ay cakey daw ito pero hindi para sa akin. Overall ay sobrang okay na powder foundation nito at talagang must have lalo na sa may mga oily or combination skin.

Good Review

Mirriam Gutierrez

  • Review by Mirriam Gutierrez
  • Mar 27, 2019
Total 5.0

Fits my skin

Napakaganda ng pagkakagawa ng powder foundation na ito dahil marami itong pagpipiliang mga shades at saka yung ganda ng formulation nito. Yung shade na 130 ang light ang ginagamit ko at hindi ako nagkamali dito kasi natatakpan nito ang pores ko at hindi nagiging oily at the same time. At isang beses lang ako nagre-retouch nito kahit na ma-humid ang weather dito sa lugar namin. Sa ngayon ay ito ang staple kong foundation at halos isang taon ko nang ginagamit. I will never switch to other brand.

Good Review

Jennylyn Alvarez

  • Review by Jennylyn Alvarez
  • Mar 19, 2019
Total 2.0

Orange masyado sa skin ko

Gustong-gusto ko ang mga Maybelline products dahil talagang reliable sila kahit na konti lang ang budget ko sa mga beauty makeups and cosmetics. Hindi lang yon, magaganda din ang formula ng products nila. Kaya lang itong powder na ito ay hindi ko talaga nagustuhan. Maganda sana ang formula nito at madaling i-apply sa face ko kaya lang ay naging parang kulay orange ang kulay ng balat ko. I'm so disappointed with this,,,

Good Review

Page 1 of 1

Latest Reviews for Beauty

Talagang pigmented at sobrang nipis ng tip ng product na ito kaya mas napapadali ma-achieve yung gusto kong look. Nagbe-blend sa natural eyebrow hair ko kaya mas lalong nagmumukhang natural tingnan. ...Read more

  • Rating : 4.0
  • Review by Nikki Ferrer
  • Date : Apr 24, 2019

Nagustuhan ko kung gaano ka-lightweight ang super bb cream na ito. Nagbibigay ito ng magandang coverage at halos hindi ko maramdaman na meron akong ginagamit na face cream sa mukha ko. Ini-aapply ko ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Lara Monsanto
  • Date : Apr 23, 2019

Sobrang amazing ng foundation na ito sa murang halaga lang. Hindi mabe-beat ng ibang brand ang foundation na ito for me considering na maganda talaga ang quality at very affordable pa. nagustuhan ko ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Leslie Anne
  • Date : Apr 23, 2019
View Mode: PC | Mobile