Hyundai Veloster Forum in the Philippines
Please feel free to post your questions on this product.
START A NEW TOPIC
Forum
-
May ibang variant?
Vince Sala Dec 17, 2020
May ibang variant ba to saka top of the line na ba yung binebenta?
-
Ryan Kawili Dec 21, 2020
Ewan ko lang kung may variant yung mga bagong model pero alam ko may hatchback variant to dati, hindi ako masyado nakakakita ng ganitong kotse siguro malakas sa gas o mahal? Kung wala naman siyang variant edi top of the line na nga ito, pero kung bibili ka naman itanong mo na lang din sa mismong dealer baka mamaya meron pala
Good!
-
Ernie Bohol Dec 21, 2020
Kung brand new din naman yung hanap mo edi sa dealer ka na lang magtanong tutal sila din naman may sagot sa lahat ng tanong mo, may sample computation naman dito sa website ng quotation kung updated sa presyo yung calculator dito, makikita mo agad yung possible monthly mong babayaran pero hindi guaranteed yan baka iba yung quote na ibigay ng dealer sayo
Good!
-
Vince Sala Dec 21, 2020
Sige salamat sa mga sagot, okay din naman kasi ako sa second hand kaya dito na lang muna ako nagtanong, para derecho tingin na ko sa mga nagbebenta dito, wala din kasi ako makita kung anong year model yung binebenta, nakakatamad isa isahin yung page ng mga seller, yung karamihan pa kahit sa mismong page nila wala din nakalagay na year model
-
Ryan Kawili Dec 21, 2020
Tinignan mo ba yung tab ng Used Cars? Lahat naman ng tinignan ko mula page 1 may nakalagay na year model, karamihan pa nga 2016 model pa, hindi ko lang nilahat na ng page tignan kasi lahat naman ng nakita ko meron nakapost na year model. Tignan mo muna ulit baka iba yung tinitignan mong listahan ng mga seller madaming bago bago pa yung binebenta
Good!
-
Tagal na din pala nito
Sammy Gibal Nov 21, 2020
Ngayon ko lang nakita, 7 seaters ba to? Mukha lang kasi
-
Señor Arni Nov 24, 2020
Hindi siya seven seater mukha lang, pang apat na seater lang lima kung pipilitin may mga ganitong klase na talaga ng kotse dati pa, mukhang mahaba yung likod pero sa pagkakaalam ko eto kasi yung mga pang outing o malayuang biyahe, medyo niluluwagan yung likod para mas madaming space na pwede paglagyan ng mga gamit
Good!
-
Sammy Gibal Nov 24, 2020
Speaking of outing, ano ano ba dapat icheck bago bumiyahe ng malayo?
-
Señor Arni Nov 24, 2020
Yung gulong at radiator basic na yan, dapat kung possible lagi kang may spare tire na dala, isa lang madadala mo siyempre pero bihira naman na masiraan ka ng 2 o lahat ng gulong agad, malas ka na nga kapag nasiraan ka ng 2 gulong, himala yung 3. Radiator, check mo kung may sapat pang laman na tubig o coolant at magbaon ka din ng tubig na para sa radiator para sure
Good!
-
Marvin Sungja Nov 24, 2020
Pwede mo naman pa diagnose na lang sa ibang casa o repair shop yung kotse, Php500 o Php1000 lang yun para makita mo na din kung may problema yung kotse o wala, may mga ilang bagay na hindi mo din kasi basta basta matitignan ng simpleng check lang, yung brake fluid madalas nakakalimutan ng iba yan saka kung ayos pa yung break pads, at yung ibang parts sa loob ng kotse matitignan din yan kapag nagpadiagnose ka
Good!
Page 1 of 1
- 1
Latest Car Forum
-
resale value
plano namin bumili sana pero usually binebenta namin ang kotse after? mataas kaya resale value ng Hyundai?
-
May ibang variant?
May ibang variant ba to saka top of the line na ba yung binebenta?