Infinix HOT 9 Play Forum : "Hot 9 Play"

Hot 9 Play

Mikey Ang

  • Mikey Ang
  • Sep 17, 2020

Pang gaming phone ba to kaya ganyan yung name? Hindi ako marunong tumingin kasi ng specs, di ko alam kung mataas o mababa

Sam Loban

  • Sam Loban
  • Sep 20, 2020

Para sa mga low end pang gaming siya, karamihan kasi ng low end smartphones hindi kaya pang laro sa karamihan ng games apps, unang una given na napaka baba ng hardware specs nila pero ito may disenteng hardware, makakapag laro ka naman siguro dito kahit mababa lang yung video settings pero hindi siya talagang gaming phone gaya ng iba

Good Answer

Gary Saison

  • Gary Saison
  • Sep 20, 2020

Baka wala lang sila maisip na pangalan kaya Play pero base sa presyo at specs hindi naman siya gaming phone, hindi naman masyadong importante yun pero kung gaming phone talaga hanap mo kelangan mo ng malaki laking budget kasi ang mga parts ng pang gaming mahal talaga kaya pang high end yung hanap mo, tulad lang din yan sa computer

Good Answer

Mikey Ang

  • Mikey Ang
  • Sep 20, 2020

Naghahanap talaga ako ng low end pang gaming phone kasi kapos ako sa budget pero gusto ko yung makakapag laro pa din ako ng games, kaso kung hindi rin niya kaya wala din silbi sakin kasi gaming talaga hanap ko. Meron kaya matino tinong gaming phone na at least less than 10k yung presyo? Sagad na kasi yun na budget ko

Paul Escobar

  • Paul Escobar
  • Oct 12, 2020

Depende siguro sa GPU, hindi ko alam kung ano gamit nilang graphics chip, ayun talaga yung importante kapag gaming pero basic specs naman kaya pang gaming. Research mo na lang kung ano yung GPU nito tapos research mo din yung GPU na yun, malalaman kung okay ba yung frame rate nito o anong frame rate yung supported, maganda kung at least 30fps man lang

Good Answer

Reply

Latest Topics for Mobile Phones

Loloy Labog

Front cam ang pangit

Hindi ko kasi makita yung purpose na ginawang pop up yung front cam, kung pang dagdag space sa screen wala din naman masyadong nagawa kasi gaano lang ba kaliit yung lens ng front cam?

  • Last updated : Oct 17, 2020
  • Posted by Loloy Labog
  • Replies of This topic : 6 Replies

Owen Castro

Ano po expected price?

Meron na po ba nilabas saka kelan release date?

  • Last updated : Oct 13, 2020
  • Posted by Owen Castro
  • Replies of This topic : 3 Replies

Jake Lemura

Ano yung graphics chip nito?

Kung Mali ba o Adreno? Hindi lang kasi pang chat yung gamit ko dito kaya gusto ko malaman

  • Last updated : Oct 12, 2020
  • Posted by Jake Lemura
  • Replies of This topic : 4 Replies
View Mode: PC | Mobile