Jeep Cherokee Forum "Okay ba navigator nito?"
-
Okay ba navigator nito?
Hilda Lorico Dec 15, 2020
Like is this as good as Waze and Google map? Or at least accurate ba saka paano internet nito?
-
Ernie Bohol Dec 16, 2020
Siguro? Hindi ako sure kung pareho yan sa navigator ng Vios ko, magkamukha kasi, mas accurate yung navigator ng kotse ko kesa sa Waze pati nga yung exact toll na babayaran ko nakadisplay at so far mas nadadalian ako gamitin kasi mas accurate yung display, alam ko kung nasa lane ako ng paakyat ng flyover o hindi kasi sa waze hindi kita
Good!
-
Sam Torrenueva Dec 16, 2020
Baka kasi 3D yung navigator ng mga kotse kaya mas accurate, sa Waze kasi mas 2D siya tignan kaya kapag may mga overlapping na daan dahil may flyover hindi kita, madalas din ako maligaw sa Waze kasi minsan yung tinuturo aakyat pala ng Fly over tapos nasa lane ibang lane ako, lagi ko nalalagpasan yung mga likuan
Good!
-
Hilda Lorico Dec 16, 2020
Yung internet connection niya paano yun? Lalagyan ba ng SIM to?
-
Ben Dayao Jan 16, 2021
Hindi, well actually hindi ako sure pero ikoconnect din yang smartphone jan via bluetooth tapos yung internet nun yung gagamitin, well ganun sa kotse ko, real time kasi yung binibigay na information ng GPS ng mga kotse ngayon kaya impossibleng walang internet connection yan, anyway lagi naman may Waze kung sakaling palpak yan
Good!
-
Workzzz Feb 23, 2021
Yung navigation system nito e built in kaya nde na need ng sim or ng internet connection kasi satelite based sya. ang cons sa ganitong navigation e nde kasing updated like sa google maps or waze ung traffic status nya,. pero mas ok sya in terms sa connection pag panget ung internet connection sa area.
Good!
-
Radio Joe Feb 23, 2021
Para sakin mas ok ang navigation gamit sa smartphone, ung sa kotse kasi na GPS e depende sa model, nde katulad sa smartphone na laging latest na version ng mga map tas may realtime traffic info pa. ung mga built-in na GPS kasi nag luluma ung mapa nila at nde basta basta na uupdate.
Good!
Latest Car Forum
-
Service cost
How does the regular service maintenance cost for this in the Philippines? I'd like to compare here in Canada, if it's worth it to buy when I come back home to the Philippines
-
Paano ko malalaman kung ano sira?
Ibig ko sabihin kung tama ba yung sinasabi ng mga mekaniko na sira ng kotse ko? Alam naman kasi natin na yung iba hula hula na lang makapera lang, kaso wala naman akong alam sa mga kotse, wala din time mag aral at lalong mahirap mag tinign sa Youtube ... Read more