Infinix HOT 9 Play Forum

Please feel free to post your questions on this product.

Start a new topic

Francis Palad

  • Francis Palad
  • Nov 21, 2020

Yung update failed? Software issue ba to o defect? Hassle kasi baka eto dahilan bakit minsan nagkacrash mga apps ko

Drei Manlapit

  • Drei Manlapit
  • Nov 24, 2020

Anong error ba yung lumalabas saka tuwing kelan? Mga error laging may specific reason yan so kung halimbawa ang rason ay sa camera app o camera related software, may error na lalabas tuwing gagamitin ng phone yung camera, pero hangga't software related ang problema mas madali ayusin yan kesa hardware kasi gastos yun matik

Good Answer

Francis Palad

  • Francis Palad
  • Nov 24, 2020

Nung una nung nagupdate, tapos sunod kapag gumagamit ako ng apps, random siya kasi hindi specific sa apps basta kapag nagoopen lang

Drei Manlapit

  • Drei Manlapit
  • Nov 24, 2020

Kapag ganyan baka may nacorrupt na system file sa phone nung nag failed yung update, possible naputol yung internet habang nagdadownload ng update para sa phone mo o corrupted yung nadownload na update sa parehong rason, magiinstall pa din kasi ng update yun basta may sapat na update file na nadownload, problema hindi matatapos yung installation kasi nga corrupted ibang file ng update

Good Answer

Reply

Karen Marasigan

  • Karen Marasigan
  • Oct 11, 2020

Yung ibang nagamit ko kasing phone na di masyadong kilala, ang daming ads sa phone, bloatware ata tawag ng mga reviewers doon?

rachel_malana17@yahoo.com

  • rachel_malana17@yahoo.com
  • Oct 11, 2020

available p rin po b ung honda beat FI

Good Answer

Tim Salinas

  • Tim Salinas
  • Oct 12, 2020

Tamang forum maling thread tropa, dapat doon ka sa thread ng mga motor or mas mabuti kung sa mismong seller ka mag tanong, kasi wala din nakakaalam sa mga nagpopost dito kung available pa yung motor na hinahanap mo, minsan may mga seller na nagrereply pero bihira lang yun kaya mas mabilis na mag chat ka sa kanila o tumawag gamit contact info nila sa page nila

Good Answer

Paul Escobar

  • Paul Escobar
  • Oct 12, 2020

Ayan ang hindi ko alam, bihira lang naman sa mga brand sellers mag sabi kung may bloatware phones nila or wala, masama niyan yung iba sa OS mismo naka embed daw mga bloatwares, hanap ka siguro ng mga video review baka may magsabi ng mga cons nito, or research ka tungkol sa mga issue na nakita ng mga users may mga nagpopost naman sa internet

Good Answer

Mark Raphael Park

  • Mark Raphael Park
  • Nov 24, 2020

For sure meron, doon kasi bumabawi ng pera yung mga ganitong brand dahil hindi naman mabenta yung phone nila, baka malugi agad sila kapag wala sila ads

Good Answer

Jaime Asuncion

  • Jaime Asuncion
  • Nov 24, 2020

Yung low end at mid range phones lang siguro ng Infinix, siyempre hindi naman pwede yung high end nila may bloatware pa din tapos ang mahal ng benta, lalong wala bibili ng mga phones nila, sanayan na lang din siguro kung okay naman yung specs tutal lahat naman halos ng bagay sa online may ads na, hindi ka rin talaga makakaiwas

Good Answer

Reply

Mikey Ang

  • Mikey Ang
  • Sep 17, 2020

Pang gaming phone ba to kaya ganyan yung name? Hindi ako marunong tumingin kasi ng specs, di ko alam kung mataas o mababa

Sam Loban

  • Sam Loban
  • Sep 20, 2020

Para sa mga low end pang gaming siya, karamihan kasi ng low end smartphones hindi kaya pang laro sa karamihan ng games apps, unang una given na napaka baba ng hardware specs nila pero ito may disenteng hardware, makakapag laro ka naman siguro dito kahit mababa lang yung video settings pero hindi siya talagang gaming phone gaya ng iba

Good Answer

Gary Saison

  • Gary Saison
  • Sep 20, 2020

Baka wala lang sila maisip na pangalan kaya Play pero base sa presyo at specs hindi naman siya gaming phone, hindi naman masyadong importante yun pero kung gaming phone talaga hanap mo kelangan mo ng malaki laking budget kasi ang mga parts ng pang gaming mahal talaga kaya pang high end yung hanap mo, tulad lang din yan sa computer

Good Answer

Mikey Ang

  • Mikey Ang
  • Sep 20, 2020

Naghahanap talaga ako ng low end pang gaming phone kasi kapos ako sa budget pero gusto ko yung makakapag laro pa din ako ng games, kaso kung hindi rin niya kaya wala din silbi sakin kasi gaming talaga hanap ko. Meron kaya matino tinong gaming phone na at least less than 10k yung presyo? Sagad na kasi yun na budget ko

Paul Escobar

  • Paul Escobar
  • Oct 12, 2020

Depende siguro sa GPU, hindi ko alam kung ano gamit nilang graphics chip, ayun talaga yung importante kapag gaming pero basic specs naman kaya pang gaming. Research mo na lang kung ano yung GPU nito tapos research mo din yung GPU na yun, malalaman kung okay ba yung frame rate nito o anong frame rate yung supported, maganda kung at least 30fps man lang

Good Answer

Gilbert Nacasi

  • Gilbert Nacasi
  • Nov 24, 2020

Kaya niya gaming pero hindi siya pure pang gaming, sa mga low end na phones eto yung pang gaming para ganun

Good Answer

Reply

Ogie Salas

  • Ogie Salas
  • Aug 12, 2020

Kung susubukan ko lang yung brand, okay ba magstart sa mga budget phones nila?

Brent Sanchez

  • Brent Sanchez
  • Aug 14, 2020

Hindi saka sa kahit anong brand hindi talaga maganda magsimula sa low end nila, kasi sobrang layo ng specs at performance ng low end, parang binahala nga lang nila yung pag gawa sa mga yun para mabenta sa mga walang pambili ng mid range o high end, kung gusto mo talaga masubukan yung ganda ng brand dapat sa flagship ka mag simula

Good Answer

Terrence Mati

  • Terrence Mati
  • Aug 14, 2020

Pwede na siguro sa mid range okay din naman yung iba, kaya pangit performance ng mga budget phone kasi yung ibang brand wala silang operating system na talagang kakayanin ng budget phones, kung ano yung OS ng mid at high end na phones nila ayun din yung sa low end kaya nanyayari yung mahinang hardware specs ng mga murang phones, nasasabotahe ng OS o software

Good Answer

Ogie Salas

  • Ogie Salas
  • Aug 14, 2020

Ganun ba? Baka kasi magsisi lang ako kapag bumili agad ako ng mahal na phone ng Infinix tapos hindi ko magustuhan, mahirap pa naman ibenta yun ganitong hindi kilalang brand tapos second hand ko pa ibebenta. Meron ba silang store dito o may nagbebenta ng ganitong brand? Aantayin ko na lang matapos yung MECQ para matry ko mismo yung phone

Kenneth Gamboa

  • Kenneth Gamboa
  • Sep 20, 2020

Okay lang naman, wala naman masama mag simula sa murang gamit kapag try lang pero sa mga mid range at high end mo lang talaga masusubok yung phone ng isang brand

Good Answer

Paul Escobar

  • Paul Escobar
  • Oct 12, 2020

Depende kung ano itatry mo sa Infinix kasi kung yung phone nila, sobrang layo ng difference ng bawat tier kaya wala kwenta mag try ng budget phones nila, siguro mid range pero mas okay kung high nila agad bilhin mo, problema nga lang baka hindi mo matripan kung sakali, ewan ko lang, hindi mo kasi malalaman talaga yung ganda ng brand kapag hindi flagship nila yung susubukan mo

Good Answer

Gilbert Nacasi

  • Gilbert Nacasi
  • Nov 24, 2020

Kung nagtitipid ka at gusto mo ng gaming phone pwede na ata to pero low end ito kaya wag ka mag expect na may magandang graphics o display, kasi yung specs nito sapat lang para makapag laro ka hindi tulad ng ibang low end phones na talagang mababa na yung specs malag pa laruin, check mo yung detailed specs nito sa official website ng Infinix o sa seller, click mo lang yung green na button sa listahan ng mga sellers

Good Answer

Reply

Page 1 of 1

  • 1

Latest Topics for Mobile Phones

Owen Castro

Ano po expected price?

Meron na po ba nilabas saka kelan release date?

  • Last updated : Nov 25, 2020
  • Posted by Owen Castro
  • Replies of This topic : 8 Replies

Ogie Salas

Try lang

Kung susubukan ko lang yung brand, okay ba magstart sa mga budget phones nila?

  • Last updated : Nov 24, 2020
  • Posted by Ogie Salas
  • Replies of This topic : 6 Replies

Mikey Ang

Hot 9 Play

Pang gaming phone ba to kaya ganyan yung name? Hindi ako marunong tumingin kasi ng specs, di ko alam kung mataas o mababa

  • Last updated : Nov 24, 2020
  • Posted by Mikey Ang
  • Replies of This topic : 5 Replies
View Mode: PC | Mobile