Honda Vario Forum

Honda Vario

Honda Vario
Price(New)
---
Price(Used)
---
Model Vario
Displacement(cc) 124.80
Available Color
  • Black
  • White
  • Red
  • Blue
Transmission AT
Starter Electric/Kick
km Per Liter -
Fuel Tank Capacity(L) 5.5
Weight(kg) 112.0
L*W*H(mm) 1,918 x 689 x 1,103
Type Scooter
Offical Price

New & Used prices

Reviews

Forum

Please feel free to post your questions on this product.

Start a new topic

Nick Torillo

  • Nick Torillo
  • Sep 14, 2020

bakit kaya walang seller ng second na motor na ito?

Edmar Guisando

  • Edmar Guisando
  • Sep 15, 2020

baka sa ibang website meron o kaya sa mga newspaper meron ding post doon, mahirap nga hanapin ang motor na ito. Ito din kasi ang gusto ng pamangkin ko pero wala na ito sa Honda kaya kahit second hand motor ang hirap na hanapin ito. Siguro wala nga masyadong nagbenta nito kasi magandang klase ito na motor.

Good Answer

Evelyn Danganon

  • Evelyn Danganon
  • Sep 16, 2020

kapag naisipan ng pinsan ko ibenta ang motor niya na ito sasabihin ko sa kanya na ipost niya dito para makita niyo, matagal na din yung scooter niya na ito at hanggang ngayon gamit pa din talaga niya. Maganda daw kasi talaga ito since its Honda matibay talaga ang ang quality niya hindi katulad ng ibang scooter na nagamit niya.

Good Answer

Edmar Guisando

  • Edmar Guisando
  • Sep 17, 2020

Try niyo nalang ibang site din o kaya search niyo sa online para mahanap niyo ito kung meron mang seller nito. Pero nasubukan ko nga din mag search medyo mahirap talaga maghanap ng second hand na motor na ito, baka merong brandnew na motor nito na pwede niyo iask nalang sa Honda mismo baka yun nalang ang choice niyo.

Good Answer

Marithe Francisco

  • Marithe Francisco
  • Sep 18, 2020

ibig sabihin maganda siya kaya walang may gusto mag benta nito

Good Answer

Reply

jayson t. dela fuentes

  • jayson t. dela fuentes
  • Oct 19, 2018

totoo ba na ganito ang design ng bagong Honda Vario? bakit kaya maliit ang wheels nito pero pwede pa din ito palitan?

Judith Saremo

  • Judith Saremo
  • Oct 22, 2018

Ganyan talaga ang look ng Honda Vario, siguro pwede din naman palitan ang tires yan depende siguro kung compatible o hindi, tanungin niyo nalang sa talyer kung ipapagawa niyo.Siguro ganyan kasi talaga ang look niya kaya medyo maliit ang gulong sa likod. Okay nga ang design niya gusto ko din ito. naghahanap din kasi ako ng bagong motor.

Good Answer

Lou Lou Lumarang

  • Lou Lou Lumarang
  • Oct 22, 2018

Hindi pwede palitan ang likod ng gulong natanong ko na yun sabi talagang yan ang size ng gulong sa likod pwede lagyan ng design o palitan ang mags at design niya pero size dapat as it is kasi yan ang built ng motor mismo kaya hindi mo ito pwede baguhin unless ipa customized mo para edyo maging iba yung itsura niya.

Good Answer

jayson t. dela fuentes

  • jayson t. dela fuentes
  • Oct 22, 2018

talaga bah? edi ang panget pala kasi ang liit ng gulong sa likod mukhang hindi matibay ang ganitong klase na motor eh

Reply

Lance Deguzman

  • Lance Deguzman
  • Sep 8, 2018

Magkano po ang price

Kuroro

  • Kuroro
  • Oct 10, 2018 / Good Answers : 1

Hanggang ngayon wala pang seller nito kaya siguro wala pang price para sa brand new saka second hand, sa ngayon wala tayo magagawa kung hindi mag antay ng seller para sa presyo or pwede ka din magcheck sa ibang website baka may information sila sa price nito, or at least may expected price na sila para sa motor

Good Answer

Svan Alcan

  • Svan Alcan
  • Oct 10, 2018

Kapag ganyan na walang price yung brand new at second hand, malamang wala pa kasi niyan model na yan dito sa Pilipinas or reliable information tungkol sa pricing kaya hindi pa naupdate dito, kung nag hahanap ka ng expected price mas mabuti nga mag check ka muna sa ibang website, malay mo may seller ka din makita

Good Answer

Kuroro

  • Kuroro
  • Oct 10, 2018 / Good Answers : 1

Tanong ko lang, kapag halimbawa bumili ako ng brand new nito sa mismong garage ng Honda assuming na available na yung motor dito sa Pilipinas, tapos ang original color niya ay red pero nagparequest ako na palitan yung kulay sa gusto ko, sila pa din ba mag process ng papeles sa LTO or ako na maglalakad nun?

Good Answer

Svan Alcan

  • Svan Alcan
  • Oct 10, 2018

Ang alam ko kapag brand new saka mismong dealer ka bumili, additional accessory lang yung tinatanggap nilang request, hindi sila napayag sa repaint or ibang palit ng parts kaya kung gusto mo talaga mag palit ng kulay ng kotse, ipapagawa mo talaga sa pintor yun tapos panibagong lakad ng papeles ulit yun saka bayad ata

Good Answer

Reply

Lance Deguzman

  • Lance Deguzman
  • Sep 8, 2018

Magkano po

Karl Reeve

  • Karl Reeve
  • Aug 15, 2020

Wala pa ata nito sa Pilipinas kaya wala din seller pero tignan mo na lang sa mga susunod na buwan kung magkakaroon, pwede ka din magcheck sa ibang website kung may nagbebenta na nito pero sa huling check ko wala ako nakitang may ganito sa Pilipinas o Php price, Malaysia meron kaya baka doon pa lang at sa ibang bansa meron

Good Answer

Jared Punzalan

  • Jared Punzalan
  • Aug 15, 2020

Baka wala lang nagpost na seller dito kaya maganda mag check ka din muna sa iba, pero possible din na iba lang yung model name nito sa Pilipinas, nangyayari yun sa mga smartphones at kotse, research mo kung binago yung model name sa ibang bansa, kapag wala talaga edi antay lang na magkaroon ng Philippine release

Good Answer

Reply

Henjoe

  • Henjoe
  • May 31, 2017

Hello Mam, upon searching kasi, actually hindi maxado kilala si Vario Model nang Honda, Kadalasan po is Click and Beat yung nilalabas nang Honda dito sa Pinas, I just wonder if meron bang ganito talaga sa Pinas ? I mean may mga dealer ba na nagbebenta nang ganitong model ? Salamat po. :)

smurfette2017

  • smurfette2017
  • Jun 4, 2017 / Good Answers : 2

Hndi ko pa narining tong vario na ito so d ko sure din ehh

Good Answer

Mottaka

  • Mottaka
  • Jul 15, 2017

Vario and Click same lang po.
click lang po name kapag dito sa pinas,. click user po here

Good Answer

Lorenzki

  • Lorenzki
  • Oct 10, 2018

Ayun, nasagot na ang katanungan mo at sa paghahanap ko, nakita kong may Honda Click naman na nagbebenta dito sa website, search mo na lang kung interesado ka pa at gusto mo bilhin, check mo na lang din yung specs ng Vario at Click kasi minsan kahit same lang sila, may pinapalitan na parts kapag nadating na sa Pilipinas

Good Answer

Ren Ashbell

  • Ren Ashbell
  • Oct 10, 2018

Hindi lang naman sa motor or kotse nangyayari yang palitan ng parts, madalas pa nga downgrade sa specs tulad ng sa mga smartphones, gusto ko nga malaman kung bakit nila ginagawa yun tapos yung presyo same lang, hindi ba dapat mas mababa na yung price kung ganun? Saka dapat may parang warning or notice sila kapag ginagawa yun para alam ng mga buyers

Good Answer

Lorenzki

  • Lorenzki
  • Oct 10, 2018

Isa yan sa mga bagay na wala tayo magagawa kapag sa Pilipinas ka nakatira, parang lahat negosyante sa mundo, ginagawang gatasan ng pera yung Pilipinas kasi ang daming butas ng batas natin tungkol sa mga negosyo. Kahit nga mga refurbished products, hindi alam ng karamihan ng Pinoy at malamang kapag nag tanong ka sa iba hindi din nila alam yun, kaya yung ibang seller ng motor or kotse, hindi agad ako naniniwala na brand new yung binebenta nila

Good Answer

Reply

Aji IndiAno

  • Aji IndiAno
  • Feb 22, 2017

Magkano po pag hulugan? Tyaka ilang bwan?

mkultra_26

  • mkultra_26
  • Feb 23, 2017 / Good Answers : 369

Hi Aji IndiAno, Checking on the website of ph.priceprice.com it doesn't show any sellers yet posting on this item. Kaya wala po tayo magiging basis ng price nito.You may want to just check this link from time to time to see if it will be updated soon. Here is the link below so that you can check on other information. To enquire from the future sellers, just click the green button 'Go to Shop' or 'Contact Seller' so that you may know their contact information and you can start enquiring from them. Please be reminded that this website is a price range comparison site. Sellers use this website to advertise all of the items that they are selling. the website doesn't have any connection with the sellers

https://ph.priceprice.com/Honda-Vario-10039/

Good Answer

Jared Punzalan

  • Jared Punzalan
  • Aug 15, 2020

Yang tanong na yan seller lang makakasagot, bagay na wala pa sa ngayon kasi hindi pa malaman kung meron na ba nito sa Pilipinas o wala pa o wala lang talaga nagbebenta na iba, kung interested ka mag research ka na lang din ng onti tungkol sa motor kasi baka meron na sa Pilipinas, o may third channel nagbebenta niyan hindi lang kilala

Good Answer

Eric Chua

  • Eric Chua
  • Aug 15, 2020

Wala pa seller pero yung tungkol sa installment depende yan sa paguusapan niyo ng seller din, may pumapayag naman na 2 years pero madalas 1 year lang kasi mahirap na din mag track kapag masyadong matagal, mas maganda kung ibank loan mo na lang din kung gusto mo installment kasi at least hindi na kayo maghaharap ng seller, sa banko ka na derecho mag babayad pero yun nga lang may interest

Good Answer

Reply

Page 1 of 1

Latest Topics for Motorcycle

Zern Edward Seno

cheapest series

Ito naba ang isa sa mura ng Hinda pero maayos naman po ang performance? hanap mo yung matibay din sana na motor para pwede sa delivery namin.

  • Last updated : Nov 14, 2020
  • Posted by Zern Edward Seno
  • Replies of This topic : 4 Replies

‎Albert Garces

Honda scooter

Hindi ba ganito ang mga scooter type na motor? ano pinagkaiba ng underbone na motor?

  • Last updated : Nov 14, 2020
  • Posted by ‎Albert Garces
  • Replies of This topic : 3 Replies

Arnel Garcia

Paano aayusin yung clog?

May parang problema yung motor ko, nagresearch ako ng onti halos karamihan ang nakikita tungkol sa clog, kaso wala naman malinaw na solution

  • Last updated : Oct 26, 2020
  • Posted by Arnel Garcia
  • Replies of This topic : 9 Replies
View Mode: PC | Mobile