L'Oreal Paris Infallible Pro-Matte Foundation Reviews

Overall Rating

Total 4.2

Please feel free to post your review on this product.

Write a Review

Johna Garcia

  • Review by Johna Garcia
  • Aug 30, 2019
Total 4.0

Long wearing and lightweight

Dalawang taon ko nang ginagamit ang Pro Matte Foundation na ito ng L'Oreal Paris at I consider this as my favorite talaga. Hindi ito nagfe-fade off at hindi na kailangan ng touch-ups. Kahit na hindi ko ito gamitan ng mga finishing powder, matte pa rin ang finish nito at hindi ako nagiging oily sa maghapon. Meron itong medium coverage pero okay lang ito as long as hindi mabigat sa pakiramdam at hindi ako nagkakaroon ng mga breakouts. Ang hindi ko lang nagustuhan dito ay nae-emphasize nito ang mga acne dahil sa mattifying nitong texture.

Good Review

Mikee Bernardo

  • Review by Mikee Bernardo
  • Aug 23, 2019
Total 5.0

Parang skin ko lang talaga

Sobrang love na love ko ang foundation na ito. Ang maganda dito ay talagang napaka-lightweight nito sa balat at parang wala kang ginagamit na foundation pero kung titingnan ang skin ay napakaganda at mukhang flawless. Usually ay ini-aapply ko ito sa umaga bago ako pumasok sa school at mga around lunchtime, gumagamit na lang ako ng blotting paper para ma-blot ang mga excess oils sa balat ko at pakiramdam ko ay nasa skin ko pa rin ang foundation na ito.

Good Review

Cherly Perez

  • Review by Cherly Perez
  • Aug 19, 2019
Total 5.0

My personal fave

Ang Infallible Pro-Matte Foundation ng L'Oréal ang talagang personal favorite kong foundation. Napaka gaan nito sa skin at ang ganda ng coverage. Medyo pigmented ito at talagang long wearing. At tulad ng sinasabi ng name nito, may matte finish ito Halos isang taon ko nang ginagamit ito at masasabi kong worth it ang pagre-repurchase nito. Kapag ito ang ginagamit ko, pakiramdam ko ay wala akong something na nakalagay sa face ko pero okay naman ang coverage nito at tumatagal simula umaga hanggang sa gabi. Nagiging sobrang oily ang t-zone ko at dito hindi masyadong nagtatagal ang pagka-matte nito palagi. Hindi pricey ang foundation na ito pero palagi akong nag-aantay ng mga discounts kasi palaging nagkakaroon ng discounts ang L'Oréal.

Good Review

Maricar Garcia

  • Review by Maricar Garcia
  • Jul 29, 2019
Total 4.0

Okay sa may oily skin

Isang taon ko nang ginagamit ang foundation na ito at talagang masasabi ko na isa ito sa mga the best foundation para sa oily skin ko. Super nagustuhan ko ito dahul hindi ito malagkit after kong mai-apply sa mukha ko at pakiramdam ko ay talagang lightweight ito. At saka tumatagal pa talaga ito kahit na madali akong pagpawisam ay hindi nagiging budgy ang foundation na ito. Ang isang ayaw ko lang dito ay yung packaging nito. Talaga kasing nagiging messy lalo na kahit na ang ang tube ay nakatayo dahil parang automatic na lumalabas ang product kapag binuksan ko na ang cap. Pero maliban dito, gusto ko ang foundation na ito...

Good Review

Mariella Jeliz

  • Review by Mariella Jeliz
  • Jul 24, 2019
Total 5.0

The best talaga

Talagang nagustuhan ko kung gaano nag-work sa balat ko ang foundation na ito. Ito ang the best na foundation para sa akin so far na perfect kong nabe-blend sa balat ko. Sa lahat ng mga foundation na nabibili sa drugstores, ito talaga ang tumatagal sa balat ko nang buong araw. Kahit na oily at sobrang sensitive ng balat ko at acne prone pa, bumagay naman sa balat ko ang foundation na ito at hindi ako naka-experience ng anumang breakouts.

Good Review

Yurie Villamor

  • Review by Yurie Villamor
  • Jul 20, 2019
Total 4.0

Pretty nice coverage

Akala ko ay meron itong full coverage pero sa price nito ay light to medium ito pero pretty worth it na rin naman. Hindi nga lang masyadong natakpan lahat ng mga pimple scars ko pero nabawasan yung pagiging dark ng appearance nito maging yung pamumula ng mga pimples ko. Pero okay itong gamitin araw-araw kapag gusto mong mag mukhang fresh kahit na mainit at humid ang panahon. I will definitely repurchase it!

Good Review

Antonette Armilla

  • Review by Antonette Armilla
  • May 31, 2019
Total 5.0

My holy grail foundation!

The best itong foundation sa mga nagamit ko na brand at masasabi ko talagang na-in love ako dito. Sobrang oily kasi ng balat ko na merong dry patches pa at ang formula lang nito ang nakagawa ng trick. Sa palagay ko, ang pinakamagandang paraan ng pag-aapply nito ay mag-apply muna ng moisturizer bago i-dab ito sa skin gamit ang damp beauty blender. May pagka-pale ang skin ko pero gusto kong paghaluin ang 101 at 102 na shade para bumagay sa skin ko. Tumatagal ang foundation na ito simula 6am at mukha pa ring fresh at natural sa buong maghapon. Hindi ako gumagamit ng concealer at hindi rin nag re-retouch pag ito ang ginagamit ko kaya wag na kayong mag-isip pa. Ito na ang bilhin nyo at baka maging HG nyo rin itong foundation like me.

Good Review

Gianne Grace

  • Review by Gianne Grace
  • May 25, 2019
Total 3.0

Hindi bagay sa skin ko

Hindi nag-work sa akin ang foundation na ito kahit anong gawin ko pero sa palagay ko ay hindi naman yung product lang ang dapat i-blame. Hindi lang talaga nag-match sa balat ko ang foundation na ito. Nakikita ko kasi ang ibang mga friends ko na merong oily or combo skin na ginagamit ito dahil gusto nila ng talagang matte na look at maganda ito sa kanila. Pero ako kasi ay may dry skin at yung matte siguro ay hindi umakma para sa akin kaya huge miss talaga sa akin ang foundation na ito dahil nagka-crack ang skin ko sa foundation na ito at sobrang matte tingnan. Pero sa ibang skin type ay bumabagay naman ito kaya kung oily ang skin nyo, try nyo ito. Mas nagustuhan ko pa ang dewy version ng foundation na ito at yon talaga ang bumagay sa dry skin ko.

Good Review

Aprielle Fajardo

  • Review by Aprielle Fajardo
  • May 24, 2019
Total 3.0

Madaling mag-transfer

I like this foundation at talagang nagwo-work ito sa akin. Very affordable pa at talagang naitatago yung mga skin imperfections ko. Magaan lang ito sa skin at it suits my skin tone talaga. Medyo picky kasi ako pagdating sa mga foundation at I'm so happy na hindi ito naka break out sa skin ko. Yung isa ko lang problem ay nagta-transfer ito sa damit ko. Naka-white pa naman akong damit dahil sa uniform namin as nurse at kapag napadikit sa uniform ko ang face ko ay talagang dumidikit ang color. Kung hindi lang dito, ito sana yung HG kong foundation eh.

Good Review

Blanca Pascual

  • Review by Blanca Pascual
  • May 21, 2019
Total 5.0

Nice coverage

Gusto ko ang coverage ng foundation na ito at yung feeling nito sa skin ko na napakagaan. Kapag na-set na, hindi ako nakakaramdam ng anumang lagkit sa skin bago ako mag apply ng setting powder. Natatakpan nito ang mga pigments sa skin ko at okay din ang staying power para sa isang drugstore foundation. Okay ang foundation na ito. Nakapag purchase na ako nito nang ilang beses. Meron itong matte finish at madaling ma-blend sa balat. Nire-recommend ko rin ito sa merong oily skin pero hindi sa merong mga dry skin dahil parang magmumukhang mas dry ang skin nyo dito.

Good Review

Camille Villapando

  • Review by Camille Villapando
  • May 20, 2019
Total 5.0

Nice foundation

Ang ganda ng foundation na ito. Meron itong medium na coverage na nakapantay ng unevenness ng skin ko at nagtakip sa mga light blemishes ko pero sobrang natural pa ring tingnan. Kahit na brush pa ang gamitin o sponge, o kaya ay daliri lang, maganda pa ring tingnan ang foundation once na nai-apply na sa balat ko. Buildable ang coverage nito at talagang perfect para sa skin ko na sobrang oily. Kahit na kini-claim nito ne meron itong demi-matte na finish, nagbibigay pa rin ito ng natural at mukhang glowing na skin. Ang ganda din ng packaging nito.

Good Review

Michelle Torres

  • Review by Michelle Torres
  • Nov 30, 2018
Total 4.0

Nagwo-work sa skin ko

I purchased this L'Oreal Paris Infallible Pro-Matte Foundation because marami akong nakikitang mga YouTube reviews about it. Mostly ay oily talaga ang balat ko pero minsan naman ay nagiging combination type ito. Ginagamitan ko ito ng beauty sponge at sini-set ng setting powder ng Real Techniques. Meron itong medium coverage pero more on the full coverage side. Kahit na pinapawisan ako ay nag-i-istay pa rin ito sa skin ko. As for its price, I'm happy with it na. At talagang ginagamitan ko muna ng promer ang face ko bago mag-apply nitong foundation na ito.

Good Review

Arah  Elizabeth

  • Review by Arah Elizabeth
  • Nov 29, 2018
Total 5.0

Great foundation for me...

Normal naman sana ang skin ko pero pagdating talaga sa t-zone ko ay nagkaka-problema ako dahil sa oily ito. Nahihirapan ako pagdating sa pag-aapply ng foundation at kelangan palaging mag-blot ng t-zone ko kaya itinigil ko muna. Pero after a year ay sinubukan ko ulit na gumamit nito at di ako makapaniwala na nag-stop ako gumamit nito. Hindi ko na kasi kailangan pang mag-blot ng skin ko at isa pa ay tumatagal nang isang araw kahit walang touch-up. Kailangan lang na siguraduhin ko na nakapag-moisturize ako nang maayos sa umaga. Ini-aapply ko ito using my fingers tapos ay bini-blend ko ng beauty sponge na ginagamit ko sa ngayon.

Good Review

Rachelle Ledesma

  • Review by Rachelle Ledesma
  • Nov 29, 2018
Total 2.0

Gusto ko sana...

Naghahanap ako ng mas murang dupe sa aking paboritong Too Faced Born This Way na foundation at ito yung una kong choice. Talagang nagustuhan ko ito hanggang sa nagsimula namang magka-breakouts ang skin ko. Normally ay hindi ako nagkaka-acne talaga maliban sa mga paminsan-minsang blackheads at mga hormonal breakouts kapag nagkaka-menstruation ako. Ang foundation na ito ay naka-cause ng breakouts sa balat ko lalo na sa may parteng noo at sa pisngi. Meron itong magandang medium coverage na madaling mai-blend pero hindi ito okay sa pores ko at sa skin ko. :-(

Good Review

Sheena Montefalco

  • Review by Sheena Montefalco
  • Nov 29, 2018
Total 3.0

Walang ka-match na shade

Enjoy na enjoy akong gamitin ang foundation na ito. Last year ay ginagamit ko ito nang mga ilang months pero nagustuhan ko yung product ng Wet N Wild foundation tapos ngayon eh nag-start ulit akong gumamit nito nung maubusan ako ng ginagamit ko. Okay lang sa aking gumamit nito kaya lang ang problema ay yung shade nito na walang ka-match na sa skin tone ko dahil medyo nawala na yung pagka-tan ng skin ko. Sana ay magkaroon pa sila ng iba pang shade range nito na mapagpipilian ko dahil sa tingin ko ay poor talaga ang selection ng shades nito.

Good Review

Jane Andrade

  • Review by Jane Andrade
  • Nov 28, 2018
Total 5.0

Gustong-gusto ko

Dati ay gumagamit ako ng mga cream based foundation at powder powder finish sa ibabaw pero after kong mag-try nito, nagawa nito lahat-lahat. Ngayon ay kasama na rin ako sa mga nahihilig sa bagong matte trend ngayon at dahil sa ito ay talagang buildable at merong coverage na almost full talaga. I just love this foundation at isa pa ay napakadali at ang bilis nitong i-apply kahit na gamit ang fingers ko pero mas prefer ko ang wet na sponge application kung meron pang time. Hindi rin ito nag-o-oxidize at di nagbabago ang kulay na parang nag-o-orangey kaya talagang okay na okay. Thumbs up!

Good Review

Shantal Legaspi

  • Review by Shantal Legaspi
  • Nov 28, 2018
Total 5.0

Sobrang flawless sa skin!

Antagal kong hindi ginamit ang product na ito kahit na meron ako nito na na-received ko as a gift sa bestfriend ko. Ang akala ko kasi ay pangit ang kakalabasan nito sa skin ko na talagang dry pero nagkamali talaga ako. Ito yung the best foundation na nagamit ko ever. Mas prefer ko ito kesa sa mga ginagamit ko dati na halos lahat ng foundation na meron ako. I wont't buy ng mga mamahaling foundations ulit. Sobrang natural at talagang nagla-last nang buong araw. Hindi rin nagki-cling sa mga dry patches ko. Sobrang flawless!

Good Review

Jeslin Perez

  • Review by Jeslin Perez
  • Nov 28, 2018
Total 5.0

Ang HG foundation kong drugstore product

Kapag pro-matte talaga ang isang product, expect mo na talagang professional itong matte. At ang coverage at yung itinatagal ng foundation ay pwede mong maikumpara sa mga mamahaling mga foundation dahil nagtatagal talaga ng halos walong oras sa skin ko na may konting fading lang. Natatakpan nito ang mga minor na mga blemishes at imperfections at saka napaka-buildable pa talaga. Nagustuhan ko kung paano nito nabigyan ng healthy matte finish ang skin ko. Matte ito pero makikita pa rin talaga na nag-go-glow ang balat ko kapag na-blend na dito ang natural oil ng skin ko. I like to use this daily as my HG foundation.

Good Review

Marife Ragasa

  • Review by Marife Ragasa
  • Nov 26, 2018
Total 5.0

Staple kong foundation

Lightweight ang foundation na ito na parang second skin lang Meron itong medium coverage na buildable hanggang sa full coverage at madaling i-blend at madali ring mag-set. Nung unang beses na gumamit ako nito, hindi ako naka-experience ng anumang breakouts kahit na pro-matte ito. Nag-work din ito sa silicone-based ko na primer kaya added bonus ito para sa akin. Hindi na kailangang mag-require ng setting powder kaya walang anumang cakey makeups na mararanasan. Nagustuhan ko ang finish nito kesa sa Superstay at ginagamit ko na lang ang Superstay sa mga shorter na duration. Okay din ang longevity nito sa oily skin...

Good Review

Criselle Vitales

  • Review by Criselle Vitales
  • Nov 20, 2018
Total 5.0

Amazing!

Matagal ko nang gustong sumubok ng foundation na ito kaya lang ay may pagka-expensive talaga kaya kelan ko lang nasubukan nung nagkaroon ng Sale ang product ng L'Oreal Paris sa Watson. So far, nagustuhan ko ito talaga. Sa mga dati kong foundation, pakiramdam ko ay kailangan kong maglagay ng maraming layer ng powder para maging matte ang skin ko at makontrol ang pagiging makintab nito pero sa foundation na ito ay hindi talaga. Sobrang amazing nito para sa akin. Nakokontrol nito kahit ang pinaka-oily part ng face ko which is the my nose. Hindi rin ito nagiging cakey kahit na sa mga fine lines ko kaya pwede akong mag-layer para ma-adjust ang coverage. Truly amazing foundation!

Good Review

Page 1 of 2

View Mode: PC | Mobile