Infinix HOT 9 Play Reviews

Overall Rating

Design 3.4
Portability 3.3
Operability 3.0
Response 3.1
Display 3.1
Listenability 3.4
Battery 3.4
Total 3.3

Please feel free to post your review on this product.

Write a Review

Sandy Ceres

  • Review by Sandy Ceres
  • Nov 19, 2020
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 4.0

It works!

Plain lang ang design nito pero it really works. Hindi man exciting ang mga features pero okay na rin naman. Kaso mahirap hawakan ang phone ng isang kamay lang pero doon sa mahihilig sa mga phone na merong malalaking display, magugustuhan mong gamitin ang phone na ito. Meron itong 720p panel na merong tamang brightness lang at meron ding waterdrop notch para sa selfie camera. Bagaman noon isang taon pa ang design na ito dahil sa ang trend ngayon eh punch-hole cameras na, okay na rin naman sa akin ito. Meron itong fingerprint sensor at the back of the phone na na accurate naman pero minsan eh nagmamabagal.

Good Review

Ryan Gil de Jesus

  • Review by Ryan Gil de Jesus
  • Nov 16, 2020
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 4.0

Solid-looking phone

Medyo mabigat ang phone na ito dahil sa malaki ito. Meron itong 6.82-inch na display at 6000mAh na battery capacity. Plastic naman ang frame nito pero solid kasi talaga ang pagkakagawa. Parang ang tibay ng phone na ito dahil na rin sa polycarbonate back nito kaya lang ay fingerprint magnet ang glossy coating nito. Meron naman ito ng lahat ng mga basic na features dahil sa budget phone din ito kaya naman perfect ito sa mga user with limited budget.

Good Review

Harris Ramos

  • Review by Harris Ramos
  • Oct 29, 2020
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 3.0
Response 3.0
Display 3.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 3.6

Good for an entry-level phone

Pagdating sa battery, this phone has a huge 6000mAh na battery na talaga namang nakaka-impressed! Kaya lang ay yung hinahanap kong fast charging support ay wala sa phone na ito. Nakakatagal naman ito sa akin ng halos 22 hours kada isang charge pero inaabot nga lang ng tatlong oras kada charge nito. Antagal di ba? Minsan talaga eh nakakainip mag-antay. Smooth naman ito kahit ginagamit sa multitasking basta ba walang masyadong apps ang naka-open. Perfect itong gamitin na pang tawag, pang text, ang browse at kahit sa panonood ng ma videos. But you cannot use this for playing lalo na sa mga heavy graphics games dahil nagiging sobrang laggy nito kahit na naka-lowest setting na.

Good Review

Nathan Dizon

  • Review by Nathan Dizon
  • Oct 25, 2020
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 4.0

This is okay naman!

Kung ikukumpara ang phone na ito sa iba na may kaparehas na price tags, mas okay ang phone na ito though hindi man the best. Pero tama na itong pang-casual na gamit araw-araw dahil sa huge battery nito, okay na performance, at magng ang camera. Isa lang na downside nito ay yung OS na heavily skinned at nakakalito ang mga icons minsan. Pero magagawan naman ito ng paraan sa paggamit ng third-party launchers. Maliban dito, ay okay talaga itong phone tulad din ng Infinix Hot 9 na sibling nito.

Good Review

Junel Cuerca

  • Review by Junel Cuerca
  • Oct 17, 2020
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 4.0

No OTG support

Maganda naman at mabilis naman ang performance ng phone na ito at ideal gamitin lalo na ngayon para sa mga online classes ng mga estudyante o online meetings kung sakaling nagwo-work ka na. Kaya lang, ang ikina-disappoint ko lang sa phone na ito ay hindi ito nagsu-support sa OTG? Sa next update kaya ay possible kayang magkaroon ito ng OTG support? I am hoping...

Good Review

J Carlos Alexander

  • Review by J Carlos Alexander
  • Oct 1, 2020
Design 5.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 5.0
Display 4.0
Listenability 5.0
Battery 5.0
Total 4.6

Para ito sa mga gusto mag gaming

So far Bumili ako ng Infinix Hot 9 play weeks ago. so far ito ung napansin ko sa kanya.

una ung design gusto ko ung design niya kasi malaki sakto siya sa kamay ko and kung gamer ka pwede magustuhan mo ito lalot na kapag naglalaro. pero ang display sa video. Not all the videos malinaw, wala kasi siyang 1080 p na support sakin sa YT hanggang 720 lang so medyo down sa sakin sa part na un pero still depende parin siya sa video kasi may mga 720 p na video na mukha 4k quality. Next Portabilty. so far ayos naman siya, kaso wala siya OTG suport. or baka meron lang pero hindi ko pa nadidiscover. Operability is pretty nice. sakin medyo naglalag or delay kapag nagttype, ( mabilis kasi ako magtype) pero ayun medyo delay lumabas ung text sakin. pero siguro din kasi dahil madami na ako nalagay na aps like Mobile Legends, COD, ClassofClans, Minecraft. ang ayun! When it Comes to gaming. Di siya naglalag sakin. Can also hold 5g which is nagulat ako. medyo mabbaa ung camera lalo na kapag gabi pero may flash naman kaso di masyado malinaw. well ung audio niya maganda siya para sakin. sobrang ganda as in malakas din kasi. next is battery. matagal malowbat. sobrang tagal. kapag chinacharge ko ito every other day na. kapag naka 12 hours screen time which is half a day. I still have 50% on my battery like wow first time ko makahawak ng ganito katibay na battery. well ayun lang the best ito for gamers kasi di siya naglalag sakin for gaming lalot na kapag ML and COD. ung Fingerscaanner sakinn mabilis siya and also ung face recognition. mabilis din.

sana makahelp ito. So far ung mga issue na, ganun talaga well ako kasi yan yung masasabi ko.

Bumili kayo sa tunay na infinix store 4,950 lang
mas okay na ung Normal price bilhin niyo. ayun lang.

balak ko din sana bumili ng Infinix Note 7 kasi masmaganda un.

Good Review

Faith Jalbuena

  • Review by Faith Jalbuena
  • Sep 28, 2020
Design 2.0
Portability 4.0
Operability 2.0
Response 2.0
Display 3.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 3.0

Don't risk

Sa phone na ito, kapag mag-a-upload ako, kelangan ko pang ikunekta ito sa laptop ko dahil hindi naman ito nagsu-support sa OTG. Isa pang paraan ay yung tatanggalin ko ang sd card at i-coconnect ko sa laptop ko at i-upload ko yung mga kailangan ko sa SD ko tapos eh ibabalik ko ulit sa slot ng phone ko. Ito lang yung mga nakikita kong option para magawa nyo rin at ang isa pang major na downside nito ay sobrang poor ng fingerprint scanner nito.

Good Review

Ella Mae Sanchez

  • Review by Ella Mae Sanchez
  • Sep 21, 2020
Design 1.0
Portability 1.0
Operability 1.0
Response 1.0
Display 1.0
Listenability 1.0
Battery 1.0
Total 1.0

Sobrang bagal nito

Hindi maganda ang processor nito that's why I hate it talaga. Meron ako dati ng Huawei Y5 2019 at meron itong parrehong processor. Mabagal ito at hindi pwedeng gamitin for games. Kung ang purpose nyo is gamitin ang phone para sa gaming, huwag nyo nang balakin pang bilhin ito. Hindi rin palaging nagfa-function ang face unlock nito kaya kahit na kaninong face eh pwedeng mai-open ito.

Good Review

Evan Siarez

  • Review by Evan Siarez
  • Sep 10, 2020
Design 3.0
Portability 1.0
Operability 1.0
Response 1.0
Display 1.0
Listenability 1.0
Battery 1.0
Total 1.3

I don't like it...

Ito na ata ang pinaka-pangit na phone ngayong taon. Hindi ito nag-su-support sa split screen para makapag multi-task ako. Kahit nga yung lumang model na Hot 7 eh pwede ang split-screen kaya nagtataka ako kung bakit wala itong ganon. Ang phone na ito ay pwede lang doon sa mga gusto ng mas malaking battery at normal na camera lang pero hindi ito akma para sa mga gamers dahil normal lang ang graphics nito.

Good Review

Page 1 of 1

  • 1

Latest Reviews for Mobile Phones

Gustong-gusto ko itong Infinix Note 7 Lite dahil sa maganda ang phone na ito at maganda rin ang camera. Okay talaga ang Infinix pagdating sa mga phone nila. Okay ang battery at display nito at maging ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Jayann Santos
  • Date : Nov 19, 2020

Meron itong battery na medyo malaki ang capacity na 5000mAh. Kumpara sa ibang phone, yung battery life nitong Infinix Smart 5 ay talagang okay at walang duda na masa-satisfy kayo dito. Hindi kayo mag- ...Read more

  • Rating : 4.9
  • Review by Ruffa Buendia
  • Date : Nov 19, 2020

Nung binili ko ang phone na ito, wala akong idea about it. Basta nung pumunta ako sa shop eh bumili ako ng phone na swak sa budget ko pero isa lang ang nasa isip ko noon. Dapat, ang battery capacity ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Samantha Peralta
  • Date : Nov 19, 2020
View Mode: PC | Mobile