Maybelline Color Show Matte Lipstick Reviews

Maybelline Color Show Matte Lipstick

Lowest Price P175 15 Prices
Maybelline Color Show Matte Lipstick is a hydrating lipsticks, delivers a sophisticated and shine free finish.
  • Lipstick
Maybelline Color Show Matte Lipstick

Compare prices

Reviews

Forum

Overall Rating

Total 3.6

Please feel free to post your review on this product.

Write a Review

Arlene Carpio

  • Review by Arlene Carpio
  • Aug 31, 2018
Total 5.0

Amazed with this lipstick!

Sobrang gaganda ng shades ng lipstick na ito. Nagustuhan ko na naiga-glide ko nang very smooth ito sa lips ko. Sobrang pigmented nito at maganda talaga ang colors options. Madali mong mapipili ang shades na babagay sa work o sa night out kasama ang mga friends mo. Nagustuhan ko na nagtatagal ito talaga sa lips ko at di na kailangan pang mag retouch nang mag retouch palagi. Hindi ako nagwo-worry na magta-transfer ito sa clothes o sa utensils dahil it stays put sa lips. Wala nang anumang hassle ng touch up dahil alam kong nagtatagal nang ilang oras sa lips. This lipsticks are very awesome! The price that you pay is really worth it!

Good Review

Ariane Narciso

  • Review by Ariane Narciso
  • Aug 31, 2018
Total 4.0

Sticks on my dead skin

Nag-purchase ako ng shade na Pink Power nito at ginagamit ko palagi nang ilang araw. Ginagamit ko sa work at talagang nagustuhan ko ang color dahil favorite ko ang pink na color. Pero napansin ko lang na nagki-cling ito sa mga dead skin ng lios ko kapag dry ang lips ko. Of course kailangan na tanggalin ang mga dead skin tuwing umaga pero minsan ay di ko matanggal dahil magbi-bleed. Nag-try ako na i-blend ito pero hindi ito nagagawa. Talagang dumidikit lang ito sa dead skin ko. Nung binili ko ito ay akala ko steal na sa halagang 99 pesos pero may downside pala ito. I just apply a lip balm whenever I use this lipstick. Kind of time consuming...

Good Review

Donna Laurice

  • Review by Donna Laurice
  • Aug 30, 2018
Total 3.0

Patchy and not so pigmented

Ang line na ito ng Maybelline ay merong great shades at talagang murang-mura lang talaga. Perfect ito sa mga beginner lang sa mga lipstick. Pero medyo torn ako about sa product na ito. Kahit na moisturizing at creamy ito kahit na matte lipstick ito, nae-emphasize ng formula nito ang mga lines sa lips ko. Meron akong shade nito na Mysterious Mocha na shade at ang color ay hindi gaanong matingkad at hindi rin gaanong nagtatagal sa lips. Sa mga online swatches ay magaganda naman ang color nito pero not on personal. At saka very patchy rin ito. Hindi mai-apply nang pantay at smoothly kahit na may ginagamit na primer. Isa pa ay saka madali rin itong mabali. Kaya in the end ay ipinamigay ko na rin ito.

Good Review

Danica Sevilla

  • Review by Danica Sevilla
  • Aug 29, 2018
Total 3.0

Sobrang pale sa akin

Sobrang na-excite ako pagka-receive ko ng lipstick na itona ini-order ko online. Kaya lang ay kaagad ding napalitan ng pagkadismaya nung nai-try ko na ito. Sobrang pale nito sa lips ko. Mochalicious shade ang inorder ko at ang ganda-ganda nito sa picture pero sa personal pala ay di babagay sa akin. Parang super ang pagiging maputla ko dahil sa very pale color nito sa lips. Nagustuhan ko pa naman ang consistency at ang bango nito kaya nanghihinayang ako. Maganda rin ang pigmentation pero di bagay sa lips ko. Super nadisappoint ako sa lipstick na ito dahil mali ang shade na napili ko. Sana lahat ng lipstick nito ay may mga swatches para di magkamali sa pagpili ng shade.

Good Review

Antonette Miranda

  • Review by Antonette Miranda
  • Aug 23, 2018
Total 5.0

Love the quality

Ang Maybelline Color Show Matte Lipstick ang isa sa pinaka-murang lipsticks na hindi nagco-compromise sa quality. Talagang lightweight ito pero merong matingkad na kulay once na mai-apply na sa lips. Marami itong pagpipiliang shades at talagang affordable pa kaya mapapabili ka talaga ng isa o dalawang shades at lahat ng color ay magaganda talaga at very wearable pa. Nagustuhan ko ang color at ang texture kapag ini-a-apply sa lips. Sobrang smooth nito at di nakaka-dry ng lips ko. Kaya lang, kailangan ko pang maglagay ng lip balm bago mag-apply nito para hindi mag-seep sa mga lip lines ko. Overall, this lipstick is a really good deal.

Good Review

Rowena Villones

  • Review by Rowena Villones
  • Aug 21, 2018
Total 1.0

Unhappy with this lipstick

I purchased this lipstick with the Rock the Coral shade. Maganda naman ang color nito kaya lang ay ang pangit ng texture ng lipstick na ito at pinaka-pangit sa mga di ko nagustuhan. Para sa akin ay may mas maganda pang local at mumurahing lipstick kesa sa branded lipstick na ito. Hindi ko kasi pinaniwalaan yung mga negative reviews about this lipstick at nag-try pa rin ako. Now, I learned my lessen to listen to the negative comments and reviews about sa isang product. I'm really disappointed. Mas lighter din ito kesa sa ini-expect ko at sa nakita kong mga swatch nito sa pictures at hindi rin bumagay sa skin tone ko. :-(

Good Review

Kareena Dizon

  • Review by Kareena Dizon
  • Aug 15, 2018
Total 5.0

Perfect matte and not drying

Sobrang awesome ng color ng Maybelline Color Show Matte Lipstick na ito. maganda ang quality at great ang texture. Surprisingly ay napansin kong mas maganda ito kesa sa ibang high end na matte lipsticks na nabili ko before. Ang trick para mas magtagal ito sa lips ay i-apply ito ng full sa lips at tapos ay i-blot out yung excess na lipstick sa pamamagitan ng pagpe-press ng tissue between the lips. After this, mapapansin mo na hindi ito agad-agad magta-transfer sa anything kapag umiinom ka o kumakain ka. Aside from that, hindi ito drying at all at talagang may perfect itong matte texture na nice to look at.

Good Review

Divine Sotto

  • Review by Divine Sotto
  • Aug 10, 2018
Total 5.0

Hot Chili shade for me!

Ang Maybelline Color Show Matte Lipstick na ito ang aking go-to lipstick na ginagamit ko sa mga mabilisan at mga simpleng okasyon. I got the shade Hot Chili at nagustuhan ko ang pagiging super pigmented nito na parang palaging nasa lips nang ilang oras dahil talagang nakaka-stain ng lips ng beautiful shade of red na talagang super ganda din dahil long-lasting ito. May pagka-pigmented matte ito at buildable pa ang color kung gusto mong mas maging matingkad at bolder ang shade nito sa lips mo. Super smooth ang consistency nito at daul super fan talaga ako ng mga Maybelline lipsticks, I'm thinking of buying another shade. Hopefully, bumagay din sa akin at magustuhan ko. :-)

Good Review

Antonia Climaco

  • Review by Antonia Climaco
  • Jul 31, 2018
Total 1.0

Not satisfied

I'm not satisfied sa product na ito. Unang-una ay hindi katulad ng shade sa personal sa ina-advertised nila...talagang ibang-iba. Pangalawa, ang product ay nabali kaagad il ng araw pagkatapos kong gamitin ito. Pangatlo, ay hindi ito matte. Para sa akin ay mas makakatulong sana kung magkakaroon sila ng swatch guide sa product website para sa reference. Gusto ko ang brand na Maybelline but not this particular product!

Good Review

Shaniah Lee

  • Review by Shaniah Lee
  • Jul 10, 2018
Total 4.0

Bagay sa Filipina skintones

Super na impressed ako sa Maybelline Color Show Matte Lipstick na ito lalo na sa staying power at sa pigmentation nito. Pop of Pink ang napili kong shade at talagang natural itong tingnan lalo na kapag ibinlend sa inner part ng lips. Halos buong araw itong nagtatagal at para sa akin ay nagco-complement naman ang shade nito sa skintone ng Filipina kaya talagang babagay ito. Planning to buy another shade para maiba naman..

Good Review

Jackyy

  • Review by Jackyy
  • Jul 12, 2017
Total 4.0

Smooth and matte

My favorite is this two shades (Rock the Coral and Pop of Pink ). It's a perfect matte lippie to suit me. The color is so alive and is non-drying too. It stays long on my lips. Although it's not smudge proof and you need to retouch every once in a while, it's so easy to apply as it glides smoothly. I love the nice fruity scent of it which reminds me of Lychee. And with an affordable price, it's really a steal.

Good Review

Page 1 of 1

Latest Reviews for Beauty

Isa ito sa paboritong blushers ko. Tumatagal ito nang walang anumang problema at hindi nakaka-irritate sa skin. Ginagamit ko ito halos araw-araw. Ini-aapply ko ito tuwing umaga after shower at ready ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Andrea San Juan
  • Date : Dec 14, 2018

Nagustuhan ko ang color ng matte lipstick na ito kaya lang may konting pagka-tacky ito. I got the shade Huntress at tumatagal ito nang buong araw sa lips ko. Unique ang applicator nito pero nag-worked ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Jeane Espino
  • Date : Dec 14, 2018

I'm so excited to try this nung una dahil nga palaging okay sa akin ang mga product ng mga Maybelline pero hindi pa ako nakakapag-try ng concealer nila. Kaya lang hindi ko nagustuhan ang applicator ...Read more

  • Rating : 4.0
  • Review by Twinkle Geronimo
  • Date : Dec 14, 2018
View Mode: PC | Mobile