L'Oreal Paris Infallible 24HR Fresh Wear Foundation Reviews

Compare prices

Reviews

Forum

Overall Rating

Total 4.0

Please feel free to post your review on this product.

Write a Review

Jerlyn Villamer

  • Review by Jerlyn Villamer
  • Sep 30, 2019
Total 5.0

Hindi na kailangang mag blot pa

Kapag may mga pinupuntahan akong mga occasion, ito ang ginagamit kong foundation. Kahit na kapag nauubusan ako ng regular kong ginagamit na BB cream, ito ang ginagamit ko. Medyo expensive pero talagang it does the job sa pagbibigay ng full coverage sa face. Ginagamit ko ito with my favorite brush at okay na ako. Hindi na kailangan ng mga blot-blot pa. Oily ang balat ko pero kapag ito ang gamit ko, hindi ko na kailangang maglagan ulit ng powder. At saka hindi na kailangan pang mag blot. Medyo nagiging dewy lang ang face ko tingnan pero ang ganda pa rin naman. At saka hindi rin ito nag o-oxidize sa mukha ko kaya hindi nagiging dark ang kulay ng skin ko.

Good Review

Jela Ramos

  • Review by Jela Ramos
  • Sep 19, 2019
Total 5.0

Perfect talaga

Nung nag-order ako ng foundation na ito noong isang linggo, talagang ipinagdarasal ko na sana, napili ko yung tamang shade sa akin. Natanggap ko naman kaagad ang order ko 24 hours after kong magbayad at simula noon ay ito na ang ginagamit ko na foundation. Nagustuhan ko kung gaano ka-lightweight ng forula nito at talagang nakaka-hinga ang balat ko. Perfect na shade ito sa akin at walang anumang dry patches at ang dali-dali pang i-blend. Added bonus to this ay nabili ko lang ito dahil sale.

Good Review

Maridel Lozada

  • Review by Maridel Lozada
  • Jun 29, 2019
Total 5.0

Truly the best!

Ito talaga yung the best na foundation na ginamit ko. Nung unang binili ko ito, hindi nagmi-mix dito nang maayos ang concealer ko at akala ko hindi ito magwo-work sa skin ko. Gamit ko ang full wear concealer sa skin ko para matakpan ang pimples bago ito i-apply at naging game changer ito for me. At dahil oily ang balat ko, kalimitan dati eh palagi akong nagkakaroon ng problema sa pagiging makintab ng skin ko after ng lang oras na paggamit ko sa mga foundation. Pero dito sa foundation na ito, mukhang medyo dewy lang ang skin ko at kung titingnan eh ang lakas maka-fresh. Hanggang 12 hours ang tinatagal nito kung ile-layer nang maayos ng powder. Worth the ype talaga ang foundation na ito at bibili pa ako ng pangalawang bote ko.

Good Review

Winona Castro

  • Review by Winona Castro
  • Jun 24, 2019
Total 5.0

Good for dry skin too

Sobrang dry ng skin ko all year long at usually ay bumibili ako ng mga products for skin ko na para sa dry na balat pero halos wala akong makita na lately ng product na maganda ang coverage at talagang long lasting. Ang foundation na ito nung magamit ko ay satin matte ang finish kaya hindi na masama sa dry kong balat at isa pa ay hindi ito nagse-settle sa mga fine lines ko at hindi nagmumukhang texturized ang balat ko. Maganda ang coverage nito at buong araw sa skin ko kahit na mainit. Highly recommended ko ito.

Good Review

Noemi Esquillo

  • Review by Noemi Esquillo
  • Jun 18, 2019
Total 4.0

It matched my skin!

This foundation is truly a match to me. Kahit na super dry ang skin ko at merong mga fine lines at mga blemishes, it works perfectly sa balat ko. Pag ini-apply ko eh parang wala lang sa skin ko. Hindi drying at hindi nagse-settle sa mga fine lines ko at natatakpan pa ang mga blemishes. Nagla-last ito nang all day except sa may parteng ilong ko na nagiging oily talaga at nara-rub ng salamin ko. I'm so in love with this foundation. Nagwo-work ito nang parang may magic. Kaya I'm so happy na sinubukan ko ito.

Good Review

Mia Acejo

  • Review by Mia Acejo
  • Apr 30, 2019
Total 5.0

Best foundation

I really love this foundation. Finally ay nahanap ko na ang ka-match ng skin tone ko. Wala pa akong foundation na nag-matched talaga sa skin ko kahit na yung mga mamahaling mga foundations. Nagla-last pa ito nang matagal sa skin ko kahit na combination ang balat ko. Nagwo-work din ito with other products at walang pakiramdam na mabigat sa balat dahil sobrang lightweight lang talaga nito pero natatakpan ang dapat takpan ng medium coverage nito at buildable pa kung kinakailangan. Ini-rerecommend ko rin ang paggamit ng beauty sponge dahil napansin ko na parang hindi masyadong nagwo-work dito ang brush. Sobrang affordable nito at talagang true to its claim pa.

Good Review

Jane Lawrence

  • Review by Jane Lawrence
  • Apr 28, 2019
Total 3.0

Decent foundation

Super excited talaga ako sa foundation na ito. Something na bago ito para sa akin dahil meron akong combo skin at saka isa pa ay parang ayaw ko na ng mga matte foundation. Para nga lang weird ang foundation na ito. Kasi parang nagkakaroon ng weird na separations sa may bandang ilong at sa noo ko at hindi ma-blend ng mga beauty blender pero natutuyo rin naman kaagad. Pero hindi pa rin ako naggi-give up dito. Hinahaluan ko ito ng iba-ibang oils at moisturizers para mapatagal ang blending at so far, nagiging okay naman. Decent foundation.

Good Review

Frances Kate

  • Review by Frances Kate
  • Apr 25, 2019
Total 5.0

Tumatagal talaga nang buong araw!

Talagang gusto ko ito dahil tumatagal ito nang buong araw sa skin ko ang ang ganda pa ng coverage. Ang isa ko lang na ikinaayaw dito ay yung kapansin-pansin na fragrance nito at yung product na lumalabas ay medyo may pagka-watery. Pero na-sorpresa ako dito dahil sa nakukuha kong coverage dito at talagang natatakpan ang mga blemishes ko na hindi kaya ng ibang foundation. Dati pa akong naghahanap ng foundation na magtatakip sa mga skin imperfections ko at ito na nga ang sagot. Hindi ako nadisappoint sa product na ito. At saka isa pa ay yung skin ko ay meron ding tendency na maging dry pero sa foundation na ito, hindi naging dry ang skin ko unlike sa ibang products na nagkakaroon ako ng mga dry patches sa skin.

Good Review

Roxel Santos

  • Review by Roxel Santos
  • Apr 23, 2019
Total 4.0

Great foundation

Naghahanap ako dati ng foundation para sa dry/combo skin ko at ito yung nabili kong product. Nung una ay medyo nag-aalangan ako sa pagiging matte finish nito para sa skin ko pero nung once na sinubukan ko itong i-apply sa skin ko, nagustuhan ko naman sobra. Kinailangan ko nga lang bumili ng dalawang shades para paghaluin dahil wala akong makitang ka-match ng skin tone ko pero hindi naman ito big deal para sa akin. Sobrang dali nitong i-apply sa face ko at i-buil up. Napansin ko nga lang na habang tumatagal ito sa skin ko, medyo nag-o-oxidize ito pero nangyayari lang yon pag sobrang dami ng nai-apply kong product kaagad. Otherwise, isa na ang foundation na ito sa mga paborito kong foundation.

Good Review

Nikki Ferrer

  • Review by Nikki Ferrer
  • Apr 15, 2019
Total 1.0

Lagi akong nagkaka-breakouts

Gusto ko ang foundation na ito dati at clueless ako sa pagme-makeup noon. ito pa nga ang nagung una kong liquid foundation sa trabaho ko. Gumagamit din ako ng infallible matte powder para mas maging maganda ang finish nito. Kaya lang hindi ko alam ang dahilan kung bakit ako nagkakaroon ng mga breakouts pagkatapos kong gumamit nito. Ang akala ko lang dati ay dahil sa period ko at sa hormones kp pero talagang ito yung nakikita kong reason eh. Gusto ko ang mga products ng L'oreal pero hindi nag fit sa akin ang foundation na ito dahil sobra ang pagka sensitive ng balat ko. Sa halip na magmukhang smoother ang skin ko, naging parang mas kapansin-pansin pa ang mga pores ko kahit na gumagamit naman ako ng primer at moisturizer. Nag o-oxidize din ito at parang nagiging dry ang balat ko tingnan kasi nagiging cakey kahit na isang layer lang ang ini-apply ko nito. Madali pa naman itong mag set sa balat kaya ang hirap i-blend. Hindi ko rin nagustuhan ang amoy dahil amoy ng strong na chemical kaya siguro ako nagkakaroon ng mga breakouts. Siguro babagay lang ito sa may mga normal na skin at hindi sa mga oily at sensitive na skin tulad ko.

Good Review

Christine Vasquez

  • Review by Christine Vasquez
  • Mar 28, 2019
Total 4.0

Nice foundation..

Ito ang holy grail ko bago pa mang ilabas ng L-Oreal ang mga pro-mattes. Nakagamit na ako ng ilang bote ng product na ito dahil talagang super love ko ito. Product-wise, sobrang fantastic nito at isang layer lang ay na-achieve ko na agad ang coverage na kailangan ko. Hindi ito patchy at hindi nagse-settle sa mga pores ko. Nung nag-try ako ng pro-matte line nila, na-realized ko na hindi ito masyadong matte finish talaga at meron itong dewy at soft na finish. Kapag nakikita kong yung matte face ko ay sobrang harsh looking, ihihahalo ko ang foundation na ito para makapagbigay ng fresher at mas soft na look habang pinipigilan ang pagiging oily ng skin ko. Ang isa lang na nakaka-disappoint sa akin ay yung presyo nito na mukhang mataas para sa isang drugstore product.

Good Review

Gailey Zamora

  • Review by Gailey Zamora
  • Mar 22, 2019
Total 1.0

Okay sana pero hindi tumatagal sa skin

Binili ko ito dahil naubusan ako ng usual brand na ginagamit ko. Nakita ko naman kasi na marami itong magagandang reviews kaya ito yung napili ko. Nagustuhan ko ang feeling pagka-apply ng foundation na ito. Parang sobrang runny nga lang ng formulations nito kapag ini-isquirt ko na palabas ng bote pero ang ganda talaga ng finish sa skin na may pagka-velvety. Magandang tingnan sa mga unang oras pagka-apply pero pag-umabot na sa lunch time, nagsisimula na itong matanggal at parang ang pangit tingnan ng mga dry spots sa mukha ko. Ini-iscrub ko ang mukha ko bago ako mag-apply ng makeup at gumagamit din ako ng moisturizer at ng primer araw-araw pati na rin ng setting spray pagkatapos. Nagsimula na ring magkaroon ako ng mga breakouts dahil dito at wala naman akong issue sa pagkakaroon ng breakouts dati. Unfortunately, hindi ko na itutuloy ang paggamit nito.

Good Review

Fionah Luna

  • Review by Fionah Luna
  • Mar 14, 2019
Total 5.0

Sobrang like ko!

Palaging mga mamahaling mga foundation ang binibili ko dati pero nung makita ko na masyadong naging rave ang paggamit nito ng mga friends ko, gusto ko na tuloy i-try din kaya bumili rin ako. At after kong magamit, OMG, sobrang amazing talaga dahil bumagay ito sa kulay ng balat ko. Nagustuhan ko rin ang coverage nito dahil ayoko ng sobrang full coverage kapag nagme-makeup. Nagustuhan ko rin na hindi ito nagse-settle sa mga fine lines ko at hindi rin nagki-crease man lang. Sobrang like na like ko toh bes!

Good Review

Page 1 of 1

  • 1

Latest Reviews for Beauty

Kung tamad ka at ayaw mong pumunta sa mga salon para magpakulay ng hair, perfect ito para sayo. Kung mahaba ang buhok mo, suggest ko na mga dalawang box nito ang bilihin mo kasi maaaring hindi ...Read more

  • Rating : 4.0
  • Review by Jela Ramos
  • Date : Sep 30, 2019

Nabili ko ito nung magkaroon ng sale ang Watson's. Ginagamit ko ito para ma-set ang Loreal Infallible Fresh Wear Foundation ko. Nakakatulong ito para maging less oily ang mukha ko. Meron ako ng shade ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Shaira Arellano
  • Date : Sep 29, 2019

Napansin ko na ang daling gamitin ng brand na ito at ang pinaka-importante sa lahat ay very gentle ito sa hair ko. Good thing na hindi nito nada-damage ang buhok ko. Kasi marami na rin akong nagamit ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Jela Ramos
  • Date : Sep 29, 2019
View Mode: PC | Mobile