Kawasaki Ninja 400 Forum

Kawasaki Ninja 400

Kawasaki Ninja 400
Price(New)
---
Model Ninja 400
Displacement(cc) 399.00
Available Color
  • Mettalic Spark Black
  • Lime Green
Transmission 6-speed
Starter Electric
km Per Liter -
Fuel Tank Capacity(L) 14.0
Weight(kg) 168.0
L*W*H(mm) 1,990 x 710 x 1,120
Type Sport
Offical Price P315,000

New & Used prices

Reviews

Forum

News

Please feel free to post your questions on this product.

Start a new topic

Jhoana Marie Delacruz Castillo

  • Jhoana Marie Delacruz Castillo
  • Jul 13, 2020

Im interested ,please contact us Email: aristotlemaiden@yahoo.com or Facebook @Jhoana Marie Delacruz Castillo

Reply

Marlo Carag

  • Marlo Carag
  • Feb 22, 2020

Is 95k still negotiable.? Where is it located?

Reply

Marlo Carag

  • Marlo Carag
  • Feb 22, 2020

Is this still available?

Reply

Al Krisano

  • Al Krisano
  • Jul 26, 2019

Kung gagamitin ko to pang sport. magkaiba pa ba yung lisensya na kelangan ko para sa pagiging karerista at pang business? Alam ko kasi pag business dapat Professional license, paano pag racer?

Michael Sossa

  • Michael Sossa
  • Jul 26, 2019

Tingin ko magkaibang license yun, baka mas mahigpit kapag racer

Good Answer

Robert Nuto

  • Robert Nuto
  • Jul 26, 2019

Kelangan pa din ng professional license pero hindi ko alam kung meron pang ibang requirements

Good Answer

Elmo Reyes

  • Elmo Reyes
  • Jul 26, 2019

Ang alam ko din kelangan pa ng professional license kahit racer kasi basta kumikita ka sa pag mamaneho kelangan ng ganun

Good Answer

Albert Tupa

  • Albert Tupa
  • Aug 25, 2019 / Good Answers : 1

Basta kapag pinagkakakitaan mo na yung pag dadrive kelangan mo na ng professional license so for sure kelangan din niyan kapag racer, baka may level din yung professional license para malimit kung ano lang yung allowed na gawin ng driver, hindi naman ata pwede lahat maging racer kapag may professional license, anyway nag babalak ka ba?

Good Answer

Alma Bayet

  • Alma Bayet
  • Aug 25, 2019

Baka curious lang si kuya? Ako din nung unang beses ko nakuha yung driver's license ko nacurious din ako kung anong lisensya saka test ng mga racer, kasi nahirapan na ko non-professional pa lang, paano na kaya yung mga professional at racers? Magkaiba kaya practical exam nila? I mean alam ko may test yung mga racer pero sa mismong team na nila yun

Good Answer

Frank Tan

  • Frank Tan
  • Aug 25, 2019

Ayan ang mga bagay na hindi na dapat natin iniisip unless may kakilala din tayong racer, o parte ng industry na yun

Good Answer

Reply

ana maria

  • ana maria
  • Jun 24, 2019

guys magandang hapon sa lahat ha. tanong lang ako if pwedi.? Kasi ganito yan bibili sana ako ng additional tires for the motor of my boyfriend kasi napakatamad nitong maginquire ehh. ako halos pinapacanvass niya sa other shop. Pero kasi kung sa Kawasaki siya bumili Im sure naman na meron si Kawasaki ng ganitong tires kagaya ng tires ng nasa motor nami nagun.. Gusto kasi ng jowa ko na may additional ries kami for emergency purposes only. And as far as I know may point nman din yong jowa ko for the destination safely lng nman,

Michael Sossa

  • Michael Sossa
  • Jul 26, 2019

Actually pwede lang mag provide yung Kawasaki pero as far as I know wala silang sariling gulong na binebenta

Good Answer

Robert Nuto

  • Robert Nuto
  • Jul 26, 2019

May point yung Jowa mo pero hindi mo magagamit ng in case of emergency yung bibilhin niyo, kasi wala naman paglalagyan ng extra tire sa motor hindi tulad ng kotse

Good Answer

Reply

Julius Guillermo

  • Julius Guillermo
  • Jan 28, 2019

Model Ninja 400
Displacement(cc) 399.00
Available Color
Mettalic Spark Black Lime Green
Transmission 6-speed
Starter Electric
km Per Liter -
Fuel Tank Capacity(L) 14.0
Weight(kg) 168.0
L*W*H(mm) 1,990 x 710 x 1,120
Type SportBike
Offical Price

Hindi Pa ba consider ito as 400cc at hindi din pwede sa Express way?

Joshua Raymundo

  • Joshua Raymundo
  • May 19, 2019

Pwede na ata yan sa express way pero wala naman na masyadong nagdadala ng ganyan doon, sa dami ng trailer truck saka mga sasakyan na nagkakarera doon takaw disgrasya lang mga motor doon, pero kung gusto mo talaga edi sige lang. Try mo na lang din muna mag tanong sa mga nakapwesto sa toll gate bago ka mag dala ng motor, saglit mo lang naman tatanongin

Good Answer

Jake Capuno

  • Jake Capuno
  • May 19, 2019

Mas mabuting sa normal na highway na lang kayo nagmomotor dumaan, baka makadisgrasya lang kayo sa expressway hilig niyo pa naman sumingit na lang bigla, hindi pa ba kayo kontento na pati pedestrian lane dinadaanan niyo na? Kapag nasagasaan kayo ng mga malalaking truck hindi niyo sila pwede sisihin dahil di naman nila kayo masyado mapapansin

Good Answer

Mang_Tomas

  • Mang_Tomas
  • Jun 19, 2019

kung sa bdo ka na may card na ganito of course mabibigyan ka ng car loan if you have this kind of card. pero kung wala kang ganitong card sa napag-alaman ko lang kasi is only sa bdo lang naman may motor and car loan. ako nga may cc ako sa bdo tapos nakapagmotor loan na nga ako tapos very efficient pa yong pagprocess nito as in sobrang nagenjoy ako sa bago kong brand new motorcycle..

Good Answer

Gian Carlo Olavydez Marquez

  • Gian Carlo Olavydez Marquez
  • Jul 31, 2019

Ano pinag sasa sabe mo Jake Capuno?
Alam mo ba na 400cc min req sa express way tapos ayaw mo na may motor sa express way?

Good Answer

Reply

Mathias

  • Mathias
  • Oct 29, 2018

Talagang green lang meron?

Tobias

  • Tobias
  • Oct 29, 2018

Halos ganyan din yung tanong nung unang nag post dito sa page na to, tanongin mo na lang yung seller kung may iba pang kulay yung motor na binebenta nila, dalawa lang naman yung seller nito kaya hindi naman siguro masyadong hassle tanongin sila pareho, kunin mo na lang yung contact info nila sa page nila para matext or tawagan

Good Answer

Mathias

  • Mathias
  • Oct 29, 2018

Actually, black yung hinahanap kong kulay. Late ko na din napansin na meron palang black sa mga picture, pero parang mas gusto ko kung metallic black yung kulay or jet black

Tobias

  • Tobias
  • Oct 29, 2018

Parang parehong madali naman yang mga kulay na hinahanap mo, pero at the same time parang complicated. Kung ganyan, hindi na ata kelangan iparegister ulit sa LTO basta same color, pero mas mabuti ata mag tanong ka pa din sa siguradong nakakaalam ng mga ganyan. Tungkol naman sa mga kulay na hinahanap mo, paint job lang talaga yung pwede mo gawin

Good Answer

Baby Kaya

  • Baby Kaya
  • Oct 29, 2018

Madali lang mag papaint job ng ganyan, same price lang naman din yan. Suggest ko, second hand na motor na lang bilhin mo kasi mabigat din sa bulsa mag papaint job ng buong malaking motor, yung mga at least a year or two pa lang nagagamit ng may ari para hindi naman masyadong luma, pero kung may budget ka naman para bumili ng brand new at mag papintura edi mas okay

Good Answer

Mathias

  • Mathias
  • Oct 29, 2018

Pinag iisipan ko nga din kung second hand or brand new na lang talaga bibilhin ko, alam ko medyo kaartehan lang naman sa kulay yung gusto ko pero siyempre hindi naman masama kung gugustuhin kong mas maangas yung motor ko hindi ba? Siguro depende na lang sa magiging budget ko next year kung ano yung bilbilhin ko para sure

Julius Guillermo

  • Julius Guillermo
  • Jan 28, 2019

Mga boss, meron ba sa inyu nakaka alam kung pinapayagan na ito sa Express way?

Good Answer

Sammantha2017

  • Sammantha2017
  • Jun 13, 2019

ayy opo dalawa palang ang pinoprovide nilang color. Only black and green palang, pero alam niyo ba sa totoo lang ayos kaya ang green na kulay kasi bihira lang kasi yan na color kesa black e masyadong nang maraming nakakagustu jan sa black color. kung ako sa inyo para maiba namn yong type ng motor niyo green nalng po ang piliin niyo. sobrang astig at tsaka napakahanep tignan ng color very exotic po masyado sa paningin ng mga tao. Kung ako ang tatanongin, ? siguro I can pick the green one para naman solid ang pagbili ko wala akong kapareha.

Good Answer

Reply

Yakee

  • Yakee
  • Sep 26, 2018

Mura ba mga parts ng ganitong motor?

Verano

  • Verano
  • Sep 26, 2018

Baka hindi mura yung mga parts nito, yung mga ganitong big bike baka iba din yung parts na kelangan nito, ibig ko sabihin yung ibang specific parts ng motor nato iba kumpara sa mga normal parts ng maliliit na motor, pero Kawasaki naman yung brand nito at ang alam ko madaming parts na available sa Pilipinas kaya hindi naman siguro ganun ka mahal

Good Answer

Yakee

  • Yakee
  • Sep 26, 2018

Sabagay matagal na nga yung brand ng Kawasaki sa Pilipinas, parang jeep pa lang ata meron ng Kawasaki dito so mura nga siguro. Wala din kasi ako nakikita na ganitong motor kahit saan, hindi ko alam kung onti lang meron nitong motor, madalas din ako sa Ayala saka Trinoma, so kung makakakita man ako ng ganitong motor, sa mga lugar na yun dapat

Verano

  • Verano
  • Sep 26, 2018

Kasi kadalasan ng makikita mo sa mga ganun lugar Ducatti or Harley Davidson yung brand, mas mahal kasi yung mga ganun saka mas mukhang pang mayaman, siyempre payabangan yung iba doon, yung Kawasaki kasi na brand parang cheap or mumurahin yung image, ginagamit kasi pang pasada yung motor nila saka jeep so ganun

Good Answer

Yakee

  • Yakee
  • Sep 26, 2018

Magagamit din kaya pang pasada to?

Verano

  • Verano
  • Sep 26, 2018

Siyempre hindi, baka atakihin naman sa puso yung pasahero mo kapag hinarurot mo to sa daan, big bike to so siyempre malakas yung makina nito at mas mabilis. Pero sa presyo nito, mukang mas realistic pa nga na bumili nito na second hand kesa yung bagong jeep na sapilitan pinapabili ng gobyerno sa Pilipinas

Good Answer

Kuroro

  • Kuroro
  • Oct 29, 2018 / Good Answers : 1

Tanong lang, yung mga parts ba ng mga motor, galing din sa mismong manufacturer or inassemble lang ng manufacturer?

Good Answer

Ren Ashbell

  • Ren Ashbell
  • Oct 29, 2018

Baka yung ibang parts lang ng motor yung sa manufacturer mismo? Siyempre yung katawan saka yung mismong casing sa manufacturer mismo, siguro nga yung ibang parts hindi galing sa mismong manufacturer pero sila pa din nag build nung motor kaya kanila pa din yun, ibig sabihin nun, lahat pwede gumawa ng customized nilang motor basta alam at marunong

Good Answer

Kuroro

  • Kuroro
  • Oct 29, 2018 / Good Answers : 1

Bigla ko lang naisip kung paano bumuo ng motor, so parang desktop computer lang din yung mga kotse saka motor, sila lang taga buo pero yung karamihan ng parts ng gawa nila, hindi manufacturer mismong may gawa? Halimbawa na lang yung Toyota, ibang parts ng kotse nila possibleng galing sa Honda or ibang company?

Good Answer

Ren Ashbell

  • Ren Ashbell
  • Oct 29, 2018

Ganun na nga siguro? I mean hindi ako sigurado kung ganyan talaga lakaran sa mga manufacturers ng kotse at motor, pero hindi din naman ganun ka weird yung idea kung totoo man, sa computer desktop, hindi naman asus yung may gawa ng processor pati video card, nag assemble lang sila pero brand na nila yung nakalagay sa binuo nilang desktop, ganun din siguro sa mga motor

Good Answer

Jake Capuno

  • Jake Capuno
  • May 19, 2019

Mura lang naman ata Japanese brand naman ito, hindi lang ako sure kasi ganun sa mga kotse

Good Answer

Gregory Teodoro

  • Gregory Teodoro
  • May 19, 2019 / Good Answers : 1

Tingin ko din mura parts nito, parang mas mura nga ata parts ng mga motor kasi madami nabili except pa sa mura talaga bumili ng motor. Tignan mo na lang siguro yung mga presyo ng parts ng motor sa internet malamang meron naman online shops na nagbebenta ng parts o kahit at least sales ad ng mga parts nila, naalala ko kasi may tropa ako nag order online

Good Answer

Reply

MELISA PADO

  • MELISA PADO
  • Sep 21, 2018

Amazing naman tong motorbike nato? Tanong ko lang po may pink po bang available dito. san kaya ako makakabili ng ganito kasi sobrang ganda parang mas maganda pa siya sa pinakafamous na motorbike na kilala ko. Such an overwhelming item I do like it. Good for strolling. And I think nakakapagtravel to ng malayo. Pangracing din yung dating nito. Tapos ask ko lang din, made in the Philippines batong product nato or sa ibang bansa yung supplier nito?

Svan Alcan

  • Svan Alcan
  • Oct 29, 2018

Sa mga picture, green at black lang yung pinakitang kulay so ayun lang siguro default na kulay na available na binebenta sa mga tindahan, pero pwede mo pa naman din tanongin yung seller at baka meron silang ibang kulay na available, or possible pumayag sila mag pintura ng ibang kulay. Punta ka lang sa page nila para makita mo yung details ng binebenta nilang motor

Good Answer

Lorenzki

  • Lorenzki
  • Oct 29, 2018

Check mo page ng mga seller, tignan mo yung details kung nag bibigay sila ng mga choices ng kulay, pwede mo din makita yung contact info nila sa parehong page, try mo sila kausapin para matanong mo sila ng derecho. Kung second hand yung binebenta nila, malamang sa malamang wala kang choice sa kulay so mag hanap ka na lang ng seller na nagbebenta ng motor na may kulay na gusto mo

Good Answer

Koko Pearl

  • Koko Pearl
  • Oct 29, 2018

Kung wala ka makitang seller or dealer na nagbebenta ng Kawasaki Ninja bike na kulay pink, bakit hindi ka na lang bumili sa may pinaka mababang presyo tapos pakulayan mo ng pink yung motor? Mas mahal nga siguro pero at least mas mabilis at sure na diskarte yan kesa mag hanap ng maghanap ng motor, pero ikaw bahala kung ano diskarte mo

Good Answer

Svan Alcan

  • Svan Alcan
  • Oct 29, 2018

Hindi naman masama yung suggestion, problema lang, kapag ako mismo yung nag papaint job nung motor, panibagong papeles nanaman lalakarin ko sa LTO kasi pinabagong registration yun, dagdag gastos nanaman saka hassle. Susubukan ko muna siguro mag hanap ng motor na gusto ko, kapag walang choice saka ko iconsider yan

Good Answer

Reply

Page 1 of 1

Latest Topics for Motorcycle

Evelyn Danganon

high type

Bakit may ibang motorcross sobrang tass pwede ba iadjust ito?

  • Last updated : Sep 21, 2020
  • Posted by Evelyn Danganon
  • Replies of This topic : 1 Replies

Kenneth Andrew Garcia‎

just curious guys

bakit po kaya hindi pareho ang size ng wheels ng motor na ito? ganun po ba kapag malaki na motor?

  • Last updated : Aug 23, 2020
  • Posted by Kenneth Andrew Garcia‎
  • Replies of This topic : 4 Replies

Ricky Racines

Bibili po ako....

Good day!!!Magkano po kaya cash ng barako 2 na model 2019???need reply...tnx

  • Last updated : Jul 29, 2020
  • Posted by Ricky Racines
  • Replies of This topic : 3 Replies
View Mode: PC | Mobile