Hyundai Elantra Forum "resale value"
-
resale value
Rester Tabernilla Nov 16, 2020
plano namin bumili sana pero usually binebenta namin ang kotse after? mataas kaya resale value ng Hyundai?
-
Espie Puljanan Nov 17, 2020
kumpara sa Honda parang hindi po, mababa lang ang resale value ng Hyundai since mura lang din naman na kotse ito, hindi mo wedeng ibenta ng mas mahal o same sa pagkabili niyo. Hindi katulad ng Honda knowing na maganda kasi ang quality ng mg Honda cars kapag binenta ito for sure kahit medyo mahal maganda pa din ang quality nito
Good!
-
Enrico Calderon Nov 18, 2020
Subaru, Porsche, Chevrolet ang mga kotse na mataas ang resale value kaya kung mapapansin niyo yung mga mamahalin na kotse yung may matataas na resale value para mabawi niyo ang kahit papaano ang pagbili niyo ng kotse niyo. Kaya kung ang hanap niyo ang kotse na mataas ang resale value yan ang ilan sa mga kotse na mataas ang resale value
Good!
-
John Israel Orijuela Nov 19, 2020
tama yun, yung Hyundai namin mura nalang din namin naibenta kahit wala pang one year use ito binenta na namin kasi bumili kami ng mas malaking kotse kaya need namin idispose ang Hyundai na kotse namin. Noong binenta namin walang bumibili ng value niya kaya binaba namin ang presyo nalang kasi sabi nila used na naman kaya dapat mura na ito.
Good!
-
Madelyn Tuvieron Nov 20, 2020
ganun din ang experience namin with our Hyundai car mura nalang namin ito nabenta kaya alam namin na mababa ang value niya. ako kasi mismo ang nagbenta ng kotse namin kaya binarat masyado ng mga buyer ang kotse ko at hindi namin ito nabenta ng mahal talaga, bagsak presyo nalang at tinanggap namin para lang din ma dispose ito.
Good!
-
Geri Coleta Dec 18, 2020
since Hyundai ito hindi siya katulad ng Honda na mataas ang resale value, so pag binenta mo ito dapat mura talaga at hindi mo mabenta ng halos same sa pagbili. You can try pero mahirapan ka makahanap ng seller pag ganun, pag nasubukan mo makita mo yung sinasabi ko, Nagawa na kasi namin yan sa Hyundai namin before eh
Good!
-
Bong Aquino Dec 18, 2020
I think lahat naman ng kotse kapag binenta mo mababa talaga magiging resale value nila. Hindi mo namna pwede ibenta ng sme amount na binili mo ang isang kotse talagang maging half the price na ito lalo na kung lumang model na ang ibebenta mo. Kaya maglagay kayo price na mataas at hayaan niyo ang buyer humingi ng tawad tapos doon magsimula ang tawaran.
Good!
-
Mac Espiritu Dec 20, 2020
kaya bago kayo bumili ng kotse pagisipan niyo ng mabuti kung ano ang okay sa hindi, para hindi niyo maisipan na basta ibenta ito, may ibang buyer naman na madaling kausap kapag need din nila ng kotse bibilhin na nila yung may magandang offer at good condition na kotse hindi na kailangan isales talk pa para lang bilhin, so swertehan din.
Good!
-
Cymee Custodio Dec 21, 2020
kahit ano pa ang ibenta niyo kapag luma na ito hindi mo na ito mabenta ng mataas ang presyo.niyan paluge na talaga ang magiging price niya, take it or leave it na yan. Kaya kami imbis na ibenta tinatabi nalang talaga namin kasi ang mahal mo binili tapos pag binenta mo paluge na diba not worth it so dahan dahan lang din sa upgrade.
Good!
-
Mac Espiritu Dec 22, 2020
never pa kasi namin na try na magbenta ng sasakyan kaya wala akong idea kung ano ba ang diskarte dito. If ever man kasi may mga kamag anak naman kami na willing bumili ng mga sasakyan namin kaya hindi kami namoblema dito in case gusto namin idispose ang mga sasakyan so far kasi nagagamit pa namin pareho kaya all good pa kami.
Good!
Latest Car Forum
-
May ibang variant?
May ibang variant ba to saka top of the line na ba yung binebenta?
-
Sa mga meron nito
Magkano yung nagagastos niyo per maintenance? Halimbawa every 6 months kayo nag papamaintenance full na, magkano?
-
Malaks ba ang aircon ng Hyundai Elantra?
Ilang beses nakong nakakasakay sa Grab nitong auto na to kaso lahat sila mahina ang aircon. nagkataon lang ba o mahina tlga aircon ng hyundai?