Infinix HOT 9 Play Forum : "Try lang"

Try lang

Ogie Salas

  • Ogie Salas
  • Aug 12, 2020

Kung susubukan ko lang yung brand, okay ba magstart sa mga budget phones nila?

Brent Sanchez

  • Brent Sanchez
  • Aug 14, 2020

Hindi saka sa kahit anong brand hindi talaga maganda magsimula sa low end nila, kasi sobrang layo ng specs at performance ng low end, parang binahala nga lang nila yung pag gawa sa mga yun para mabenta sa mga walang pambili ng mid range o high end, kung gusto mo talaga masubukan yung ganda ng brand dapat sa flagship ka mag simula

Good Answer

Terrence Mati

  • Terrence Mati
  • Aug 14, 2020

Pwede na siguro sa mid range okay din naman yung iba, kaya pangit performance ng mga budget phone kasi yung ibang brand wala silang operating system na talagang kakayanin ng budget phones, kung ano yung OS ng mid at high end na phones nila ayun din yung sa low end kaya nanyayari yung mahinang hardware specs ng mga murang phones, nasasabotahe ng OS o software

Good Answer

Ogie Salas

  • Ogie Salas
  • Aug 14, 2020

Ganun ba? Baka kasi magsisi lang ako kapag bumili agad ako ng mahal na phone ng Infinix tapos hindi ko magustuhan, mahirap pa naman ibenta yun ganitong hindi kilalang brand tapos second hand ko pa ibebenta. Meron ba silang store dito o may nagbebenta ng ganitong brand? Aantayin ko na lang matapos yung MECQ para matry ko mismo yung phone

Kenneth Gamboa

  • Kenneth Gamboa
  • Sep 20, 2020

Okay lang naman, wala naman masama mag simula sa murang gamit kapag try lang pero sa mga mid range at high end mo lang talaga masusubok yung phone ng isang brand

Good Answer

Paul Escobar

  • Paul Escobar
  • Oct 12, 2020

Depende kung ano itatry mo sa Infinix kasi kung yung phone nila, sobrang layo ng difference ng bawat tier kaya wala kwenta mag try ng budget phones nila, siguro mid range pero mas okay kung high nila agad bilhin mo, problema nga lang baka hindi mo matripan kung sakali, ewan ko lang, hindi mo kasi malalaman talaga yung ganda ng brand kapag hindi flagship nila yung susubukan mo

Good Answer

Reply

Latest Topics for Mobile Phones

Loloy Labog

Front cam ang pangit

Hindi ko kasi makita yung purpose na ginawang pop up yung front cam, kung pang dagdag space sa screen wala din naman masyadong nagawa kasi gaano lang ba kaliit yung lens ng front cam?

  • Last updated : Oct 17, 2020
  • Posted by Loloy Labog
  • Replies of This topic : 6 Replies

Owen Castro

Ano po expected price?

Meron na po ba nilabas saka kelan release date?

  • Last updated : Oct 13, 2020
  • Posted by Owen Castro
  • Replies of This topic : 3 Replies

Jake Lemura

Ano yung graphics chip nito?

Kung Mali ba o Adreno? Hindi lang kasi pang chat yung gamit ko dito kaya gusto ko malaman

  • Last updated : Oct 12, 2020
  • Posted by Jake Lemura
  • Replies of This topic : 4 Replies
View Mode: PC | Mobile