LG G6 Forum

Please feel free to post your questions on this product.

Start a new topic

ArJee

  • ArJee
  • Jul 12, 2018

hello ask ko lang po sana yong battery ng LG G6 kung removable ba siya or non removable at saka ilan yong voltage ng battery niya hindi mo kasi malalaman kung kailan masisira yong battery niya katulad ng LG phone ko nasira yong battery niya tapos pinalitan ko mga ilang araw lang yon nasira na ang phone ko ng dahil lang sa battery niya.

Arturo Ayawpapili

  • Arturo Ayawpapili
  • Jul 23, 2018 / Good Answers : 7

Pagchineck mo yung specs ng LG G6 makikita mo "embedded" nakalagay so baka ibig sabihin nun non-removable yung battery, gets ko din yung concern mo, actually kaya ayoko din ng mga non-removable na smartphone kasi instead na bibili ka na lang ng bagong battery kapag nasira, mas mapapamahal ka pa sa service center

Good Answer

Kyle Morgue

  • Kyle Morgue
  • Jul 28, 2018

Mukha pong non-removable yung battery kaya hindi niyo pwede basta tanggalin or palitan, kahit may makita kayo nagbebenta ng spare battery nitong smartphone, delikado pong itry na disassemble yung phone dahil baka may mga security features ito

Good Answer

Miss Jackie

  • Miss Jackie
  • Mar 12, 2019

Mostly ng mga Lg phones ay non removable kaya pag nasira ang battery nadadamay na din yung buong phone kaya hindi ko gsto mga nonremovable na battery. mas magastos kapag nasisira, sa iab kapag nasira ang battery rereplace mo lang pero ito kpag nasira battery possibleng buong phone masira na kaya not a good choice.

Good Answer

jadenes

  • jadenes
  • Mar 12, 2019

Hindi naman kasi talagang maganda ang quality ng mga lg phones, madali talaga sila masira kaya hindi ako bumili nung nakita ko ang quality niya sa pinsan ko. Mukha kasing maganda kaya kinalikot ko tapos nung nasubukan ko medyo mabagal siya kapag nag games tapos sabi sa akin sa kaka games ko daw nasira ang battery.

Good Answer

roemm garcia

  • roemm garcia
  • Mar 12, 2019

baka nagkataon lang din yun, ako kasi nakapag lg naman okay naman siya pero yun nga din katagalan nasira din ito nagsimula din sa battery pero yung kaibigan ko lg din ang phone niya pero okay naman ito matagal naman niya na gamit ito kasi til now yun pa din ang cellphone niya kaya mukhang maganda din naman ito na phone.

Good Answer

Miss Jackie

  • Miss Jackie
  • Mar 12, 2019

Siguro depende din sa pag gamit din kasi pag nasira nga yung battery nadadamay yung buong unit so kung maingat ka sa battery baka maging okay naman ito. Kaya ako personally ayoko talaga yung mga non removable na battery kasi nga hindi napapalitan ito kapag nasira. Kaya hassle at hindi ko gusto na choice ang cellphone na ganun.

Good Answer

jadenes

  • jadenes
  • Mar 12, 2019

panget na battery non removable pa kaya hindi talaga maganda ang phone na ito. Kaya hindi ako bumili ng LG kahit madalas ito mag sale sa SM kaya hindi ko talaga nagustuhan ang phone na ito.Kaya huwag niyo nalang piliin na bilhin ang ganitong klaseng phone kasi bad choice ito. kahit removable pa ang battery panget pa din.

Good Answer

Nicolette Puntalan

  • Nicolette Puntalan
  • Mar 15, 2019

Mukhang non-removable, embedded nakalagay sa specs ng battery, hindi ko lang sigurado kung iniba lang yung term na ginamit o may technical term pero kung tama naman talaga pagkakaintindi ko hindi mo talaga matatanggal yung battery sa phone, kung kelangan ng replacement mga technician lang sa service center pwede mag tanggal niyan kasi malamang trained sila gawin yan

Good Answer

EnSci101

  • EnSci101
  • Mar 15, 2019

Pangit man o hindi, wala na tayo magagawa sa mga non-removable batteries na smartphones kasi ayan ang uso ngayon, siguro panlaban na rin sa illegal modification ng mga hacker pero hindi natin masasabi kung ano talaga yung dahilan, pwede din dahil mas madali gumawa ng mga slim na phone kapag embedded ang battery dahil hindi na kelangan mag lagay ng back plate sa phone

Good Answer

Reply

mine macabebe

  • mine macabebe
  • Jun 19, 2018

i have something important to ask paano pala mag clear ng cache on LG G6 saan ko siya makikita sa settings ito kasi kadalasan makakasira ng connectivity ,may nakapagsabi kasi sa akin na pag once na clear mo yong cache data makainstall ka ng mga apps.

Juan Ponce

  • Juan Ponce
  • Jun 24, 2018

Kung cache ng application yung hinahanap mo, punta ka sa settings > applications manager > tapos tap mo google play then tap mo clear cache, since sinabi mo about sa pag install ulit ng apps assume na problema sa Google Play yung issue mo

Good Answer

Mango Ramirez

  • Mango Ramirez
  • Mar 15, 2019

Depende kung anong cache ang gusto mo burahin, kung cache ng application punta ka lang sa settings > application manager tapos tap mo yung application na gusto mo burahin yung cache then okay na yun. Kung cache naman ng internet browser mo, pareho lang din hanapin mo lang sa application manager yung browser mo pero iba kapag pre-installed browser yung cache na gusto mo idelete

Good Answer

Jethro Salazar

  • Jethro Salazar
  • Mar 15, 2019

Lahat naman ng sinabi nila sa pag delete ng cache tama pero piliin mo lang talaga kung anong cache and ididelete mo kasi baka magkamali ka at mawala yung mga data na hindi dapat. Siguraduhin mo din na tama yung pag troubleshoot mo at baka mamaya memory storage pala talaga yung problema hindi cache ng application, sayang yung data pero kung wala naman importante naka save, okay lang din

Good Answer

Sweet Surrender

  • Sweet Surrender
  • Mar 15, 2019

Hindi naman nakakasira ng connectivity ang cache, saved data lang naman siya ng mga session mo sa internet, laman din niya ata yung mga temporary files ng website tulad ng pag video o audio stream mo. Nag dedelete lang ng cache kasi minsan may mga corrupted data or conflicting data kaya part ng troubleshooting ang pag delete nun

Good Answer

Reply

izabel dez

  • izabel dez
  • Jun 13, 2018

sa totoo lang itong LG G6 unit na ito kapag ginagamit ko ng lalag siya pag ng tatype ka o di kaya may tinitingnan ka pababa tapos pg titake ka ng picture blurry siya at hindi presko yong pagkakuha niya hindi katulad ng iPhone 6s plus or Mate 9.

Juan Ponce

  • Juan Ponce
  • Jun 24, 2018

Sayang nga hindi nasundan ng LG yung G3, yung mga sumunod kasi na model hindi na kasing ganda ng G3 at hindi naging kasing sikat, yung G4 at G5 may mga narinig din akong issue at hanggang dito sa G6 hindi na address yun

Good Answer

Sweet Surrender

  • Sweet Surrender
  • Mar 15, 2019

Tingin ko hindi mo dapat kinukumpara itong G6 sa iPhone 6S, kasi mas maganda yung software talaga nun saka specs, mukhang lang mababa kasi iba naman yung software na tumatakbo sa iPhone kaya baka mas mababa yung kelangan na hardware. Anyway try mo muna mag reset ng phone baka maayos yung problema, kadalasan kapag software issue ayun yung nakakaayos

Good Answer

EnSci101

  • EnSci101
  • Mar 15, 2019

Actually madami ka pa pwedeng itry tungkol sa pag lag ng phone, pero unahin mo nga din muna mag reset, kapag hindi naayos yung problema saka mo itry mag hanap ng update para sa phone, punta ka ng settings > about > check updates, kung wala sa about option basta hanapin mo lang sa settings yung check updates at kung meron update mo agad

Good Answer

Rowan Nawor

  • Rowan Nawor
  • Mar 15, 2019

Baka dapat pinacheck mo muna sa service center? Kung may warranty pa dalhin mo na doon after mo mag reset ng phone, malay mo unit defect para maayos ng mabilis saka libre, kung sabihin nila na ganun talaga yung phone, ang pwede mong work around ay palitan yung software or yung operating system mismo para mas mapaganda yung phone kaso kelangan may onting technical skills ka sa computer para magawa yun

Good Answer

markstonis

  • markstonis
  • Mar 19, 2019

The user is finding the classy after using the LG G6 19357 which will be going to make easier after providing https://netgears.support/blog/netgear-r6700-nighthawk-ac1750-review/ that go with the operating system and the software which more likely to use it.

Good Answer

Reply

Page 1 of 1

  • 1

Latest Topics for Mobile Phones

Wilton Ong

I'ved bought LG G8X in Taiwan, but the SIM cards i

I'ved bought LG G8X in Taiwan, but the SIM cards in the Philippines cannot be use by the phone, what can I do to be use it in the Philippines?

  • Last updated : Jul 1, 2020
  • Posted by Wilton Ong
  • Replies of This topic : 0 Replies

Soy Otnic

looking

hello san po kaya pwede makakabili ng phone LG optimus VU po sana huhuh meron pa kaya?

  • Last updated : Jun 15, 2020
  • Posted by Soy Otnic
  • Replies of This topic : 0 Replies

DI NO

Video call LG G3

Where is video call in lg g3 beat ?

  • Last updated : Mar 17, 2020
  • Posted by DI NO
  • Replies of This topic : 1 Replies
View Mode: PC | Mobile