L'Oreal Paris Infallible Pro-Matte Foundation Reviews

L'Oreal Paris Infallible Pro-Matte Foundation

Lowest Price P374.25 30 Prices
A liquid foundation that delivers a demi-matte finish that lasts up to 24 hours.
  • Foundation
  • 30 mL, Lightweight, Long ...
  • Liquid
L'Oreal Paris Infallible Pro-Matte Foundation

Compare prices

Reviews

Forum

Overall Rating

Total 4.1

Please feel free to post your review on this product.

Write a Review

Michelle Torres

  • Review by Michelle Torres
  • Nov 30, 2018
Total 4.0

Nagwo-work sa skin ko

I purchased this L'Oreal Paris Infallible Pro-Matte Foundation because marami akong nakikitang mga YouTube reviews about it. Mostly ay oily talaga ang balat ko pero minsan naman ay nagiging combination type ito. Ginagamitan ko ito ng beauty sponge at sini-set ng setting powder ng Real Techniques. Meron itong medium coverage pero more on the full coverage side. Kahit na pinapawisan ako ay nag-i-istay pa rin ito sa skin ko. As for its price, I'm happy with it na. At talagang ginagamitan ko muna ng promer ang face ko bago mag-apply nitong foundation na ito.

Good Review

Arah  Elizabeth

  • Review by Arah Elizabeth
  • Nov 29, 2018
Total 5.0

Great foundation for me...

Normal naman sana ang skin ko pero pagdating talaga sa t-zone ko ay nagkaka-problema ako dahil sa oily ito. Nahihirapan ako pagdating sa pag-aapply ng foundation at kelangan palaging mag-blot ng t-zone ko kaya itinigil ko muna. Pero after a year ay sinubukan ko ulit na gumamit nito at di ako makapaniwala na nag-stop ako gumamit nito. Hindi ko na kasi kailangan pang mag-blot ng skin ko at isa pa ay tumatagal nang isang araw kahit walang touch-up. Kailangan lang na siguraduhin ko na nakapag-moisturize ako nang maayos sa umaga. Ini-aapply ko ito using my fingers tapos ay bini-blend ko ng beauty sponge na ginagamit ko sa ngayon.

Good Review

Rachelle Ledesma

  • Review by Rachelle Ledesma
  • Nov 29, 2018
Total 2.0

Gusto ko sana...

Naghahanap ako ng mas murang dupe sa aking paboritong Too Faced Born This Way na foundation at ito yung una kong choice. Talagang nagustuhan ko ito hanggang sa nagsimula namang magka-breakouts ang skin ko. Normally ay hindi ako nagkaka-acne talaga maliban sa mga paminsan-minsang blackheads at mga hormonal breakouts kapag nagkaka-menstruation ako. Ang foundation na ito ay naka-cause ng breakouts sa balat ko lalo na sa may parteng noo at sa pisngi. Meron itong magandang medium coverage na madaling mai-blend pero hindi ito okay sa pores ko at sa skin ko. :-(

Good Review

Sheena Montefalco

  • Review by Sheena Montefalco
  • Nov 29, 2018
Total 3.0

Walang ka-match na shade

Enjoy na enjoy akong gamitin ang foundation na ito. Last year ay ginagamit ko ito nang mga ilang months pero nagustuhan ko yung product ng Wet N Wild foundation tapos ngayon eh nag-start ulit akong gumamit nito nung maubusan ako ng ginagamit ko. Okay lang sa aking gumamit nito kaya lang ang problema ay yung shade nito na walang ka-match na sa skin tone ko dahil medyo nawala na yung pagka-tan ng skin ko. Sana ay magkaroon pa sila ng iba pang shade range nito na mapagpipilian ko dahil sa tingin ko ay poor talaga ang selection ng shades nito.

Good Review

Jane Andrade

  • Review by Jane Andrade
  • Nov 28, 2018
Total 5.0

Gustong-gusto ko

Dati ay gumagamit ako ng mga cream based foundation at powder powder finish sa ibabaw pero after kong mag-try nito, nagawa nito lahat-lahat. Ngayon ay kasama na rin ako sa mga nahihilig sa bagong matte trend ngayon at dahil sa ito ay talagang buildable at merong coverage na almost full talaga. I just love this foundation at isa pa ay napakadali at ang bilis nitong i-apply kahit na gamit ang fingers ko pero mas prefer ko ang wet na sponge application kung meron pang time. Hindi rin ito nag-o-oxidize at di nagbabago ang kulay na parang nag-o-orangey kaya talagang okay na okay. Thumbs up!

Good Review

Shantal Legaspi

  • Review by Shantal Legaspi
  • Nov 28, 2018
Total 5.0

Sobrang flawless sa skin!

Antagal kong hindi ginamit ang product na ito kahit na meron ako nito na na-received ko as a gift sa bestfriend ko. Ang akala ko kasi ay pangit ang kakalabasan nito sa skin ko na talagang dry pero nagkamali talaga ako. Ito yung the best foundation na nagamit ko ever. Mas prefer ko ito kesa sa mga ginagamit ko dati na halos lahat ng foundation na meron ako. I wont't buy ng mga mamahaling foundations ulit. Sobrang natural at talagang nagla-last nang buong araw. Hindi rin nagki-cling sa mga dry patches ko. Sobrang flawless!

Good Review

Jeslin Perez

  • Review by Jeslin Perez
  • Nov 28, 2018
Total 5.0

Ang HG foundation kong drugstore product

Kapag pro-matte talaga ang isang product, expect mo na talagang professional itong matte. At ang coverage at yung itinatagal ng foundation ay pwede mong maikumpara sa mga mamahaling mga foundation dahil nagtatagal talaga ng halos walong oras sa skin ko na may konting fading lang. Natatakpan nito ang mga minor na mga blemishes at imperfections at saka napaka-buildable pa talaga. Nagustuhan ko kung paano nito nabigyan ng healthy matte finish ang skin ko. Matte ito pero makikita pa rin talaga na nag-go-glow ang balat ko kapag na-blend na dito ang natural oil ng skin ko. I like to use this daily as my HG foundation.

Good Review

Marife Ragasa

  • Review by Marife Ragasa
  • Nov 26, 2018
Total 5.0

Staple kong foundation

Lightweight ang foundation na ito na parang second skin lang Meron itong medium coverage na buildable hanggang sa full coverage at madaling i-blend at madali ring mag-set. Nung unang beses na gumamit ako nito, hindi ako naka-experience ng anumang breakouts kahit na pro-matte ito. Nag-work din ito sa silicone-based ko na primer kaya added bonus ito para sa akin. Hindi na kailangang mag-require ng setting powder kaya walang anumang cakey makeups na mararanasan. Nagustuhan ko ang finish nito kesa sa Superstay at ginagamit ko na lang ang Superstay sa mga shorter na duration. Okay din ang longevity nito sa oily skin...

Good Review

Criselle Vitales

  • Review by Criselle Vitales
  • Nov 20, 2018
Total 5.0

Amazing!

Matagal ko nang gustong sumubok ng foundation na ito kaya lang ay may pagka-expensive talaga kaya kelan ko lang nasubukan nung nagkaroon ng Sale ang product ng L'Oreal Paris sa Watson. So far, nagustuhan ko ito talaga. Sa mga dati kong foundation, pakiramdam ko ay kailangan kong maglagay ng maraming layer ng powder para maging matte ang skin ko at makontrol ang pagiging makintab nito pero sa foundation na ito ay hindi talaga. Sobrang amazing nito para sa akin. Nakokontrol nito kahit ang pinaka-oily part ng face ko which is the my nose. Hindi rin ito nagiging cakey kahit na sa mga fine lines ko kaya pwede akong mag-layer para ma-adjust ang coverage. Truly amazing foundation!

Good Review

Kyla Mercado

  • Review by Kyla Mercado
  • Nov 16, 2018
Total 5.0

I'm amazed!

I love this foundation! Meron itong great coverage at merong matte na finish. Gumagamit ako ng damp na beauty blender para i-apply at very smooth ito kapag ini-aapply ko at saka pantay din. Hindi rin ito natatanggal kaagad sa skin kaya hindi ko kailangang mag-worry na matatanggal ito kapag na-rub off ng kamay ko. Kahit nga nagwo-workout ako, ginagamit ko rin ito at hindi pa rin natatanggal kahit na pagpawisan pa ako. This is kinda amazing!

Good Review

Nelly Agustin

  • Review by Nelly Agustin
  • Nov 15, 2018
Total 4.0

Works great kahit sa oily skin...

Gustong-gusto ko ang matte foundation na ito dahil kahit na sobrang oily ang skin ko ay na-keep nito na di maging shiny ang skin ko. Normally ay gumagamit ako ng foundation na may tan color pero sobrang dark nito sa akin kaya kailangan ko pang i-mix ito sa ibang shades para mag-work sa skin ko. Pero sa performance ay super ganda talaga nito. Kaya nag-decide ako na mag-order na lang ng ibang shade na mas lighter dito sa unang binili ko. Hindi man masyadong maraming laman ng tube nito, overall ay masaya ako sa pag-purchase ko nito. Ito kasi yung unang beses na gumamit ako ng mas cheaper na foundation at nagustuhan ko naman ito...

Good Review

Arnie Aguilar

  • Review by Arnie Aguilar
  • Oct 26, 2018
Total 4.0

Talagang nakaka-hide ng blemishes

Kung gusto nyo ng full coverage sa skin nyo, ito ang product na perfect for you, Natatakpan nito talaga ang mga blemishes at ang mga dark spots sa skin. Ang isang downside lang nito sa skin ko ay hindi ko ito mai-spread sa skin ko nang madali at very smooth kaya kapag nagpapa-picture ako nang may flash ay parang may pagka-patchy ang skin ko sa ilang parts pero sa ibang lighting angles, ay maganda namang tingnan kaya nakakalito nga lang kung ano talaga ang skin ko. Nagustuhan ko naman ito dahil maganda naman kapag nagsho-shoot kami ng video as long as mabilisang apply lang nito at i-rub nang mabilis at nakakatulong nang malaki ang blending brush kapag medyo binasa mo ito at medyo i-press ang makeup sa skin.

Good Review

Carel Alvarez

  • Review by Carel Alvarez
  • Oct 22, 2018
Total 5.0

Long-lasting foundation....

Itong L'Oreal Paris Pro-Matte Foundation ang personal favorite ko at sobrang ini-re-recommend ko sa lahat. Nagustuhan ko ito sa pagiging light sa face habang tinatakpan nito ang mga imperfections ko. Hindi ito nag-iiwan ng malagkit na feeling sa skin dahil Pro-matte ang foundation na ito at what's more? This foundation is not also expensive. Kung may problema ka sa pagde-decide kung anong foundation ang bibilhin mo, ito ang perfect na product to purchase at talagang hindi ka magsisisi about it. Sino ba naman ang aayaw sa foundation na super duper long lasting?

Good Review

Kristine Bernal

  • Review by Kristine Bernal
  • Oct 22, 2018
Total 5.0

Perfect matte

Nagsisi ako kung bakit late ko na tinry itong L'Oreal Paris Pro-Matte Foundation kahit na before eh palagi ko namang nakikita sa cosmetics shop na binibilhan ko. Ito sa ngayon yung bagong product na gustong-gusto ko. Talagang very long lasting ito at magandang gamitin tuwing nasa labas ka at nagwo-work nang mahabang oras dahil konti lang talaga yung kelangang touch-ups kapag ito ang ginagamit mong foundation. May convenient packaging pa na ang daling dalhin kahit saan. Walang super duper matte na feeling pero matte ito. Ironic pero hindi ito yung heavy kind ng matte feeling na nagustuhan ko talaga. Pwede mo pang i-adjust ang coverage depende kung gaano karami o kakonti yung product na ini-apply mo sa skin. Love this foundation!

Good Review

Jonalyn Cecista

  • Review by Jonalyn Cecista
  • Oct 19, 2018
Total 2.0

Ok lang sa saglit na oras...

Ang foundation na ito ay nagagawang pagandahin ang skin ko after application. Napakaganda ng ng tone nito sa skin at maganda din ang finish. Kaya lang, pagkatapos ng mga dalawa hanggang tatlong oras, nagiging awful ito sa paningin. Nagka-crack at nagiging cakey ito sa skin. Sa bandang hapon ay nagiging sobrang pangit tingnan ng skin ko. Kung mababago sana ang formula nito para maging long wearing, perfect sana ito. Ginagamit ko ang product na ito kung kelangan ko lang itong i-wear nang saglit na oras lang. Wala kasing primer o powder na nakatulong dito para maging okay sa skin ko nang matagalan.

Good Review

Rosella Ignacio

  • Review by Rosella Ignacio
  • Oct 17, 2018
Total 4.0

Nice performance...

Ito ang unang foundation na nabili ko noon pa at talagang masasabi ko na talagang na-pleased ako sa performance nito. Sobrang oily kasi ng skin ko at nagagawa ng foundation na ito na magmukhang matte ang skin ko nang matagal. Kaya kung may oily skin kayo at gusto nyo ng matte foundation pero nag-aalangan pa kayo sa product na ito, ini-re-recommend ko talaga ang L'Oreal Paris Pro-Matte Foundation na ito. Napakarami rin nilang variety of shades na amazing talaga.

Good Review

Arnilyn Bello

  • Review by Arnilyn Bello
  • Oct 11, 2018
Total 1.0

Worst foundation

Ito ang by far na pinaka-worst na foundation na nagamit ko. Sana mas maganda ang formula nito at kahit na nag-matched na sa skin ko ang color nito at maganda ang finish sa skin ko, pagkatapos ng mga tatlo hanggang apat na oras na paggamit ko nito, nag-start na mag-crack sa face ko ang foundation na ito at nagkaroon tuloy ako ng pangit na parang spotty na texture. Sobrang pangit talaga kung titingnan. Normal lang naman ang skin ko at gunagamit ako ng primer at moisturizer bago mag-apply pero hindi pa rin nag-wo-work ito sa skin ko. Sobrang na-embarrass ako sa office namin at itinatago ko yung pangit na splotches sa skin ko at hoping na di nila mapansin. So disappointed with this product!

Good Review

Shaniah Lee

  • Review by Shaniah Lee
  • Jul 31, 2018
Total 3.0

Transferrable

Nag-worked sa akin ang foundation na ito. Affordable din ito at naco-cover ang mga redness ko, Lightweight ito at nag-matched sa skin ko ang color ng nakuha kong shade, Medyo mapili ang skin ko pagdating sa foundation at I'm glad na hindi na-irritate ang skin ko dito, Ang isa lang problema ko sa foundation na ito ay nagta-transfer ito sa damit ko. Estudyante pa lang ako noon ay gamit ko na ito at palaging nagkakaroon ng transfer ang uniform ko kahit na medyo napadikit sa skin ko.

Good Review

Jenna Gayoso

  • Review by Jenna Gayoso
  • Jul 11, 2018
Total 5.0

My go to foundation

Halos lahat ng mga friends ko ay ipinagmamalaki ang product na ito at recently ko lang ito nai-try. At talagang true to its claim, meron talaga itong matte finish at nagustuhan ko ang texture nito sa skin ko. Napaka-gaan sa pakiramdam sa balat. At kapag bini-blend ko na sa skin ko, madaling naa-absorb ng skin at nag-iiwan ng flawless look sa skin ko. Konti lang ng product na ito ay enough na sa isang application. At sobrang nagustuhan ko ito. Ito ngayon ang aking Go-to foundation.

Good Review

Rianna

  • Review by Rianna
  • Sep 21, 2017
Total 5.0

A must have foundation!

I'm so happy that I finally got this L'Oreal Paris Pro-Matte Foundation. I just learned about this foundation from YouTube. I've tried a lot of foundations before but I'm not satisfied. I just want a foundation that will stay on my face for hours since I have an oily skin. After knowing a lot of good feedbacks and reviews about this foundation, I decided to buy one for myself. And when I finally got it, I tried it at once. I'm amazed how buildable and easy to blend this foundation. It lasts long and sweat proof. For me, it's so super duper amazing product. My skin is so smooth and flawless now. I'm very happy and very, very much contented with L'oreal Infallible Pro-Matte Foundation!

Good Review

Page 1 of 1

Latest Reviews for Beauty

Ang foundation na ito ay hindi perfect pero nagwo-work naman. Nung unang mge beses na nag-apply ako nito ay nagkaroon ako ng konting skin irritation pero after ng mga ilang beses na paggamit, nawala ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Arah Elizabeth
  • Date : Nov 16, 2018

Ito ang only product na nakita ko na nag-match sa skin tone ko at hindi talaga nag-cause ng breakouts sa skin ko. Meron akong pale combination na skin na may warm undertones at ang W1 shade ang nagwo- ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Erin Castillo
  • Date : Nov 15, 2018

I'm a L'Oreal True Match user for already five years na. Ito ang first choice ko pagdating sa mga foundation dahil gustong-gusto ko ang coverage nito. Meron akong mga skin pigmentation at dark spots ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Risa Nobles
  • Date : Oct 31, 2018
View Mode: PC | Mobile