HONOR 10 Lite Reviews

Lowest Price P8,990 42 Prices
Contact Seller Shanylle General Merchandise
Storage
  • ALL
  • 32GB
  • 64GB
  • 128GB
RAM
  • ALL
  • 6GB
  • 3GB
  • 4GB
Color
A 6.21-inch waterdrop notch phone featuring a 24 MP front-facing camera, a Mali-G51 MP4 GPU and runs on Android 9.0 Pie OS.
  • Release date : Nov 2018
  • Camera Phone, Notch Phone...
  • 6.21 inches, 2340 x 1080 ...
  • 2G, 3G, 4G (LTE) ... more specs
HONOR 10 Lite

Compare prices

Specs

Reviews

Forum

News

Overall Rating

Design 3.9
Portability 3.9
Operability 4.0
Response 3.9
Display 3.9
Listenability 4.0
Battery 3.9
Total 3.9

Please feel free to post your review on this product.

Write a Review

jojo onabet

  • Review by jojo onabet
  • Mar 21, 2019
Design 4.0
Portability 3.0
Operability 3.0
Response 3.0
Display 3.0
Listenability 3.0
Battery 4.0
Total 3.3

within 3 months

magtatatlong buwan na siya sa akin pero hanggang ngayon log parin yong connectivity nito,, hinintay ko kasi na kung may mga changes ba if aabot pa sa tatlong buwan, but still loading masyado yong connection sa internet mahina makaadpat ng signal. Tapos ang other problem pa yong network connection din eh 1-2 bars lang yong makakaya di talaga siya full bars.,,ito yng disadvantages ko rito sa bagong bili ko na phone sana pala di nalang ako bumili nito nagaaksaya lang pala ako ng oras. tapos di ko pa magagamit ngayon..shinashutt down ko na nga lang para bakasakaling di na maglog. naku iwan ko talaga.

Good Review

life jolly

  • Review by life jolly
  • Mar 19, 2019
Design 4.0
Portability 3.0
Operability 5.0
Response 4.0
Display 3.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 3.9

I choose to be different

lahat naman ng bagay nakukuha sa madaling usapan yan eh. kaya naman ako sinubukan ko talaag yong mga staff doon sa cs nila if pwedi bang makahingi ako ng discounts. kasi as a regular customer ako sa kanila and then pwedi namn siguro yan dibana mkahingi ng discount,,, kaya nagtry ako if pwedi ba so nakaless talaga ako doon sa pinagbilhan ko nito sa mall and masasabi kong maganda na may discount pa, kaya naman kayo guys try niyong subukan ito magkakadiscount ka if magiging regular customer ka nila just try lang promise yan ,magugustuhan mo yong mga products nila at the same time magkakadiscount ka pa oh ha, san ka pa!

Good Review

yureena

  • Review by yureena
  • Mar 12, 2019
Design 3.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 3.0
Display 3.0
Listenability 3.0
Battery 4.0
Total 3.4

That's what it looks like

This is what my phone looks like, as in kapareha kasi nito talaga na ang phone ko ito talaga yong model. buti nalang nkita ko ito ee kasi ito lang naman ang natatangi kong souvenir nong college days ko pa, ..bago lang mga iisang taon in a half months na yata tong binigay ni mama sa akin after graduation ko, may konting konting handaan lang naman sa time ng graduation ko tapos ayon binigyan ako ni mama talaga ng phone which is honor 10 lite nganaman so unique brand phone kasi for me kaya ayon mahilig ako sa unique so nagustohan ko siya.,Im so blessed and Im contented of what i have right now.

Good Review

Deniz Cervantes

  • Review by Deniz Cervantes
  • Feb 28, 2019
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 4.0

Stunning phone

Intuitive ang interface ng phone na ito at talagang napakadaling gamitin. It feels good na hawakan ng isang kamay lang pero I made sure na nakapaglagay pa rin ako ng protective case. Camera wise, it's amazing! Hindi nga lang ako fan kung gaano ka-saturate ang pink kapag ginagamit ang selfie camera kapag maliwanag pero siguro ay merong setting ito na pwedeng maayos ito para maging okay. Okay ding gamiting panlaro ng ilang games, pag-browse sa Internet, pang message, o kaya ay mga tasks na ginagawa ko sa work ko. Overall ay nagustuhan ko ang phone na ito.

Good Review

Shari Dela Cruz

  • Review by Shari Dela Cruz
  • Feb 27, 2019
Design 5.0
Portability 5.0
Operability 5.0
Response 5.0
Display 5.0
Listenability 5.0
Battery 5.0
Total 5.0

Great phone, great battery life

Okay ang battery life nito na umabot nang dalawang araw sa moderate use ko. Maganda naman ang camera at malaki ang screen pero kasya lang sa pocket ko. Surprisingly amazing ang face unlock nito at sobrang bilis at halos 95 percent ang bilis palagi. Simple lang ang mga features nito pero okay gamitin kapag palaging naglo-lock at nag-a-unlock ng phone. Meron din akong Honor phone dati at sobrang okay nitong phone na ito.

Good Review

Ash Steinfield

  • Review by Ash Steinfield
  • Feb 27, 2019
Design 3.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 3.0
Battery 2.0
Total 3.4

May downsides pero okay pa rin namang phone

Ilang taon din akong gumagamit ng Honor 7 hanggang sa nag-upgrade ako ngayon sa Honor 10 Lite. Ito yung mga napansin ko:

Pros:
- Malaki ang memory nito kaya hindi na kailangan pang mag move ng apps from memory and storage para lang makapag free up ng space.
- Maganda ang screen nito at sobrang crisp at marami pang space para sa mga icons.
- Yung bagong version ng Android ay nagsu-support ng split screen na siyang pinaka nagustuhan ko dito.
- Sobrang useful para sa akin ng NFC at napakadaling i-set para makapagbayad.
- Manipis lang ang phone na ito kaya madaling hawakan kahit isang kamay lang.

Cons:
- Pangit yung fingerprint scanner. Madalas ko pang paulit-ulit na pini-press ito na talagang nakaka-inis kung gusto ko na kaagad magamit ang phone ko. Sa dati kong phone na Honor 7 ay okay naman kaya nagtataka ako kung bakit ganito dito.
- Pangit yung mga picture sa medyo madidilim na lugar sa naka-default na setting nito. Kailangan ko pang i-set sa night photo kung gusto kong may makitang image sa picture.
- Hindi impressive ang battery life. Heavy user ako at kailangan ko pang dalawang beses na mag-charge nito.

Overall: Malaki ang improvement kesa sa datin kong handset pero yung dating look at feel ay still the same. Mas medyo modern nga lang nang konti. Maraming downside pero okay pa rin namang phone ito.

Good Review

Rino Cassontri

  • Review by Rino Cassontri
  • Feb 26, 2019
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 4.0

It's a good phone so far

Apat na buwan ko nang ginagamit ang phone na ito at hanggang ngayon ay wala pa namang nagiging problema so far. Nag-reduced nga lang yung battery life nito siguro dahil sa napakarami kong ininstalled na applications. Siguro ay kailangan ko na rin itong i-format kasi halos mapuno na rin yung storage nito. Naka-receive ako ng update nang isang beses sa loob ng dalawang buwan. At since nung binili ko ito ay dalawang updates na ang nare-received ko.

Good Review

Tashima Cervania

  • Review by Tashima Cervania
  • Feb 25, 2019
Design 4.0
Portability 3.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 3.9

Nice phone...

Mas maliit kesa dito ang P20 Lite pero yung 148 x 71 na size at parang malaki pa rin at hindi kumportable hawakan ng kamay. Mas okay sana kung mga 143 x 67 na dapat maging limit ng size ng mga phone. Mas malapad pa kesa sa 67mm ay phablet na at hindi ito intended na hawakan ng isang kamay. Pero as fot the performance, yung os nito at yung battery ay okay na okay kahit na heavy games pa at nagba-browse ako at nanonood sa YouTube. Maganda naman ang design nito...

Good Review

Saber Dace

  • Review by Saber Dace
  • Feb 24, 2019
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 4.0

Cannot move files

I am expecting too much from this phone as in ang tagal ko pating inantay ang paglabas nito. Dati kasi ang ginagamit ko ay Redmi Note 5 at hindi ako satisfied sa performance kaya ito yung ipinalit ko. Okay ang phone na ito at very smooth ang performance kapag ginagamit ko. Isa lang yung downside sa phone na ito ay yon ay hindi ako makapag-transfer ng files ko papunta sa SD card galing sa phone. Copy files lang ang pwede kong gawin at very tedious mag kopya ng files galing sa phone to SD card bago ko i-delete ito. Sana ay pwedeng mag move ng files dito. Kaya naman nag-iisip ako kung bibili ba ako ulit ng phone at Huawei ang balak kong bilhin. Siguro ay ibibigay ko na lang ito sa sis ko.

Good Review

Lu Xhian

  • Review by Lu Xhian
  • Feb 23, 2019
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 4.0

More features

Kung gusto nyo ng mas mabilis na phone at mas longer ang battery life, ang Honor 10 Lite ay mas maganda kesa sa Xiaomi A2 pero camera wise, yung camera naman ng Xiaomi ang mas maganda kesa dito. Yon nga lang, mas maraming features ang camera ng Honor 10 Lite. As for the quality, okay naman ito after na magamit ko for 3 months ngayon. Merong 4K video recording sa Xiaomi pero wala naman dito sa Honor 10 Lite. Pero kung papipiliin ako sa dalawang phone, mas pipiliin ko ang Honor 10 Lite.

Good Review

Melay DelosReyes

  • Review by Melay DelosReyes
  • Feb 21, 2019
Design 1.0
Portability 1.0
Operability 1.0
Response 1.0
Display 1.0
Listenability 1.0
Battery 1.0
Total 1.0

Worst phone

Nagamit ko lang nang ilang weeks ang phone na ito at masasabi kong yung 3GB na variant ay talagang worst na phone kaya huwag na kayong bumili nito kahit na konti lang ang apps ay magkakaroon lang kayo ng 800MB RAM na free na hindi talaga enough para mag-run ang mga apps sa background nito plus yung gaming ay hindi talaga maganda. Nagiging choppy pa ang UI at pangit talaga ang RAM management. Palaging nagha-hang at nagla-lag at saka nagkakaroon pa ng heating issues habang naglalaro o kahit na simpleng nanonood lang ng mga videos. Thumbs down para sa akin ang phone na ito!

Good Review

Marie Arca

  • Review by Marie Arca
  • Feb 20, 2019
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 4.0

Nice specs

May malaking battery ang Honor 10 Lite at yung OS nito ay Android 9 with EMUI 9 na mas malaki pa kesa sa P20 Lite at merong chipset na mas maganda ang performance kesa sa nasa P20 Lite. Kahit na yung P 20 Lite ay merong type-C at saka merong feature na mabilis mag-charge, mas pipiliin ko pa rin ang Honor Lite dahil mas affordable ito at mas okay ang specifications. Build wise, this has a very sophisticated style at perfect for me.

Good Review

Aina Arqiuza

  • Review by Aina Arqiuza
  • Feb 18, 2019
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 3.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 3.9

Okay naman na phone...

Ito yung first na Android phone ko at sobrang na-pleased ako dito sa phone na ito. Perfect lang ito para sa kamay ko at maayos kong nahahawakan at hindi sumasakit ang kamay ko unlike sa dati kong phone.
My observation sa ngayon:
-Napakaraming apps nito at nagtatagal ako sa pagtu-turn off ng mga notifications na nakakainis talaga.
- Yung dual sim functionality nito ay hindi kasing dali nang sa dati kong phone. Medyo fiddly yung sim tray nito at palagi akong nagkakamali sa pag i-insert ng SIM.
-Meron itong plastic cover sa likod na clear at okay naman ang battery. Nai-delete ko naman nang maayos ang mga bloatwares nito.

.

Good Review

sheriee

  • Review by sheriee
  • Feb 18, 2019
Design 3.0
Portability 4.0
Operability 5.0
Response 4.0
Display 5.0
Listenability 5.0
Battery 4.0
Total 4.3

one reliable phone

Ito yung phone na binigay lang sa akin pro hanggang ngayon ito pa din ang gamit ko as spare phone. Actually halos ito na din talaga ang nagagamit ko na phone kasi matagal tagal naman ang battery life, kaso matagal lang magcharge kaya minsan naiiwan ko ito. Gusto ko ang phone na to kasi malaki ang screen maganda kapag ginagamit ko sa panunuod ng mga videos at bukod doon gusto ko ang speakers niya malakas kasi ang sounds nito kaya maganda gamitin kapag nakikinig din ng music. Hindi din papatalo ang camera niya kasi isa ito sa magandang spec ng phone na ito. kaya happy ako na nabigyan ng ganitong klaseng telepono.

Good Review

shank

  • Review by shank
  • Feb 15, 2019
Design 5.0
Portability 5.0
Operability 5.0
Response 5.0
Display 5.0
Listenability 5.0
Battery 5.0
Total 5.0

surprising phone

I got this as a gift at hindi ko expected na ganito ang makukuha ko na phone. akala ko hindi maganda pero wow!! sobrang ganda niya!! bagong phone pa ito kaya super happy ako na binigay sa akin ito nung pasko. The best sa lahat yung camera niya, grabe 24mp??? ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong kaganda na phone, natalo yung isang phone na gamit ko. ang ganda ganda ng camera niya tapos ang daming effects pa kaya excited ako lagi na gamitin ito sa mga picture picture namin. HIndi din nakaka disappoint ang battery nito ang tagal ma lowbatt, the best talaga ito!!

Good Review

Gela Prodigalidad

  • Review by Gela Prodigalidad
  • Feb 15, 2019
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 4.0

Fantastic phone

Napaka-ganda ng quality ng screen ng phone na ito. Pati capacity ng battery ay tumatagal talaga. Yung dual Sim ay parehong maayos na gumagana at hindi nakaka-annoy unlike sa Apple at sa Samsung na kelangan pang mag sign-in ako sa online account at sabihin kung aling apps ang kailangang i-keep o tanggalin at kung paano ko mai-store ang mga pictures at iba pa. Dito sa phone na ito, mas may control ako dito sa mga naka installed na apps at talagang nagustuhan at na-enjoy kong gamitin ang phone na ito. Yung quality ng camera ay hindi nga lang maikukumpara sa camera ng iPhone6 pero total deal na rin ito para sa akin lalo na yung price nito. I highly recommend it!

Good Review

Aika Scottfield

  • Review by Aika Scottfield
  • Feb 13, 2019
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 4.0

Amazed with this phone...

I purchased this phone at for less ten thousand at yung spec at yung features nitong smartphone na ito na included na yung OS nitong Android 9.0 Pie na naka-installed na at talagang napakagandang mid-range na available phone. Okay ang quality ng build nitoat hindi mukhang mid-range ang actual na itsura ng phone kundi parang mamahaling phone ito na pwedeng makipag kumpitensya sa ibang mga expensive brands. Overall, total deal na ito sa price nito dahil talagang incredibly light at amazing ang phone na ito.

Good Review

Karel Saremo

  • Review by Karel Saremo
  • Feb 12, 2019
Design 5.0
Portability 5.0
Operability 5.0
Response 5.0
Display 5.0
Listenability 5.0
Battery 5.0
Total 5.0

perfect camera

ang ganda naman ng phone na ito. Hindi ko inexpect na maganda ang Honor kasi akala ko poor quality ito hindi ko dn kasi kilala ang phone na ito. Nakita ko na ganito ang phone ng katrabaho ko at napansin ko na maganda at malaki siya kaya noong sinubukan ko siya nagustuhan ko kasi responsive ang screen niya tapos maganda ang kulay niya kahit indoors pa or low lights ang ganda ng quality niya. Nakakainggit nga eh at isa pa sa pinaka nagustuhan ko ay malakas ang speakers niya kaya okay sa pag sa sound trip.

Good Review

Reika Trinidad

  • Review by Reika Trinidad
  • Feb 12, 2019
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 4.0

Smart and stylish...

Sobrang ganda at stylish ng phone na ito. Sapphire Blue yung nabili ko at talagang nagustuhan ko ito. Sobrang bilis ng performance nito at very efficient gamitin. Yung camera nito ay isa sa pinaka the best na available na mid price range na phone. Yung display at yung quality ng video nito ay sobrang ganda at maging yung size ng screen ay okay panooran ng mga pelikula at okay din sa mga gamings. Idenesigned ito para sa mga ayaw gumastos nang sobra sa phone pero gusto ng magandang quality at reliable na phone. Decent ang capacity ng storage nito at pwede pang i-expand gamit ang microSD card slot. I really love the 24MP selfie camera na nakaka-capture ng makatotohanan at mga high quality na mga selfie. Okay din ang sound nito at yung design ay very compact at matibay. Love this phone!

Good Review

Denise Walderman

  • Review by Denise Walderman
  • Feb 11, 2019
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 3.0
Listenability 4.0
Battery 3.0
Total 3.7

Not for selfie fanatic

Okay naman ang phone na ito pero kung mahilig kang mag selfie-selfie, this is not advisable to use. It's a pretty nice na phone naman pero pagdating sa resolution ng mga pictures nito, parang hindi totoo yung 24MP na selfie camera nito dahil blurry ang dating ng mga pictures minsan. Parang comparable ito sa mga phone na meron lang na 5MP na selfie camera at hindi talaga maganda ang mga images na naca-capture ko. Mas okay pa nga ang luma kong phone na merong 12MP at 7MP na selfie camera. Overall, it's a nice phone naman pero kung mga pictures ang hilig nyo pagdating sa phone, this is not the right device for you.

Good Review

Page 1 of 2

Latest Reviews for Mobile Phones

Mid-Range phone pero unique ang pagkagawa dahil Metal finish itong Honor play which is durable at at nice rin ang screen display niya na hide talaga ang notch in case of Gaming Session unlike sa ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Acnologia
  • Date : Jan 12, 2019

Probably ang best phone na nagamit ko. Ang ganda nito maging ang camera na nakakakuha ng magagandang pictures nang napakabilis. Very solid ang pagkakagawa lalo na ang casing nito. As for the ...Read more

  • Rating : 4.0
  • Review by Nini Mijares
  • Date : Nov 30, 2018

Sobrang downgraded ng camera ng phone na ito. Ng-failed ang Honor sa sinasabi nilang 20MP na camera dahil maikukumpara ang level ng saturation nito sa isang 2MP camera phone. Parang hindi totoo yung ...Read more

  • Rating : 2.4
  • Review by Princess Manalo
  • Date : Nov 27, 2018
View Mode: PC | Mobile